You are on page 1of 19

PANG-ARAW-ARAW NA BANGHAY ARALIN

EDUKASYON SA PAGAPAKATAO VI
IKATLONG MARKAHAN
IKAPITONG LINGGO

I. LAYUNIN
Naipagmamalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa pamantayan
at Kalidad

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at mapagkalingang
pamayanan

B. Pamantayang sa Pagganap
Naipakikita ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa kasalukuyan at
susunod na henerasyon.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Naipagmamalaki ang anumang natapos na gawain na nakasusunod sa pamantayan
at kalidad. EsP6PPP-IIIg-38

II. Nilalaman
Karangalan sa Paggawa
Kagamitang Panturo
Worksheet, ICT, mga larawan
Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa ESP ph. 87

III. Pamamaraan

UNANG

ARAW

Pagsisimula ng bagong aralin.


Itanong sa mga bata ang mga sumusunod:
1. Anong proyekto ang ginawa ninyo sa iba’t ibang aralin noong nakaraang markahan?
2. Ano ang naramdaman ninyo habang ginagawa ang proyekto?
3. Paano ninyo iyon ginawa?
4. Ano ang naging marka nito matapos ninyo itong isulit?
Paghahabi sa layunin ng aralin
Isusulat ng guro ang salitang “paggawa” sa pisara at itatanong ang kahulugan nito
bago ilahad ang layunin ng aralin.

Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ipasusulat ng guro sa pisara ang mga lokal na materyal na maaaring magamit sa
paggawa ng proyekto.

Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


#1
Tatawag ang guro ng limang mag-aaral upang basahin ang diyalogo.

Karangalan sa Paggawa
Joe Anthony R. Casareo

Tuwang-tuwa ang gurong si Gng. Lorenciana sapagkat karamihan sa mga


proyektong nilalang sombrerong buli ng mga mag-aaral mula sa ikaanim na
baitang ay napiling itanghal sa isang exhibit sa kanilang paaralan.

Gng. Lorenciana: Binabati ko kayong lahat sapagkat ang ating punong-guro ay


tuwang-tuwa sa mga proyektong isinulit ninyo. Tiyak na matutuwa rin ang iba
pang makakakita niyon kapag nalaman na kayong mga bata ang naglala ng mga
sombrero. Ngayon ay nais ko lamang malaman kung kayo ba talaga ang
gumawa ng mga iyon?

Mga Bata: Opo, taas noo po naming sinasabi na kami ang gumawa ng aming mga
proyekto!

Nerissa: Gayundin po ang sa akin. Nais ko pong malaman ninyo na sinunod ko ang mga
wastong pamamaraan at pamantayan. Nilala ko po nang may kalidad ang aking
sombrerong buli. Ipinagmamalaki ko po ito sapagkat ito ay aking sariling trabaho.

Marco: Kahit po nahihirapan ako sa umpisa ay hindi po ako sumuko sa paglalala ng


sombrero. Sa katunayan nga po ay nagpaturo pa ako kay Lola Jacinta para
makayari ako ng magandang sombrero.

Jayson: Ako rin po ma’am. Pinaghusayan ko po ang paglala ng aking sombrero.Totoo


po na kapag pinaghirapan ang gawain at bukal sa loob ang paggawa magiging
maganda ang isang trabaho. Maaga ko rin po itong natapos at naisulit.
Gng. Lorenciana: Magaling! Tama at kahanga-hanga ang inyong mga sinabi.
Natutuwa ako sapagkat sinunod ninyo nang tama ang mga paraan at pamantayan
sa paggawa ng inyong proyekto. Mahalaga rin na pinaghirapan ninyo ang inyong
mga ginawa. Dahil dito’y mas malaki ang inyong madaramang karangalan sa
sarili.

Hazel: Habang naglalala po ako ng aking sombrero ay naalala ko ang sinabi ninyo sa
amin na “Ang pinaghirapan ng isang tao ay may kakambal na panalo.”

Gng. Lorenciana: Kaya palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

Pagkatapos ay narinig ang malakas na palakpakan ng mga bata habang


sinasasabing “Mabuhay si Ma’am Lorenciana! Mabuhay ang Grade Six”!

Paglinang sa Kabihasaan

Ipasagot ang sumusunod na mga tanong tungkol sa binasa.


1. Bakit tuwang-tuwa ang mga bata sa ikaanim na baitang?
2. Ano ang itinanong ni Gng. Lorenciana sa kanyang mga mag-aaral tungkol sa
proyektong kanilang ginawa?
3. Papaano ito binigyan ng kasagutan ng mga mag-aaral?
4. Magbigay ng mga proyekto na ipinagawa sa inyo ng inyong guro na inyong
pinagpaguran. Paano mo ito ginawa? Ano ang naging resulta nito?

Paglalahat ng Aralin
Buuin ang ang diwa ng pangungusap.
Ang pagsunod sa pamantayan ng paggawa ay mahalaga dahil nagbubunga ito ng
.

Pagtatayang Aralin
Sagutin nang pasalita.
Bakit mahalagang sundin ang mga paraan at pamantayan sa mga paggawa?

IKALAWANG ARAW

Balik-Aral sa nakaraang aralin


Pagbabalik-aral tungkol sa talakayan ng nakaraang araw.
1.Ano-ano ang mga paraan upang makatapos ng mga gawang may kalidad?
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Pangkatin ang klase sa apat at ipagawa ang gawain. Ipaulat sa klase ang proyektong
gagawin ng bawat pangkat. Talakayin ang mga kasagutan. Subuking palabasin mula sa
mga mag-aaral ang kawilihan at positibong saloobin sa paggawa.

Pangkatang Gawain: Nagkaroon ng paligsahan sa inyong paaralan tungkol sa pagrerecycle.


Layunin nitong mabawasan ang mga kalat at mapakinabangan ang ilang mga bagay na
inaakalang patapon na kagaya ng papel, boteng plastic, atbp. Anong proyekto ang inyong
gagawin. Itala sa ibaba ang mga kagamitan at pamamaraan sa paggawa. Iguhit sa loob ng
kahon ang inaasahang mabubuong proyekto.

Pangalan ng Proyekto:
Mga Kagamitan:

Hakbang 1.

Hakbang 2.

Hakbang 3.

Hakbang 4.

Hakbang 5.

Larawan ng inaasahang proyekto


Suriin ang ginawa ng bawat pangkat batay sa rubric na nasa ibaba.
Pamantayan 3 2 1
Nilalaman Naipakita nang wasto Naipakita ang Hindi naipakita ang
ang lahat ng pagpapahalaga nararapat na
hinihinging ngunit hindi sapat pagpapahalaga.
pagpapahalaga sa ang ideya.
gawain.
Partisipasyon Lahat ng kasapi ay May 1-2 kasapi May 3 o higit pang
nakilahok sa pagbuo ang hindi kasapi ang hindi
ng konsepto at nakibahagi sa lumahok sa gawain
gawain. pagbuo ng gawain. ng pangkat.
Kaangkupan Angkop lahat ang Medyo angkop ang Hindi angkop ang
ginawa ng pangkat sa ginawa ng pangkat sa ginawa ng pangkat sa
sitwasyon at naaayon nakatalagang nakatalagang
sa nakatalagang sitwasyon. sitwasyon
gawain.

Paglalahat ng Aralin
Ano ang kabutihang dulot ng produktibong pag- gawa?

Pagtatayang Aralin
Paano mo maipakikita ang produktibong paggawa? Isulat ang sagot sa tanong sa ¼
bahaging sagutang papel.
IKATLONG ARAW

Balik-Aral sa nakaraang aralin


Pagbabalik-aral tungkol sa talakayan ng nakaraang araw.
1. Magbigay ng mga kabutihang dulot ng produktibong pag- gawa?
Paghahabi sa layunin ng aralin
Ipapakita ng guro ang larawan bago ilahad ang layunin ng aralin.

Si Socorro C. Ramos ang ina


ng pinakamalaking bilihan ng
mga aklat at iba pang
babasahin sa Pilipinas – ang
National Book Store.

Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin
Pangkatin ang klase sa apat at ipagawa ang gawain.

Pangkatang Gawain
Hanapin at bilugan sa puzzle ang mga katangiang nagpapakita ng positibong paggawa.
Isulat ang mga nahanap na salita sa mga patlang pagkatapos ng bawat bilang.

B U L A G S A N K F
M M A D U M I I A G
A B P O N I S A M H
S C J K P Q V H B I
I D I L O R U K C G
P R O D U K T I B O
A E H M N S L L D K
G F G M A A G A P L
A S I N I L A M E M
1. (MALIKHAIN)
2. (MASIPAG)
3. (MASINOP)
4. (MAAGAP)
5. (MALINIS)
6. (PRODUKTIBO)

Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Ipabasa sa mga bata ang kuwento.

Socorro C. Ramos, Ina ng National Book Store

Si Socorro Cancio Ramos, o mas kilala bilang Nanay Coring ng kaniyang mga
kaibigan at kamag-anak, ay isinilang noong ika-23 Setyembre, 1923 sa Santa Cruz, Laguna.
Siya ay isa sa anim na anak nina Jose at Emilia Cancio. Kahirapan sa buhay ang naging
dahilan ni Socorro upang maging isang working student habang siya ay nag-aaral sa
Arellano High School. Sa panahon ng bakasyon, kasama ang kaniyang mga kapatid na
babae, siya ay nagtatrabaho sa isang pagawaan ng bubble gum bilang tagapagbalot.
Nagsilbi itong daan upang kahit paano'y makatulong sa pagbabayad ng gastusin sa kanilang
bahay.

Nagtrabaho din siya sa isang pagawaan ng mga sigarilyo kung saan tinatanggal nila
ang mga papel na nakabalot dito upang mapalitan ng bago. Sa halagang limang sentimo
bawat pakete ng sigarilyo, naisipan ni Socorro na umupa ng mga bata sa kanilang lugar
upang magbalat din ng pakete ng sigarilyo. Binibigyan niya ng sahod na limang sentimo sa
bawat dalawang pakete ang mga bata.

Nagtrabaho si Ramos noong 1940 sa edad na labingwalo bilang tindera sa isang


tindahan ng aklat ng kanyang nakatatandang kapatid. Kahit magkadugo, itinuring siyang
isang normal na empleyado ng kuya niya sa Goodwill Bookstore, na isang sumisikat na
tindahan ng babasahin noong mga panahong iyon. Dahil sa kanyang husay sa pag-
eengganyo sa mga mamimili, ginawa siyang tagapamahala ng tindahan kalaunan.

Bagama't matagal nang pinapangarap ni Ramos na magkaroon ng sarili niyang


tindahan ng aklat, nagkaroon lamang siya ng lakas ng loob na pasukin ang pagnenegosyo
nang kanyang mapangasawa si Jose Ramos. Sinimulan ng mag-asawa ang isang maliit na
tindahan sa Escolta at nagbenta ng mga kalakal, nobela, mga aklat at mga GI novels. Simula
noong 1942, pinangalanan nila ang kanilang munting tindahan bilang National Bookstore.

Hindi sapat ang pera ng mag-asawa upang makakuha ng katuwang sa kanilang


tindahan kaya't inako lahat ni Socorro ang gawain. Siya ang tumayong tagapamahala,
kahera, tindera, taga-lista, at dyanitor. Naging maayos ang takbo ng pagtitinda ng mag-
asawa ngunit nang magsimula ang digmaan, naging mahigpit ang mga awtoridad sa mga
regulasyon sa pagtitinda lalung-lalo na ng mga babasahin. Marami ang nagsara ng kanilang
negosyo at may ilang nagpalit ng itinitinda. Mula sa pagbebenta ng mga babasahin, pumunta
sa pagbebenta ng mga sabon, kandila, at tsinelas ang mga Ramos.

Nang matapos ang Panahon ng Hapon, nagsimula muli ang pamilya Ramos sa
kanilang negosyo. Nagtayo sila ng barung-barong sa kanto ng Soler at Avenida at kaagad na
nagsimulang magtinda upang umabot sa pagbulusok ng mga negosyo sa pagtatapos ng
digmaan. Muli, nagtinda sila ng mga kalakal, nobela, pad paper, at iba't iba pang babasahin
kasabay din ng muling pagbubukas ng mga paaralan (matatandaang sarado ang mga
paaralan noong may digmaan sa Kamaynilaan). Dumami nang dumami ang mga mamimili
sa tindahan ng mga Ramos at bilang sagot sa tumaas na bilang nito, nagdagdag ng paninda
ang mga Ramos. Pinalago na nila ang kanilang mumunting negosyo sa pagtitinda ng mga
gamit pang-eskwela.

Naging isang inspirasyon ang tagumpay ng National Bookstore sa maraming mga


Filipino na nagnanais magsimula ng negosyo. Kaya naman, ang husay ni Nanay Coring ay
ilang beses na ring nagbigyan ng pagkilala. Noong 1981, tinaggap niya ang Agora Award ng
Philippine Marketing Association. Kasunod nito, taong 1988, tinanggap niya ang Gintong Ina
Award for the Business and Industry Sector mula kay dating Pangulong Corazon C. Aquino.

Kabilang din sa kaniyang mga natanggap na parangal ay ang mga sumusunod:


Legacy Award na iginawad ng Book Development Association of the Philippines noong 2004,
Maverick Awards ng Association of Accredited Advertising Agencies noong 2002. Iginawad
din sa kaniya ng The Book Development Association of the Philippines noong taong 2000
ang Millennium Plaque of Appreciation at ang kaniyang asawa na si Jose T. Ramos ay
tumanggap naman ng posthumous award.

Noong taong 2004, binigyang parangal siya ng Ernst and Young bilang Entrepreneur
of the Year Philippines at Woman Entrepreneur of the Year. Noon namang 2006, iginawad
sa kaniya ng Ateneo de Manila University ang Doctor of Humanities (honoris causa) degree
– isang tagumpay para sa isang babae na nakatapos lamang ng hayskul.

Sanggunian: Wikipedia.com

Paglinang sa Kabihasaan
Talakayin ang mga tanong mula sa binasa.
1. Ano-ano ang mga katangian ni Socccoro Ramos na nakatulong sa kanya upang
siya ay
umunlad?
2. Paano ipinakita ni Soccoro Ramos na siya ay may dangal sa paggawa?

Pagtatayang Aralin
Gawain: Pagtibayin mo ang iyong natutunan sa araling ito. Basahin ang bawat aytem na
nasa kaliwa at isulat ang iyong desisyong gagawin at dahilan kung bakit mo ito gagawin
batay sa mga sitwasyon o pangyayari.
Mga sitwasyon o Ang aking gagawin Dahilan
pangyayari
1. Mauubos na ang
kagamitan mo sa iyong
proyekto kahit hindi pa tapos
ang pagkayari nito.
2. Natapos mo sa takdang
oras ang iyong proyekto
ngunit nagkasakit ka kaya
hindi ka makakapasok para
maisulit ito.
3.Nahihirapan ka sa
paggawa ng iyong proyekto
sa pagbubur- da. Alam mong
mahusay sa gawaing ito ang
iyong lola.
4.Mahal ang halaga ng ilan sa
mga kagamitan sa paggawa
ng iyong proyekto.
5.Hindi dumadalo sa
paggawa ng inyong
pangkatang proyekto ang
iyong kamag-aaral.

IKAAPAT NA ARAW

Balik-Aral sa nakaraang aralin


Pagbabalik-aral tungkol sa talakayan ng nakaraang araw.
1. Sinong kakilala ang maituturing ninyong huwaran at may dangal sa paggawa? Bakit?

Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Pangkatin ang klase sa apat at ipagawa ang gawain. Bawat pangkat ay bubun ot ng papel
na naglalaman ng konsepto tungkol sa paggawa.
Gawain: Isaayos ang mga salita upang makabuo ng mga konseptong kaugnay sa mga
gawain. Isulat ang pahayag sa long bond paper at iulat sa klase.

PANGKAT 1: ang gawang resultang sa panuntunan ay nakalulugod May sumunod.


(May resultang nakalulugod ang gawang sa panuntunan ay
sumunod.)
PANGKAT 2: ang ito ay sariling proyekto trabaho Ipagmalaki kung
(Ipagmalaki ang proyekto kung ito ay sariling
trabaho.)

PANGKAT 3: ng tao ay pinaghirapang may kakambal Ang na panalo gawa isang


(Ang pinaghirapang gawa ng isang tao ay may kakambal na panalo.)

PANGKAT 4: magiging at bukal sa loob pinaghirapan Kapag trabaho ang


paggawa maganda ang isang
(Kapag pinaghirapan at bukal sa loob ang paggawa magiging maganda
ang isang trabaho.)

Paglinang sa Kabihasaan
Talakayin ang mga konseptong nabuo mula sa gawain. Hayaang magbigay ng opinyon ang
mga mag-aaral tungkol dito. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral ng may paggabay ng
guro.

Paglalahat ng Aralin
Isa-isahin ang mga konsepto. Bigyang-diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ang mga ito sa
mga mag-aaral nang may pag-unawa.

Tandaan Natin
Ipagmalaki ang proyekto kung ito ay sariling gawa mo.
Ang pinaghirapang gawa ng isang tao ay may kakambal na panalo
Kapag pinaghirapan at bukal sa loob ang paggawa, magiging maganda ang isang trabaho.

Pagtatayang Aralin
Ipasasagot ng guro ang tanong sa ½ sagutang papel.
Pumili ng isang natutunang konsepto tungkol sa paggawa at ipaliwanag.

Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation


Isusulat ng mga bata sa kanilang journal ang isang pagninilay tungkol sa kahalagahan
ng pag- gawa.
IKALIMANG ARAW

Balik-Aral sa nakaraang aralin


Magkaroon ng maikling pagbabalik-aral ng mga gawain. Sa tulong ng guro, hayaang sabihin
ng mga mag-aaral kung ano ang tumimo sa kanilang puso at isip.

Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Itanong sa mga bata kung ano ang kanilang natutunan tungkol sa Karangalan sa Paggawa.

Paglalahat ng Aralin
Iisa-isahin ng guro ang mga susing konsepto na tinalakay sa nagdaang aralin.

Pagtatayang Aralin
Gawain: Lagyan ang patlang sa tabi ng bawat bilang ng tsek ( / ) kung ang tauhan sa
pahayag ay dapat tularan at ekis ( x ) kung hindi dapat tularan. Isulat sa kasunod na patlang
kung bakit dapat tularan o hindi dapat tularan ang tauhan.

1. Nagmamadali si Ofelia sa paggawa ng kanyang proyekto dahil huli niyang


sinimulan ang gawain.

2. Nahihirapan si Norlito sa proyekto niya kaya ipinagawa niya ito sa kanyang kuya.

3. Maayos na nagawa ni Rowena ang kanyang gawain dahil sinunod niya


nang wasto ang pamamaraan sa paggawa nito.

4. Isinantabi muna ni Christian ang paglalaro kasama ng mga kaibigan upang gawin
ang kanyang proyekto sa paaralan.

5. Iniasa na lamang ni Rizalina ang paggawa ng kanilang pangkatang proyekto sa


kanyang mga kagrupo dahil siya naman ang bumili ng mga kagamitan para
magawa ito.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation


Hikayatin ang mga mag-aaral na magboluntaryong tumulong sa mga gawain sa paaralan at
ipakita ang kanilang dangal sa paggawa.
LAKIP #
1 Karangalan sa Paggawa
Joe Anthony R. Casareo

Tuwang-tuwa ang gurong si Gng. Lorenciana sapagkat karamihan sa


mga proyektong nilalang sombrerong buli ng mga mag-aaral mula sa ikaanim na
baitang ay napili ng punong-guro para itanghal sa isang exhibit sa kanilang
paaralan.

Gng. Lorenciana: Binabati ko kayong lahat sapagkat ang ating punong-guro


ay
tuwang-tuwa sa mga proyektong isinulit ninyo. Tiyak na matutuwa
rin ang iba pang makakakita niyon kapag nalaman na kayong
mga
bata ang naglala ng mga sombrero. Ngayon ay nais ko lamang
malaman kung kayo ba talaga ang gumawa ng mga iyon?

Mga Bata: Opo, kami po ay taas noong nagsasabi na kami ang gumawa ng
aming mga proyekto!

Nerissa: Gayundin po ang sa akin. Nais ko pong malaman ninyo na


sinunod ko ang mga wastong pamamaraan at pamantayan. Nilala
ko po nang may kalidad ang aking sombrerong buli.
Ipinagmamalaki ko po ito sapagkat ito ay aking sariling trabaho.

Marco: Kahit po nahihirapan ako sa umpisa ay hindi po ako sumuko sa


paglalala ng sombrero. Sa katunayan nga po ay nagpaturo pa
ako kay Lola Jacinta para makayari ako ng magandang
sombrero.

Jayson: Ako rin po ma’am. Pinaghusayan ko po ang paglala ng aking


sombrero.Totoo po na kapag pinaghirapan ang gawain at bukal
sa loob ang paggawa magiging maganda ang isang trabaho.
Maaga ko rin po itong natapos at naisulit.

Gng. Lorenciana: Magaling! Tama at kahanga-hanga ang inyong mga sinabi.


Natutuwa ako sapagkat sinunod ninyo nang tama ang mga
paraan at pamantayan sa paggawa ng inyong proyekto.
Mahalaga rin na pinaghirapan ninyo ang inyong mga ginawa.
Dahil dito’y mas malaki ang inyong madaramang karangalan sa
sarili.
Hazel: Habang naglalala po ako ng aking sombrero ay naalala ko ang
sinabi ninyo sa amin na “Ang pinaghirapan ng isang tao ay may
kakambal na panalo.”

Gng. Lorenciana: Kaya palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

Pagkatapos ay narinig ang malakas na palakpakan ng mga bata habang


sinasasabing “Mabuhay si Ma’am Lorenciana! Mabuhay ang Grade Six”!

LAKIP # 2

Pangkatang Gawain: Nagkaroon ng paligsahan sa inyong paaralan tungkol sa pagrerecycle.


Layunin nitong mabawasan ang mga kalat at mapakinabangan ang ilang mga bagay na
inaakalang patapon na kagaya ng papel, boteng plastic, atbp. Anong proyekto ang inyong
gagawin. Itala sa ibaba ang mga kagamitan at pamamaraan sa paggawa. Iguhit sa loob ng
kahon ang inaasahang mabubuong proyekto.

Pangalan ng Proyekto:
Mga Kagamitan:

Hakbang 1.

Hakbang 2.

Hakbang 3.

Hakbang 4.

Hakbang 5.

Suriin ang ginawa ng bawat pangkat batay sa rubric na nasa ibaba.


Pamantayan 3 2 1
Nilalaman Naipakita nang wasto Naipakita ang Hindi naipakita ang
ang lahat ng pagpapahalaga nararapat na
hinihinging ngunit hindi sapat pagpapahalaga.
pagpapahalaga sa ang ideya.
gawain.
Partisipasyon Lahat ng kasapi ay May 1-2 kasapi May 3 o higit pang
nakilahok sa pagbuo ang hindi kasapi ang hindi
ng konsepto at nakibahagi sa lumahok sa gawain
gawain. pagbuo ng gawain. ng pangkat.
Kaangkupan Angkop lahat ang Medyo angkop ang Hindi angkop ang
ginawa ng pangkat sa ginawa ng pangkat sa ginawa ng pangkat sa
sitwasyon at naaayon nakatalagang nakatalagang
sa nakatalagang sitwasyon. sitwasyon
gawain.
Lakip # 3

Pangkatang Gawain
Hanapin at bilugan sa puzzle ang mga katangiang nagpapakita ng positibong paggawa.
Isulat ang mga nahanap na salita sa mga patlang pagkatapos ng bawat bilang.

B U L A G S A N K F
M M A D U M I I A G
A B P O N I S A M H
S C J K P Q V H B I
I D I L O R U K C G
P R O D U K T I B O
A E H M N S L L D K
G F G M A A G A P L
A S I N I L A M E M

1.

2.

3.

4.

5.
6.

LAKIP # 4

Socorro C. Ramos, Ina ng National Book Store

Si Socorro Cancio Ramos, o mas kilala bilang Nanay Coring ng kaniyang mga
kaibigan at kamag-anak, ay isinilang noong 23 Setyembre 1923 sa Santa Cruz, Laguna. Siya
ay isa sa anim na anak nina Jose at Emilia Cancio. Kahirapan sa buhay ang naging dahilan
ni Socorro upang maging isang working student habang siya ay nag-aaral sa Arellano High
School. Sa panahon ng bakasyon, kasama ang kaniyang mga kapatid na babae, siya ay
nagtatrabaho sa isang pagawaan ng bubble gum bilang mga tagapagbalot. Nagsilbi itong
daan upang kahit paano'y makatulong sa pagbabayad ng gastusin sa kanilang bahay.

Nagtrabaho din siya sa isang pagawaan ng mga sigarilyo kung saan tinatanggal nila
ang mga papel na nakabalot dito upang mapalitan ng bago. Sa halagang limang sentimo
bawat pakete ng sigarilyo, naisipan ni Socorro na umupa ng mga bata sa kanilang lugar
upang magbalat din ng pakete ng sigarilyo. Binibigyan niya ng sahod na limang sentimo sa
bawat dalawang pakete ang mga bata.

Nagtrabaho si Ramos noong 1940 sa edad na 18 bilang tindera sa isang tindahan ng


aklat ng kanyang nakatatandang kapatid. Kahit magkadugo, itinuring siyang isang normal na
empleyado ng kuya niya sa Goodwill Bookstore, na isang sumisikat na tindahan ng
babasahin noong mga panahong iyon. Dahil sa kanyang husay sa pag-eengganyo sa mga
mamimili, ginawa siyang tagapamahala ng tindahan kalaunan.

Bagama't matagal nang pinapangarap ni Ramos na magkaroon ng sarili niyang


tindahan ng aklat, nagkaroon lamang siya ng lakas ng loob na pasukin ang pagnenegosyo
nang kanyang mapangasawa si Jose Ramos. Sinimulan ng mag-asawa ang isang maliit na
tindahan sa Escolta at nagbenta ng mga kalakal, nobela, at mga aklat at mga GI novels.
Simula noong 1942, pinangalanan nila ang kanilang munting tindahan bilang National
Bookstore.

Hindi sapat ang pera ng mag-asawa upang makakuha ng katuwang sa kanilang


tindahan kaya't inako lahat ni Socorro ang gawain. Siya ang tumayong tagapamahala,
kahera, tindera, taga-lista, at dyanitor. Naging maayos ang takbo ng pagtitinda ng mag-
asawa ngunit nang magsimula ang digmaan, naging mahigpit ang mga awtoridad sa mga
regulasyon sa pagtitinda lalung-lalo na ng mga babasahin. Marami ang nagsara ng kanilang
negosyo at may ilang nagpalit ng itinitinda. Mula sa pagbebenta ng mga babasahin, pumunta
sa pagbebenta ng mga sabon, kandila, at tsinelas ang mga Ramos.

Nang matapos ang Panahon ng Hapon, nagsimula muli ang pamilya Ramos sa
kanilang negosyo. Nagtayo sila ng barung-barong sa kanto ng Soler at Avenida at kaagad na
nagsimulang magtinda upang umabot sa pagbulusok ng mga negosyo sa pagtatapos ng
digmaan. Muli, nagtinda sila ng mga kalakal, nobela, pad paper, at iba't iba pang babasahin
kasabay din ng muling pagbubukas ng mga paaralan (matatandaang sarado ang mga
paaralan noong may digmaan sa Kamaynilaan). Dumami nang dumami ang mga mamimili
sa tindahan ng mga Ramos at bilang sagot sa tumaas na bilang nito, nagdagdag ng paninda
ang mga Ramos. Pinalago na nila ang kanilang mumunting negosyo sa pagtitinda ng mga
gamit pang-eskwela.

Naging isang inspirasyon ang tagumpay ng National Bookstore sa maraming mga


Filipino na nagnanais magsimula ng negosyo. Kaya naman, ang husay ni Nanay Coring ay
ilang beses na ring nagbigyan ng pagkilala at noong 1991, tinaggap niya ang Agora Award
ng Philippine Marketing Association. Kasunod nito, taong 1988, tinanggap niya ang Gintong
Ina Award for the Business and Industry Sector mula kay dating Pangulong Corazon C.
Aquino.

Kabilang din sa kaniyang mga natanggap na parangal ay ang mga sumusunod:


Legacy Award na iginawad ng Book Development Association of the Philippines noong 2004,
Maverick Awards ng Association of Accredited Advertising Agencies noong 2002. Iginawad
din sa kaniya ng The Book Development Association of the Philippines noong taong 2000
ang Millennium Plaque of Appreciation at ang kaniyang asawa na si Jose T. Ramos ay
tumanggap naman ng post-humous award.

Noong taong 2004, binigyang parangal siya ng Ernst and Young bilang Entrepreneur
of the Year Philippines at Woman Entrepreneur of the Year. Noon namang 2006, iginawad
sa kaniya ng Ateneo de Manila University ang Doctor of Humanities (honoris causa) degree
– isang tagumpay para sa isang babae na nakatapos lamang ng hayskul.

Sanggunian: Wikipedia.com

LAKIP # 5

Gawain: Pagtibayin mo ang iyong natutunan sa araling ito. Basahin ang bawat aytem na
nasa kaliwa at isulat ang iyong desisyong gagawin at dahilan kung bakit mo ito gagawin
batay sa mga sitwasyon o pangyayari.
Mga sitwasyon o Ang aking gagawin Dahilan
pangyayari
1. Mauubos na ang
kagamitan mo sa iyong
proyekto kahit hindi pa tapos
ang pagkayari nito.
2. Natapos mo sa takdang
oras ang iyong proyekto
ngunit nagkasakit ka kaya
hindi ka makakapasok para
maisulit ito.
3.Nahihirapan ka sa paggawa
ng iyong proyekto sa
pagbuburda. Alam mong
mahusay sa gawaing ito ang
iyong lola.
4.Mahal ang halaga ng ilan sa
mga kagamitan sa paggawa
ng iyong proyekto.
5.Hindi dumadalo sa
paggawa ng inyong
pangkatang proyekto ang
iyong kamag-aaral.

LAKIP # 6

Gawain: Isaayos ang mga salita upang makabuo ng konsepto kaugnay sa pagtapos sa mga
gawain. Isulat ang pahayag sa long bond paper at iulat sa klase.

PANGKAT 1: ang gawang resultang sa panuntunan ay nakalulugod May


sumunod.

Gawain: Isaayos ang mga salita upang makabuo ng konsepto kaugnay sa pagtapos sa mga
gawain. Isulat ang pahayag sa long bond paper at iulat sa klase.

PANGKAT 2: ang ito ay sariling proyekto trabaho Ipagmalaki kung


Gawain: Isaayos ang mga salita upang makabuo ng konsepto kaugnay sa pagtapos sa mga
gawain. Isulat ang pahayag sa long bond paper at iulat sa klase.

PANGKAT 3: ng tao ay pinaghirapang may kakambal Ang na panalo gawa isang

Gawain: Isaayos ang mga salita upang makabuo ng konsepto kaugnay sa pagtapos sa mga
gawain. Isulat ang pahayag sa long bond paper at iulat sa klase.

PANGKAT 4: magiging at bukal sa loob pinaghirapan Kapag trabaho ang paggawa


maganda ang isang

LAKIP # 7

Gawain: Lagyan ang patlang sa tabi ng bawat bilang ng tsek ( / ) kung ang tauhan sa
pahayag ay dapat tularan at ekis ( x ) kung hindi dapat tularan. Isulat sa kasunod na patlang
kung bakit dapat tularan o hindi dapat tularan ang tauhan.

1. Nagmamadali si Ofelia sa paggawa ng kanyang proyekto dahil huli


niyang sinimulan ang gawain.

2. Nahihirapan si Norlito sa proyekto niya kaya ipinagawa niya ito sa kanyang kuya.

3. Maayos na nagawa ni Rowena ang kanyang gawain dahil sinunod niya


nang wasto ang pamamaraan sa paggawa nito.
4. Isinantabi muna ni Christian ang paglalaro kasama ng mga kaibigan upang
gawin ang kanyang proyekto sa paaralan.

5. Iniasa na lamang ni Rizalina ang paggawa ng kanilang pangkatang proyekto sa


kanyang mga kagrupo dahil siya naman ang bumili ng mga kagamitan para
magawa ito.

You might also like