You are on page 1of 5

PANUKALA SA PAGBIBIGAY NG PAGKAIN BILANG TULONG SA MGA ESTUDYANTENG

NANGANGAILANGAN SA PAARALAN

(Paaralan)
JP Rizal St., Barangay Tagapo
Santa Rosa, Laguna
Ika- 8 ng Enero, 2020
Haba ng Panahong Gugulin: 1 buwan at kalahati

I. Suliranin
Ang (Paaralan) ay isa sa kilalang paaralan sa lungsod ng Santa Rosa, Laguna. Kilala
ang mga mag-aaral dito sa pagiging masipag at matatalinong mga estudyante. Ngunit dahil sa
nangyaring pandemya ay maraming estudyante, maski na ang mga magulang nila ang
naapektuhan nang labis. Isa sa mga suliraning nararanasan ng mga estudyante ay
pagkakaroon ng kaunting suplay ng pagkain dahil sa kadahilanang marami ring magulang ang
hindi nakasasahod nang maayos at ang iba pa ay nawalan ng trabaho. Ito ay nagdudulot ng
negatibong epekto sa mga bata, isa sa mga posibleng maapektuhan nito ay ang kanilang
pakikilahok sa klase, ito rin ay posibleng makaapekto sa kanilang kalusugang mental. Ang
pangunahing sanhi ng mga negatibong epekto na ito sa mga bata o estudyante ay ang
kakulangan nila ng suplay ng pagkain sa kanilang bahay. Dahil dito nangangailan ang mga
estudyanteng ito ng tulong mula sa mga taong taos-pusong magbibigay sa kanila nang kaunting
tulong tulad na lang ng pagkain. Kung ito ay maisasagawa ay malaki na itong tulong para sa
estudyante o maging sa mga magulang nila. Sa pamamagitan ng maliit na tulong na ito, kahit
papaano ay mababawasan ang problema ng estudyante sa kaniyang pangkain nang ilang araw.
Tiyak na mas magkakaroon sila ng sigla sa klase upang makilahok sa mga pagbigkas o
anumang aktibidad sa loob ng silid-aralan.

II. Layunin
Pag-aabot tulong para sa mga estudyante na nangangailangan nito sa pamamagitan ng
pagbibigay ng sapat na suplay na kanilang makakain na tama lang para sa dalawang linggo
upang mabawasan ang kanilang pangamba sa pwede nilang makain sa mga susunod na araw,
at upang makalahok din sila sa mga aktibidad na nangyayari sa loob ng kanilang klase nang
may gana at lakas.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aapruba, at paglalabas ng badyet (5 araw)
2. Pagpupulong sa mga opisyales mula sa SSG patungkol sa mga plano na kailangang gawin
upang matagumpay na maisagawa ang proyekto (2 linggo)
3. Pagkakaroon ng miting sa bawat silid-aralan upang mahikayat silang makiisa sa proyekto (1
linggo)
4. Pamimili at pag-aayos ng suplay ng pagkain na ipamimigay sa araw ng pamamahagi nito (5
araw)
5. Pamamahagi ng suplay ng pagkain sa mga 60 estudyanteng nangangailangan nito (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

I. Halaga ng magagastos sa pagbili ng Php 125,275.00


dalawang linggong supply ng pagkain para sa
60 estudyante at pagkain para sa awdiyens
(kasama na rito ang ang gagamitin para sa
pang-balot ng pagkain at disenyo sa venue)

Kabuuang Halaga Php 125,275.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito


Ang pagbibigay ng tulong sa mga estudyanteng nangangailangan nito ay magiging
kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral na tulad nila, sapagkat ang sigla at lakas ng bata tuwing
oras ng klase ay nanggagaling sa mga pagkaing kinakain nila. Maiiwasan din ang
pamomroblema ng bata at ng magulang nito sa makakain nila sa mga darating na araw
sapagkat ay may suplay sila ng pagkain na kanilang inihahain sa kanilang hapag-kainan.
Hindi lamang ito magbebenepisyo sa mismong mga estudyante kundi maging sa
kanilang pamilya na nasa kanilang tahanan na nangangailangan din ng kaunting tulong para
lang mairaos nila ang isang araw.

Panukalang Badyet

ITEM

Pagkain
● Suplay ng pagkain Php. 2,000 x 60 Php 120,000.00
● Awdiyens Php 50 x 60 Php 3,000.00

Ibang materyales
● Pang-balot Php. 50 x 30 Php 1,500.00
● Kaunting disenyo sa
entablado:
- Bulaklak Php. 25 x 15 Php 375.00
- Poster Php. 40 x 10 Php 400.00

Kabuuang Halaga Php 125,275.00


PANUKALA SA PAGBIBIGAY AT PAMAMAHAGI NG LIBRENG GAMIT SA PAARALAN
PARA SA MGA MAG-AARAL NG (PAARALAN)

PAARALAN
JP Rizal St., Barangay Market Area
Santa Rosa, Laguna, 4026
Ika-11 ng Enero, 2021
Haba ng Panahong Gugulin: 1 buwan

I. Suliranin
Isa ang PAARALAN sa kinikilalang sentro ng kahusayan sa agham at teknolohiya.
Nagbibigay ito ng mga estratehiya sa pagtuturo gamit ang estado ng mga pasilidad sa sining
upang makabuo ng maayos na mag-aaral sa lugar ng CALABARZON. Sa di inaasahang
pagkakataon, maraming estudyante ang naapektuhan ng pandemyang dulot ng Coronavirus
disease. Ito ay nagdudulot ng problema at pangamba sa mga estudyante pagkat karamihan ay
walang sapat na pambili ng mga kagamitan sa pag-aaral. Ang pangunahing sanhi nito ay ang
pagkawala ng trabaho ng kanilang magulang, at ang iba naman ay nagkaroon ng problemang
pinansyal dahil sa pagkalugi sa kani-kanilang negosyo. Dahil dito nangangailangan ang mga
mag-aaral ng PAARALAN ng libreng gamit sa paaralan. Kung ito ay maisakatuparan tiyak na
hindi na kailangan pang bumili ng mga mag-aaral ng gamit sa paaralan na malaking tulong sa
kanilang mga magulang. Higit sa lahat, maiiwasan din ang pag-aalala ng mga mag-aaral sa
kanilang mga kailangan kapag sila ay pumasok na muli sa paaralan. Kailangan na maisagawa
ang proyektong ito sa madaling panahon para sa muling pagbubukas ng paaralan para sa
face-to-face learning.

II. Layunin
Makapagsagawa ng isang outreach program sa PAARALAN upang matulungan ang
mga mag-aaral sa kanilang gamit sa paaralan at para na rin hindi na mangamba ang
kani-kanilang magulang sa dagdag na gastusin sa pang-araw-araw.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aapruba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagpupulong ng mga guro at piling estudyante sa PAARALAN para sa pagpili ng mga
bibilhing gamit sa paaralan na ibabahagi sa mag-aaral, gayundin ang mga hakbang na
kailangang isaalang-alang para sa isasagawang proyekto (2 araw)
3. Pamimili ng mga gamit sa paaralan at pagbabalot ng mga ito (2 linggo)
4. Paglilinis at pagdidisenyo ng court ng paaralan para sa isasagawang outreach program (2
araw)
5. Pamamahagi ng gamit sa paaralan sa mag-aaral ng PAARALAN (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Halaga ng magagastos sa pagbili ng mga Php 221,000.00
gamit sa paaralan batay sa napagkasunduan
ng mga guro at piling mag-aaral.

II. Gastusin para sa pagkain at inumin na Php 76,000.00


ibibigay sa mga mag-aaral.

III. Disenyo ng court Php 450.00

Kabuuang Halaga Php 297,450.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito


Ang pagbibigay at pamamahagi ng libreng gamit sa paaralan ay malaking tulong sa sa
mag-aaral ng PAARALAN. Ang pangamba ng ilang estudyante sa kanilang kulang na gamit sa
paaralan sa muling pagbubukas ng paaralan para sa face-to-face learning ay maiibsan at
masosolusyunan. Hindi na kailangan pang bumili ng gamit sa paaralan para sa mga
requirements sa bawat asignatura sa paaralan. Higit sa lahat, makatutulong ito para mas
ganahan pa ang mga mag-aaral sa pag-aaral.
Mababawasan din ang pangamba ng mga magulang ng mga mag-aaral sapagkat imbis
na gastusin ang kanilang naipon pambili ng gamit sa paaralan ay magagamit nila ito pambili ng
pang-araw-araw na pagkain. Gayundin ang mga guro na magkakaroon ng kapanatagan sa loob
at tiyak na di makokonsensya sa kanilang mga requirements sa mga estudyante.

Panukalang Badyet

ITEM HALAGA

Gamit sa paaralan
● Kwaderno Php. 25 x 1700 Php 42,500.00
● Papel Php 20 x 1700 Php 34,000.00
● Panulat Php 20 x 1700 Php 34,000.00
● Filler Notebook Php 10 x 1700 Php 17,000.00
● Folder Php 15 x 1700 Php 25,500.00
● Materyal na pangkulay Php 20 x 1700 Php 34,000.00
● Materyal na panukat o Php 20 x 1700 Php 34,000.00
pangguhit (ruler,
compass, protractor)

Pagkain at inumin
● Burger Php. 30 x 1700 Php 51,000.00
● Bottled Water Php 15 x 1700 Php 25,000.00
Disenyo ng court
● Tarpaulin Php 200 x 1 Php 200.00
● Crepe paper Php 15 x 10 Php 150.00
● Cartolina Php 10 x 10 Php 100.00

Kabuuang Halaga Php 297, 450.00

You might also like