You are on page 1of 79

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

“Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Isang kasabihan ng


pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal at lubos
na pinaniniwalaan ng mga opisyales ng pamahalaan. Hindi
maikakaila ang kahusayan ng mga paaralan sa bayan ng Ivisan
pagdating sa pagbibigay ng maayos at dekalidad na
edukasyon sa mga mag-aaral.
Sa katunayan, noong 2010 nasa ika pang-apat na pwesto
ang bayan ng Ivisan na umambag ng malaking porsyento
upang manguna ang dibisyon ng Capiz sa kanlurang Visayas
sa National Achievement Test (NAT).
Sa kabila ng pagsisikap ng mga guro at pinuno ng mga paaralan na
magkaroon ng sapat na edukasyon ang mga kabataan, marami pa ring
suliranin ang kinakaharap ng mga paaralan na walang tigil na
binibigyan ng solusyon ng kagawaran ng edukasyon. Ilan dito ay ang
mataas na bilang ng drop-outs, absintismo, at paglalakwatsa ng mga
mag-aaral mula sa paaralan na ang itinuturung malaking dahilan ay ang
pamamayagpag ng mga “internet cafe” kung saan ang mga mag-aaral
ay pumupunta sa mga establisyementong ito kahit sa oras ng klase,
magkapaglaro lang ng “online games” o makapagsagawa ng iba pang
mga “online acitivity”.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matiyak
ang implementasyon at kahalagahan ng Compel
Class Attendance to Attain Formal Education
(CAFE) ordinance sa bayan ng Ivisan.
Nilalayon rin ng pananaliksik na ito na masagot ang
mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang kabatiran ng mga respondete sa CAFE ordinance
ng Ivisan?
2. Ano ang papel ng “CAFE ordinance” ng Ivisan sa
pagkakaroon ng maayos na pag-aaral ng mga kabataan?
3. Ano ang mga pamamaraan na isinasakatuparan sa
pagpapatupad ng “CAFE ordinance” ng Ivisan?
4. Ano ang mga suliranin na kinakaharap sa pagpapatupad ng
“CAFE ordinance” ng Ivisan?
Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga


sumusunod na organisasyon at indibidwal:
Sangguniang Bayan ng Ivisan
Mga Mag-aaral
Sa Pambansang Pulisya ng Ivisan
Sa mga Magulang
Sa mga susunod pang Mananaliksik
Pagpapakahulugan sa mga Katawagan
Sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na mga terminolohiya ay
binigyang kahulugan upang lubos na maunawaan ang pag-aaral.
Oras ng Klase
May-ari ng Internet Café
Operaytor ng Internet Café
Paaralan
Mag-aaral
Internet Shop o Café
Municipal ordinance
Pulisya
Magulang
Saklaw at Hangganan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay isinakatuparan upang mas lalo pang
mapabuti ang pagpapatupad ng CAFE ordinance, at lubos na maipaunawa
ang layunin ng ordinansang ito sa bayan ng Ivisan lalong-lalo na sa mga
mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay nakapukos lamang sa
implementasyon na kinapapalooban ng mga pamamaraan at suliranin na
kinkaharap sa pagpapatupad ng CAFE ordinance; at ang papel nito sa
pagkakaroon ng maayos na pag-aaral ng mga kabataan.
Nasa disenyong normatib-kwantitatib ang pananaliksik na ito. Ang
pananaliksik ay limitado lamang sa pagtatanong ng 265 na mga mag-aaral
na nagmula sa Mataas na Paaralan ng Ivisan, taong panuruan 2016-2017 at
10 may-ari o operaytor ng mga internet café na nakakuha ng Business at
Mayor’s Permit sa taong 2017 ng Bayan ng Ivisan.
Sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga datos na nakalap mula sa
sarbey ay nagsagawa ang mga mananaliksik ng in-depth interview sa
mga miyembro ng pulisya sa bayan ng Ivisan. Limitado lamang ang
interbyu sa dalawang pulis na kinapapalooban ng isang Hepe at isang
miyembro ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD).
Lokal na Literatura
Sa kabila ng kahirapang tinatamasa ng mga nakararaming
mamamayan sa Pilipinas, marami pa ring mga Pilipino ang nakaka-
access sa internet sa pamamagitan ng mga naglipanang internet
shop. Karaniwang makikita ang mga ito sa mga kalye, malalaking
mga lungsod, at maging sa mga munisipalidad o bayan. Bumabayad
ang mga kostumer ng halagang mula 10 hanggang 20 piso bawat
oras sa may-ari o operaytor ng “internet café” sa tuwing gumagamit
sila ng kompyuter (Internet Café, 2013). Ang pagpapaupa sa mga
computer shops sa Pilipinas ay nagbibigay sa komunidad ng
kakayahan na maka-acces sa internet at makapagbahagi ng
karanasan dito. (Yee, n.d.).
Ang pamamayagpag ng mga “internet café” ay maituturing na isang
banta sa pag-aaral ng mga estudyante. Maraming mga negosyante ang
nagpapatayo ng mga “internet café” malapit sa paaralan upang hikayatin
ang mga mag-aaral na maging kostumer nila. Itinuturing ng maraming
mga estudyante na ang mga café ay lugar na maaaring mag-hangout at
magpalipas oras sa gabi o ang malala ay sa oras ng klase na nagiging
sanhi upang lumiban sila sa klase (Cortes et al., 2012). “Sa kakulangan
ng saligang batas na komokontrol sa regestrasyon at operasyon ng mga
internet café, maraming Local Government Unit (LGU sa mga bayan,
lungsod at lalawigan) ang nagpapatupad ng sariling ordinansa na
nakabatay sa probisyon ng Local Government Code ng Pilipinas.
Ilan sa mga batas na ipinatupad ukol sa pagbabawal sa pagpunta sa
mga internet café na mga estudyante tuwing oras ng klase ay: No
Entry School Days, No Entry During Class Hours, No Entry For
Children in School Uniforms. Ayon sa DepEd order no. 86 s.2010 o
ang Pagbabawal sa mga Mag-aaral na nasa Pampubliko at
Pampribadong Elementarya at Sekondaryang Paaralan sa Pagpunta sa
mga Computer Shops, Malls, Sinehan at iba pa Tuwing Oras ng Klase,
ang mga opisyal ng paaralan ay hinihimok na magbigay ng mga
gawaing kapaki-pakinabang at produktibo sa libreng oras ng mga
mag-aaral na makapagpahusay sa pagkamalikhain at pakikipagkapwa
tulad ng drama, debate, at theatrical na programa at iba pang mga
gawain.
Dayuhang Literatura
Sa nakalipas na dekada ay nakatanggap ng atensiyon sa kawalan ng
atendans sa klase at ang kaugnayan nito sa mga maling gawi ng mga
kabataan, ay malinaw na natukoy. Noong 1993, mahigit 2/3 ng lahat ng
pagliban sa klase ay walang kaugnayan sa pagkakasakit na nagtatala ng
30% bawat araw sa isang komunidad. Noong 2002, mahigit 70,000 na
mga mag-aaral araw-araw ay lumiliban sa klase sa Colorado. Ang
estadistikang ito ay mayroong napakalaking bahagi dahil ang pagliban
sa klase nang walang permiso ay isang indikasyon ng pagkabagsak sa
akademikong aspeto, suspensyon, pagpapaalis, pagkakasangkot sa
maling gawain at humahantong sa paggawa ng krimen.
Noong 1900, tatlumpu’t dalawa (32) mga estado ay sapilitang
nagpatupad ng batas ukol sa atendans sa paaralan, at noong 1918 ang
bawat estado ay mayroon na ring batas ukol dito. Ngunit ang batas na
ito ay hindi nagging epektibo at kung minsa’y ipinapatupad at iaasa sa
“push-out” na paraan ng pagpapatupad ng batas sa paaralan ay higit na
mabuti kumpara sa pagtugon sa pinagbatayang isyu ng pagliban sa
klase at pagbuo ng mga paraan upang panatilihin ang mga mag-aaral
sa paaralan. Iniulat ni Pelvic (1998) na ang mga tinedyer ay gusting
gumamit ng cybercafés dahil sa kanilang mga sosyal na daymensyon,
kahit ang access nila sa internet café ay sa bahay lamang o sa
paaralan. Iniulat rin ni Williams (1999) sa kaniyang pag-aaral na ang
nakakarami sa mga respondente (72%) ay gumagamit ng internet kahit
isang beses sa isang lingo at 45% kahit isa sa isang araw.
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay nasa normatib-kwantitatib. Isa itong pag-
aaral na ginamitan ng matematikal at estaditikal kompyutasyon ng mga
sagot ng mga kalahok upang direktang matukoy ang papel ng CAFE
ordinance ng Ivisan sa pagkakaroon ng maayos na pag-aaral ng mga
kabataan, mga pamamaraan na isinasakatuparan at mga suliranin na
kinakaharap sa pagpapatupad ng nasabing batas. Gayunpaman, hindi
lamang ito nakatuon sa kalkulasyon o kwantitatib, ito ay isa ring normative
study na nakatuon sa pagpapabuti sa kondisyon at kapakanan ng mga
respondente ng pananaliksik. Ang anumang resulta ng pag-aaral na ito ay
maaaring magamit na basehan upang mapabuti pa ang implementasyon at
maging kapaki-pakinabang pa ang kahalagahang maidudulot na CAFE
ordinance ng Ivisan.
Mga Kalahok
Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay pinili mula sa mga mag-
aaral na nasa baitang pito hanggang labing isa ng Mataas na Paaralan ng
Ivisan na opisyal na nakatala sa taong panuruan 2016-2017 at mga may-
ari o operaytor ng mga “internet café” na nakakuha ng Business at
Mayor’s permit sa taong 2017. Sa pagtukoy ng sample size ng mga
kalahok, ang mga mananaliksik ay gumamit ng Sloven’s Formula at
mula sa 2020 na kabuuang populasyon ng mga mag-aaral ng Mataas na
Paaralan ng Ivisan ay 334 ang kinalabasang katanggap-tanggap na bilang
ng mga kalahok na mag-aaral. Natukoy ang pagkakakilanlan ng mga
kalahok sa pamamagitan ng stratified random sampling.
Ang mga ito ay nagmula sa baitang 7 na may 25.45%, baitang 8 na
may 21.56%, baitang 9 na may 20.66%, baitang 10 na may 20.36%, at
baitang 11 na may 11.98% (tunghayan ang Talahanayan 1).

Talahanayan 1. Propayl ng Kabuuang Sample Ayon sa Baitang


Propayl Kategorya Frequency Bahagdan
Baitang 7 85 25.45
8 72 21.56
9 69 20.66
10 68 20.36
11 40 11.98
Kabuuan 334 100.00
Sa kabilang dako, mula sa kabuuang sample size ng mga kalahok
na mag-aaral, marami ang hindi isinama ng mga mananaliksik sa pinal
na bilang ng mga estudyanteng kalahok dahil ang mga ito ay huminto na
sa kanilang pag-aaral. Kabilang sa mga kalahok na mag-aaral na
tinanggal bilang tagasagot ng talatanungan ay ang 19 na drop-out mula
sa baitang 7, 18 mula sa baitang 8, 15 mula sa baitang 9, 8 mula sa
baitang 10, at 9 mula sa baitang 11 (tunghayan ang Talahanayan 2).
Talahanayan 2. Bilang ng mag-aaral na Tinanggal bilang mga
Kalahok
Baitang N
7 19
8 18
9 15
10 8
11 9
Kabuuan 69
Kaya ang analisis ng mga datos ay isinagawa sa 265 na mag-aaral
bilang mga kalahok ng pag-aaral na ito. Ang mga estudyante ay
binubuo ng 41.10% na mga lalaki at 58.90% na mga babae na may
mean age na 15.08. Ang mga kalahok ay nagmula sa baitang 7 na may
bahagdan na 24.91, baitang 8 na may 20.38 bahagdan, baitang 9 na
may 20.38 bahagdan, baitang 10 na may bilang na 22.64 na bahagdan,
at baitang 11 na may bilang na 11.70 bahagdan. (tunghayan ang
Talahanayan 3)
Talahanayan 3. Propayl ng mga Kalahok ng Mag-aaral ayon sa Kasarian, Edad,
at Baitang
Propayl Kategorya Frequency Bahagdan
Kasarian Lalaki 109 41.10
Babae 156 58.90
Kabuuan 265 100.00
Edad 12 8 3.00
13 39 14.70
14 61 23.00
15 50 18.90
16 56 21.10
17 33 12.50
18 13 4.90
19 3 1.10
21 2 0.80
Kabuuan 265 100.00
Mean Age: 15.08
Baitang 7 66 24.91
8 54 20.38
9 54 20.38
10 60 22.64
11 31 11.70
Kabuuan 265 100.00

Sa hanay ng mga may-ari o operaytor ng mga internet café, Sloven’s


Formula din ang ginamit sa pagkuha ng sample size at mula sa 10 populasyon
ng mga may-ari o operaytor ng mga internet café, lumabas na ang kabuuang
populasyon ay mapapasama sa mga kalahok ng pag-aaral. Ang mga
respondenteng may-ari o operaytor ng mga internet café ay kinabibilangan ng
70.00% na mga lalaki at 30.00% na babae na may mean age na 29.10.
(tunghayan ang Talahanayan 4)
Talahanayan 4. Propayl ng mga Kalahok na May-ari o Operaytor ng mga Internet Café ayon sa Kasarian at Edad.
_____________________________________________________________________________________________________________
 Propayl Kategorya Frequency Bahagdan
_____________________________________________________________________________________________________________
Kasarian Lalaki 7 70.00
Babae 3 30.00
Kabuuan 10 100.00

Edad 14 1 10.00
22 1 10.00
23 1 10.00
24 1 10.00
27 2 20.00
29 1 10.00
30 1 10.00
42 1 10.00
53 1 10.00
Kabuuan 10 100.00
Mean Age: 29.10
Nagkaroon rin ng in-depth interview sa mga miyembro ng pulisya
bilang tagapagpatupad ng CAFE ordinance sa bayan ng Ivisan.
Kinabibilangan ito nina SPO4 Nelson A. Arduo at SPO1 Maria Fe T.
Umiten na kapuwa miyembro ng Ivisan Municipal Police Station.
Kasangkapan sa Pagtitipon ng mga Datos
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng dalawang instrumento
sa pangangalap ng mga datos mula sa mga kalahok. Kinapapalooban
ito ng self-administered questionnaire at interview schedule. Ang
ginawang self-administered questionnaire ay hinango mula 5-point
Likert Scale na umabot mula sa 5 bilang “matindi ang pagsang-ayon”
hanggang sa 1 bilang “matindi ang di pagsang-ayon”. Ang self-
administered questionnaire ay ginamit sa mga estudyante at mga
may-ari o operaytor ng mga internet café, samantala ginamit naman
ang interview schedule sa mga pulis bilang mga kalahok rin ng
pananaliksik na ito.
Ang mga intrumento ay ginawa at dinisenyo ng mga mananaliksik batay
sa mga layunin ng pag-aaral na ito. Dumaan ang talatanungan sa reliability test
at validity test upang sukatin ang kawastuhan at katumpakan ng instrumentong
ito. Isinagawa ang reliability test sa 61 estudyante ng Mataas na Paaralan ng
Ivisan, mula Baitang pito hanggang labing isa. Upang matiyak na hindi sila
mapasama sa kalahok ng pananaliksik ay kinuha ng mga mananaliksik ang
pangalan ng bawat tagasagot. Mula sa isinagawang kompyutasyon sa
pamamagitan ng Cronbach’s Alpha ay nakuha ang antas ng reliability na .909
para sa unang bahagi (Papel ng CAFE Ordinance sa Pagkakaroon ng Maayos na
Pag-aaraal ng mga Kabataan), .705 para sa ikalawang bahagi (Pamamaraan sa
Pagpapatupad ng CAFE Ordinance), at .931 para sa ikatlong bahagi (Mga
Suliranin sa Pagpapatupad ng CAFE Ordinance). Ang lahat ng bahagi ng
talatanungan ay nakakuha ng mataas na antas ng reliability. Lalong-lalo na ang
una at ikatlong bahagi (tunghayan ang Talahanayan 5). Ipinasa rin ang
intstrumento sa mga tagasuri ng pananaliksik para sa content face at validation.
Talahanayan 5. Resulta ng Reliability Test (Cronbach’s Alpha) sa mga Mag-aaral
 Baryabol N α Deskripsiyon
Kahalagahan ng CAFÉ
Ordinance sa Bayan ng Ivisan 7 .909 Napakahusay

Pamamaraan sa Pagpapatupad
ng CAFE Ordinance sa Bayan ng 6 .705 Katanggap-
Ivisan tanggap

Mga Suliranin sa Pagpapatupad


ng CAFE Ordinance sa Bayan ng 6 .931 Napakahusay
Ivisan
Ang reliability test sa mga may-ari o operaytor ng mga internet
café ay isinagawa sa 3 mga may-ari o operaytor ng mga internet café
sa bayan ng Ivisan na walang Business at Mayor’s Permit. Ang mga
pangalan ng mga tagasagot ay kinuha pati na ang pangalan ng
kanilang establisyemento upang masiguro na hindi sila mapapasama
sa mga target na kalahok. Mula sa isinagawang kompyutasyon gamit
ang Cronbach’s Alpha ay nakuha ang antas ng reliability na .781 para
sa unang bahagi (Papel ng CAFE Ordinance sa Pagkakaroon ng
Maayos na Pag-aaraal ng mga Kabataan), .927 para sa ikalawang
bahagi (Pamamaraan sa Pagpapatupad ng CAFE Ordinance), at .929
para sa ikatlong bahagi (Mga Suliranin sa Pagpapatupad ng CAFE
Ordinance). Ang lahat ng bahagi ng talatanungan ay nakakuha ng
mataas na antas ng reliability. (tunghayan ang Talahanayan 6)
Nahahati ang Self-Administered Questionnaire o talatanungan sa
apat na bahagi. Ang unang bahagi ay ang propayl ng kalahok na napili
at ang ikalawa, ay hinggil sa kabatiran ng mga respondente sa CAFE
ordinance; Ang ikalawang bahagi ay hinggil sa papel ng CAFE
Ordinance sa pagkakaroon ng maayos na pag-aaral ng mga estudyante
sa bayan ng Ivisan. Nakapaloob naman sa ikatlong bahagi ang
pamamaraan sa pagpapatupad ng CAFE ordinance at ang ikaapat na
bahagi ay hinggil sa mga suliranin sa pagpapatupad ng CAFE
ordinance.
Talahanayan 6. Resulta ng Reliability Test (Cronbach’s Alpha) sa mga
May-ari o Operator ng mga Internet Café
Baryabol N α Deskripsiyon
Kahalagahan ng CAFE Katanggap-
Ordinance sa Bayan ng 7 .781 tanggap
Ivisan

Pamamaraan sa Pagpapatupad
ng CAFE Ordinance sa Bayan ng 6 .927 Napakahusay
Ivisan

Mga Suliranin sa Pagpapatupad


ng CAFE Ordinance sa Bayan ng 6 .929 Napakahusay
Ivisan
Gumamit rin ang mga mananaliksik ng interview schedule sa
pagsasagawa ng structured interview sa mga miyembro ng Pambansang
Pulisya ng Ivisan. Ito ay upang masuportahan ang kongklusyon at
rekomendasyong gagawin. Dumaan rin ito sa content face validity
testing sa tagasuri ng pananaliksik.
Pamamaraan sa Pangangalap ng mga Datos
Bilang panimula, binuo ng mga mananaliksik ang self-administered
questionnaire at interview schedule batay sa mga layunin ng
pananaliksik. Unang isinagawa ang validity test ng mga instrumentong
ginamit sa pananaliksik. Isinumiti ang ginawang talatanungan sa mga
miyembro ng pananaliksik para sa content face at validation.
Matapos maisalang sa validation ang mga instrumento ay isinagawa
naman ang reliability test sa mga ito. Sa hanay ng mga mag-aaral,
humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa ilang mga guro upang
payagan na mamahagi ng talatanungan sa kanilang mga klase.
Sa hanay naman ng mga may-ari o operaytor ng internet café ay
nagpadala ng mga mananaliksik ang liham sa Alkalde ng bayan ng
Ivisan upang pahintulutan ang mga mananaliksik na mamahagi ng self-
administered questionnaire sa mga may-ari o operaytor ng internet café.
Dahil mataas ang nakuhang antas ng reliability test na isinagawa,
muli na namang nagpadala ng liham sa Punong Guro ng Mataas na
Paaralan ng Ivisan upang ipamahagi sa mga kalahok ng pananaliksik.
Gayundin, humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa Alkalde ng
bayan ng Ivisan upang pahintulutang ipamahagi ang talatanungan sa
mga may-ari o operaytor ng mga internet café.
Habang isinagawa ang pamamahagi ng mga talatanungan sa mga
mag-aaral at may-ari o operaytor ng mga internet café ay isinagawa
naman ang structured interview sa mga miyembro ng pulisya sa bayan
ng Ivisan.
Matapos malikom ang mga datos na nakalap mula sa ipinamahaging
mga talatanungan sa mga mag-aaral at mga may-ari o operaytor ng mga
internet shop ay dumaan ang mga ito sa istadistikal na pagtataya. Ang
mga sagot sa structured interview na isinagawa ay ginamit ng mga
mananaliksik upang suportahan ang resulta ng pananaliksik at magiging
batayan sa pagbuo ng kongklusyon at rekomendasyon.
Pamamaraan sa Pagsusuri ng mga Datos
Upang masagot ang mga katanungan sa pananaliksik na ito ay ginamit ng
mga mananaliksik ang weighted mean at ginawang salalayan ang sumusunod
na istandard at deskripsyon sa pagbibigay ng interpretasyon dito.
Talahanayan 7. Istadistikal na Tritment ng mga Datos
Value Range Deskripsiyon
5 4.20-5.00 Matindi ang Pagsang-ayon
4 3.40-4.19 Sang-ayon
3 2.60-3.39 Katamataman ang Pagsang-ayon
2 1.80-2.59 Di Sang-ayon
1 1.00-1.79 Matindi ang di pagsang-ayon
Ang mga datos ay sinuri gamit ang sumusunod na mga estadistikal
na kasangkapan. Ang bahagdan ay ginamit sa pagtukoy sa propayl ng
mga respondente at kabatiran ng mga ito sa CAFE ordinance ng
Ivisan. Ang bahagdan ay makukuha sa pamamagitan ng sumusunod na
pormula:
P = (F*100)/N
Kung saan:
P = Bahagdan
F = Frequency
N = Kabuuang bilang ng mga Kalahok
Ang Mean ay ginamit sa pagtukoy ng mean age at mga sagot sa
kahalagahan ng CAFE ordinance sa pagakakaroon ng maayos na pag-
aaral ng mga kabataan, mga pamamaraan at mga suliranin na
kinakaharap sa pagpapatupad ng CAFE ordinance.
Makikita sa ilalim ang pormula sa pagkuha ng mean.
x= ∑x
______
N

Kung saan;
∑x = Kabuuang Iskor
N = Bilang ng mga Kalahok
x = Mean
Ang Standard Deviation ay ginamit sa pagtukuy ng pagkakaugnay
ng mga sagot ng mga kalahok sa implementasyon at kahalagahan ng
CAFE ordinance ng Ivisan. Ipinapakita sa ibaba ang pormula sa
pagkuha ng standard deviation.

Kung saan;

SD=Standard Deviation
X=iskor
x=Mean
N=Kabuuang bilang ng mga Kalahok
Kabatiran ng mga Respondente sa
CAFE Ordinance ng Ivisan

Ang mga datos sa talahanayan 8 ay nagpamalas ng distribusyon ng


mga respondente ayon sa kanilang kabatiran sa Municipal Ordinance no.
02 s. 2013 o ang Compel Class Attendance to Attain Formal Education
(CAFE) ordinance ng Ivisan.
Batay sa talahanayan, mula sa dalawang daan at pitumpu’t lima (275)
na mga kalahok, 18.50% ang may alam sa CAFE ordinance ng Ivisan,
habang 81.50% ng mga kalahok ang walang alam sa ordinansang ito.
Implikasyon nito marahil ang kawalan ng pagpapalaganap ng
mga impormasyon sa mga mamamayan lalong-lalo na sa mga mag-
aaral ng Ivisan hinggil sa nabanggit na ordinansa. Gayundin, ang
kakulangan ng mga pamamaraan upang lubos na maipaabot ang
sapat na impormasyon tungkol sa CAFE ordinance.
Talahanayan 8. Distribution ng mga Respondente
Ayon sa Kabatiran sa CAFE Ordinance ng Ivisan

. N Bahagdan
Alam 51 18.50
Hindi Alam 224 81.50

Kabuuan 275 100.00


Gayundin, matutunghayan sa talahanayan 9 ang distribusyon ng mga
kalahok ayon sa kanilang ibinigay na obserbayon ukol sa dalas ng
pagpapatupad ng CAFE ordinance ng Ivisan. Mula sa 275 na mga kalahok,
7.3% ang naniniwala na napakadalas ang pagpapatupad ng nabanggit na
ordinansa, 25.1% ang sang-ayon na ipinapatupad ito nang madalas. Samantala,
40.40% naman ang nagsabi na minsan lang ang pagpapatupad ng CAFE
ordinance, 15.3% ang sumasang-ayon na paminsan-minsan lang ang
implementasyon nito, at 12.00% naninindigan na hindi ito ipinapatupad.
Ipinahihiwatig nito marahil na hindi konsistent ang implementasyon ng
Cafe ordinance at hindi binibigyan ng sapat na atensyon ng mga nasa
kinauukulan ang ordinansang ito. Ang resultang ito ay sinuportahan ni SPO1
Maria Fe T. Umiten kung saan inihayag niya na “Hindi naman oras-oras
nagbabantay ang mga pulis sa mga internet shops o Cafe. Ito rin marahil ay
dahil sa marami rin ang mga inaatupag na gawain ng pulisya tulad ng iba’t-
ibang operasyon at pagreresponde sa mga krimen.
Talahanayan 9. Distribusyon ng mga Respondente
Ayon sa Kanilang Obserbasyon sa Dalas ng
Pagpapatupad ng CAFE Ordinance ng Ivisan

. N Bahagdan
Napakadalas 20 7.30%
Madalas 69 25.10%
Minsan 111 40.40%
Paminsan-minsan 42 15.30%
Hindi 33 12.00%

Kabuuan 275 100.00%


Papel ng “CAFE Ordinance” ng IvisansaPagkakaroon ng
MaayosnaPag-aaral ng mgaKabataan

Ipinapakitang talahanayan 10 angdistribusyon ng


mgakalahokayonsakanilangpananawsapapel ng CAFE
ordinancesapagkakaroon ng maayosnapag-aaral ng mgakabataan. Ang
“maramingnatutunanang mag-aaralsakanyangklase” ay nakakuha ng
pinakamataasna mean score (𝑥=4.11;
ҧ SD=1.30) at binigyangkahuluganna
sang-ayon. Marahilito ay dahilsahindinabibigyanang mag-
aaralnapagkakataonnamaglakwatsatungosainternet cafésaoras ng klase,
sahalip ay ilaanangatensyon ng mgaitosapagpasoksapaaralan at matuto ng
mgakapaki-pakinabangaralin.
Ito ay sinuportahan ng hepe ng pulisya ng Ivisansapagsasabing
“makakapag-concentrate angmga mag-aaralsapag-aaral”
dahilsaordinansangito kung kaya’tmaramingleksyonangmalalaman ng
mag-aaralmulasakaniyangmgaguro. Sa kabilangdakoang “hindinapabalik-
baliksapag-aaral at makapagtaposayonsainaasahan” at “liliitangbilang ng
mga drop-out na mag-aaral” ay nakakuha ng pinakamababang mean score
( 𝑥ҧ =3.56; SD=1.17) at binigyangkahuluganna sang-ayon.
Alinsunodsatinalakaysaitaas, angisangestudyantena may
maramingnatutunansakaniyangklase ay
marahilmakakapasasakaniyangasignatura at hindinamakapag-
isipnahumintosapag-aaral.
Dahilditomakakapagtapossiyasapagaaralayonsainasahan ng lahat.
Talahanayan 10. Pananaw ng mga Respondente na
Kahalagahang Maidudulot ng CAFÉ Ordinance sa Pag-aaral ng
mga Kabataan
Indicator Mean SD Interpretasyon
Score
Mababawasan ang
lnteres na mag- 3.70 1.30 Sang-ayon
lalakwatsa mula
sa klase.
Maraming matutu-
nan ang mga mag- 4.11 0.96 Sang-ayon
sa kaniyang
klase.

May pag-asang ma-


pataas at makaku- 3.88 1.08 Sang-ayon
ha ng mataas na
marka.

Hindi na pabalik-
balik sa pag-aaral 3.56 1.21 Sang-ayon
at makapagtapos
ayon sa inaasahan.
Magagamit nang ma-
ayos ang perang
binibili ng mga ma- 4.00 1.08 Sang-ayon
gulang sa kanilang
mga anak sa mga ba-
yaring pampaaralan.

Liliit ang bilang


ng mga drop-out na 3.56 1.17 Sang-ayon
mga mag-aaral.
Mababawasan ang
pag-absent ng mga 3.73 1.21 Sang-ayon
estudyante.

Grand Mean 3.79 1.4 Sang-ayon


Tala:
4.20-5.00: Matindi ang Pagsang-ayon
3.40-4.19: Sang-ayon
2.60-3.39: Katamtaman ang Pagsang-ayon
1.80-2.59: Di sang-ayon
1.00-1.79: Matindi ang di Pagsang-ayon
Pamamaraan na Isinakatuparan sa Pagpapatupad
ng “CAFE Ordinance” ng Ivisan

Inihahayagng talahanayan 11 angdistribusyon ng


mgakalahokayonsakanilangpananawsapamamaraannaisinasakatuparans
apagpapatupad ng CAFE ordinance ng Ivisanna may Grand Meanna
4.02 (SD=1.12) at binigyangkahuluganna sang-ayon. Ang
“nakikitasalabas ng mgainternet cafeangsignagena: No Students/Pupils
Allowed on class hours” ay nakakuha ng pinakamataasnamean score
(𝑥=4.26;
ҧ SD=1.03) ay binigyangkahulugannamatindiangpagsang-ayon.
Ito marahil ay dahilsaobligadoangmga may-ari ng internet caféna mag
lagay ng signagesalabas ng kanilangestablisyemento ng signage
satuwingkumukuhasila ng business at mayor’s permitbataysaitinadhana
ng ika-animnaseksiyon ng CAFE ordinance. Sa kabilangbanda, ang
“hinahanapan ng Identification Card (ID) angmga mag-aaralkahit may
ipinakitangpahintulotmulasakaniyangguro” ay nakakuha ng
pinakamababangmean score ( 𝑥ҧ =3.71; SD=1.22) at
binigyangkahuluganna sang-ayon. Ito marahil ay
dahilsahindirinlubosangnalalaman ng mgainternet café angganitonguri
ng polisiyananakapaloobsaordinansangito.
Talahanayan 11. Pananaw ng mga Respondente sa mga
Pamamaraan sa Pagpapatupad ng CAFE Ordinance ng Ivisan

Indicator Mean Score SD Interpretasyon


May mga pulis
na pumupunta sa
mga Internet
Cafe sa oras ng 4.07 1.06 Sang-ayon
klase upang su-
riin kung may
mga mag-aaral na
nasa loob ng
establisyemento.
Makikita sa labas
ng mga internet Matindi ang
cafe ang signage 4.26 1.03 pagsang-ayon
na “NO STUDENT
ALLOWED ON CLASS
HOURS”.

Hindi pinapayagan
ng mga may-ari o
Operaytor ng mga
Internet shop ang 4.04 1.20 Sang-ayon
mga mag-aaral na
pumasok sa kanilang
establisyemento sa
oras ng klase.
Ang mga may ari ng
o operaytor ng mga
Internet cafe ay 4.00 1.20 Sang-ayon
hindi nagpapahin-
tulot sa mga estu-
dyante na gumamit
ng kompyuter sa oras
ng klase.

Hinahanapan ng Identifica-
tion card (I.D) ang mag-
aaral kahit may ipinaki- 3.71 1.22 Sang-ayon
tang pahintulot mula sa
kaniyang guro.

Grand Mean 3.79 1.40 Sang-ayon


Leyenda:
4.20-5.00: Matindi ang Pagsang-ayon
3.40-4.19: Sang-ayon
2.60-3.39: Katamtaman ang Pagsang-ayon
1.80-2.59: Di sang-ayon
1.00-1.79: Matindi ang di Pagsang-ayon

Ipinapakita sa talahanayan 12 ang distribusyon ng mga kalahok


ayon sa kanilang pananaw sa mga suliranin na kinakaharap sa
pagpapatupad ng CAFE ordinance ng Ivisan na may grand mean
score na 3.28 (SD=1.28) at binigyang kahulugan na katamtaman ang
pagsang-ayon.
Ang“Walangsapatnadisplinasasariliangmga mag-aaral” ay nakakuha ng
pinakamataasna mean score ( 𝑥ҧ =3.31; SD=1.31) at
binigyangkahulugannakatamtamanangpagsang-ayon. Ito ay
sinuportahan ni Nelson Arduo, Acting Chief of Police ng Municipal
Police Station ng Ivisansapagsasabing “angmgaestyudyante ay
walangkontrol at disiplina (sasarili)” kung
kaya’tnahihirapanangmgapulissapagpapatupad nito.
Ayonrinsaipinahayag ni SPO1 Maria Fe T. umiten, sinabi ng pulisna
“maramimganaglalaro ng
kompyuternanagpapanggapnahindisilamgaestudyante ng Ivisan o out of
school youth” kaya hindisilahinuhuli ng mgapulis.
Sa kabilangdaku, ang “kawalan ng sapatnapondo” ay nakakuha ng
pinakamababang mean score ( 𝑥ҧ =3.11; SD=1.25) at
binigyangkahulugannakatamtamanangpagsang-ayon. Ito marahil ay
dahilhindinamangaanongmagastosangimplemantasyonnangnaturangbat
as at hindikailanganangmalakingpondoupangmaisakatuparanito.
Talahanayan 12. Pananaw ng mga Kalahok sa mga Suliranin na Kinakaharap sa
Pagpapatupad ng CAFE Ordinace ng Ivisan.

Indicator Mean Score SD Interpretasyon


____________________________________________________________________
Hindi pagsunod ng mga 3.21 1.38 Katamtaman ang
may-ari o operaytor ng pagsang-ayon
mga internet café sa
nabanggit na batas.

Kawalan ng sapat pondo 3.11 1.25 Katamtaman ang


pagsang-ayon
Hindi nabibigyan ng 3.24 1.26 Katamtaman ang
sapat na atensyon ang pagsang-ayon
batas na ito ng mga
nasa awtoridad.

Hindi lubusang naipapa- 3.30 1.22 Katamtaman ang


alam ang batas na ito pagsang-ayon
sa mga mamamayan.

Walang sapat na disip- 3.31 1.31 Katamtaman ang


lina sa sarili ang mga pagsang-ayon
mag-aaral.
Hindi komited ang puli- 3.22 1.25 Katamtaman ang
sya bilang enforcement pagsang-ayon
agency sa pagpapatupad
ng batas na ito.

Grand Mean 3.23 1.28 Sang-ayon

Leyenda:
4.20-5.00: Matindi ang Pagsang-ayon
3.40-4.19: Sang-ayon
2.60-3.39: Katamtaman ang Pagsang-ayon
1.80-2.59: Di sang-ayon
1.00-1.79: Matindi ang di Pagsang-ayon
Buod

Ang normatib-kwantitatib na pananaliksik na ito ay naglalayong


matiyak ang implementasyon at kahalagahan ng Compel Class
Attendance to Attain Formal Education (CAFE) ordinance sa bayan
ng Ivisan.
Nilalayon rin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod
na katanungan:

1. Ano ang kabatiran ng mga kalahok sa CAFE ordinance ng Ivisan?


2. Ano ang papel ng “CAFE ordinance” ng Ivisan sa pagkakaroon ng
maayos na pag-aaral ng mga kabataan?
3. Ano ang mga pamamaraan na isinakatuparan sa pagpapatupad ng
“CAFE ordinance” ng Ivisan?
4. Ano ang mga suliranin na kinakaharap sa pagpapatupad ng “CAFE
ordinance” ng Ivisan?
Normatib-kwantitatib ang disenyong ginamit sa pananaliksik.
Samantala, self-administered questionnaire ang ginamit sa pangangalap
ng datos na binubuo ng tatlong bahagi. Ang mga datos ay sinuri sa
pamamagitan ng frequency count, mean at bahagdan.
Ang mga kalahok na mag-aaral ay may mean age na 15.08, habang
ang mga may-ari o operator ng mga internet café ay nakakuha naman
ng mean age na 29.10. Karamihan sa mga kalahok na mag-aaral ay
mga babae, samantalang sa hanay ng mga may-ari o operator ng mga
internet café ay nangingibabaw ang bilang ng mga lalaki.
Sa kabatiran ng mga kalahok sa CAFE ordinance ng Ivisan,
inihayag ng resulta ng pananaliksik na napakarami nang hindi nakaka-
alam ng ordinansang ito. At batay sa kanilang obserbasyon madalas
lamang naipapatupad ng batas na ito.
Sa papel ng CAFE ordinace para sa maayos na pag-aaral ng mga
kabataan, ibinunyag ng mga datos na lahat ng mga indicator ay
binigyang interpretasyon na sang-ayon.
Sa mga pamamaraan sa pagpapatupad ng CAFE ordinance ng Ivisan,
inilahad ng resulta na isa (1) ang binigyan ng interpretasyon na matindi
ang pagsang-ayon, habang ang nalalabing-apat na mga indicator ay
nakakuha ng interpretasyong sang-ayon.
Sa mga suliranin na kinakaharap sa pagpapatupad ng CAFE ordinace
ng Ivisan, nakasaad sa resulta na anim (6) o lahat ng mga indicator ay
nakakuha ng interpretasyong katamtaman ang pagsang-ayon.
Kongklusyon
Batay sa kinalabasan ng isinagawang pananaliksik, nabuo ang mga
sumusunod na kongklusyon:

1. Pinatunayan ng resulta ng pananaliksik na karamihan sa mga


mamamayan ay hindi lubusang batid ang tungkol sa CAFE ordinance
at wala lubos na kaalaman tungkol sa batas na ito na ipinapatupad sa
Bayan ng Ivisan. Nangangahulugan lamang ito na hindi naipabatid o
naipaliwanag nang mabuti ang ordinansang ito, at may kakulangan sa
pagpalaganap ng impormasyon sa mga mamamayan lalong-lalo na sa
mga mag-aaral hinggil sa nasabing batas.
Hindi maipagkakaila na dahil karamihan sa mga mag-aaral ang
walang kabatiran sa ordinansang ipinapatupad, marami pa rin ang
naglalakwatsa at pumupunta sa internet café upang makapaglaro ng
online games at gumawa ng iba pang online activity sa oras ng klase.
2. Sa kabuuan, napatunayang napakalaking papel ang
ginagampanan ng CAFE ordinance ng Ivisan sa pagkakaroon ng
maayos na pag-aaral ng mga kabataan. Ang resulta ay
nangangahulugan lamang na napakahalaga ng ordinansang ito at
malaki ang naiaambag sa pag-aaral ng mga estudyante ng Ivisan.
Ipinapakita rin nito na dapat lamang bigyan ng atensiyon ng mga
nagpapatupad ng CAFE ordinance upang masiguro ang magandang
kinabukasan ng mga kabataan at maisakatuparan ang kanilang mga
mithiin sa buhay.
3. Sa isinagawang pananaliksik, napag-alaman ang iba’t-ibang
pamamaraan na isinakatuparan sa pagpapatupad ng CAFE ordinace na
kung saan, makikita sa labas ng internet café ang signage na “NO
STUDENTS/PUPILS ALLOWED DURING CLASS HOURS” na
nakakuha ng matinding pag sang-ayon. Nangangahulugan lamang ito
na ginampanan ng mabuti ng may-ari o operaytor ng internet café ang
kanilang responsibiliad at sinisiguradong walang makakapasok na
mag-aaral kung oras ng klase upang magkaroon ng maayos na pag-
aaral ng mga estudyante.
4. Sa pagpapatupad ng CAFE Ordinance, mayroon itong iba’t-
ibang suliranin na kinakaharap. Una na rito ay ang kawalan ng
disiplina sa sarili ng mga mag-aaral. Kung saan dahil sa kawalan ng
disiplina ng mga mag-aaral, marami pa rin ang lumalabag sa
patakaran ng batas na ito at gumagawa ng mga paraan upang
makapasok lamang sa mga internet café na hindi napapansin o
nalalaman ng mga may-ari o operaytor nito. Batay rin sa mga naging
kinalabasan at binigyan ng katamtamang pag sang-ayon ng
pananaliksik na ito ay ang iba pang mga suliranin na ang hindi
lubusang naipapaalam ang batas na ito sa mga mamamayan, hindi
nabibigyan ng sapat na atensyon ang batas na ito ng mga nasa
awtoridad at ang hindi pagiging komited ng mga pulisya bilang
enforcement agency sa pagpapatupad ng batas na ito.
Nangangahulugan lamang ito na marami pa rin sa mga mag-aaral
ang nakakalusot upang pumasok sa internet café at makapaglaro ng
iba’t-ibang online games at gumawa ng iba pang mga online activity.
Dahilan kung bakit marami pa rin ang mga drop-out at absintismo na
mga mag-aaral sa paaralan.
Rekomendasyon
Batay sa kinalabasan at konklusyon na nabuo sa pananaliksik na ito,
iminumungkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na
rekomendasyon:
1. Para sa mga miyembro ng Ivisan Municipal Police Station,
bilang enforcement agency ng CAFE ordinance, kailangan nilang
bigyang tuon ang pagpapalaganap ng mga impormasyon hinggil sa
naturang ordinansa upang masiguro ang kamalayan ng bawat isa sa
mga layunin nito. Iminumungkahi ang masinsinang pagsasagawa ng
mga aktibidad sa mga paaralan at barangay na maaaring makapagbigay
impormasyon hinggil sa CAFE ordinance ng Ivisan.
2. Para sa mga mag-aaral, iminumungkahi na kailangang sumunod
sa mga itinadhana ng CAFE ordinance ng Ivisan nang sa gayon ay
maging maayos ang pag-aaral at maging handa sa hinaharap. Sikaping
huwag maglakwatsa mula sa klase at pumunta sa mga internet café.
Laging isipin ang sariling kapakanan, pati na ang kinabukasang
naghihintay.
3. Para sa mga operaytor o may-ari ng mga internet cafe at mga
miyembro ng pulisya, iminumungkahing ipagpatuloy ang mga
mabuting pamamaraan sa pagpapatupad ng CAFE ordinance at
paigtingin pa ang mga ito para sa magandang kinabukasan ng mga
kabataan.
4. Para sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Ivisan,
iminumungkahi ng mga mananaliksik na amyendahan ang CAFE
ordinance. Ipaloob sa ordinansa ang pagkakaroon ng seperadong task
force na mangangasiwa o tututok sa implementasyon ng nabanggit na
ordinansa. Gayundin, isama ang mga kawani ng barangay sa
pagpapatupad ng nabanggit na batas upang mas lalong maging
epektibo ito.
5. Para sa mga susunod pang mananaliksik, marapat na gumamit
ng kwalitatibong desinyo upang mas lalo pang masiyasat nang
malaliman ang implementasyon at kahalagahan ng CAFE ordinance
sa Bayan ng Ivisan. Gayundin, kailangang marapatin ng susunod pang
mananaliksik na palawakin pa ang sakop ng pag-aaral.
MARAMING SALAMAT
SA INYONG PAKIKINIG
>.<

You might also like