You are on page 1of 9

Panggitnang Pagsusulit sa

Filipino sa Piling Larangan

Panukalang Proyekto

Ipinasa nina:
Lien Bianca Agdan
Faith Cecille Bascara
Glaiza Joyce Jemina
Luis Gabriel Lobaton
Jose Miguel Reyes
I. Pamagat: “Sari-Saring Libro para Sa’yo”

Lokasyon: Pasilyo (hallway) sa Ika-12 na palapag ng National University - Mall of Asia


(NU MOA)

Panahon ng Pagsasagawa: Ang proyektong ito ay isasagawa taun-taon.


• Panahon ng Paghahanda
• Abril 15-19, 2024 (isang linggo bago ganapin ang linggo ng World Book Day)
• Panahon ng Pagsasagawa
• Abril 22-26, 2024 (isang linggo kung kailan pumapatak ang World Book Day)

Mga Benipisyaryo: Mga mag-aaral mula sa Senior High School ng National University -
Mall of Asia

Tagapanukala: Glaiza Joyce Jemina

Taong Kokontakin:
Lien Bianca Agdan
> lienbianca.agdan@gmail.com
> 09685816684
Faith Cecille Bascara
> afaithcecille@gmail.com
> 09952476573
Glaiza Joyce Jemina
> glaizajemina@gmail.com
> 09687361411
Luis Lobaton
> luisgabriellobaton@gmail.com
> 09926728131
Jose Miguel Reyes
> miggycreyes@gmail.com
> 09183021271

Tinatayang Halaga/Badyet: Php 8,000.00

II. Pagpapahayag ng Suliranin

Ayon kay Cruz (2016), karamihan sa mga Filipino ang gumagamit ng salitang ‘mahal’ sa
mga presyo ng libro. Ang mga pampublikong silid-akltan ay bukas para sa lahat ngunit
limitado pa din ito sa mga taong nakatira sa malalayong lugar kung kaya’t mas madaling
maghanap ng libro sa mga online shopping sites. May mga oras naman na karamihan sa
atin ay magsasaliksik lang sa internet upang mahanap ang mga portable file format (PDF)
ng libro. Dahil dito, mas maraming tumatangkilik ng mga electronic na libro o E-books
kaysa sa pisikal na libro.
Bilang mga mag-aaral sa institusyon ng National University - Mall of Asia o NU MOA,
nabigyang pansin ng grupo ang kakulangan ng pagkakaiba-iba o diversity ng mga
pagpipiliang libro sa loob ng silid-aklatan sa nabanggit na unibersidad. Karamihan sa
maaaring mabasa dito ay mga librong pang-edukasyon o pang-akademiko na may
kinalaman sa mga asignatura at kurso ng mga mag-aaral ngunit, iilan lamang ang
mababasa bilang libangan. Dahil dito, ang mga mag-aaral ay hindi gaanong nakikibahagi
sa silid-aklatan upang magliwaliw mula sa pag-aaral dahil kulang ito sa mga aklat na
sumasaklaw sa iba pang genre. Bukod doon, ang mga mag-aaral ay hindi nalalantad sa
iba't ibang bokabularyo, konsepto, kaalaman, mga larawan, at mga ilustrasyon na
makatutulong sa kanila sa pagbuo ng mas malaking pagkakaunawa sa mga konteksto
na maaring magamit para sa karagdagang pagbabasa at pag-aaral. Samakatuwid, ang
pagiging limitado ng mga mababasang libro sa NU MOA ay nililimitahan din ang pag-
unlad ng kasanayan sa pagbabasa o reading skills ng mga mag-aaral.

III. Layunin

Layunin ng proyekto na ito ang maisulong at mapalawak ang pag-gamit ng mga pisikal
na libro. Mahalaga ang libro sa mga tao lalo na sa akademiya, kasama na dito ang mga
estudyante. Ang “Sari-Saring Libro Para Sa’yo” ay nais solusyonan ang kakulangan ng
libro sa mga estudyante dahil sa mga rason na ito ay mahal, hindi accessible sa lahat; at
para rin muling tangkilikin ang pisikal na libro. Sa proyektong ito ay mabibigyan ng
pagkakataon ang mga estudyante makipagpalitan ng libro sa isa’t-isa upang magkaroon
sila ng panibagong libro na nais basahin upang mapalawak ang kanilang mga
sanggunian ng hindi nakakasagabal sa kanilang badyet at hindi nasasayang ang oras sa
pagpunta sa mga pampublikong silid-aklatan. Layunin din nitong libangin ang mga mag-
aaral sa kanilang libreng oras dahil hindi lamang librong pang-akademya ang sakop nito
kundi, kasama narin ang mga librong fiction at non-fiction. Sa pamamagitan ng
proyektong ito ay mahihikayat ang mga mag-aaral, lalo na sa mga hindi mahilig magbasa,
na maging isang libangan ang pagbabasa.

IV. Plano na Dapat Gawin (Timeline at Badyet)

Timeline

Ang proyekto ay naglalayong magsimula sa susunod na taon sa petsa ng Abril 22, 2024.
Ito ay imumungkahi sa ika-2 linggo ng unang termino, Agosto 29, 2024, sa punong-guro
ng Senior High School. Kung maaprubahan, ang pagsisiyasat para sa mga materyales
at kagamitan ng proyekto ay magsisimula sa Marso 29, 2024. Sa Abril 1, 2024 naman ay
ang pagbili ng mga kagamitan, dahil ang ilan sa mga ito ay maaaring bilhin online, ang
oras ng pagbili ay ginagawa nang mas maaga para sa pagpapadala. Sa Abril 15
hanggang 18 ang linggo ng paghahanda ng proyekto. Kabilang dito ang pag-set up ng
booth sa nakalaang silid na ibinigay ng paaralan at pag-anunsiyo ng proyekto. Ang
proyekto ay mangangailangan ng tulong sa Senior High School Student Council para sa
pag-anunsyo nito at paghikayat sa mga estudyante na makilahok at magbigay suporta.
Mahalaga ang partisipasyon ng mag-aaral para sa tagumpay ng proyekto.

Ang araw ng pagsisimula ng proyekto ay gaganapin sa Abril 22, 2024. Ang kaganapan
ay tatagal ng isang linggo at ito ay magtatapos sa Abril 26, 2024. Sa unang araw, ang
booth ay magbubukas para sa lahat ng mga mag-aaral upang punan ang talaan sa isang
index card na ibinigay ng taong kinauukulan. Ang taong iyon ay magmumula sa Senior
High School Student Council. Siya ay inaasahang magbabantay sa booth at magtatabi
ng mga tala ng mga mag-aaral na lumahok sa proyekto. Kapag napunan ng mga mag-
aaral ang index card, maaari na nilang simulan ang paglalagay ng mga libro sa mga
istante at kumuha ng aklat na gusto nilang ipalit dito. Ang mga aklat na maaaring ilagay
ng mga mag-aaral ay limitado sa tatlong aklat lamang na may kapalit na tatlong libro
lamang din. Ito ay para siguraduhin na lahat ng mga mag-aaral ay makakakuha ng libro.

Sa Abril 23, 2024, ang pagdiriwang ng World Book Day, at upang gunitain ang araw na
iyon, hinihikayat din ng proyekto ang mga guro na makiisa at magbigay ng sapat na oras
sa kanilang klase sa mga mag-aaral na bisitahin ang booth at sumali sa kaganapan.

Ang proyekto ay magpapatuloy hanggang Abril 26, 2024, sa araw na ito ay ang huling
pagkakataon ng mga mag-aaral na lumahok sa pagpapalitan ng libro. Sa pagtatapos ng
araw, ililigpit na ang booth. Kung may mga librong matitira sa booth, ito ay ibibigay (kung
tatanggapin) sa silid-aklatan ng unibersidad o ibibigay bilang donasyon sa ibang
organisasyon o silid-aklatan. Kung maituturing na matagumpay ang proyekto, maaari
itong maging taunang kaganapan na tatangkilikin ng mga mag-aaral.

Petsa Gawain Lokasyon

Agosto 29, 2023 Pagpapasa at pagpapa-apruba Opisina ng Punong-


(Ikalawang linggo ng ng panukalang proyekto guro
unang termino ng A.Y.
2023-2024)

Marso 29, 2024 Pagsisiyasat kung kakasya pa Sa internet o sa


rin ang nakatakdang badyet tindahan

Abril 1, 2024 Pagbili sa mga materyales na Sa internet o sa


kakailanganin tindahan

Abril 15 - 18, 2024 Pagsasa-ayos at pagkakabit Kwarto 1229


ng mga istante ng libro

Abril 19, 2024 Pagsasa-ayos ng mga istante Pasilyo ng Ika-12 na


at lamesa sa pasilyo pati ang palapag sa National
paglalagay ng dekorasyon University - Mall of
dito. Asia
Abril 22, 2024 Araw ng pagsisimula ng Pasilyo ng Ika-12 na
proyekto palagpag sa National
University - Mall of
Asia

Abril 23, 2024 Paggugunita ng World Book Pasilyo ng Ika-12 na


Day palapag sa National
University - Mall of
Asia

Abril 26, 2024 Pagtatapos ng proyekto Pasilyo ng Ika-12 na


palapag sa National
University - Mall of
Asia

Badyet

Ang proyketong “Sari-saring Libro Para Sa’yo” ay gaganapin sa National University - Mall
of Asia sa departamento ng Senior High School. Mga kasapi sa proyektong ito ay ang
mga mag-aaral sa baitang 11 at 12 mula sa Senior High School. Ang proyekto ay
makakamit sa ibinigay na badyet para pondohan ang mga kagamitang kailangan nito.
Nakabatay ang badyet sa mga sumusunod na kagamitang kailangan, mga istante ng libro
para sa lalagyan ng mga aklat, mga dekorasyon (banderitas at markers) para sa booth
upang maakit ang partisipasyon ng mga mag-aaral, at vellum board para sa paglalagay
ng label sa mga istante para sa genre. Ang mga genre na saklaw sa proyektong ito ay
mga libro sa fiction, non-fiction, at pang-akademya.

Maliban diyan, kailangan din ng proyekto ang mga kagamitan sa pagtatala, tulad ng aklat-
talaan (record book) at index card. Ito ay upang maiwasan ng mga mag-aaral na
mapabayaan ang alituntunin ng pakikipaglitan ng libro na kung saan ay basta-bastang
mag-iiwan ng libro upang makakuha ng ibang libro. Ang index card ay para sa mga
estudyante na nais sumali sa proyekto. Isusulat doon ang kanilang pangalan, baitang at
seksiyon, at ang librong kanilang ibibigay. Ang aklat-talaan ay para i-lista ang mga
estudyante na kasapi sa proyekto. Kasama din sa proyekto na ito ang pakikiusap sa
faculty ng unibersidad na magpahiram ng silid sa ika-12 palapag para sa proyektong ito.
Panghuli, may dagdag na badyet para masakop ang anumang mga bibilhin sa hinaharap
o kakulangan ng pera. Lahat ng mga materyales o gamit ay nakabatay sa aming nahanap
mula sa bilihan at internet. Ang mga presyo ay isa lamang tantya, maaring ito ay bumaba
pa sa mismong araw ng pagbili.

Materyales/Gamit Badyet Pinagbasehan na Presyo


Istante ng libro Php
5,000.00

Istante ng Libro

Dekorasyon Php Ito ay tantya lamang, base sa presyo ng tela,


1,000.00 kartolina, banderitas, illustration board, at iba ang
maaring gamitin para sa dekorasyon.

Ekstrang badyet Php Walang pinagbasehan ng presyo, ito ay nireserba


(miscellaneous) 1,000.00 at inihanda lamang para sa mga hindi inaasahang
gastos.

Bolpen - Dadalhin na lamang ng mga magbabantay sa


puwesto, at maari ring gamitin ng mga estudyante
ang kanilang sariling bolpen.

Aklat-talaan Php
65.00

Aklat-talaan
Vellum Board Php
50.00 of

Vellum Board

Index Card Php


30.00

Index Card
Pangmarka (marker) Php
40.00

Pangmarka

V. Paano Mapakikinabangan ng Aking Pamayanan ang Panukalang Ito

Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, madalas ay hindi na binibigyan ng atensyon ng mga


tao ang mga moderno o lumang klase ng pisikal na aklat ng lipunan, mas lalo na ang mga
kabataan. Magiging paki-pakinabang ang proyekto na ito dahil pwede ito maging isang
dayuhan para mabigyan ng interes ang mga mag-aaral at mga guro ng National
University - Mall of Asia campus sa mga iba't ibang aklat na naka-kategorya sa maraming
mga genre. Mahalaga din ito, para mabigyan ng pansin at paghanga ang mga manunulat
nito at para makapagbigay ng interes ang mga estudyante o guro sa mga iba din nilang
akda. Maliban doon, dahil ang mga natitirang mga libro ay ibibigay sa mga silid-aklatan
ng NU MOA o iba pang mga organisasyon, makatutulong din ang proyektong ito para sa
mga taong nais magbasa o di kaya sa mga hindi makabili ng libro, o hindi makabasa at
makasulat ng maayos.

Ang proyektong ito ay maaaring makatulong rin sa mga mag-aaral upang makihalubilo
sa mga kaklase nila sa pamamagitan ng pag-uusap tungkol sa mga libro at mga genre
na kanilang nahihiligan. Bukod dito, maaari din itong gamitin para mapagkunan ng
sanggunian, dahil ang pagsasagawa ng proyektong ito ay makatutulong din sa
pagbibigay ng barayti ng mga librong pang-edukasyon na maaaring gamitin ng mga mag-
aaral para sa kanilang pag-aaral at pagsasaliksik.

Ang pagbabasa ng iba’t ibang klase ng mga libro ay maaari ding makatulong sa mga
mag-aaral na bumuo ng kanilang mga kasanayan sa analitikal at kritikal na pag-iisip.
Dagdag pa, maaaring gamitin ang “Sari-Saring Libro para Sa’yo” upang hikayatin ang
mga mag-aaral para magbasa na makatutulong sa kasanayan sa pag-unawa at pagsulat
na magpapalago ng pagkakaroon ng pagmamahal sa pagbabasa.
Sanggunian
Cruz, N. S. R. (2016, May 28). It’s expensive to love books | Inquirer Opinion. INQUIRER.net.
https://opinion.inquirer.net/94946/its-expensive-to-love-books

You might also like