You are on page 1of 1

Pambungad na Mensahe

DR. MANOLITO C. MANUEL


P. Pangulo para sa Ugnayang Akademiko at Mag-aaral

Sa pangulo ng Pangasinan State University, Dr. Dexter R. Buted, mga kapuwa ko


Pangalawang Pangulo at opisyales ng pamantasan, mga ehekutibong direktor ng mga
kampus, sa ating panauhing tagapagsalita sa umagang ito, mga direktor at puno ng
bawat yunit, sa mga tagapag-ugnay, sa kaguruan, kawani, at mag-aaral ng PSU, isang
makabuluhang araw ang sumainyo!

Ang buwan ng Abril ay buwan ng Panitikang Filipino alinsunod sa itinatakda ng


Proklamasyon bilang 968, serye 2015. Ang Pangasinan State University sa pamamagitan
ng Sentro ng Wikang Filipino nito na pinangungunahan ni tagapangulong Dr. Ma.
Theresa Macaltao at sa tulong ng mga tagapag-ugnay nito ay ganap na nakikiisa sa
layuning mapanatili at maisulong ang panitikan bilang instrumento sa pagtuturo sa mga
darating pang henerasyon ng mga pagpapahalagang minana natin mula sa ating mga
ninuno.

Matutunghayan natin sa umagang ito ang pagtalakay ng panauhing tagapagsalita sa


tema ng pagdiriwang na “Muling Pagtuklas sa Karunungang-bayan.” Bahagi ng ating
pagkamulat ang mga salawikain, bugtong, palaisipan, at iba pang anyo ng katutubong
panitikan. Nagbago man ang direksiyon ng ating panahon, inaanyayahan ko ang lahat
sa pagkakataong ito na balikan at pag-aralang muli ang dunong at henyo ng ating
sariling karunungang-bayan.

Sa mga nakahanay pang aktibidad sa maghapong ito, inaasahan naming matamo ang
mithiin ng pagdiriwang na maiangat ang interes ng kasalukuyang henerasyon sa pag-
aaral ng katutubong panitikan at mapatibay ang kanilang kakayahang lumikha at mag-
ambag sa ikayayaman ng panitikang Filipino.

Maraming salamat at mabuhay tayong lahat!

You might also like