You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
JPLPC – Malvar Campus
G. Leviste Street, Poblacion, Malvar, Batangas
Tel. Nos.: (043) 778-2170 / (043) 406-0803 loc. 116
Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

COLLEGE OF ACCOUNTANCY, BUSINESS, ECONOMICS


AND INTERNATIONAL HOSPITALITY MANAGEMENT

Name: Charize Mae O. Navarro SR-CODE: 21-65133


Section: HRMGT-2102 Date: October 26, 2022

Mga Sanhi at Bunga ng Kahirapan sa Pilipinas

Ang mga sanhi ng kahirapan ng ating bansa ay korupsyon, tuluyan pagdami ng


populasyon, kawalan ng trabaho, edukasyon at hindi pagkakapantay-pantay ng tingin
ng bawat tao. Ang korupsyon ang unang sanhi ng kahirap ng ating bansa dahil sa mga
kurap na tao sa gobyerno. Sa patuloy na pagiging kurap ng mga nasa gobyerno ay
bumabagsak na ang ating ekonomiya. Ang pagdami ng populasyon sanhi ng madami
ng kabataan ang nabubuntis at hindi na nagkakaroon ng pagpaplano ng pamilya at ang
bunga nito ay mas madami na nagugutom at mas nahihirapan na magkaroon ng
edukasyon. Dumadami na lalo ang populasyon ng ating bansa kaya ang iba dito ay
nawawalan o hirap na sa paghahanap ng trabaho kaya ang nagiging bunga nito ay ang
migrasyon o pagpunta nila sa ibang bansa upang makahanap ng mas maganda
trabaho upang panunan ang mga kailangan at pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ang hindi pagkakapantay-pantay ng tingin ng bawat isa base sa antas ng pamumuhay.
Ang nasa mga nasa taas ay minamaliit ang mga nasa baba kung saan ang tingin nila
habang buhay sila aasa sa mga binibigay ng mga nasa taas at ang bunga nito ay ang
hindi pagkakaisa-isa ng mga tao sa isang bansa.
Ang aking suhestyon upang malutas ang matinding kahirapan sa Pilipinas ay
magsisimula sa gobyerno, dapat sila ang maging huwaran sa pagbabago at
pagpapaunlad sa ating bansa. Ang gobyerno ang magpakita sa mga mamamayan na
kaya palaguin at pagyamamin lalo ang bansa. Gumawa ng iba’t-ibang programa para
sa mga mamamayan katulad ng pagbibigay ng trabaho lalo na sa mga hirap na hirap sa
buhay at walang pinagkukuhanan upang maitaguyod ang kanilang pamilya at pagtatayo
ng mas madaming libreng paaralaan upang mas madami kabataan ang makapasok at
magkaroon ng edukasyon dahil ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

You might also like