Script Sa Reporting Sa PL

You might also like

You are on page 1of 4

: MGANDANG UMAGA SAINYONG LAHAT!

Kami ang ika apat na pangkat narito upang


ipresenta ang aming gawa.
: Project SLICCS o school library committee and classification system

Kategorya ng proyekto

Phoebe: Magandang umaga sainyong lahat ako si ____, narito sainyong harapan upang
ipaliwanag ang kategorya ng aming proyekto. Ang napili naming kategorya para sa aming
proyekto ay school based, ilan sa mga inaasahan sa proyketong ito ay ang pagbibigay ng
bago at mas epektibong bookshelf para sa ang ating silid aklatan, maipatupad ang sistema sa
pag oorganisa ng libro na tinatawag na dewey decimal system, at inaasahan rin sa proyektong
ito na mas maging organisado ang ating silid-aklatan sa paaralan.

Petsa

Mekiah: Marhay na aga saindong gabos! Ako si ____, tayo na at dumako na sa petsa!
Lara : ang sumusunod na petsa ay ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan at
matapos ang mga nais gawin na pagbabago sa silid-aklatan ng Vinzons Pilot High School
Francis: (Unang petsa) ang dalawang araw na ito ay nakalaan sa paghingi ng permiso galing
sa punong guro sa pagsasagawa ng bagong club at pagsimula ng proyekto.
Mekiah: ( pangalawang petsa) ang dalawang linggo ay nakalaan para sa pangangalap ng
kakailanganing badyet para sa mga materyales na gagamitin para sa proyekto.
Lara: ( Ikatlong petsa) ang dalawang araw ay nakalaan naman para sa pag anunsyo ng
pagsisimula ng inobasyon ng silid-aklatan.
Francis: (Ikaapat na petsa) ang araw na ito ay nakalaan lamang para sa pagcontact at
pagpapaliwanag ng konsepto ng gagawing estante ng mga libro sa manggagawa.
Mekiah: (Ikalimang petsa) ang isang linggo ay nakalaan para sa pagsisimula ng paggawa ng
bookshelves.
Lara: (Ika-anim na petsa) ang araw na ito ay nakalaan sa pagpapadala ng bookshelves sa
VPHS.
Francis: (Ika-pitong petsa) ang dalawang linggo ay nakalaan para sa pag- oorganisa ng mga
libro sa loob ng silid-aklatan gamit ang dewey decimal system.
Mekiah: (Ikawalong petsa) ang araw na ito ay nakalaan sa pagtatapos at pagbubukas ng
bagong ayos ng silid-aklatan.

Rasyonal

Neo: Magandang umaga! Ako nga po pala si ____ galing sa ika-apat na pangkat. Ang Vinzons
Pilot High school katulad lamang ng ibang school ay binubuo ng iba’t-ibang pasilidad na
naglalayong gawing mas komportable at praktikal ang paaralan, kabilang na dito ang silid-
aklatan, clinic, at canteen. Paano kung hindi nabibigyan ng kaukulang pansin ang kaayusan at
organisasyon ng isang pasilidad? Katulad na lamang ng silid-aklatan sa ating paaralan. Layunin
ng proyektong ito na malutasan ang issue ng ating silid-aklatan sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mas organisadong pagkakaayos ng mga libro upang gawing epektibo ang
silid-aklatan, pag palit sa mga damaged/impaired bookshelves ng mas matibay at maayos na
paglalagyan ng mga libro, pagsulong ng disiplina at pananagutan ng mga mag-aaral sa
pagpapanatili ng kalinisan at organisasyon ng mga gamit sa loob ng silid-aklatan.

Mekiah: ito po ang magiging itsura ng nasabing bookshelf na ilalagay sa pagitan ng dalawang
poste sa gitna ng library kasama nito ang dimensyon ng bookshelf na ipapagawa.

Phoebe: Humingi kami ng tulong sa aming kaibigan na si Aj Villafuerte kung paano gumawa ng
floor plan ng silid-aklatan, dito makikita ang magiging itsura matapos ilagay ang mga
bookshelves sa pagitan ng dalawang poste sa gitna ng library.

Deskripsyon ng Proyekto
Neo: Ano nga ba ang Dewey Decimal System? Ang Dewey Decimal System ay isang uri ng
sistematikong klasipikasyon at pagsasaayos ng mga libro sa silid-aklatan.Ito ay nakaayos mula
sa pangkalahatang pangkat ng mga libro patungo sa mas espisipikong kategorya at paksa na
kasapi nito. Narito ang isang halimbawa ng talahanayan ng Dewey Decimal System. Sa unang
hanay dito nakasaad ang numero ng libro, halimbawa 000s (zeros) na kung saan ang mga
paksang nakapaloob sa 000s ay ang generalities na naglalaman ng encyclopedia at record
books.

Francis: Narito ang halimbawa ng mga label na magsisilbing guide sa bawat mag-aaral ,
ilalagay sa bawat bookshelf upang madaling mahanap ang espisipikong libro.

Phoebe: Paano gamitin ang Dewey Decimal System? : Gumagamit ito ng numero mula 000
hanggang 999 upang uriin ang lahat ng materyales ayon sa paksa. Ang paglalagay ng mga libro
ay nakabase sa agham, pinagsama- sama nila ang mga magkakatulad na libro at saka nila
pinapa sunod-sunod ng ayon sa alpabeto.

PJ: Magkakaroon ng School Library Club kung saan sila ang magpapanatili ng kaayusan at
organisasyon ng mga libro at maisulong ang disiplina sa mga mag-aaral. Narito naman ang
mga club officers na bubuo sa ating School Library Club. Chancellor, Vice Chancellor,
Secretary, Treasurer, Auditor, Tech Officer at Representative Members.

Clifford: Ito naman ay ang mga ididikit sa pisara na makikita sa likurang bahagi ng silid-aklatan,
dito makikita ang mga patakaran sa loob ng silid-aklatan, kalendaryo o schedule ng mga
importanteng events sa ating paaralan, mga balita tungkol sa mga events sa ating paaralan,
mga motivational quotes para ma enganyo ang mga mag-aaral sa pag-aaral, at mga
dekorasyon para mabigyan ng buhay ang pisara.

Badyet
Neo: Dumako naman tayo sa kung saan magmumula ang badyet para sa aming proyekto, Una
pagbigay ng badyet proposal para sa School Maintenance and Other Operating Expenses
(MOOE).
Pangalawa, inilatag na fundraising projects sa paaralan para mailunsad ang nasabing proyekto
(Gulong sa Pagsulong at Panooring Pagbasa).

Clifford: Narito naman ang talahanayan ng mga kakailanganing materyales at kung magkano ang kabuuan ng mga ito.

*Basahin nyo nalang pagod magtype ಥ_ಥ.

Pakinabang
PJ: Nailatag ang panukalang proyektong ito sa iba’t-ibang kadahilanan, malaki ang maitutulong
nito sa mga mag-aaral at maging sa mga guro. Ang pagpapalit ng mga damaged bookshelves
ay nagbibigay karagdagang kaligtasan para sa mga pumapasok sa silid-aklatan. Sa
pamamagitan ng pagbuo ng panibagong club mas mabibigyan pansin ang ating silid-aklatan.
Ang club din ay makakatulong para sa pagsasaayos ng mga libro para sa Dewey Decimal
System.
22 steps door
18 steps middle
21 steps side door

You might also like