You are on page 1of 3

GAWAIN:

PAKSA Pag-aaral sa kakayahan ng mga Pilipino sa paggamit ng Online


sa kinabibilangang larang learning
na nais pagtuonan ng
pansin

ISYUNG Ang pagsasarado ng mga klase at ang paglipat sa


nakasanayang pisikal papunta sa "online" na paraan ng klase
PANLIPUNAN
na nakapaloob sa napiling
paksa na nais talakayin

LAYUNIN Para maipakita ang estado ng Pilipinas sa kakayahang


ng isusulat na Sulating umangkop sa "online classes" at para maintindihan ang mga
Akademik kalamangan at kahinaan ng paraang ito.

TESIS Maraming problema ang manggagaling sa pag-implementa ng


na nais sabihin sa "online classes" dulot sa pagkukulang ng Pilipina sa iba’t ibang
madlang kausap aspekto kagaya ng pagkakaroon ng kagamitan at maaasahang
koneksyon.

MADLANG KAUSAP Mga estudyante at magulang, pati na rin ang mga guro
na nais pag-ukulan ng
gagawing Sulating
Akademik.
LAYUNIN Para maipakita ang estado ng Pilipinas sa kakayahang umangkop sa
"online classes" at para maintindihan ang mga kalamangan at
kahinaan ng paraang ito.

TESIS Maraming problema ang manggagaling sa pag-implementa ng


"online classes" dulot sa pagkukulang ng Pilipinas sa iba’t ibang
aspekto kagaya ng pagkakaroon ng kagamitan at maaasahang
koneksyon.

BALANGKAS PLANO

I. Introduksyon
Ang biglaang pagsuspindi ng klase ay nagpumilit sa mga Pilipinong iakma ang sarili sa "online
classes" kahit gaano pa man ang kanyang kakayahan rito.
A. Napilitan ang mga eskwelahang itigil ang klase sa kalagitnaan ng Marso upang mapatigil ang
pagkalat ng Covid-19 sa bansa.
B. Ang S.Y. 2020-2021 ay itinakdang magsimula sa ika-24 ng Agosto.
C. Si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpahayag na ng kanyang pagdadalawang
isip sa kakayahan ng ating bansang makapag-akma sa "distance learning.”

II. Katawan

Punto 1: Isa sa pinakamalaking problema ng pagpapatuloy ng klase ay ang isyu ng


pagkakaroon ng "Internet.”
A. Una, ayon sa Asia Foundation, 55% (limamput limang porsiyento) lamang ng mga Filipino
ang may "Internet.”
B. Susunod, ang DepEd ICT Service Director, Aida Yuvienco, ay nagsasabing “Only 26 percent
of public schools are connected to the internet or are able to connect to the internet.”
C. Dinagdag niya rin na halos 5,000 na pampublikong aralan sa kanayunan ay walang
"internet.”
D. Sa kasalukuyan, mayroon nang mga matinding halimbawa ng mga esudyanteng naghahanp
ng pagkukunan ng "internet" katulad ng kamatayan ni Kriselyn Villance, na nangyari dulot ng
aksidenteng kasama ang motorsiklo na nangyari habang siya ay naghahanap ng kukunan ng
"internet.”

Punto 2: Isa pang hadlang na pumipigil sa Pilipinas na maging handa sa "online classes" ay
ang kakulanganng kagamitan para rito.
A. Ayon sa DOST, ang Pilipinas ay 83rd (ika walumput-tatlo) sa binibilang sa 138 (isang daan
at tatlumpu’t walo) sa mga bansa sa tuntunin ng "digital readiness".
B. Mula sa halos 700,000 (pitong daang libo) na mga guro sa buong bansa na sumagot sa
bagong sarbey ng DepEd, 87% (walumput pitong porsiyento) ang may laptop o computer sa
kanilang tahanan at 13% (labintatlong porsiyento) ang wala, ayon kay Education
Undersecretary Nepomuceno Malaluan
C. Sinasabi rin ni Mariana Malecdan, isang ina, na upang makapasok ang isang estudyante sa
"online classes,” kinakailangan niya ng sariling gadgets hiwalay sa ginagamit ng magulang na
nagdadagdag lamang sa mga gastusin.
D. At saka, kung ang mga module man ay ipadala online, ang mga estudyanteng walang printer
sa bahay ay may walang paraan upang makuha ang mga ito dulot na sila'y pinagbabawal
lumabas.

Punto 3: Bukod sa halang dulot ng teknolohiya, isa pang problema ay kung komportable nga ba
ang kinaroroonan ng bata para sa pag-aaral.
A. 41% (apat sa put isang porsiyento) lamang ng estudyante ay nagsasabing
sila'y nasa tamang kondisyon sa pangkaisipan at pisikal upang harapin ang "online learning"
B. Bukod pa doon, umaabot 64% ( anim na put apat porsyiento) lamang ang mayroong
pribadong espasyo at ito’y nagiging problema dahil mahirap ang pakikipag-usap sa guro kapag
mayroong maraming tao sa paligid.

III. Konklusyon
Sa ngayon, 15.8 milyon lamang sa mga Pilipinong estudyante ang nakaenroll na
nagrerepresenta sa 59% (limapu’t siyam posiyento) ng mga estudyante, na nagpapakita na ang
mga Pilipino ay hindi pa handa para sa "online learning.”
A. Maraming dahilan ang nagdudulot sa lumiliit na bilang ng mga estudyanteng pinipiling
magenroll.
B. Ang mga dahilang ito ay ang patungkol sa teknolohiya, pinansyal, at ang epekto ng kanilang
paligid.

You might also like