You are on page 1of 2

Panukalang Proyekto Sa Pagpapatayo ng Silid Aklatan sa SLNHS

Ⅰ. Pagpapahayag ng Suliranin:

Sa aming pagmamasid sa paaralan ng Sta.Lucia National High School (SLNHS), lumalabas sa resulta na may kakulangan
sila sa pasilidad para sa pangangailangang aklatan. Ang kakulangan na ito ay nagdudulot ng kawalan ng mga kagamitang
pang-edukasyon at limitadong access ng mga mag-aaral sa mahahalagang sanggunian. Ang pangunahing suliranin ay ang
kakulangan ng sapat na silid aklatan at mga materyales na babasahin na makakatulong sa pangangailangan ng mga
estudyante sa kanilang pag-aaral.

Ⅱ. Layunin:

Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng maayos at ligtas na silid aklatan ang SLNHS upang mapalawak ang
kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mas maraming sanggunian. Nais din natin na mapalakas
ang kultura ng pagbabasa sa paaralan, na magiging pundasyon ng mas mataas na antas ng edukasyon. Ito rin ay
magsisilbi sa mga estudyante bilang isang pinagkukunan ng impormasyon sa mga bagay na nais nilang malaman at
matutunan sa loob at labas ng paaralan o para matuto ang ibang mga mag-aaaral na nahihirapang magbasa o bumigkas
ng mga salita na hindi nila mabigkas.

Ⅲ. Plano na Dapat Gawin:

- Magkaruon ng pagsusuri sa lupa at mga kinakailangang papeles para sa konstruksyon ng silid aklatan ( 2 Linggo ).

- Itakda ang disenyo ng silid aklatan, kasama ang mga kinakailangang kagamitan at pasilidaad ( 2-4 Linggo ).

- Simulan ang konstruksyon, alinsunod sa lokal na regulasyon at patakaran ng paaralan. ( 6 Buwan ).

- Itatag ang maayos na sistema ng pag-organisa ng aklatan, kabilang ang katalogo at sistema ng pautang ( 2-4 Linggo ).

- Siguruhing may sapat na espasyo para sa pangangailangang teknolohiya, tulad ng mga computer at internet access ( 2
Linggo ).

- Siguruhing may sapat na pera na gagamitin para sa pagpapatayo ng silid aklatan para sa mga mag-aaral.

- Maghanap ng mga Construction worker na pwedeng I hire para sa pagpapatayo ng siid aklatan.

Ⅳ.Badyet:
Mga Gastusin: Halaga:

Ang halaga ng pagpapagawa ng silid-aklatan

( kasama na rito ang lahat ng mga kagamitan na Php 4,500,000.00


gagamitin sa pagpapatayo ng aklatan at suweldo
ng mga trabahador ).

Mga materyales na pang-edukasyon na gagamitin Php 500,000.00


ng mga estudyante sa loob ng aklatan .

Bayad sa kuryente, tubig,at iba pang utilities na Php 10,000.00


kinakailangan ng silid aklatan.

Ⅴ. Pakinabang:

- Pagtaas ng antas ng edukasyon sa SLNHS dahil sa mas maraming sanggunian.

- Paglinang ng kasanayan sa pag-aaral at pananaliksik ng mga mag-aaral.

- Pagkakaroon ng magandang kapaligiran para sa pag-aaral na magbibigay inspirasyon sa mga mag-aaral at guro.

- Paggamit ng silid aklatan bilang sentro ng kultura ng paaralan, kung saan ang pagbabasa at pag-aaral ay itinuturing na
mahalaga at makabuluhan.

You might also like