You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

BATANGAS STATE UNIVERSITY


The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1128
Email Address: cte.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: https://batstate-u.edu.ph/

Bediones, Joseph Charles D. Sanaysay at Talumpati


BSED- FIL1201 Pebrero 28, 2024

Maraming Bagay ay Wag Isuko, Para Lamang sa Mineral at Ginto

Paano kung wala na ang kabundukang nasanay na laging nasisilayan? Ilang buhay ang
maaring maapektuhan para sa paggalugad ng yaman? Maraming lugar sa Pilipinas na
napakayaman sa maraming aspeto tulad ng agrikultura at yamang mineral ay ninais din ang
pagmimina na siyang naging argumento ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar. Ano nga ba ang
pagmimina at ano ang mga maaaring epekto nito. Ang pagmimina ay isa proseso ng paghukay at
pagkuha ng mga bagay mula sa ilalim ng lupa, ilan sa mga nakukuha dito ay mga metal gaya ng
ginto, pilak, tanso, at iba pa. Ngunit hanggang saan aabot ang pagkuha ng mga likas na yaman,
hindi masama ang pagunlad ngunit hindi din naman mabuti ang maraming naapektuhan Maaring
ang mga yamang mineral ay isa sa mga sangkap ng maraming bagay sa mundo, ngunit nararapat
na makontrol ito sapagkat ang pagmimina ay nagdudulot ng permanenteng pagkaasira ng
kalikasan.Ang pagmimina ay hindi dapat gawin sapagkat marami itong masamang epekto tulad
ng pagkaguho ng kabundukan o lupa, pagkasira ng karagatan, at pagkawala ng hanapbuhay ng
maraming tao.

Isa sa maaaring maging epekto ng pagmimina lalo na kung ito ay ilegal ay ang pagguho
ng kabundukan o anumang anyong lupa. Alam naman natin na ang pagmimina ay ginagawa sa
mga kabundukan na di maganda para sa ating kalikasan. Ang pagguho ng lupa ay ang siyang
dahilan ng mga ilang insidente at maaring makapinsala lalo na sa mga taong naninirahan malapit
sa paanan ng bundok. Isa na lamang sa halimbawa ay ang pagkamatay ng 70 katao sa Itogo,
Benguet, dahil sa pagmimina na nagpaguho ng lupa at hanggang ngayon ay patuloy ang
paghahanap sa ilang mga natabunan. Pati mga hayop na naninirahan sa kagubatan ay nadadamay
sapagkat nawawalan sila ng tirahan dahil sa pagmimina.

Ang pagkasira ng karagatan o anumang uri ng anyong tubig tulad ng dagat, talon, ilog at
iba pa ay may salik din na nagmumula sa pagmimina. Ayon sa balitang naiulat mula sa GMA
noong binisita nila ang Surigao del Sur at Surigao del Norte noong 2011, kasagsagan ng
pagmimina. Nagkukulay kalawang ang mga ilog at baybayin dahil sa isinagawang pagmimina na
nagdudulot ng “siltation” o ang pagdami ng lupa mula sa malalaking minahan. Dahil sa patuloy
na pagmimina, ang pagguho ng lupa na dumidiretso sa mga anyong tubig ay nakakaapekto sa
mga ilang hayop katulad na lamang ng isda at tirahan nito.

Pagkawala ng hanapbuhay ng maraming tao ay dahil din sa pagmimina.Maaaring kuning


mga minero ang mga tao mula sa pagmiminahang lugar, ngunit kapag natapos na ang pagmimina
ay matatapos na din ang kanilang kontrata o pagtratrabaho na siyang magdudulot ng pagdagdag
ng unemployment. Isa pa ay ang mga trabahong maaring maapektuhan sa pagmimina tulad na
lamang ng mga mangingisda, at mga taong umaasa sa pagkuha ng pagkakakitaan sa kagubatan.
Isa sa mga halimbawa ay ang naganap na pagmimina sa Lobo, Batangas kung saan may naganap
na pagmimina at naging mga minero ang ilang mga residente dito ngunit biglang napatigil ang
pagmimina na siyang nagdulot ng kawalan ng trabaho (Carao at Gaspar 2017)

Sa kabuuan ang pagmimina ay hindi maganda ang dulot lalo na sa ating mga likas na
yaman, maaaring isa ang pagmimina sa dahilan sa mabilis na pagyaman o pagunlad ngunit
hanggang saan at kailan ang kayang gawin nito. Ang pagmimina ay nararapat na kontrolin upang
di maging negatibo ang epekto. Ang pagkasira ng mga kabundukan, ang pagkawasak ng mga
katubigan, at pagkawala ng trabaho ng maraming mamamayang Pilipino ay ilan lamang sa
epekto ng pagmimina. Palaging tatandaan na lahat ng sobra ay masama, huwag nating abusuhin
ang mga likas na yaman.Sang ayon ka ba sa pagmimina para sa yaman? Hanggang kailan

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1128
Email Address: cte.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: https://batstate-u.edu.ph/

kailangang sirain ang kalikasan para sa hinahangad na pagunlad? Maraming paraan upang
umangat, sana ay gawin ang mga nararapat, huwag palaging sobra dahil ayos na ang sapat.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation


Republic of the Philippines
BATANGAS STATE UNIVERSITY
The National Engineering University
Pablo Borbon Campus
Rizal Avenue Ext., Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 980-0385; 980-0387; 980-0392 to 94; 425-7158 to 62 loc. 1128
Email Address: cte.pb@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: https://batstate-u.edu.ph/

Mga Sanggunian:

EDITORYAL - Ibawal ang pagmimina. (2018, October


4). Philstar.com. https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/
2018/10/05/1857485/editoryal-ibawal-ang-pagmimina

GMA News. (2016, June 22). Epekto ng pagmimina sa kalikasan, tatalakayin ng


'Reporter's Notebook' GMA News
Online. https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/reportersnotebook/
570969/epekto-ng-pagmimina-sa-kalikasan-tatalakayin-ng-reporter-s-notebook/story/

J. (2018, March 11). Ang Laban ng Lobo - J 136 -


Medium. Medium. https://medium.com/@j136huv17/ang-laban-ng-lobo-
86271196bb4d#:~:text=Ang%20Lobo%20ay%20isang%20maliit,%2C%20tanso%2C
%20nikel%20at%20bakal.

Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation

You might also like