You are on page 1of 1

PANUKALA SA “PAARALAN KO, ITOUR MO” PARA SA MGA BAGONG

MAG-AARAL NG HOLY INFANT COLLEGE

Mula kay Reina Lynn Feb A. Namia


Brgy. Arado
Burauen, Leyte
ika-29 ng Hunyo, 2019
Haba ng Panahong Gugugulin: Dalawang (2) oras
1. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang pagiging baguhan sa isang institusyon ay mahirap harapin lalo na


kung wala ka ring kakilala na makakasama mo, minsan ay mawawala ka, gusto
mong magtanong pero nahihiya ka. Ilan lamang ito sa mga suliranin na maaring
harapin ng isang baguhan na mag-aaral. Ngayon na papalapit na ang pasukan,
kasabay ng pagsalubong sa mga mag-aaral ay ang matulungan sila na makilala
agad ang ating institusyon. Ang proyekto na ito ay makatutulong upang mas
mapahalagan ng mga mag-aaral ang paaralan na kanilang kinaroroonan na
makatutulong sa paghubog ng kanilang isipan at pag-uugali bilang isang
mabuting Kristiyano.

2. Layunin

Layunin ng proyektong ito na (1) maparamdam sa mga bagong mag-aaral


na sila ay masayang sinasalubong ng Holy Infant College, (2) matulungan sila na
maging pamilyar sa mga gusali, opisina, at pasilidad ng paaralan, at (3) ang
maipahayag sa kanila ang mga mahahalagang prinsipyo na isinusulong ng
institusyon na ito upang matulungan ang mga mag-aaral na magin isang
mabuting mag-aaral na Kristiyano.

3. Plano na Dapat Gawin

 Pagpapasa at pagpapaaproba ng panukalang ito sa School President.


 Pagpupulong sa mga opisyales ng SSG
 Pagtatalaga ng mga responsibilidad sa bawat opisyales ng SSG (2 opisyal
bawat seksyon)
 Pagbuo ng ruta ng patutunguhan ng bawat grupo upang maiwasan ang
pagsasabay-sabay
 Paggawa ng iskrip para sa mga sasabihin ng opisyales sa bawat gusali at
opisina na kanilang ipapakilala sa mga mag-aaral.

4. Badyet

Ang proyektong ito ay hindi nangangailangan ng badyet.

5. Paano Mapapakinabangan and Proyekto na ito

Ang proyekto na ito ay kapaki-pakinabang sa mga bagong mag-aaral ng


Holy Infant Collge (Mga mag-aaral sa baitang 7 at 11 at ang mga transferees).
Mapapakinabangan ng mga mag-aaral ang kanilang mga matututunan sa
proyektong ito sa kanilang pamamalagi ditto sa Holy Infant College.

You might also like