You are on page 1of 15

Replektibong sanaysay: Life

Ang kahulugan ng buhay, o ang sagot sa tanong na "Ano ang kahulugan ng buhay?", ay
tumutukoy sa kahalagahan ng pamumuhay o pag-iral sa pangkalahatan. Kabilang sa maraming
iba pang kaugnay na katanungan ang: "Bakit tayo narito?", "Ano ang buhay sa lahat?", o "Ano
ang layunin ng buhay?" Nagkaroon ng isang malaking bilang ng mga iminungkahing sagot sa
mga katanungang ito mula sa maraming iba't ibang kultura at ideolohikal na mga pinagmulan.
Ang paghahanap para sa kahulugan ng buhay ay gumawa ng maraming pilosopiko, siyentipiko,
teolohiko, at metapisiko na haka-haka sa buong kasaysayan. Naniniwala ang iba't ibang tao at
kultura ng iba't ibang bagay para sa sagot sa tanong na ito
Ang kahulugan ng buhay habang nakikita natin ito ay nagmula sa pilosopiko at relihiyosong
pagninilay , at pang-agham na mga katanungan tungkol sa pag-iral, mga panlipunan, kamalayan,
at kaligayahan. Maraming iba pang mga isyu ang kasangkot din, tulad ng symbolic sa kahulugan,
ontology, halaga, layunin, etika, mabuti at masama, libreng kalooban, ang pagkakaroon ng isa o
maraming diyos, konsepto ng Diyos, ang kaluluwa, at ang buhay sa buhay. Ang mga
kontribusyon sa siyentipikong pokus ay nakatuon sa paglalarawan ng mga kaugnay na mga
pamantayang katotohanan tungkol sa sansinukob, pagtuklas sa konteksto at mga parameter
tungkol sa "paano" ng buhay. Nag-aaral din ang agham at maaaring magbigay ng mga
rekomendasyon para sa paghahangad ng kagalingan at isang kaugnay na kuru-kuro ng
moralidad. Ang isang alternatibo, humanistic diskarte ay nagpapakita ng tanong, "Ano ang
kahulugan ng aking buhay?"
Sa salitang “buhay o life” ito ay pinaka-pangit at pinakamagandang bagay sa uniberso, kasi
sa likas na katangian na ang lahat ng nabubuhay na bagay ay hindi perpekto katulad tayo mga
tao na makagawa ng mali at walang tao na hindi magkakamali. Ang bawat nabubuhay na bagay
ay nakakatugon sa pagtatapos nito sa lalong madaling panahon kahit na ang sansinuklob mismo
ay mapunit at, isang araw, mamatay. Lahat ay namatay, dahil ito ay ang kapalaran naman natin
ang lahat ng dumating sa mas malapit sa bawat araw. Gayunpaman, kasabay nito ang
kagandahan ay kasing ganda lamang ng kamatayan. Ang mga bagay na hindi kailanman
namamatay ay hindi kailanman na talagang pinahahalagahan para sa kanilang kagandahan, dahil
hindi silanakikilala na makita at mahalin bago pa ang kanilang katapusan. Ang paggawa ng mga
pagkakamali ay isang mahalagang bahagi ng buhay natin nahindi lamang ito nagtuturo sa atin,
ngunit nagdadala ito sa atin ng isang hakbang namas malapit sa paghahanap ng ating sarili. Ang
pagiging tao ay magbibigay na halaga sa ating buhay na naghihirap.
Pinagmulan sa: https://en.wikipedia.org/wiki/Meaning_of_life
ABSTRAK

“Epekto ng Klima sa Produksyon ng Palay sa Lalawigan sa Pilipinas”


Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tukuyin ang epekto ng klima sa produksyon ng palay
sa isang lalawigan sa Pilipinas. Ginamit ang datos mula sa mga nakaraang taon at ginamitan ng
mga estadistikong pamamaraan para matukoy ang ugnayan ng klima at produksyon. Natuklasan
na ang pagtaas ng temperatura at pagbabago ng patlang ng ulan ay may malaking impluwensya
sa produksyon ng palay. Kapag ang temperatura ay masyadong mataas o ang pag-ulan ay hindi
sapat, nagiging negatibo ang epekto sa produksyon. Ang mga natuklasang ito ay mahalagang
impormasyon para sa mga magsasaka at mga ahensya ng pamahalaan upang maipamahagi ang
tamang impormasyon at magkaroon ng mga estratehiya upang maibsan ang epekto ng klima sa
sektor ng agrikultura.

“Pambansang Wika at Isyu ng Intelektuwalisasyon”


Tinatalakay sa artikulong ito ang isyu ng wikang Filipino bilang midyum ng
intelektuwalisadong wika. Mula rito, nagkaroon ng diskusyon sa problema. Binigyang diin ang
mga pananaw na ang wikang Filipino ay isang wikang hindi kayang maipahayag ang mga
kaisipan. Dagdag pa rito, sinabi rin na ang dahilan nito ay ang kanluraning kaisipan. Mula rito,
sinabi na ang mga may pribilehiyo at nakapapasok sa mga unibersidad lamang ang nakaiintindi
sa mga kaalaman; nahiwalay ang unibersidad sa taong bayan. Ang pagkakabuo ng “Sikolohiyang
Pilipino” koleksiyon ng mga masteral na tesis at disertasyon ng Unibersidad ng Pilipinas mula
1974 hanggang sa kasalukuyan ang naging dahilan sa pagsulat sa wikang Filipino, na
nakapagpalaya sa kanila mula sa dayuhang teorya at nakapag-isip ng orihinal na ideya sa
pagsusuri sa lipunang Pilipino. Mula rito, binigyang diin ang tungkulin ng unibersidad at ng mga
intelektuwal. Sinabi naang unibersidad ang may tungkulin sa pagpapalaganap, pagsulong at
pagpapayaman ng wikang Filipino upang magkaroon ng oportunidad ang masang Pilipino na
makalahok sa mga intelektuwal na diskurso. Tungkulin naman ng mga intelektuwal ang
pagwasak sa alyenasyon ng unibersidad, ang pagpapalaganap ng kaalaman at pagtulong sa
paghasa ng isipan ng masang Pilipino sa pagiging kritikal at malikhain.
Sintesis ng Pelikulang “Kita” ni Sigrid Andrea P. Bernardo

Ang pelikulang ito ay tungkol sa dalawang Filipino na nakabase sa Sapporo, Japan. Si Lea ay
isang Velo taxi tour guide at nakarasan sya ng hindi inaasahang aksidente kung saan kinuha ang
kanyang kakayahan makakita o di kaya temporary blindness kung saan kapag ito ay hindi nya
ipinagamot sa loob ng ilang linggo ay maaaring tuluyang mawala ang kanyang paningin. Sa
umpisa ng pelikula sinubukan ni Leang hindi pansinin si Tonyo dahil bagamat ito ay isang
kababayan hindi siya makasiguro kung anong klaseng tao si Tonyo dahil sya nga ay may temporal
blindness. Pero mapursigi at determinado si Tonyo na maging kaibigan niya si Lea. Sa isang
pamamaraan ang pagiging bulag ni Lea ay ang naging daan kung paano niya mas nakilala ang
tunay na pagkatao ni Tonyo. Hindi niya binase sa itsura kundi sa damdamin at tunay na ugali
nito.
Ang aral na mapupulot natin mula sa pelikulang ito ay hindi natin kailangan makita ang
pisikal na anyo kung saan natin ibabase kung gugustuhin ba natin ito maging kaibigan o hindi.
Natuwa ako dahil nabukasan ang aking mga mata sa maliit na relaisasyon na nasa loob ng tao
ang tunay nilang kalooban dahil kung may magandang motibo ang tao hindi natin dapat
hinuhusgahan ang kanilang pisikal na kaanyohan kung di dapat natin tignan ang mga saloobin
nila na mula sa kanilang puso.
Bungad ng pelikulang ito ay pati iba’t ibang bansa ay nagkaroon ng sari-sariling bersion ng
‘Kita’ magkakaiba man ang pook na ginamit mga pangalan ng karakter pero halos pare
halamang ng storya ang inilalathala nito. Maraming aral patungkol sa pagibig ang makukuha
mula sa pelikula at marami rin sa mga kabataan ang nakakarelate sa pelikulang ito.
Panukalang proyekto

I. Pamagat: Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng maayos na silid-aklatan


II. Proponent ng proyekto: Cristine Joy Cabuga at Maricar Raven Carcosia
III. Kategorya:
Ang proyektong pag sasaayos ng silid aklatan ay pangangalapan ng pondong galing sa
gagawing fund raising upang makakalap ng sapat na pera para sa proyekto ito sa tulong ng mga
guro,magulang at punungguro ng paaralan.
IV. Petsa:
Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan at matapos
ang pag sasaayos ng lagayan ng libro at pagdadagdag ng mga libro sa silid-aklatan na ilalahad sa
ibaba.
Petsa Mga gawain Lugar/Lokasyon
Pebrero 25-30, 2018 Pag aaproba ng punong guro LHS
Maghahanap ng donasyon para sa mga
Marso 03-24, 2018 LHS
libro
Paghahanap ng murang bagong libro
Marso 26-April 05, 2018 para sa pagdadagdag sa mga ABC Bookstore Company
kinakailangang libro
Inaasahang araw ng pangongolekta ng
Marso 27-April 10, 2018 LHS
mga libro.
Paglalahad ng tawad para sa mga
Abril 17- May 30, 2018 materyales na gagamitin sa pag DEF Hardware Company
papagawa ng lagayan ng mga libro.

Inaasahang pagsisismula ng proyekto saLHS


Abril 11-16, 2018
pag sasaayos ng lagayan mga libro.

Mayo 25-31, 2018 Pagsasaayos ng mga nakolektang libro. LHS


Enero 02, 2018 Pagtatapos ng proyekto LHS

V. Rasyonal:
Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbigay ng pakinabang sa pagkakaroon ng maayos
at organisadong silid- aklatan sa Lagro High School.
VI. Deskripsyon ng Proyekto:
Ang proyektong ito ay aabutin ng mahigit limang buwan upang maisakatuparan ang nais
matamong pag babago sa silid-aklatan.
VII. Badget:
Sa Proyektong ito inaasahang badget na igugol sa paaralan ay ilalahad sa ibaba.
Pagsasalarawan ng Presyo ng bawat Presyong
Bilang ng Aytem
Aytem aytem pangkalahatan (php)
Pangangalap ng donasyong
0 0
libro
Pagbili ng mga dagdag na Base sa sinumiteng presyo
500 15,000
libro ng ABC Company
Pagpapagawa ng mga
bagong lagayan ng mga 2,500 15,000
aklat
Kabuuang gastusin Php 30,000

VIII. Pakinabang:
Ang mga mag aaral ng LHS ang makikinabang sa proyektong ito upang hindi na mahirapang mag
hanap ang mga mag aaral mula sa ikapitong baitang hanggang ikalabing dalawang baitang ng
sagot sa gagawing proyekto o takdang aralin. At makatulong din ito sa pagkakaroon ng
kredibilidad para sa gagawing pananaliksik ng mga mag aaral sa tulong ng pagkakaroon ng
mataas na antas ng sanggunian na hindi kakailanganin pang pumunta sa ibang silid aklatan.
Talumpati patungkol sa akademikong sulatin

Magandang umaga po guro at kamag-aral. Ngayong araw na ito malalaman niyo kung ano nga
ba ang Akademikong Sulatin. Ano nga ba ito? Para saan? Ano ang mga iba’t-ibang uri at layunin
nito?

Akademikong Sulatin, ito’y mapag-aaralan ng husto ng mga mag-aaral sa labindalawang


baitang. Ito ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman saiba’t-
ibang larangan. Ang kasanayan ng mga estudyate ay mahuhubog sa intelektwal
napagsusulat sa pamamagitan ng pag-aaral sa estraktura ng Akademikong Sulatin. Para saan ngaba
ito? Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksiyon
at opinyon base sa manunulat. Wika ang siyang pangunahing sangkap sa pagbuo nito,upang
magluwal nang iba’t-ibang kaalaman na magiging mensahe sa anumang isusulat. Ang Akademikong
Sulatin ay may iba’t-ibang uri. Isa na rito ang aking talumpati. Ito ay isang sulating nagpapaliwanag
ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugon, mangatuwiranat magbigay ng kaalaman. Ang
aking ginagawa sa ngayon ay ang magbigay ng kaalaman sainyo bilang aking tagapakinig. Bionote,
isa ding uri ng Akademikong Sulatin na naglalahad ngmga klasipikasyon at kredibilidad tungkol
sa personal profile ng isang tao. Ito ay maiklilamang. Tayo ay may research na asignatura at
alam natin na sa asignaturang ito kailangan nating gumawa ng papel-pananaliksik. Sa papel-
pananaliksik na ito ay nakapaloob ang isa panguri ng akademikong sulatin. Ito ay ang abstrak.
Layunin ng abstrak na maibigay ang siksik na bersyon ng mismong papel. Ang susunod ay sintesis,
kalimitang ginagamit sa mga tekstongnaratibo para mabigyan ng buod, tulad ng mga maikling
kuwento. Ito ay organisado ayon sasunod-sunod na pangyayarisa kuwento. At ang buod naman ay
kabuuan ne teksto, pinaiklingbersyon ng sulatin. Ang posisyong papel ay isa ding uri na naglalayong
maipaglaban kung anuang alam mong tama. Ito ay nagtatakwil ng kamalian na hindi
tanggap ng karamihan.Replektibong sanaysay, urti ng sanaysay kung saan nagbabalik
tanaw ang manunulat.Nangangailang ito ng reaksyon at opinion ng manunulat. Adyenda, ito ay
pormal at organisadopara sa kaayusan ng daloy ng pagpupulong. Ang katitikan ng pulong ay
pagdodokumento ngmga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
Panukalang proyekto, ito ay maglalatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad. Naglalayong
bigyan nito ng resolba ang mga suliranin. Ang susunod ay ang Pictorial Essay, ito ay kakikitaan ng
mas maraming larawankaysa sa mga salita. Organisado at may makabuluhang
pagpapahayag na may 3-5 napangungusap. At pang huli, ang Lakbay Sanaysay, ito ay
isang uri ng sanaysay namakakapagbalik tanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat. Ang
teksto nito ay mas madamikaysa sa larawan. Base sa impormasyong aking naipaalam sainyo ang
pinagkaiba ng pictorial essay at lakbay sanaysay.

Ang aking ipinabatid ay tungkol sa akademikong sulatin na nagtataglayng mataas napaggamit ng


isip upang maipahayag ang ideya bilang batayan ng karunungan. Sa kabuuan, angakademikong
sulatin ay may iba’t-ibang uri. Muli, magandang umaga at maraming salamat po.
Posisyong Papel

Pamagat ng Nabasang Posisyong Papel

Posisyong Papel ng mga Miyembro ng Kaguruan ng Departamento ng Agham Pampulitika sa Anti-


Terror Bill (SB 1083/HB 6875)

Tungkol Saan ang Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay nagpapahayag ng maraming pagtutuol ng mga nakalagdang guro ng


Departamento ng Agham Pampulitika ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa nilalaman at kalikasan
ng pagpapasa ng Anri-Terror Bill. Isa pa, ang layon ng panukalang batas ay baguhin at ipawalang-bisa
ang Republic Act 9372 o ang Human Security Act of 2007 (HSA)
Punto 1

Isa sa mga karapatang ginagarantiyahan ng Konstitusyon ay ang maipaalam sa akusado ang


kalikasan at dahilan ng akusasyon laban sa kanya ngunit sa panukalang batas,ang ilan sa mga umiiral na
karapatan sa HSA ay tatanggalin. Katuladng ng aarestong upisyal o pinuno ng piitan ang siyang
magpapabatid sa akusado ng kanyang karapatan sa sandali ng pag-aresto (Seksyon 30, SB 1083
at HB 6875) at detensyon (Seksyon 29, SB 1083 at HB6875)

Punto 2

Sa Anti-Terror Bill ay hindi nakinakailangan ang kailangan ang atas ng Korte. Hindi ba’t sa
kasalukuyang batas aykailangan ng nakasulat na atas mula sa Court of Appeal (CA) bago mabuksan
angdeposito ng isang akusado upang matiyak na walang malisyosong imbestigasyon ang pwede na
gawin at lalabaging karapatan ngunit sa pinapanukala ay hindi na kailangan ng Anti-Money
Laudering Council (AMLC) ng atas mula sa korter para makagawa ng imbestigasyon (Seksyon 35,SB 1083
at HB 6875)

Buod ng binasang Posisyong Papel

Ang layon ng Anti-Terror Bill ay baguhin at ipawalang-bisa ang Republic Act 9372 o ang Human
Security Act of 2007 (HSA), na bagamat paksa ng kritisimo ng mga grupong nagtataguyod
ng karapatang pantao dahil sa maling paggamit ng salitang human security noong isanabatas ito at sa
posibleng abuso mula sa mga tagapagpatupad, ay ayaw din nila dahil sa mga sangga nito laban sa abuso.
Isa pa, ay nakapangangamba rin kung paano panukalang batas ay makakaaapekto sa indibidwal at
epektibong karapatang pantao.

Sipi: https://polisci.upd.edu.ph/posisyong-papel-sa-anti-terror-bill//
Katitikan ng Ikalawang Pulong ng Parents Teachers Association
ng Paaralan ng Sedum Faciata National High School
Ika-21 ng Setyembre, 2019 Ika-1 ng Hapon
Sa Covered Gym ng Sedum Faciata National High School

Mga Dumalo:

Kgg. Neli Susmiran – kagawad


Kgg. Linario Quintilla – ingat–yaman ng Brgy. Adolfi, Cuspitada City
G.Marco Aquillo – guro
G. June Hunyo Hembra – guro
G. Wryan Ariola – guro
G. Alvino Manchures – guro
Gng. Merie Sorilla– guro
Gng. Jannie Subere – guro
Gng. Mimi Alenciaga – guro
Gng. Marie Subong – guro
Gng. Gracia Robles – guro
Opisyales ng PTA at mga magulang ng mga mag-aaral
Hindi Dumalo:
Kgg. Nerrio Sinoro- Education Committee ng Brgy. ng Ovata
Panukalang Adyenda
1. Palarong Panglungsod 2019
2. Cactus Festival 2019

I. Pagsisimula ng Pulong

Ang pagpupulong ay itinayo ni Gng. Queta S. Umadhay, ang Punung-guro ng Sedum Faciata NHS sa ganap
ng ika-1:00 ng hapon at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang panalangin (audio) at pag-aawit ng
Cuspitada Hymn (audio). Kasunod ay roll call na isinagawa ni Bb. Mary Yvonne Amar at matapos ay
ipinahayag na mayroong quorum.

II. Pagbasa ng Nakaraang Pagpupulong

Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Bb. Mary Yvonne Amar ang Kalihim ng Faculty ng Sedum
Faciata NHS ng katitikan ng nakaraang pagpupulong noong Hunyo 21, 2019. Iniulat niya ang tungkol sa
mga tuntunin sa paaralan lalo na para sa mga transferee at bagong mag-aaral. Binasa rin niya ang mga
bagong opisyal ng PTA.

III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda

a. Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni Gng. Queta S. Umadhay sa kahalagahan ng


pagkakaisa ng mga magulang at opisyales ng Barangay para sa kaunlaran ng paaralan.
b. Nagbigay din ng kanilang mensahe ang mga kagawad na sina Hon. Neli Susmiran at Hon. Nario
Quintilla sa magandang maibubunga ng pagsuporta ng mga magulang sa kanilang mga anak sa mga iba’t
ibang gawain ng paaralan.

c. Sinimulan ni Bb. Amar ang unang adyenda – Palarong Panglungsod 2019

d. Ipinaalam niya sa mga magulang na ang Sedum Faciata NHS ay sasali sa Palarong Panlungsod ngayong
Setyembre 28,2019 hanggang Oktubre 1,2019. Sa panghuling araw na gawain ay magkakaroon ng Mr.
and Ms. Palarong Panglungsod na lalahukan nina Aweng Subong at Hyile Delicano kapwa mag-aaral ng
Sedum Faciata NHS. Ang nasabing contest ay hindi madali sapagkat nangangailangan ng malaking halaga
para sa kanilang kasuotan, make-up, trainer at transportasyon. Nangangailangan ng 8,000 pesos
(package). Ipinaliwanag ni Bb.Amar na ang paaralan ay wala nang badyet sapagkat ginastos na rin sa iba
pang sasalihang laro. Ang pangulo ng PTA na si G. Franciss Aguirre, ay nanguna sa paghingi ng suhestiyon
sa mga magulang sa nasabing problema. Nagkaroon ng iba’t ibang suhestiyon ang mga magulang at sa
huli ay iminungkahi nilang ang pera sa bilang ng mga mag-aaral.

e. Cactus Festival 2019- Sumunod ay ang pagbanggit ni G. Wryan Ariola sa darating na Cactus Festival
ngayong Nobyembre 17, 2019. Inanyayahan ang paaralan na sumali at maganda sanang lumahok
sapagkat mararanasan ng mga mag-aaral sa unang pagkakataon ang makasali sa nasabing malaking
festival, at malilinang ang kanilang kasanayan sa pagsayaw.

Ngunit dagdag pa ni Ariola na kaakibat ng malaking responsibilidad ang gawaing ito sapagkat
nangangailangan ng suporta ng magulang at barangay lalung-lalo na , na kunti lang ang puwersa ng mga
guro. Isa pang suliranin ay ang badyet na gagamitin. Maglalaan ang Munisipyo ng pera (150,000 pesos)
na ilalaan sa costumes, props, pagkain at iba pa ngunit maaaring kulangin ang pera at kinakailangan ang
tulong ng magulang at barangay. Hiningan ni Ariola ng opinyon at suhestiyon ang mga magulang kung
sang-ayon ba sila sa pagsali ng paaralan. Maraming magulang ang may gusto.

f. Nagpahayag naman si Kgg. Nario Quintilla na sana ang lahat ng opisyal ng barangay ay tumulong at
magkaisa kahit na magkaiba ang partidong sinuportahan dahil ang barangay ay may malaking papel sa
gawaing ito. Sabi pa niya na kung kinakailangan bumunot sila ng pera sa kanilang bulsa ay gagawin nila.
Dala ng mga bata sa kanilang pagsali ang pangalan ng Barangay Magancina kaya nararapat na magkaisa
sila.

g. Pupunta si Gng. Umadhay at Kgg. Neli Susmiran sa konseho upang sabihin na lalahok ang paaralan ng
Sedum Faciata sa Cactus Festival.

IV. Iba pang Pinag-usapan


V. Magkaroon ng SMEA Conference ngayong Setyembre 21, 2019 Kalahok nito ang mga PTA Officers,
LGU’S, guro at SSG Officers.
VI. Iskedyul ng Susunod na Pulong Wala pang petsa.
VII. Pagtatapos ng Pulong
VIII. Natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:30 ng hapon.
Larawang Sanaysay

Ito ay larawan ng pangunahing sapa sa Lingunan, Valenzuela City


Ang mga pabrika sa Valenzuela City ay walang maayos na labasan ng kanilang dumi kaya ito
ay madalas pinapadaloy sa kalapit na sapa nito. Makikita sa larawan ang patay na kulay ng ilog,
may daluyan pa ng maraming likido galing sa pabrika. Ang maruming sap ana iyan ang posibleng
maging dahilan ng pagkaubos ng mga yamang tubig sa lungsod ng Valenzuela na maaaring
makaapekto rin sa kabuhayan ng mamamayan dito. Maraming sapa ang mayroon sa Valenzuela
ngunit iilan na lamang ang masasabing malinis dito. Ang larawang ito ay nagbibigay kamalayan
sa mga residente na maging responsible sa mga bagay na ginagawa nila sa kapaligiran. Isa lamag
ito sa mga libo-libong imahe na sumisimbolo sa kalagayan ng kanilang lugar. Walang habas ang
pagtatapon at pagsira ng mga tao sa ating inang kalikasan. Darating ang araw na wala ng
matitira sa mga bagay na binigay ng maykapal kundi ang kanyang mga tao lamang.
Bionote

Si Jose V. Abueva ay isang kilalang retiradong guro ng Political Science and Public
Administration at nagsilbi bilang residente ng sistema ng Unibersidad ng Pilipinas at kanselor ng
Unibersidad ng Pilipinas Diliman mula 1990 hanggang 1991.
Naging kalihim siya ng Philippine Constitutional Convention noong taong 1971 at nagsilbi
rin bilang tagapangulo ng Legislative-Executive Military Bases Council mula 1989 hanggang
1990. Nanungkulan din siya bilang tagapangulo ng Consultative Constitutional Commission sa
ilalim ng termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2005.
Si Jose V. Abueva ay naging bumibisitang propesor sa mga kolehiyo sa ibang bansa tulad ng
Yale University at Brooklyn College of the City University of New York. Isa rin siyang
pangunahing lektor sa mga ilang unibersidad tulad ng University of Michigan, the University of
Hawaii, the University of Oregon at marami pang iba. Nagturo rin siya sa United Nations
University sa Tokyo at nagtrabaho sa Ford Foundation. Naging isa rin siyang katulong na dean ng
Institute of Public Administration, na ngayon ay mas kilala bilang National College of Public
Administration and Governance. Sa ilalim ng kanyang termino, itinatatag niya ang Leadership,
Citizenship, and Democracy Program noong 1992 na nang kalaunan ay naging Center for
Leadership, Citizenship,and Democracy
Nakapagsulat rin si Dr. Abueva ng ilang libro tulad ng “Focus in the Barrio: The Foundation
of the Philippine Community Development Program”, “Towards a Federal Republic of the
Philippines with a Parliamentary Government by 2010: A Draft Constitution”, “Ramon
Magsaysay: A Political Biography”, at “Ang Filipino sa Siglo 21.”
Si Dr. Abueva rin ang namatnugot sa 20 na bahagi ng “PAMANA: The UP Anthology of
Filipino Socio-Political Thought since 1872”. Siya ang nagtatag at dating Presidente ng Kalayaan
College. Isa rin siyang kolumnista para sa pahayagan ng The Bohol Times.
Lakbay Sanaysay

“Linamon Beach”
Isa sa pinakamasayang ala-ala na hindi ko malilimutan ay ang paglalakbay lalo na kapag
kasama natin ang ating mga mahal sa buhay gaya ng ating pamilya, at mga kaibigan. Sa aking
paglalakbay kasama ang aking mga kaibigan at mga pinsan ay isa sa pinakamasayang nangyari sa
akin. Hindi man gaano kalayuan ang aming pinuntahan ay nagdulot pa rin ito ng kasiyahan.
Isa sa kinahiligan ng mga kabataan ngayon ay ang paglalakbay kahit saan man ito na lugar.
Lalo na kapag ang lugar na iyon ay may magandang tanawin na hindi malilimutan. Napakasarap
isipan na nabibigyan natin ng oras ang ating mga sarili na aliwin at bigyan ng oras para
makapaglibang.
Sa araw ng aking paglalakbay kasama ang aking mga kaibigan at pinsan ay isa iyon sa
hinding hindi ko malilimutan. Bago pa kami pumunta sa lugar na iyon ay napaka lungkot ng araw
ko dahil akala ko hindi ako makakasama ngunit sa aking pagpapaalam ay napayagan din ako na
sumama. Hindi man iyon ang kauna unahang punta ko, ay masaya parin ako. Hindi mo
inaasahan ang mararamdaman mo sa lugar na iyon, maganda ang tanawin, presko ang hangin,
malinaw at malinis ang tubig at kaysarap maligo doon. Kahit saan ka tumingin ay napaka ganda
ng tanawin. Ang bawat isa saamin ay naengganyong libutin ang kapaligiran nito at para din
kumuha ng mga litrato. Nang dahil din sa malawak na kapaligiran nito ay sumubok din kami na
maglaro ng volleyball. Pagkatpos nito ay kami ay nag sikainan at muli kaming naligo, mayroon
ding bangka na babayaran mo upang malibot mo ang beach na iyon, kaya hindi naming ito
pinalagpas at sinubukan namin ito. Marami kang makikita na iba’t ibang uri ng isda,
napakalinaw na tubig, at doon mo rin makikita kung gaano kalinis at kung gaano nila ito lubos
na inaalagaan at pinapahalagahan. Dito ko naranasan ang paglalakbay na kasama ang mga tunay
na kaibigan.
Sa aking paglalakbay hindi ko malilimutan ang lugar na talaga namang dapat alagaan, ang
mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansang Pilipinas sa likas na yaman.
Memorandum

SAMAHANG MAY MALASAKIT SA KALIKASAN


Barangay Malibong Bata, Pandi, Bulacan
samahangmaymalasakitsakalikasan@gmail.com
OPISINA NG BARANGAY CAPTAIN

Para Sa: Sangguniang Barangay


Mula Kay: Capiral, Jasmine P.
Manalastas, Angelica Victoria
Manliclic, Arvin Lorenz F.
Villena, Phoenix Blue V.

Paksa: Pagpapatupad ng Wastong Pagtatapon ng Basura: Ligtas na Komunidad Para Sa Barangay


Malibong Bata

: Marso 20, 2022

Ipinapabatid sa lahat ang isasagawang pagpupulong kaakibat sa pagpapasa-publiko ng


bagong gawa na Residential Area Garbage Collection Point sa darating na Marso 25, 2022 saika-
2:00 ng hapon. Bibigyang tuon sa pagpupulong na ito ang pagpapalaganap ng impormasyon
patungkol sa maayos na pagtatapon ng basura sa mga komunidad ng Central Luzon, partikular
salugar ng Barangay Malibong Bata, Pandi, Bulacan.

Inaasahan ng organisasyon ang inyong pagdalo sa nabanggit na pagpupulong. Maraming


salamat.
Agenda

Saan:
SAN RAFAEL NATIONAL HIGHSCHOOL-Main Campus Library
Kailan:
Biyernes ng Alas Singko ng Hapon
Ang ating agenda para sa ating pagpupulong sa araw na ito sa organisasyon ng Readers
Achievers
Club
1. Paghahanda para sa Selebrasiyon ng Book month ngayong Oktubre.
2. Paguusap ukol sa kung ano ang gagawing aktibidad para sa simula ng Book Month tulad
ng nasaad sa ibaba:
 Book Convention
 Reading Nook
 Book Stalls
 At iba pang Suhestiyon
3. Pagsasaayos ng pagkakasunod sunod ng aktibidad ayon sa abiso ng gating tagapaggabay
ng organisasyon.
4. Pagkwenta ng mga kakailanganing material sa paggawa ng aktibidad at kung saan
kukuha ng pera para dito.
5. Patalakay kung saan kukuha ng mga materyales na kakailanganin tulad ng libro.
6. Pagtalaga ng mga kasapi sa pagpupulong ng kanilang mga Gawain sa simula ng
selebrasyon.
7. Pagsasaayos ng mga Gawain upang mas organisado at pagbibigay alam nito sa mga
estudyante.
8. Pagtalaga ng araw para sa pagpupulong ng mga pangulo bawat seksyon.
9. Pag sangguni sa punong Guro ng paaralan tungkol sa nagging pagpupulong sa nasabing
aktibidad.
10. Pag sasaayos ng gabay at opinion ng punong guro tungkol sa aktibidad at pagusapan sa
susunod na pagpupulong.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon!


Inihanda ni:

Mary Grace Concina


Sekretarya
References: Mga Akademikong Pagsulat

https://www.scribd.com/document/393770689/Replektibong-Sanaysay-Life

https://www.sanaysay.ph/ano-ang-abstrak/
https://www.academia.edu/37435846/Halimbawa_ng_Abstrak_at_Balangkas

https://www.coursehero.com/file/69834119/SINTESIS-grp3docx/

https://martinesblog268548854.wordpress.com/2018/10/14/halimbawa-ng-panukalang-
proyekto-2/

https://www.studocu.com/ph/document/aldersgate-college/filipino/talumpati/13321419

https://www.studocu.com/ph/document/far-eastern-university/komunikasyon-sa-
akademikong-filipino/week-5-to-6-piling-larang/25337166

https://www.studocu.com/ph/document/golden-gate-colleges/action-research/katitikan-ng-
pulong-halimbawa/37095015

https://www.scribd.com/document/477118758/larawang-sanaysay-Halimbawa

https://www.academia.edu/37435792/HALIMBAWA_NG_BIONOTE

https://www.scribd.com/document/446113285/Lakbay-Sanaysay

https://www.studocu.com/ph/document/university-of-the-east-philippines/pagbasa-at-
pagsulat-sa-akademikong-filipino/memorandum/35081122

https://www.coursehero.com/file/86903171/Halimbawa-ng-Isang-Agendadocx/

You might also like