You are on page 1of 34

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.

Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon


Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGTANGKILIK NG

TELENOBELANG FILIPINO SA TELENOBELANG DAYUHAN NA

ISINALIN SA WIKANG FILIPINO NG BATSELYER NG EDUKASYON

SA SEKONDARYA SA FILIPINO IKATLONG PANGKAT -B NG

QUEZOÑIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.

ATIMONAN QUEZON

AKADEMIKONG TAON

2021 -2022

UNANG SEMESTRE

PRECIOUS G.MARASIGAN

BSED FILIPINO 3-B

2021 -2022

SA PATNUBAY NI :

GNG: MITZI G.CANAYA

I
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

ABSTRAK

Ang araling pananaliksik na ito ay pinamagatang "Salik na Nakakaapekto sa


Pagtangkilik ng Telenobelang Filipino sa Telenobelang Dayuhan na isinalin sa Wikang
Filipino ng Batselyer ng Edukasyon sa Sekondarya sa Filipino Ikatlong Taon Pangkat-B ng
Quezoñian Educational College Inc. Atimonan Quezon Akademikong Taon 2021-2022".

Ito ay isinagawa upang malaman ng mananaliksik ang mga salik na nakakaapekto sa


Pagtangkilik ng Telenobelang Filipino sa Telenobelang Dayuhan na isinalin sa Wikang
Filipino. Upang malaman ang tugon ang mananaliksik ay namigay ng kwestyuner
(questioners) sa mga respondante na napili .

Layunin ng mananaliksik ng kong nakakaapekto ba ang daloy ng storya at


sinematograpiya ng isang telenobela upang ito ay tangkilikin.

II
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA I

A.PANIMULA

Ang pilipinas ay isa sa mga bansang nahuhumaling sa iba't ibang klase ng


teleserye . Matanda o bata ay kinahuhumalingan ang panunuod nito,. ito man ay drama
,katatakutan ,romansa katatawanan at iba pa.Dahil sa panunuod nakakapag bigay ng
aliw sa bawat mga pilipino at napapawi ang kalungkutan ,kung minsan pa nga ay ni
kokonekta ng mga manunuod yung kanilang napapanood sa kanilang buhay . Sa sobrang
kahumalingan ng mga pilipino sa iba't ibang teleserye o telenobela ay kahit may
ginagawa ay itinitigil nila ang kanilang ginagawa wag lang mapalampas ang kanilang
paboriting programa.

Ang sariling atin na Telenobelang Filipino ay lubos ngang napakaganda at makamasa na


sa tuwing pinanonood ng bawat pilipino ay iba't iba ang emosyon na nadarama ,katulad
na lamang ng lungkot ,tuwa ,iyak at galit . Sa napakagandang pagkakagawa ng sariling
atin na telenobela hindi maikakaila kong anong ending ang mangyayari sa katapusan.
Iba't ibang klase pa man ang pagkakagawa ng mga kwento ng telenobela patuloy parin
na tinatangkilik ng mga pilipino. Dahil sa mabubuting mga gawi at aral na mapupulot ng
mga manunuod..

Ngunit sa pag usbong ng makabagong panahon ,tunay ngang naglalabasan ang iba't
ibang klase ng panuoring telenobelang dayuhan na tila nga'y sa aking palagay ay
kinahuhumalingan ng mahigit sa isang daang pursyento ng mga kabataang pilipino , at
kahit na iba ang kaparaanan ng pag sasalita ng kanilang napapanood na telenobelang
dayuhan ay tila nga naunawaan parin nila ito .Dahil sa pag salin sa Wikang Filipino
,upang lubusang nga'ng maunawaan ng nakakaraming Bilang ng mga kabataang pilipino
. Malaki ang epekto ng telenobelang dayuhan sa telenobelang filipino dahil naglilimita
ito sa mga pilipino na tangkilikin ang ibang telenobela kaysa sa sariling atin. Dahil na rin
sa kasikatan at sa makabagong panahon.

III
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

BATAYANG KONSEPTWAL

INPUT PROCESS
OUTPUT
BSED-Fil3B Nakaka sa
pagtangkilik ng Bidyo
Demograpikong
Telenobelang
propayle Kung paano ang
Filipino:
pagsusuri sa isang
-Edad
A.Daloy ng istorya telenobela at
propaganda
-kasarian B.Sinematograpia
Upang tangkilikin
Nakakaapekto sa
-tirahan Pagtangkilik ng
ang Telenobelang
Filipino.
Telenobelang
Dayuhan:

IV
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

C.LAYUNIN NG PAG AARAL

Layunin ng mananaliksik na matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa pagtangkilik ng


telenobelang filipino sa telenobelang dayuhan na isinalin sa Wikang Filipino .
Makapagbigay ng hinuha at suhesyon na maaaring makatulong sa nasabing suliranin.
Upang malaman rin ng mananaliksik ang mga salik na nagpipigil sa mga pilipino na
tangkilikin ang telenobelang dayuhan kaysa sa sariling atin.

1.Ano -anu ang nakakaapekto sa pagtangkilik ng telenobelang filipino sa :

A.Daloy ng istorya

B.Sinematograpiya

2.Ano-anu ang nakakaapekto sa pagtangkilik sa telenobelang dayuhan sa :

A.Daloy ng istorya

B.Sinematograpiya

3.Nakakaapekto ba ang daloy ng istorya at sinematograpiya ng isang telenobela upang


ito ang tangkilikin?

V
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

D.KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Makakatulong ang pag aaral na ito upang matukoy ng mga mag aaral ang kahalagahan
Kong bakit kinakailangan na tangkilikin natin ang ating sariling telenobela.

Makakatulong din ito upang mas lalo pang mapalawak at mapaunlad ng mgamanunuod
ang kanilang kaisipan patungkol sa nasabing suliranin.

Magiging lubos na interesado ang manonood kong tuluyan matutukoy ng mananaliksik


ang tunay na kagandahan ng daloy ng istorya ng telenobelang filipino.

Makakatulong rin ito upang malaman ng mga kabataang pilipino sa Ikatlong pangkat -B
sa Quezoñian Educational College Inc sa Akademikong Taon 2021-2022 kong
nakakaapekto ba ang daloy ng istory at sinematograpiya ng isang telenobela upang ito
ang tangkilikin .

Ang mga tumatangkilik ng telenobelang dayuhan ay magiging intersadong sumubaybay


sa telenobelang filipino kong mailalahad ang tunay na epekto ng Telenobelang Filipino
sa buhay ng mga Pilipino partikular na ang kabataan

VI
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

E.SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pag aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga kabataang pilipino na manunuod at
sumusubaybay sa telenobelang filipino at telenobelang dayuhan . Ito ay gagawin sa
ATIMONAN QUEZON na kong saan may (20)dalawampu respondante at ang aking mga
magiging respondante ay mag aaral mula sa BATSELYER NG EDUKASYON SA
SEKONDARYA NG FILIPINO IKATLONG PANGKAT -B SA QUEZOÑIAN EDUCATIONAL
COLLEGE INC. AKADEMIKONG TAON 2021-2022 .Ang gagamitin sa pagkalap ng
impormasyon ay ang pamamahagi ng kwestyuner upang makakalap ng mga
impormasyon tungkol sa naturang suliranin na nais hanapan at malaman ang kasagutan
.

F. DEPINISYON O KATAWAGAN

DEMOGRAPIKONG PROPAYLE- Ang demograpikong propayle ay mga impormasyon


katulad edad, lahi, etnisidad, kasarian, marital status, kita, edukasyon, at trabaho.
Madali at epektibo mong makokolekta ang mga ganitong uri ng impormasyon gamit ang
mga tanong sa survey.

SINEMATOGRAPIYA- Ang pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa manonood


ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.

PROPAGANDA- Ang propaganda ay komunikasyon na pangunahing ginagamit upang


maimpluwensyahan ang isang madla at isulong ang isang agenda,.

VII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

TELENOBELANG FILIPINO- Ito ay ang panuorin na nanggaling mismo sa pilipinas katulad


ng soap operas ,pelikula at marami pang iba . Na pinanonood ng maraming mga Bilang
ng pilipino

TELENOBELANG DAYUHAN- Ito ay ang panuorin na galing sa ating mga dayuhan katulad
ng Chinese drama, koreanovelas, chinovelas,mexico novelas at marami pang iba.

KWESYUNER-Ang talatanungan o sarbey kwestyuner ay isang malawakang paraan sa


pagkuha ng mga impormasyon sa isang pananaliksik

VIII
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA II

Mga kaugnay na Pag aaral at Literatura

Ang kabanatang ito ay tungkol sa mga kaugnay na Pag aaral at Literatura na nalikom
ng mananaliksik sa paksang " Salik na nakakaapekto sa Pagtangkilik ng Telenobelang
Filipino sa Telenobelang Dayuhan na isinalin sa Wikang Filipino Ikatlong Taon Pangkat-B
ng Quezoñian Educational College Inc. Atimonan. Quezon Akademikong Taon 2021-
2022.

A.Mga Kaugnay na Literatura

Sa panahon ngayon nakikita na napakalawak ng impluwensya sa mga Pilipino ang


panunuod ng iba't ibang klase ng mga banyagang pelikula.

Lalo na ang malaking tulong nito sa pag angat ng isang industriya sa bansa. Samantalang
tunay ngang nasisiyahan ang mga manunuod sa tuwing nakakapanood sila ng iba't ibang
klase ng pelikulang ng galing sa loob at labas ng bansa , na nagiging dahilan ng kanilang
kawilihan at pagtangkilik dito.

Ang mga telenovelas o mga soap operas ay isang napakalaking hit sa bansa noong
90'sng mga malalaking entertainment network na nagpakilala ng mga sikat na Mexican
telenovelas na "Marimar" at "Betty La Fea" na nakuha ang puso ng mga maraming
Pilipino.

Ngunit noong 2003, nakita sa telebisyon sa Pilipinas ang isang makabuluhang pagbabago
ng focus sa serye at palabas mula sa ibang bansa na mas malapit sa Pilipinas tulad ng
Taiwan at South Korea. Samakatuwid, ang "Asianovelas" o Asian soap operas ay
ipinakilala, simula sa hit Taiwanese drama series, "Meteor Garden" na ipinalabas noong
Mayo ng taong 2003. Sa parehong taon, ang pagtaas ng Hallyu o Korean Wave ay kinuha
din ang bansa na parang bagyo. Simula noon, ang Asianovela craze ay lumalaki at naging
popular lalo na sa pagpapakilala ng Korean dramas sa Philippine TV.

3
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Naka dubbed man ito sa Tagalog o pinanood na may subtitle na Ingles, ang mga Pilipino
ay nakaaantig sa mga superstar ng Chinese at Korean na may magandang hitsura at
hindi maikakaila na charisma.

Sa kabila ng pagkakaroon ng sariling "teleseryes" o serye sa TV, mga drama at


antholohiya , ang mga Pilipino ay hindi maiwasang mahulog ang puso sa K-Drama ,
Asianobelas , mexicanovelas.

Batay sa isang artikulo mula sa M2.0, ang unang bagay kung bakit popular ang mga
Korean drama sa maraming Pilipino ay dahil sa tema nito. Karaniwang sa ating mga
pilipino ay mas nagiging interesado tayo sa pinanonood natin kapag nakarelate o
nailalagay natin yung sitwasyon natin sa ating pinanonood .

Karaniwang ang tema ng mga Telenobelang Dayuhan ay tungkol sa pakikipag kaibigan


,romansa at pamilya ,kasaysayan at marami pang iba na minsan na papalooban ng
kaugalian ,tradisyon at kultura ,na tiyak na kapopulutan nang mga manunuood ng aral.

Bukod sa magandang kwento ng mga telenobelang dayuhan at magandang


cinematograpiya . Dahil dito na aapektuhan ang mga Pilipino sa kong paano ito
tangkilikin Bata man o matanda .Lalo na ang kilig factor na dala nito sa mga kabataan na
tila tunay ngang nakakabighani at tila ba'y maaaring mangyari sa tunay na buhay .

Ayon sa magasin na inilathala ni Mary Rose Magcamit (2013)nakasulat dito na ang


isang katangian ng panitikan ay kaya nitong makisabay sa daloy ng panahon. Sa tulong
ng mga alagad ng sining at manunulat, ang mga kuwentong unang narinig at nabasa ay
maaari nang masilayan sa mas mataas at makulay na antas ng sining—ang pelikula.

Sa panahon nga natin ngayon napakalaking impluwensya ng ating iba't ibang klase ng
pelikula na pinanood , Lalo na sa buhay ng mga mamamayang pilipino bagamat dahil sa
makabagaong teknolohiya nagkaroon ng mas magandang kulay at magandang kwento
ang isang pelikula at nabibigyag buhay ang mga bagay na imposible.

Sa pag usbong ng makabagaong henerasyon at makabagaong teknolohiya tunay ngang


Hindi maikakaila na maganda ito at kaakit akit na panoorin .

4
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ang ating mga napapanood ay isang obrang pansin na kakikitaan natin ng kultura
,tradisyon ,kaugalian at saloobin at pagpapahalsga ng tao sa bansang pinagmulan nito .

Kalimitan ito ay sumasalim sa sa bayan o sa isang lugar na kong saan ito pinangyarihan
.Naapektuhan din nito ang pag uugali at kaparaanan ng pag iisip ng mga manonood .
Ang isang pelikula ay na kinakailangan ng mahabng proseso upang mabigyan ng
magandang resulta ito .

Kinakailangan na malinaw na maipakita sa isang pelikula ang layunin nito. Kelangan din
na maayos na maihatid ang mensahe ng isang pelikula upang hindi magkaroon ng
kalituhan ang mga manonood .

Iba iba din ang pinapaksa o ang tema nito na kadalasan na ito ay tungkol sa tunay na
buhay o may kinalaman sa suliranin sa lipunan upang mabigyang sulosyon ito at maging
inspirasyon sa ibang tao.

Kung minsan tungkol naman ito sa pag ibig na umusbong sa maling pagkakataon at
marami pang iba.

Ngunit sa dami nga ng palabas na umusbong at patuloy na namamayagpag sa loob at


labas ng ating bansa tunay ngang ito ay kaaya aya na panoorin . Lalo na ang Asianovelas,
Koreanovelas, Taiwanobelas at Japanovelas na ginagamit sa kasalukuyan upang tukuyin
ang pinagmulan ng isang bansa .

Bawat bansang ito ay may iba't ibang serye sila na ipanahahatid sa mga madla .
Pinakamarami dito ay ang serye sa Korea ang kalimitang tinatangkilik ng mga
manonood.Ngunit base sa aking pag aaral nasa mahigit 80% porsyento ang nasisiyahan
dito . Katulad na lamang ng Koreanovelas na Sweet Home (2020) , All of us are dead na
eniere ngayon 2022 . Maraming mga kabataan ang nag abang na ito'y panoorin .

Na tunay ngang ang mga palabas na nabanggit ay kahali halina dahil sa taglay na
kagandahan at may malinis na takbo ng kwento. Isa sa mga pangunahing dahilan Kong
bakit gustong gusto panoorin ito ay ang mga taga ganap sa kwento na babae at lalaki na

5
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

may magagandang itsura na kinakikiligan ng mga kabataan. At ang pag iiba iba ng mga
magkakatambal sa bawat palabas.

Ang panonood o pagtangkilik natin ng iba't ibang palabas na galing sa ibang bansa ay
nagiging dahilan ito upang malaman natin ang kanilang kaparaanan ng pamumuhay ,
tradisyon na nag reresulta ito upang respetuhin natin ang kanilang kabaihan sa ating
mga pilipino . Nagiging daan din ito upang maunawaan natin sila base sa ating mga
napapanood na palabas na galing sa kanilang bansa.

Kapansin pansin naman sa panonood ng Telenobelang Filipino ay halos


magkakaparehong ang tema o daloy ng isang kwento . Minsan pa ay madaling hulaan
ang katapusan ng isang kwento.Kalimitan sa katapusan ng isang kwento ay patay ang
kontrabida. Ang bida naman sa kwento ang siyang nagwawagi . Kung minsan naman
para maiba ang kahahantungan ng isang kwento ay ginagawa nilang malungkot ang
katapusan ng kwento ,minsan ay patay ang bida sa kwento upang magkaroon o
mabakas ng manunuod ang lungkot . Na kong minsan ay putol ang isang kwento na nag
reresulta upang magkaroon ng pangalawang session.

Panisin din sa isang palabas ay masaya ang panimula ng kwento hanggang sa unti unti
itong maging malungkot at lumabas ang antagonist. Ang bida ay papahirapan at dadaan
sa napakahirap na sitwasyon .Masasaktan at mahihirapan siya ng husto hanggang sa siya
ay makatakas o may tumulong sa bida . Katulad na lamang telenobelang Filipino ay
Kadenang ginto na eneri noong 2019 . Tungkol ito sa isang pamilya na hindi
magkakasundo , tungkol sa isang katauhan na malalaman natin na ni pinagsamantalahan
angg bida .

Hindi lamang ang Pilipinas ang napukaw ang atensyon sa mga Asyanong soap opera.
Pinaniniwalaang sikat din sa ibang mga bansa tulad ng Hong Kong, Tsina, Singapore,
Indonesia at maging sa Hawaii at iba’t bang bansa sa Asya. Ang mga Asyanong soap
opera lalo’t higit ang mga Koreyanong drama (Cabato, 2004; Wang, 2006; Forrester,
2005).

6
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ang paglaganap ng mga adaptasyong teleserye at pelikula sa Asya partikular dito sa


Pilipinas ay nagdulot ng positibo at negatibong epekto sa atin. Unahin na natin sa
positibong epekto, lumalawak ang ating kaalaman sa kultura at iba pang tradisyon ng
iba’t ibang bansa. Dito rin natin nalalaman ang pagkakapare-pareho at pagkakaiba ng
tradisyon, kultura, pamihiin natin at ng iba pang bansa. Natututo din tayong linangin ang
ating kaalaman sa paggawa ng isang pelikula o teleserye.

KAUGNAY NA PAG AARAL

Ayon sa isang pag-aaral ng mga mag-aaral ng kolehiyo ng komersiyo sa Unibersidad


ng Santo Tomas,

“Ang pelikula ay isa sa mga kinikilalang sining kasama ng pagpipinta, eskultura, musika,
drama at arkitektura na nagbibigay ng yaman sa ating pamumuhay. Sa kasalukuyan, ang
pelikula ang may pinakamalawak na impluwensiya sa publiko dahil sa kakayahan nitong
magpakita ng mga damdamin at sitwasyon na sadyang mauunawaan ng mga manonood.

Ayon sa site na Wikipedia,

“Ang pelikula, kilala bilang pinilakang tabing, ay isang larangan na inaangkop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng
libangan.

Dahil naging pangunahin nang tagapamagitan sa pagpapakita ng mga gumagalaw na


larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng
akademya bilang pag-aaral ng pelikula. Isa itong

anyo ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at pati na rin negosyo.

7
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang


ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun. Isang
katangian ng panitikan ay kaya nitong makisabay sa daloy ng panahon.

Sa kabilang panig maraming kaugnay na usapin sa pagsasalin ng wika. Ayon kina


Koolstra, Peeters, at Spinhof (2002) ang pagsasalin (dubbing) ng wika ay nakakaapekto
sa mensahe. Una, imposibleng maisalin ang orihinal na teksto ng buong-buo. Sa
pagsasalin ng wika, kinakailangan na itama ito sa pagbuka ng bibig ng mga gumaganap
sa palabas; ang orihinal na musika ay tinatanggal din at ang mga manunuod ay
kailangang makinig upang maunawaan ang pinapanood.

Ayon naman kay Salazar, ang panitikan ay siyang lakas nanagpapakilos sa alinmang uri
ng lipunan.

Sinasabi ring ito ay bunga ng mga diwangmapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo


ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Ito ay isang kasangkapang
lubos na makapangyarihan.

Maari itonggumahis o kaya'y magpalaya ng mga nagpupumiglas na ideya sa kanyang


sariling bartolina ng porma at istruktura.

8
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA III

Metodo ng Pananaliksik

1.1 Uri ng Pananaliksik

Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik(descriptive


research) Ito ang pinili ng mananaliksik dahil gumamit siya ng talatanungan (survey
kwestyuner) Upang makapangalap ng mga datos may kaugnayan sa paksa.

Naniniwala ang mananaliksik na epektibo at angkop ang kanyang napiling deskriptibong


pananaliksik dahil ito ay naayon sa kanyang mga itinalagang katanungan tungkol sa Salik
na nakakaapekto sa pagtangkilik ng Telenobelang Filipino sa Telenobelang Dayuhan.
Dahil dito mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa respondent .

Base dito, limitado lamang ang bilang ng respondante na sasagot sa mga talatanungan ,
subalit ang uri ng disenyong ito ay hindi lamang naka depende sa dami ng bilang ng
sumagot sa nasabing talatanungan.

1.2 Lunan ng Pag aaral

Ipinakikita sa pananaliksik na ito ang mga Salik na nakakaapekto sa pagtangkilik ng


Telenobelang Filipino sa Telenobelang Dayuhan na isinalin sa Wikang Filipino ng
Batselyer ng Edukasyon sa Sekondarya sa Filipino Ikatlong Taon Pangkat-B ng Quezoñian
Educational College Inc. Atimonan Quezon Akademikong Taon 2021-2022.

9
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

1.3 Mga Kalahok

Ang pinili ng mananaliksik ay ang mag aaral sa Ikatlong Taon Pangkat-B sa


Quezoñian Educational College Inc. Pinili ang mga kalahok gamit ang 'Random Sampling'
Dahil alam ng mananaliksik na may malaking representasyong makatulong ang mga
respondante base sa isinagawang pag aaral . Sa gayon upang malaman nga ang mga
Salik na nakakaapekto sa pagtangkilik ng Telenobelang Filipino sa Telenobelang
Dayuhan. Ang pag sagot ng mga respondante sa kwestyuner ng mananaliksik ay ibabase
ang resulta sa isinagawang pag aaral

.1.4 Instrumentong Pananaliksik

Ang instrumento na ginamit ng mananaliksik ay pag sasarbey . Ang aking mga


talatanungan ay naglalaman ng mga katanungan na sasagutan ng mga respondante at
ito rin ay naglalaman ng maaaring maging resulta ng mga sagot ng mga respondante
ukol sa " Salik na nakakaapekto sa pagtangkilik ng Telenobelang Filipino sa
Telenobelang Dayuhan na isinalin sa Wikang Filipino ng Batselyer ng Edukasyon sa
Sekondarya sa Filipino Ikatlong Taon Pangkat-B ng Quezoñian Educational College Inc.
Atimonan Quezon Akademikong Taon 2021-2022.

Ang aking mga respondante ang nagbigay ng kanilang maayos na partisipasyon sa


bawat aking mga katanungan na ibinato sa pamamagitan ng mga talatanungan na aking
ginawa na naglalaman ng mga tunay na pananaw at karanasan .Upang hindi magkaroon
ng kalituhan sa mga respondante at tanging kaliwanagan lamang ang dapat nilang
malaman kong kaya't ito'y aking isinagawa .

1.5 Mga Teknik sa Pagtuturo

10
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ayon sa magasin na inilathala ni Mary Rose Magcamit (2013)nakasulat dito na ang


isang katangian ng panitikan ay kaya nitong makisabay sa daloy ng panahon. Sa tulong
ng mga alagad ng sining at manunulat, ang mga kuwentong unang narinig at nabasa ay
maaari nang masilayan sa mas mataas at makulay na antas ng sining—ang pelikula.

Ang mananaliksik ay magbibigay ng nakakaaliw na pamamaraan ng paggamit ng


masining na pagpapakita ng iba't ibang klase ng Telenobelang Filipino batay sa paggamit
ng salita at wika.Upang magkaroon ng pokus ang mga mag aaral sa sariling ating gawa at
pahalagahan pa rin ang ating kultra tradisyon at paniniwala .

1.6 Istatistikal tritment na mga datos

Ang pangunahing layunin sa pag aaral na ito ay malaman ang salik na nakakaapekto sa
pagtangkilik ng Telenobelang Filipino at Telenobelang Dayuhan sa daloy ng istorya at
sinematograpiya. Ito ay tumatalakay sa resulta na nakalap na mga datos ng mananaliksik
. Na naging tugon ng mga respondante. Ang mga nakalap na datos ng mananaliksik ay
inaral at binigyang kahulugan sa pamamagitan ng Salik na nakakaapekto sa pagtangkilik
ng Telenobelang Filipino sa Telenobelang Dayuhan na isinalin sa Wikang Filipino ng
Batselyer ng Edukasyon sa Sekondarya Ikatlong Taon Pangkat-B ng Quezoñian
Educational College Inc. Atimonan Quezon Akademikong Taon 2021-2022

11
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

WM= 3n + 2n + 1n + n

WM= Weighted Mean

n= Bilang ng respondante

N= Kabuuang Bilang ng mga respondante

Upang mas higit na maunwaan ang interpretasyon ng resulta ang sumusunod na


iskala ay nagsisilbing gabay upang ito ay matukoy.

Iskala rating Agwat ng salaw Berbal na Deskripsyon

3 2.56-3.25 Lubos na Sumasang Ayon

2 1.75-2.25 Sumasang Ayon

1 1.00-1.75 Hindi Sumasang Ayon

12
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA IV

PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito naglalahad ng pagtatasa ng presentasyon ng mga datos na nakalap


ng mananaliksik ang kanilang mga tugon ay inilahad sa pamamagitan ng mga
sumusunod. Tignan at sa ibaba upang lubos na maunawaan ang mga nakalap na datos.

KASARIAN NG KALIMITAN BAHAGDAN


RESPONDANTE

BABAE 8 40%

LALAKI 12 60%

KABUUAN 20 100%

EDAD NG MGA RESPONDANTE EDAD

20-25 15

26-30 2

31-35 2

36-45 1

46-50 0

13
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

TALAHANAYAN 1.1

Ang nakalap sa pag aaral dito ng mga respondante ng manaliksik ay nakuha ng


dalawampung respondante . Ang mga babaeng tagatugon ay nakuha ng 40%
BAHAGDAN na kung saan naging mas mataas na bahagdan ang mga lalaki na 60% .

TALAHANAYAN 1.2

Mga nakalap na datos tungkol sa " SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGTANGKILIK NG


TELENOBELANG FILIPINO SA TELENOBELANG DAYUHAN NA ISINALIN SA WIKANG
FILIPINO NG BATSELYER NG EDUKASYON SA FILIPINO IKATLONG TAON PANGKAT B-NG
QUEZOÑIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG TAON
2021-2022.

BILANG DISKRIPSYON

3 Lubos n Sumasang Ayon

2 Sumasang-ayon

1 Hindi Sumasang-ayon

14
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Mga nakakaapekto sa pagtangkilik ng Telenobelang Filipino:

TANONG LSA SA HSA WM RANGGO

(3) (2) (1) (Weight


mean)

Magandang kuha 15 5 0 4.25 Una


ng aktor at aktress

Nakakapagbigay 19 1 0 2.95 Ikalawa


inspirasyon

Magandang lenti 17 4 0 2.95 Ikatlo


ng kamera

Paulit ulit na tema 18 2 0 2.9 Ikaapat

Hindi nakakalitong 16 4 0 2.8 Ikalima


pagkakasunod
sunod ng serye

Kagandahan ng 0 17 3 1.85 Ikaanim


salaysay ng serye

Eksena na ginaya 0 11 9 1.55 Ikapito


sa ibang serye

Malamang akting 0 3 17 1.15 Ikawalo

15
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Pagkasunod sunod ng mananaliksik ang mga nakalap na datos ayun sa mag respondante
g nakalap sa mga katanungan mula sa pinakamataas hanggang sa mababang bahagdan
sa Telenobelang Filipino:

1."Magandang kuha ng aktor at aktress" ito ay nakakuha ng Kabuuang Weight mean na


4.25 kaya ito naging una sa RANGGO . Na may pinakamaraming Bilang ng Lubos na
Sumasang Ayon na labing Lima.

2."Nakakapagbigay inspirasyon 'ito ay nakakuha ng weigh mean na 2.95 Kaya ito naging
ikalawang ranggo

3."Magandang lentil ng kamera'ito ay nakakuha ng weight mean na 2.95 halos na may


labing pitong Bilang ng Lubos Sumasang Ayon .ito ay Ikatlong ranggo.

4."Paulit ulit n la tema l'ito ay nakakuha ng weight average na 2.9 .Kaya ito naging
ikaapat na RANGGO.

5.Hindi nakakalitong pagkasunod sunod ng serye"Ito ay nakakuha ng weight average na


2.8.kaya ito naging ikalimang ranggo.

6."Kagandahan ng salaysay ng serye" ito ay nakakuha ng Kabuuang ng weight average


na 1.85 Kaya ito naging ikaanim na RANGGO.

7.Eksena na ginaya sa ibang serye" ito ay may weight mean na 1.55 Kaya ito naging
ikapitong ranggo.

8."Malamyang akting'" ito ay may 1.15 na weight average Kaya ito nakakuha ng 1.15.

16
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

SA TALAHANAYAN NA ITO NA MAY PAMAGAT NA NAKAKAAPEKTO SA PAGTANGKILIK


TELENOBELANG FILIPINO" PINAKIKITA ANG RANGGO AT KABUUAN NA SUMAGOT NA
RESPONDANTE.

AYON NAMAN SA INTERPRETASYON NG MANANALIKSIK AT KONG SUSUMAHIN ANG


KABUUANG WEIGHTED MEAN AY 19.365.MAKIKITA DITO NA TUNAY NGANG
NAKAKAAPEKTO ANG DALOY NG ISTORYA AT SINEMATOGRAPIYA SA ISANG
TELENOBELA..

Mga nakakaapekto sa pagtangkilik ng Telenobelang Dayuhan:

TANONG LSA SA HSA WM RANGGO

Magandang 20 0 0 3 Una
Lugar ng
pinangyarihan

Magandang 19 1 0 2.95 Ikalawa


twist

kaabang 15 5 0 2.75 Ikatlo


abang

Magandang 14 3 3 2.55 Ikaapat


background
music

17
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Original na 15 3 3 2.55 Ikalima


tema

Magandang 13 3 4 2.45 Ikaanim


trailer

Magandang 10 10 0 2.5 Ikapito


kuha ng aktor
at aktress

Magagaling 10 10 0 2.5 Ikawalo


na aktor at
aktress

Pagkakasunod sunod ng mananaliksik ang mga nakalap na datos ayun sa mga


respondante na nakalap sa mga talatanungan Mula sa pinaka mababa hanggang sa
pinaka mataas na bahagdan.

1."Magandang Lugar ng pinangyarihan" ito ay nakakuha ng weight average na 3 Kaya


ito naging unang ranggo.

2."Magandang twist' ito ay nakakuha ng weight mean na 2.95 Kaya ito naging ikalawang
ranggo.

3.Kaabang abang" ito ay nakakuha ng weight average na 2.75 Kaya ito naging Ikatlong
ranggo.

4."Magandang background music' ito ay nakakuha ng weight average na 2.55 Kaya ito
naging ikaapat na RANGGO . Dahil meron itong labing apat ng bilang ng Lubos na
Sumasang Ayon.

5.a"Original na tema' nakakuha ito ng weight average na 2.55 Kaya ito naging ikalimang
ranggo . Dahil meron itong labing kimang Bilang ng Lubos na Sumasang Ayon.

18
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

6."Magandang trailer"nakuha ito ng 2.45 na weight mean Kaya ito naging ikaanim na
RANGGO.dahil meron itong Bilang ng Lubos na Sumasang Ayon na labing tatlo.

7.Magandang kuha ng aktor at aktress' ito ay nakuha ng weight mean na 2.5Kaya ito
naging ikapitong ranggo.

8 Magagaling na aktor at aktress" ito ay nakuha ng weight mean na 2.5 .Kaya ito naging
Ikawalong ranggo .na nakuha ng Kabuuang Bilang ng Lubos na Sumasang Ayon sampo.

SA TALAHANAYAN NA ITO NA MAY PAMAGAT NA NAKAKAAPEKTO SA PAGTANGKILIK


NG TELENOBELANG DAYUHAN.IPANAKIKITA ANG RANGGO AT KABUUAN NG MGA
SUMAGOT NA RESPONDANTE .AYON NAMAN SA INTERPRETASYON NG
MANANALIKSIK AT KUNG SUSUMAHIN ANG KABUUANG WEIGHTED MEAN AY 17.55
.NA MAKIKITA DITO AT MABABAKAS NA ANG MGA MAGANDANG KUGAR NG
PINANGYARIHAN, MAGANDANG TWIST ,AT KAABANG ABANG , MAGANDANG
BACKGROUND MUSIC,ORIHINAL NA TEMA AT MAGANDANG TRAILER AT MALAKING
EPEKTO SA PAGTANGKILIK NG MGA MANUNUOD.

PERSEPSYON NG PAG AARAL

Matatagpuan sa bawat talahanayan ito ang mga datos sa bawat ebalwasyon ng mga
respondante ang mga salik na nakakaapekto sa pagtangkilik ng Telenobelang Filipino sa
Telenobelang Dayuhan.

Kayat tunay ngang ang Telenobelang Filipino ay nakaka impluwensya sa bawat


mamayang pilipino .Nakakapagbigay ng ng inspirasyon sa bawat mamamayang pilipino

19
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

at ito ay nakakuha ng 4.25 'Magandang kuha ng kuha ng aktor aktress kaya ito ay naging
unang ranggo.Meron itong labing lima na respondanteng Lubos na Sumasang Ayon.

Dahil dito sa nakalap ng mananaliksik na datos mula sa mga respondante napag alaman
na higit talagang nakakaapekto ang daloy ng istorya at sinematograpiya upang
tangkilikin ito ng mga mamayang pilipino. Maging telenobelamg Filipino ito o
Telenobelang Dayuhan.

Higit na rin dito mas nagiging ka aya aya sa mga manunuod ang ' Lugar ng pinangyarihan
' kong maganda at napapahon ang lugar na ito. Ang malamyang akting' ng isang
telenobela ay higit na nakakaapekto sa mga manunuod kaya dapat ito ay maganda ang
pagkakabigay ng emosyon sa isang telenobela upang makakonect sa puso ng bawat
manunuod .

20
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA V

LAGOM

Sa pag aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga Salik na Nakakaapekto sa


Pagtangkilik ng Telenobelang Filipino sa Telenobelang Dayuhan na isinalin sa Wikang
Filipino ng Batselyer ng Edukasyon sa Sekondarya Ikatlong Taon Pangkat-B ng Quezoñian
Educational College.

Gumamit ang mananaliksik ng Deskriptibong Pananaliksik (descriptive research) sa


pamamagitan ng pag aaral na ito ang mananaliksik ay nagsagawa ng isang survey upang
mapagalaman ng mananaliksik ang katugunan ng mga respondante.

Batay sa pananaliksik na isinagawa ang mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod


na konklusyon:

1.Hindi nakakaapekto sa mga manunuod ang Ilan sa mga pilipino ang ba't ibang klase ng
Telenobelang Dayuhan.

2.Higit ngang nakakaapekto ang daloy ng istorya at sinematograpiya sa Telenobela


upang ito ay tangkilikin.

3.Ang masamang persepsyon sa panunuod ng Telenobela ay nakaapekto upang ito ay


hindi tangkilikin.

21
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

REKOMENDASYON

Batay sa resulta ng pag aaral na isinagawa ,inirerekomenda ng mananaliksik ang


mga sumusunod:

1.Upang mas lalong tangkilikin ng mga mamamayang pilipino pag ibayuhin at patuloy na
pagandahin ang pag gawa ng iba't ibang klase ng Telenobelang Filipino .

2.Upang hindi malihis ang atensyon at puso ng mga manunuod ay dapat na mas
gumawa ng mga Telenobela na maaaring makapag bigay inspirasyon sa mga pilipino.

3. Para naman mas lalong magkaroon ng buhay ang isang Telenobelang Filipino hubugin
ng maayos ang mga taga ganap sa palabas at ang bawat lugar na pangyayarihan ay
kaaya aya o kaakit akit sa mga manunuod .

4 Para naman sa mga manunuod ipag patuloy lamang ang pagtangkilik ng sariling gawa
ng ating bansa upang mas lalong yumabong o umunlad ang pilipinas . Hindi rin naman
masama na tangkilikin ang gawa sa ibang bansa o Telenobelang Dayuhan maganda pa
nga yun nakakapanood tayo ng gawa ng mga dayuhan dahil nagkakaroon tayo ng
kaalaman at impormasyon ng kanilang Lugar nalalaman natin ang kanilang paniniwala ,
tradisyon , kultura . Ngunit ibalanse lamang dapat natin at wag kalimutan ang sarilin
atin.

22
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

SANGGUNIAN :

PAMAGAT NG ARTIKULO: Bakit Nga Ba Maraming sa mga Pilipino

ang Nahuhumaling sa (K-Drama) Koreanovelas

Petsa: Perbrero 11,2018

May akda: Kristher Rose Fabular

Web address:http://krlfab.blogspot.com/2018/02/bakit-nga-ba-maraming-sa-mga-
pilipino.html?m=1

https://i2.wp.com/www.hellokpop.com/wp-

http://hiwagangpelikulangbollywood2007-2008bkogspot.com

http://academia .com>Kabanata

http://Philippine one.com>sarangh...

http://tl.m.wikiipidea.org> wiki>p...

23
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

APEDISES

TALATANUNGAN

Panuto: Isulat sa patlang ang hinihinging impormasyon ayon sa Akademikong Propayl.

Pangalan (Opsyonal):____________________

Edad:___________

Kasarian:___________

Pangkat/ Seksyon:_____________

Tirahan:______________

Mahal na Respondante:

Pagbati ng kapayapaan

Ako po ay mag aaral mula sa Batselyer ng Sekondarya ng Filipino sa Quezoñian


Educational College Inc. Atimonan Quezon ay kasalukuyang nagsusulat ng
pamanahonang papel na may kaugnayan tungkol sa SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA
PAGTANGKILIK NG TELENOBELANG FILIPINO SA TELENOBELANG DAYUHAN NA
ISINALIN SA WIKANG FILIPINO NG BATSELYER NG EDUKASYON SA sa FILIPINO
IKATLONG TAON PANGKAT B-ng QUEZOÑIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-2022.

Kaugnay nito inihanda ng mananaliksik ang kwestyuner upang makakalap ng mga


datos na kinakailangan sa aking pananaliksik.

Inaasahan ko ay ang inyong kooperasyon at lubos na katapatan sa pagsasagot ng mga


nasabing katanungan. Mangyaring sagutan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak

24
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

kong ang mga impormasyon na inyong ibabahagi ay mananatiling kompedensyal .


Maraming salamat!

-Mananaliksik8

Panuto:Basahin at Unawaing mabuti!

Lagyan ng tsek (/) ang angkop na bilang na tugma sa iyong kasagutan.

Bilang Deskrisyon

3 Lubos na Sumasang-ayon

2 Sumasang ayon

1 Hindi Sumasang ayon

Nakakaapekto sa Pagtangkilik sa Telenobelang Filipino :

A. Daloy ng Storya 3 2 1

1. Paulit ulit na tema

2.Eksena na ginaya sa
ibang serye

3.Malamyang akting

4.Nakakapag bigay
inspirasyon

25
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

B.Sinematograpiya 3 2 1

1.Hindi nakakalitong
pag kasunod sunod ng
serye

2.Magandang lenti ng
kamera

3.Magandang kuha ng
anggulo ng mga Aktor
at aktress.

4. Kagandahan ng
salaysay ng serye

Nakakaapekto sa Pagtangkilik ng Telenobelang Dayuhan :

A.Daloy ng storya 3 2 1

1.Maganda ang twist

2.Orihinal na tema

3.Ka abang- abang

4.Magagaling na
aktor at aktress

26
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

B. Sinematograpiya 3 2 1

1.Magandang trailer

2.Magandang
background music

3.Magandang kuha ng
anggulo ng aktor at
aktress

4.Magandang lugar na
pinangyarihan

27
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

BIONATE

Si Precious G.Marasigan ay dalawapu't isang


taon .

Nakatira sa Villa Buyaso Brgy.Tagbakin Atimonan


Quezon

Nagtapos ng Elementary sa Tagbakin Elementary


School

Nagtapos ng Sekondarya sa Atimonan National


Comprehensive High School

at kasalukuyan nag aaral sa Quezoñian


Educational College Inc. Atimonan Quezon at
kasalukuyang kumukuha ng Batselyer ng
Edukasyon sa Sekondarya major sa Filipino sa
Ikatlong Taon Pangkat sa Kolehiyo.

28

You might also like