You are on page 1of 32

MGA ISTRATEHIYA SA

PAGTUTURO NG
PAKIKINIG
Circular Response
PAMAMARAAN:
1. Bumuo ng pangkat na may tigsasampung
kasapi.
2.Sasagutin ng lahat ng miyembro ang tanong
na ibibigay ng guro.
3. Bumuo ng paglalahat ng mga sagot.
4. Ibahagi sa klase.
SAGUTIN ANG TANONG
Anu-ano ang maaaring gawin ng isang
mag-aaral na katulad mo upang
mapaunlad ang
kasanayan sa
pakikinig?
Circular Response
ANALISIS
1. Anong mga kasanayan sa pakikinig ang
nahuhubog sa mga mag-aaral?

2. Bumuo ng layunin sa pagkakatuto batay sa


gawain.
Mga Layunin
Makapagbahagi ang mga kasapi ng kanilang kaisipan.
Nakapagtatala ng mga kaisipang napakigggan.
Nakabubuo ng paglalahat batay sa mga kaisipang
napakinggan
Natutukoy ang mga mahahalahagang kaisipang
napakinggan.
Naiuugnay ang sariling karanasan sa paghubog ng
kasanayan sa pakikinig.
Word Count
PAMAMARAAN:
1. Makinig sa tekstong babasahin ng mga kaklase.
2. Ilista kung ilang beses napakinggan ang salitang ibibigay ng guro.
3. Pagkatapos bumuo ng pangkat na may apat na miyembro.
4. Pagkumparahin ang mga listahan at pagkasunduan kung ilang
beses narinig ang salita.
5. Bumuo ng mga kaisipang gamit ang salita.
6. Ibahagi ang mgam kaisipan sa klase.
Mga salitang pakikinggan at bibilangin…
1. internet 6. Pilipinas
2. e-commerce 7. Pilipino
3. Bansa 8. impormasyon
4. ang 9. kumpanya
5. upang 10. gumagamit
E-COMMERCE SA PILIPINAS
Sa kasalukuyan, dumarami na rin ang mga Pilipinong nakagagamit ng Internet. Ayon sa
pagtataya ng International Data Corporation (IDC), mahigit sa 900,000 Pilipino ang gumagamit ng
Internet sa taong 2002 mula sa 217,121 lamang noong 1997. Kasabay nito, tinatayang umabot ang
halaga ng kinita ng e-commerce sa $383.66 milyon mula sa $1.68 milyon noong 1997. Sa sumunod
na limang taom, inasahan ang pagtaas ng 97 bahagdan taun-taon ang pagdami ng mga Pilipinong
magnenegosyo sa Internet.
Bilang paghahanda sa pag-uulat ng e-commerce sa bansa, nagpasa ng isang panukalang batas
na gagabay sa larangang ito. Pinagtibay ng Kongreso ang Electronic Commerce Bill o Philippine
Electronic Transaction Act at ang katiyakan sa pangangalaga ng Intellectual Property Rights (IPR).
Ang batas na ito ang nagbibigay linaw at gabay sa mga karapatan at pananagutan ng mga lalahok
sa e-commerce at magbibigay proteksyon sa mga dokumentong elektronik. Nakatutulong ito
upang madagdagan ang pagtitiwala ng mga bansa sa Pilipinas na bahagi ng e-commerce sa daigdig.
Upang mahikayat ang maraming kumpanya na lumahok sa e-commerce, pinaplano ng
pamahalaan ang pagtatayo ng mga special zone para sa mga kumpanyang mahusay sa dito. Ito’y
upang mabigyan sila ng mga insentibo tulad ng mababang singil sa paggamit ng mga telepono. Sa
kabila ng limitado pa lamang ang abot ng Internet, lumago naman ang impormasyon tungkol sa
Pilipinas sa pandaigdig na network ng internet nitong nagdaang mga taon. Tinatayang may
humigit-kumulang na isang milyong Pilipino ang gumagamit ng Internet at nasa milyon na rin ang
bilang ng mayroong credit card. Dahil, dito, umaasa pa rin ang mga ekonomista na lalaki ang
potensyal ng pag-unlad ng e-commerce sa bansa.
Word Count
ANALISIS
1. Ano ang mga kasanayan sa
sa pakikinig na nahuhubog
sa mga mag-aaral?

2. Bumuo ng layunin sa
pagkakatuto batay sa
gawain.
LAYUNIN
• Nakapagbibigay ng mga kaisipang nabanggit sa teksto gamit ang mga salitang
naitalaga sa mag-aaral.
• Nakapapakinig nang tahimik at walang sagabal.
• Nabibilang kung ilang beses nabanggit aang mga salitang nakatalaga sa mag-
aaral.
Stir the Teams
PAMAMARAAN
1. Bumuo ng pangkat na tiglilimang kasapi.
2. Magtalaga ng bilang para sa bawat kasapi.
3. Sasagutin ng bawat kasapi ng pangkat ang mga tanong na
naibigay sa kanila.
4. Bubunot ng numero ang guro. Makikipagpalit ng pangkat ang
nabunot na mag-aaral.
5. Magbabahagi ang mga nabunot sa bagong pangkat ng kanilang
sagot sa tanong.
6. Uulitin ang proseso ng limang beses.
7. Bubuo ang bawat pangkat ng kanilang paglalahat sa gawain.
TANONG

Bakit mahalagang mapaunlad ang


kasanayan sa pakikinig
ng mga mag- aaral?
Stir the Teams
ANALISIS
1. Ano ang mga kasanayan sa pakikinig na
nahuhubog sa mga mag-aaral?

2. Bumuo ng layunin sa pagkakatuto batay sa


gawain.
Matalinong Loro
PAMAMARAAN
1. Pumili ng kapareha.
2. Pakinggan ang isang balitang babasahin sa klase.
3. Magtala ng mahahalagang impormasyon habang
nakikinig sa ikalawang pagkakataon.
4. Muling ipahayag sa klase ang napakinggang balita.
Matalinong Loro
ANALISIS
1. Ano ang mga kasanayan sa sa pakikinig na
nahuhubog sa mga mag-aaral?
2. Bumuo ng layunin sa pagkakatuto batay sa
gawain.
3. Bumuo ng rubrics para sa pagbibigay iskor sa
gawain.
Balita
Libreng tuition fee para sa mga kwalipikadong estudyante ipatutupad sa unang semstre sa CSU
 
Malawakang ipatutupad ang unified student financial assistance system for tertiary education
(unifast) na magbibigay ng libreng tuition fee sa mga mag-aaral sa kolehiyo sa susunod na pasukan.
Ito ay bahagi ng pagtupad sa R.A. 10931 - universal access to quality education act of 2017.
 
Kabilang sa mga kwalipikasyon para sa nasabing benepisyo ay ang mga sumusunod:
Regular na estudyante at
Nakapasa sa admission and retention policy ng unibersidad
 
Diskwalipikado naman ang mga mag-aaral na
Nakapagtapos na ng isang kurso at kumukuha ng karagdagang yunit
Hindi nakapasa sa admission at retention policy ng koleihyong papasukan
Irregular students; may incomplete subjects, may failing grades
Shiftee mula sa ibang kurso
 
Kabilang sa mga benepisyong matatanggap ng mga kwalipikdong mag-aaral ang libreng bayarin
kabilang ang mga tuition fee, laboratory fee, student publication fee, development fee, at iba.
 
Para sa mga nagpaplanong mag-enrol magsadya sa tanggapan ng registrar at guidance office para sa
mga iskdeyul ng admission exam at mga kailangang ihanda para sa pag-eenrol.
Ang Reporter
PAMAMARAAN
1. Bumuo ng isang mahalagang tanong tungkol sa paksa.
2. Sa loob ng sampung minuto, umikot sa buong klase
upang magtanong at kumuha ng impormasyon mula sa
mga kaklase.
3. Itala ang lahat ng impormasyong nakalap.
4. Bumuo ng dalawang talata upang mailahad ang mga
nakalap na impormasyon.
5. Basahin sa klase ang nabuong talata.
Ang Reporter
ANALISIS
1. Ano ang mga kasanayan sa
pakikinig na nahuhubog sa
mga mag-aaral?
2. Bumuo ng layunin sa
pagkakatuto batay sa gawain.
3. Bumuo ng rubrics para sa pagbibigay iskor sa
gawain.
One Liner
PAMAMARAAN
1. Bumuo ng isang pahayag sa
pamamagitan ng pagdudugtong sa
pahayag ng guro.

2. Ang hindi makasagot ay mananatiling


nakatayo hanggang sa makasagot.
Maaring sumagot anumang oras ang
mga nakatayo.
Dugtungan at bumuo ng makabuluhang pahayag.
1. Ang mga mag-aaral sa CSU ay…
2. Natutuwa ako sa mga mag-aaral na…
3. Hindi nakatutulong sa mga mag-aaral ang
….
4. Marahil ang mga mag-aaral sa CTE ay ….
5. Kung magkakaroon ng programa para sa
mga mag-aaral makabubuti para sa amin
ang…
6. Ang isang tunay na lider ay…
Dugtungan at bumuo ng makabuluhang pahayag.
6. Ang isang tunay na lider ng mga mag-aaral ay…
7. Malaking problema para sa mga mag-aaral ang…
8. Kalabisan namang sabihing ang mga taga-CSU ay…
9. Nakatatakot isiping ang mga mag-aaral ay…
10. Maipagmamalaki ang mga CSUan dahil…
One Liner
ANALISIS
1. Ano ang mga kasanayan sa sa pakikinig na
nahuhubog sa mga mag-aaral?
2. Bumuo ng layunin sa pagkakatuto batay sa
gawain.
3. Bumuo ng rubrics para sa pagbibigay iskor sa
gawain.
Makinig at Sumunod sa Panuto
PAMAMARAAN
1. Bumuo ng maraming pares ng mga mag-aaral. Ang isa
ang magbabasa ng panuto at ang isa ang susunod sa
panuto.
2. Sabay-sabay na gagawin ng bawat pareha ang gawain.
3. Sa ikalawang bahagi magpapalit naman ng tungkulin ang
magkapareha. Bagong mga panuto ang ipagagawa sa mga
pareha.
4. Ipapakita sa klase ang nabuo ng mga mag-aaral.
5. Tutukuyin ang pinakamalapit sa inaasahang output.
Makinig at Sumunod sa Panuto
ANALISIS
1. Ano ang mga kasanayan sa sa pakikinig na
nahuhubog sa mga mag-aaral?
2. Bumuo ng layunin sa pagkakatuto batay sa
gawain.
3. Bumuo ng rubrics para sa pagbibigay iskor sa
gawain.
MGA GAWAIN PARA SA
MOTIBASYON
Copycat Rhythm
PAMAMARAAN
1. Pakinggan ang ritmong gagawin
ng guro sa pamamagitan ng
pagpalakpak.

2. Gagayahin ng klase ang ritmo.


Ang magkamali ang susunod na
magpapahula ng bagong ritmo.
Click icon to add picture

You might also like