You are on page 1of 6

Habang Tumataas, Lalong Nahihirapan: Kantina at Paraan ng Paggasta ng mga

Mag-aaral ng San Francisco High School

Kaligiran at Rasyunale ng Suliranin

Ang kantina ay isang lugar kung saan inihahain at kinakainan ng mga mag-aaral sa isang
paaralan. Ayon sa depinisyon na ibinigay ng Merriam Webster, ang kantina ay isang lugar kung
saan binebenta ang iba’t-ibang uri ng pagkain, mapa merienda man o pagkaing pananghalian,
hanggang sa mga inumin na kailangan ng mga mag-aaral. Gumagamit ang isang paaralan ng
kantina, upang mabigyan ng pagkain ang mga mag-aaral, at upang matulungan ang mga
magulang na hindi kaya ang palaging paghahanda ng pagkain upang baunin ng kanilang mga
anak sa paaralan (Phillips, 2022). Subalit, sa pagdaan ng mga panahon, may mga pangyayari na
hindi kayang makontrol nino man, katulad ng pagtaas ng mga bilihin dala ng inflation.

Ang inflation ay ang lebel ng pagtaas ng preyo ng mga bilihin sa isang lugar sa ibinigay na
panahon (Oner, N.D). Sa mga paaralan, ang inflation ay nakakaapekto sa mga mag-aaral na
konsyumer sa pamamagitan ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin sa kantina na siyang
pangunahing lugar ng kalakalan sa mga paarlan, sa datos na inilabas ng International Monetary
Fund (IMF), ang Pilipinas ay nakaranas ng 5.8% na inflation rate (IMF, 2023).

Sa kabilang banda naman, ang mga tao ay may mga kanya-kanyang paraan ng paggamit ng kani
kanilang salapi, o spending habits. Sa isang artikulo na isinulat ni Digiovanni (2019), tinukoy
niya ang anim na paraan ng mga spending habits na ginagawa ng mga tao, at ang mga ito ay ang
mga sumusunod:; Madalas na pag gastos para sa maliliit na bagay. Kaugalian ng palagiang
pamimili. Biglaang pagbili o Impulse Buying. Huling pagbabayad ng mga responsibilidad. Hindi
pagbabantay sa mga gastos, at Kawalan ng layunin sa pagtitipid. Sa isang pag-aaral na isinagawa
sa Amerika noong 2023, lumabas na nasa 91 milyon na tao ang nagkakaroon ng problema dahil
sa mga maling spending habits (Reiszel, 2023). Sa mga bata, ang spending habits ay nahubog sa
pamamagitan ng iba’t-ibang paraan. Ang isang tipikal na 18 anyos na bata ay hindi pa gaanong
maalam sa paggawa ng kanyang sariling badyet (Messinger, 2022). Kadalasan, ang mga bata ay
gumagaya sa kung ano man ang nakikita nilang ginagawa ng kanilang mga magulang, kaya
napakahalagang parte ang ginagampanan ng mga magulang sa paghubog ng tamang paraan ng
paggastos ng pera (Gravier, 2023).

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makapagbigay ng komprehensibo at malinaw na


pagsasalarawan ng relasyon ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa kantina, at ang epekto nito sa
paraan ng pag gasta o spending habits ng mga mag-aaral mula sa San Francisco High School
(SFHS). Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maka ambag sa pagpapalawak ng kaalaman sa mga
kabataang mag-aaral ng nasabing paaralan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na
paglalarawan ng epekto ng pagtaas ng bilihin sa kantina at sa epekto nito sa kanilang paraan ng
pag gasta, upang nang sa gayon, ay magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral kung anong mga
bagay ang kanilang dapat na gawin upang maiwasan ang mga masamang epekto ng hindi maayos
na paraan ng pag gasta ng kanilang pera.

1.2 Suliraning Kaugnay sa Paksa

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong pag-aralan at ilarawan ang relasyon sa pagitan ng mga
baryabol na nakakaapekto sa relasyon ng pagtaas ng mga bilihin sa kantina at sa paraan ng pag
gasta ng mga mag-aaral ng San Francisco High School, sa mas partikular, ang pag-aaral na ito ay
naglalayong bigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanaungan:

1. Anu-ano ang pamamaraan ng pag gasta ng mga mag-aaral ng San Francisco High School.
2. Paano nakakaapekto ang pagtaas ng mga bilihin sa paraan ng pag gasta ng mga mag-aaral
ng San Francisco High School.

Kalahok at Pamaraan ng Pag- aaral

Ang pag-aaral ay gumamit ng stratified random sampling upang tiyakin ang representasyon mula
bawat antas ng grado. Binahagi ang kabuuang populasyon ng mga estudyante sa San Francisco
High School sa mga strata base sa antas ng grado. Sa bawat stratum, hinati ang mga kalahok
nang random upang maabot ang hinahangad na sukat ng sample na 10 estudyante bawat antas ng
grado.
Ang pagpili ng sampling method na ito ay upang tiyakin na kasama ang sapat na representasyon
ng mga estudyante mula sa bawat antas ng grado, na nagbibigay-daan sa masigasig na
pag-unawa sa ugnayan ng presyo sa kafeteriya at gawi sa paggastos sa iba't ibang grupo ng edad.

Bilang ng mga kalahok:

Kabuuang 60 estudyante mula sa San Francisco High School ang kalahok sa pag-aaral. Hinati
ang mga kalahok sa iba't ibang antas ng grado:

10 estudyante
Grade 7:

10 estudyante
Grade 8:

10 estudyante
Grade 9

10 estudyante
Grade 10

10 estudyante
Grade 11

10 estudyante
Grade 12

Paraan ng Pagkuha ng Datos:

Ang datos ay nakuha sa pamamagitan ng pagsasanib ng sarbey sa pamamagitan ng pagsusuri ng


sariling ulat, harapang pagsusuri, at pag-aaral ng mga talaan ng transaksyon sa kafeterya. Sa loob
ng sarbey, kasama ang mga tanong hinggil sa mga kaugalian ng paggastos ng mga mag-aaral,
ang kanilang opinyon tungkol sa presyo sa kafeterya, at ang pangkalahatang kalagayan ng
kanilang pinansyal. Sa pagpapatupad ng sarbey, layunin ng mga mananaliksik na kunin ang mga
opinyon hinggil sa paggastos at ang mga saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa presyo sa
kafeterya. Bukod dito, ang mga talaan ng transaksyon sa kafeterya ay ginamit upang makuha ang
obhetibong datos hinggil sa aktuwal na halaga na inilalaan ng mga mag-aaral para sa kanilang
mga pagkain sa kafeterya.

Estadistikong Kagamitan para sa Pagsusuri ng Datos:

Upang maunawaan ang nakuha na datos, maaaring gamitin ang iba't ibang estadistikong
kagamitan. Ang mga deskriptibong estadistika, tulad ng average at standard deviation, ay
maaaring gamitin upang buodin ang mga kaugalian sa paggastos ng mga mag-aaral sa iba't ibang
antas ng baitang. Ang mga measure na ito ay magbibigay ng malinaw na pang-unawa sa average
na halaga ng pera na ginagastos ng mga mag-aaral sa kafeterya. Ang mga estadistikong pagsusuri
na ito ay makakatulong sa pagtukoy kung mayroong makabuluhang pagkakaiba sa mga
kaugalian sa paggastos batay sa baitang o kung may kaugnayan ang pananaw ng mga mag-aaral
sa presyo sa kafeterya sa kanilang aktuwal na gawi sa paggastos

RRL/RRS

Ayon naman sa isang pagsusuri ng Bangko Sentral ng Pilipinas (2017), karaniwan, ang mga
estudyante sa Pilipinas ay naglalaan ng kanilang pera para sa pagkain, transportasyon, at personal
na pangangalaga. Isa rin itong pagsusuri na nagpapahayag na ang mga estudyante na mayroong
edukasyon sa pinansiyal ay mas may tendensiyang magkaruon ng positibong gawi sa pag-gastos
at mas mababa ang tsansang magkaruon ng utang. Sa konteksto ng pagtaas ng presyo,
nasumpungan ng isang pagsusuri mula sa University of the Philippines Diliman (2019) na ang
mga estudyante ay nag-aadjust sa kanilang gawi sa pag-gastos sa harap ng pagbabago ng presyo,
kung saan mas pinipili ang pagbawas sa gastusin para sa hindi kritikal na bagay at mas
pagtuunan ng prayoridad ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at
transportasyon.Ayon sa isang pag-aaral ni Santos (2018), ang mga pamamaraan ng paggasta ng
mga mag-aaral ay maaaring kasama ang pagbili ng mga kagamitan at gamit sa paaralan, pagkain
at mga luho tulad ng mga gadgets at damit. Ang pagtaas ng mga bilihin ay may malaking epekto
sa paraan ng paggasta ng mga mag-aaral. Ayon naman kay Garcia (2019), ang pagtaas ng mga
bilihin ay nagdudulot ng pagkakaroon ng mas limitadong budget para sa ibang mga
pangangailangan ng mga mag-aaral. Dahil dito, maaaring magkaroon ng pagbabago sa mga
pamamaraan ng paggasta tulad ng pag-iwas sa mga luho at pagpili ng mas murang mga
kagamitan. Sa ganitong paraan, ang pagtaas ng mga bilihin ay nagdudulot ng pagbabago sa
paggasta ng mga mag-aaral.

Sanggunian
Phillips, M. (2022) School Canteen and Food Services
https://www.linkedin.com/pulse/school-canteen-food-services-mark-phillips/
Oner, C. (N.D) Inflation: Prices on the Rise
https://www.imf.org/en/Publications/fandd/issues/Series/Back-to-Basics/Inflation
International Monetary Fund (2023)
https://www.imf.org/external/datamapper/PCPIPCH@WEO/OEMDC/ADVEC/WEOWORLD/P
HL
Reiszel, J. (2023) How to Change Bad Spending Habits
https://www.hrccu.org/blog/change-bad-spending-habits/
Messenger, J. (2022) Student’s Spending Habits
https://capstonewealthpartners.com/students-spending-habits/
Gravier, E. (2023) The No. 1 Money Behavior Kids Learn from Their Parents
https://www.cnbc.com/select/how-kids-learn-about-money/#:~:text=Kids%20start%20to%20mi
mic%20what,mom%20and%20dad%20spend%20money.
Felonia, Melchor. (2021). Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon
ng Pandemya.
https://www.researchgate.net/publication/353543257_Mga_Pamamaraan_at_Kagamitan_sa_Pagt
uturo_ng_Filipino_sa_Panahon_ng_Pandemya/citations

You might also like