You are on page 1of 2

Proponent ng Proyekto

Samahan ng mga Idolo, Katangi-tangi At Talentado (SIKAT)

Mayuro, Rosario, Batangas

sikatpinoy@gmail.com

Pamagat ng Proyekto

Talento Mo, Show Mo!

Kategorya ng Proyekto

Workshop

Rasyonal ng Proyekto

Ito ay magsisilbing rimedyo upang mailabas sa mga kahon ang mga batang may natatanging galing sa
iba't ibang larangan. Marami sa mga kabataan ang itinatago ang kanilang mga talento sapagkat kulang
sila sa tiwala sa sarili o natatakot humarap sa madla kaya't ito ang nais tuldukan ng proyektong ito.

Deskripsyon ng Proyekto

Ito ay isang proyektong nakatuon sa nakatagong talento ng mga kabataan kung saan ang layunin ay
tuklasin, mailabas at mahubog ang kani-kanilang kakayahan.

Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto

Matapos maisakatuparan ang proyekto, ang mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Mayuro ang
pangunahing makikinabang dito. Mas mapagyayabong ng proyektong ito ang kanilang kakayahan at
magiging buo ang kanilang loob na humarap sa maraming tao.

Pamamaraan ng Proyekto

Upang matamo ang mga layunin, tiniyak ng organisasyong ito na may sapat na kaalaman at pormal na
ensayo ang mga mangangasiwa rito.

Nasa higit 200 ang inaasahang lalahok sa naturang proyekto.

Plano ng Implementasyon at Timeframe

Makikipag-ugnayan ang aming organisasyon sa pamunuan ng paaralan upang maipalam sa mga mag-
aaral ang impormasyon kaugnay ng iluluns na proyekto. Ipatutupad ang proyekto sa ika-7 ng Pebrero at
inaasahang matatapos sa huling araw ng kasalukuyang Taon ng Panuruan.

Plano ng Pagsubaybay at Pagtataya


Ang mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Mayuro ang involve sa proyektong ito.

Ang monitoring ay isasagawa tuwing huling Biyernes ng buwan upang masukat ang progress ng proyekto
at ng mga bata.

Mga Pangako ng Tambalan

Star Magic at Star Hunt ang opisyal na partner ng organisasyong ito.

Panukalang Badyet

Limang libo para sa mga kagamitan at sampung libo para sa pagkain ang nakalaan hangggang sa huling
araw ng proyekto.

You might also like