You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAG PAPATAYO NG SILID AKLATAN SA MATAAS NA PAARALAN

SA CAHAGNAAN NATIONAL HIGH SCHOOL.

Mula Kay: Ean Vasquez

Purok San Francisco

Baryo Ng Sta Fe

Bayan ng Matalom,Leyte

Ika- 28 ng Nobyembre 2023

Haba ng Panahong Gugulin : 3 Buwan at Kalahati

I. Pagpapahayag Ng Suliranin

Ang kakulangan ng mga pasilidad sa paaralan ay isa sa pangunahing suliranin na


kinakaharap ng maraming paaralan sa ating bansa lalo na sa mga
pampumblikong paaralan. Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay lamang sa
mga "Negatibong Epekto ng Kakulangan ng Pasilidad sa mga Mag-aaral ng
Senior High School ng Cahagnaan National High School.Isa ang Cahagnaan
National High School sa unti-unting dumami ang mga mag-aaral.

Dahil dito, nangangailangan ng isang community library ang paaralan para


madagdagan ang kaalaman ng mga batang nasipag-aral. Kung may libre silang
oras ay pwede silang pumunta rito para magbasa at makipagpalitan ng mga
natutunan sa ibang mag-aaral, kahit sa ganitong munting paraan man lang ay
hindi sila mahuhuli sa ibang mga batang nabigyan ng pagkakataong makapag-
aral. Kung ito ay maipapatayo ay tiyak na may maraming matututunan ang mga
batang gustong magsumikap sa buhay sa gitna ng paghihirap.

II. Layunin

Makapagpagawa ng Library o silai aklatan na makakatulong upang mas


ganahan silang mag azal kapag mayroon silid- aklatan sa paaralan. Dahil kung
may silid-aklatan maraming magaaral ang mas masanung matututunan at mas
lumawek pa ang kazulang mga kaalaman
III. Plano na Dapat Gawin

1. Pag pupulong ng mga kaguruan sa pagpapatayo o pagkakaroon ng


silid-aklatan.
2. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet. (1 linggo)
3. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata
sa pagpapagawa ng silid-aklatan. (2 linggo).
4. Pangangalap ng pondo sa pamamagitan ng mga donasayon, fund
raising at sponsorship (2 months)
5. Pagsasayos ng mga nakolektang libro (3 araw)
6. Paghahanap ng mga boluntaryo na magbabantay at mamamahala sa
silid-aklatan. (Isang lingo)
7. Pagpapasinaya, pagbabasbas at pormal na pagbubukas

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

1. Halaga ng pagpapagawa ng gusali Humigit kumulang Php 1,500,000.00


batay sa isinumite na desinyo at
istruktura sa napiling contractor
(kasama na rito ang lahat na
materyales at sweldo ng mga
trabahador)

2. Mga malalaking bookshelf at Php 60,000.00


halaga Ng Disenyo

3.Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 1, 500.00


Pag babasbas Ng silid aklatan

Kabuuhang halaga: Php 1, 561, 500.00


V. Pakinabang

Nakakatulong ang silid aralan sa ating paaralan dahil Sa panahon ngayon, hindi
na kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral ang silid aklatan dahil sa internet.
Pero sa silid-aklatan kasi, ang mga impormasyon nakasulat sa mga libro ay may
katotohanan at may basehan. Mas makakapag-aral ng maayos ang isang
estudyante dahil sa itoy tahimik at naiiwasan ang madistruct sa ibang
bagay.Mahalaga na tayo, bilang isang kapwa mamamayan, ay marunong
tumulong at magbigay ng halaga sa mga taong nangangailangan.

Mahalagang pagtulungan ang pagpapagawa ng silid-aklatan upang makatulong


at matulungan ang mga batang mahihirap at estudyante sa kanilang pag-aaral
upang mas maging madali sa kanila at upang makatulong rin ito sa pagtatapos
ng kanilang pag- aaral.Mahalaga na tayo, bilang isang kapwa mamamayan, ay
marunong tumulong at magbigay ng halaga sa mga taong nangangailangan.

You might also like