You are on page 1of 3

PHILIPPINE INTERNATIONAL SCHOOL – QATAR

P.O. Box 9875, Ain Khalid State of Qatar


Senior High School Department

Banados, Joris Yvan Q.

12 – STEM B

Posisyong Papel tungkol sa Paggamit ng “IWB” o Interactive Whiteboard kapalit ng mga


chalkboard at whiteboard sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas

Ang pagpapalit sa IWB ay maaaring magpadali ng pagtuturo at interaksyon ng guro sa


kanilang mga estudyante ngunit dahil sa mga ibang mga kadahilanan katulad ng mga bagyo,
kakulangan sa pondo, at sa iba pang mga kadahilanan, mukhang mas nakakabuti nang hindi
na ito palitan.

Sa mahabang panahon, ang mga chalkboard at whiteboard ay ginagamit ng mga


pampublikong paaralan sa buong bansa. Ito ay kadalasang kulay berde o itim na may mga linya
upang gabay sa pagsusulat ng mga aralin. Ito ang ginagamit sa mga paaralan dahil ito ang
nakasanayang gamitin ng mga guro at mag-aaral at dahil na rin hindi pa nauso ang kahit anong
teknolohiya noon. Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya ngayon, karamihan ng mga paaralan
sa bansa ay gumagamit na ng mga interactive whiteboard o IWB kung tawagin. Ayon sa isang guro
na si Angel C. de Dios, “Chalkboards are disappearing. I no longer have one in the lecture hall
where I teach General Chemistry.” Ito daw ay epektibong magpakita ng mga litrato, bidyo, at iba
pang mga presentasyon ng walang kahit na anong abala. Dahil dito, naging usap-usapan kung
nararapat bang palitan lahat ng mga chalkboard sa mga pampublikong paaralan at ipalit dito ang
mga IWB.

Kung titignan natin ang magkabilang panig, mayroon at mayroon itong mga magandang
maidudulot sa mga paaralan sa Pilipinas, ngunit kasama din nito ang mga di-magandang
maidudulot. Ang interactive whiteboard o IWB ay tumutukoy sa isang elektronikong whiteboard na
nagpapakita ng mga nilalaman na nais ipakita ng isang indibidwal na galing sa mga kompyuter,
tablet, at iba pa. Ito ay makakapagbigay ng kapanatagan sa mga guro at mag aaral pagdating sa
pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon dahil halos lahat ay kaya nitong gawin, sa
pagpapakita ng mga litrato, bidyo, powerpoint presentations, at simulations na nagpapadali sa
paglelektyur at interaksyon sa pagitan ng guro at kanilang mga estudyante. Sa kagandahan nitong
gamitin, ibig sabihin ay ang mga paaralan na gagamit nito ay gagastos ng malaki-laking halaga
upang ito ay maimplementa. Ito na din ang dahilan kung bakit ang mga paaralan lamang na pribado
ang kadalasan na mayroon at gumagamit ng mga IWB at hindi ang mga pampubliko.
PHILIPPINE INTERNATIONAL SCHOOL – QATAR
P.O. Box 9875, Ain Khalid State of Qatar
Senior High School Department

Sa isang banda, nariyan ang mga chalkboard: mura at madaling gamitin. Ayon sa
pananaliksik ni Mayer (2003), mas natututo ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng impormasyon na ipinapakita sa pamamagitan ng maraming mga modalidad, lalo na sa
pamamagitan ng biswal na paraan, at mga board ay marahil ang pinakasimpleng kagamitan sa
pagtuturo ng biswal. Ito din ang karamihang nasa mga pampublikong paaralan dahil hindi na
kailangan ng kuryente upang ito magamit, hindi kagaya ng mga IWB na kinakailangan pa ng
internet at kuryente upang magamit. Ang kailangan mo lamang upang magamit ang mga ito ay
chalk sa chalkboard at whiteboard markers para sa mga whiteboards na hindi masakit sa bulsa
bilhin.

Dahil sa mga naunang pahayag kung dapat nga bang palitan ng IWB ang lahat ng mga
chalkboard at whiteboard sa mga pampublikong paaralan sa bansa, ako ay tumututol sa aksyong
ito. Una sa lahat, ang paggamit ng IWB ay masakit sa bulsa, lalo na sa mga pampublikong paaralan
na karamihan ng mga mag-aaral doon ay walang sapat na pambayad sa kanilang mga kagamitan.
Isa pang dahilan kung bakit dapat tutulan ang aksyon na ito ay dahil na rin sa mga kalamidad na
nararanasan ng ating bansa. Karamihan ng mga pampublikong paaralan ay agad na binabaha
kapag umuulan o binabagyo. Malamang sa malamang kapag nabasa ng tubig-baha ang mga IWB
sa mga paaralan na ito, ito na ay magiging di kapakipakinabang hindi katulad ng mga chalkboard at
whiteboard na nadadaan lang sa paglilinis at pagpapatuyo kapag ito ay nabasa. Mas malaki ang
danyos na mawawala sa paaralan kapag ang IWB ang gamit-gamit at hindi ang mga chalkboard at
whiteboard. Maaaring may isa o dalawa lamang kada paaralan ang may IWB na maaaring ilagay sa
mga bulwagan o sa mga computer lab na maaaring gamitin ngunit sa ibang mga silid-aralan ay
chalkboard o whiteboard ang gamit.

Sanggunian:

De Dios, A. (2020). Chalkboards versus Interactive Whiteboards. Philippinesbasiceducation.us.


Retrieved 1 December 2020, from https://www.philippinesbasiceducation.us/2018/08/chalkboards-
versus-interactive.html.

Priya, P. (2020). Reasons Why Chalkboards Are Important. starmommy. Retrieved 1 December
2020, from https://www.starmommy.com/children/reasons-why-chalkboards-are-important/.

Whiteboards and Chalkboards | Poorvu Center for Teaching and Learning. Poorvucenter.yale.edu.
(2020). Retrieved 1 December 2020, from https://poorvucenter.yale.edu/WhiteboardsChalkboards.
PHILIPPINE INTERNATIONAL SCHOOL – QATAR
P.O. Box 9875, Ain Khalid State of Qatar
Senior High School Department

Karsenti, T. (2016). The Interactive Whiteboard: Uses, Benefits, and Challenges. A Survey of
11,683 Students and 1,131 Teachers. Canadian Journal of Learning and Technology 42.5: 1-22.

You might also like