You are on page 1of 14

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.

Atimonan, Quezon
COLLEGE DEPARTMENT
A.Y 2020-2021

Isang pananaliksik sa asignaturang

Intro sa Pananaliksik

“LEBEL NG SATISPAKSYON NG MGA BENEPISYAEYO NG SCHOLARSHIP SA


BSED FILIPINO III-A SA KOLEHIYO NG QECI AKADEMIKONG TAON 2020-2021”

Isinulit ni:

JERALD SALUDES

(mananaliksik)

Isinulit kay:

MITZIE CANAYA

(Guro)

BSED FILIPINO III-A

Enero 31, 2021


APENDIKS A

PAKSA: Lebel ng Satispaksyon ng mga benepisyaryo ng Scholarship sa Bsed


FILIPINO III-A sa Kolehiyo ng Qeci Akademikong Taon 2020-2021

I. PANIMULA

Ang makatapos sa kolehiyo ay isang pribilehiyo sa pagkuha ng trabaho lalo pa at


sobrang dami ng mga trabahong nangangailangan ng degree level lalo na sa mga
white-collar job ngunit dahil sa kahirapan kung kaya madalas ay hindi nakakatuntong sa
pag-aaral ng kolehiyo kung makapasok man ay kinakailangan tumigil dahil sa gastusin
sa pag-aaral.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang nakakaranas ng kahirapan kung kaya marami sa
mga mag-aaral ang natitigil sa pag-aaral at minamabuting magtrabaho na sa murang
edad upang makatulong sa kanilang mga magulang kaya madalas ang mga hindi stable
ang kanilang mga nagiging trabaho dahil sa kakulangan sa kaalaman. Ayon sa National
Statistics Office (NSO) sa 2011 Survey On Children (SOC) lumitaw na nasa 5.492
milyon ang nasa edad 5 hanggang 17 ang nagtatrabaho sa bansa.

Kung kaya dahil dito gumagawa ng gobyerno at mga pribadong sektor ng solusyon
kagaya ng pagbibigay ng mga scholarship sa mga mag-aaral upang matugunan ang
pangangailangan ng bawat mag-aaral na makapag-aral ng walang iniisip na bayaran
gaya ng pang matrikula at iba pang bayarin ng mga mag-aaral. Ilan lamang sa mga
scholarship na ibinibigay ng gobyerno ang Condition Cash Transfer (CCT) o mas kilala
bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung saan ang layunin nito ay
makatulong sa bawat pamilya sa pangkalusugan at gastusin ng mga bata hanggang sa
edad na 18, Commission on Higher Education (CHED), Tertiary Education Subsidy
(TES) at ang Unified Student Financial Assistance System (UNIFAST) na ang layunin
ay matulungan ang mga mag-aaral na makatapos sa kanilang pag-aaral sa pagbibigay
ng scholarship na magagamit nila upang mabayaran ang pang matrikula,pambili ng
libro, pambayad sa bahay, transportasyon at iba pang gastusin ng mga mag-aaral.
Isa ang Quezonian Educational College Inc sa mapalad na pribadong paaralan na
nabigyan ng gobyerno ng ganitong uri ng scholarship para sa kanilang mga estudyante
ng sa gayon ay malimitahan ang bilang ng mga batang hindi nakakapagtapos ng pag-
aaral.

II. LAYUNIN

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kalagayan ng mga mag-aaral na nasa ilalim ng


Unifast. Ang pag-aaral na ito ay may layuning malamang ang mga sumusunod:

1. Ano ang Demograpikong katauhan ng mag-aaral


2. Malaman kung nabibilang sa scholarship
3. Malaman kung anong scholarship nabibilang
4. Nakakatulong ba ang scholarship na kanilang kinabibilangan
5. Malaman kung anong epekto nito sa pag-aaral

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Scholarship- programang ibinibigay ng pamahalaan at ng mga pribadong sektor upang


matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

4P’s- isa sa mga programa ng gobyerno na ang layunin ay mabigyang pansin ang mga
mahihirap para sa mapabuti ang kanilang pamumuhay mula sa kalusugan hanggang sa
pag-aaral ng mga batang nasa edad 0-18.

CHED- scholarship na ibinibigay ng gobyerno para sa mga estudyante na may


matataas na grado. Mayroon itong dalawang uri ng scholarship ang kalahati at buong
scholar base sa kanilang angking husay.

TES- scholarship na ibinibigay sa mga pribadong paaralan kagaya ng mga state


universities.

UNIFAST- scholarship na ibinibigay sa mga mag-aaral na nasa Kolehiyo at nag-aaral


sa pribado o pampublikong paaralan.
III. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang mga nakalahad ay mga pag-aaral at literatura na may kaugnayan sa pag-aaral na


isinagawa ng mananaliksik.

Ayon kay Sison na hindi na kailangang bayaran ang miscellaneous fees ng mga
estudyante, kabilang ang library fees, computer fees, laboratory, school ID, athletic,
admission, development, guidance, handbook, entrance, registration, medical, dental, at
cultural fees.

Dagdag pa ni Marife Lou L. Bacate (n.d) na Tertiary Education Subsidy (TES) program
naman ang makakatulong sa mga estudyante na nag-aaral sa pribadong institusiyon
kung sila ay kasali sa benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o
kasama sa pinakaupdated na listahanan.

Dagdag pa dito ayon sa isinagawang pag-aaral ni Fizbien, et.al (2009) ayon sa resulta
ng pananaliksik sa mga bansa na nagpatupad ng CCT ay nagkaroon ng pagtaas ng
porsyento ng mga pagenrol at madalas na pagpasok sa paaralan ng mga
benepisyaryong estudyante.

Ayon sa dating Senador na si Jinggoy Ejercito Estrada, minungkahi niya na hindi dapat
maging sagabal ang kahirapan para makapag-aral. Hindi dapat maging hadlang ang
kahirapan para marating ang mga pangarap. Sa inihain na Senate Bill No. 1976
(Tulong-Dunong Program Act) na naglalayong tulungan sa pag-aaral ang mga
mahihirap nakabataan.

Binigyang-diin ni Jinggoy ang isinasaad ng Konstitusyon na “The State shall Establish


and maintain a system of scholarship grants, student loan programs, subsidiesand other
incentives which shall be available to deserving students in both public and private
schools, especially to the underprivileged.

Dagdag pa ni Budget Secretary Florencio Abad, sa pag-iinvest sa mahuhusay at


matatalinong estudyante, nakasisigurong magkakaroon ng mga mabubuting miyembro
ng lipunan ang bansa sa hinaharap. Ang pagkakaloob ng scholarships sa mga
mahuhusay na bata ay bahagi ng mga plano ng Aquino administration para sa socio-
economic development.

IV. BATAYANG KONSEPTWAL

INPUT PROSESO AWTPUT

· Pagkuha ng mga
kaugnay na pag-
aaral at literatura Pagsasagawa ng mga
· Paggawa ng hakbang mula sa
Demograpikong talatanungan nakalap na datos sa
katauhan base sa · Pagkalap ng respondante na
kanilang: datos mula sa makakatulong upang
respondante matugunan ang mga
· Edad gamit ang pangunahing
· Kasarian talatanungan pangangailangan ng
· Paginterpret at mga mag-aaral sa
pag aanalisa ng kolehiyo.
mga datos
· Pagsangguni

V. METODOLOHIYA

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan sa pagkalap ng mga datos sa mga


respondante upang malaman ang epekto ng pagiging benepisyaryo ng scholarship
isasagawa ang naturang sarbey sa Quezonian Educational College Inc sa Atimonan,
Quezon kung saan ang naturang respondante ay mga mag-aaral ng Kolehiyo na may
kursong Bsed Filipino III-A. 25 ang kabuuang bilang ng mga respondante. Matapos ang
pagkalap ng impormasyon ay gugugulin naman ng mananaliksik ang kaniyang oras sa
pag-iinterpreta ng mga datos.
VI. PRESENTASYON NG DATOS AT ANALISIS

EDAD

4%

21
16%
22
23
8% 20
29 and 56
12%

56%

0 5 10 15 20 25

Sa tsart ay makikita ang bahagdan ng edad ng mga respondante 14 o 56% ang


sumagot na nasa edad 21, 3 o 12% ang nasa edad 22, 2 o 8% ang nasa edad 23, 4 o
16% ang nasa edad 20 samantalang may 1 o 4% ang sumagot na nasa edad 29 at 56.

KASARIAN

16
14
12 Lalaki
10 Babae
8
6
4
2
0
60% 40%
Sa bahaging ito ng tsart ay makikita ang kasarian ng mga respondante. Mayroong 15 o
60% na babaeng respondante na sumagot sa sarbey samantalang 10 o 40% ang
respondanteng lalaki.

BENEPISYARYO NG SCHOLARSHIP

25

20

15

10

0
96% 4%

Oo Hindi

Ang pigura na nasa itaas ay tungkol sa bilang ng mga estudyante na benepisyaryo ng


programang scholarship. 24 sa respondante ang sumagot ng Oo na may katumbas na
96% samantalang 1 sa respondante ang sumagot ng Hindi na may katumbas na 4%.
KINABIBILANGANG SCHOLARSHIP

25

20
Wala
Iba pa
15
UNIFAST
CHED
10

0
7.1% 85.7% 3.6% 3.6%

Ang tsart na nasa itaas ay tungkol sa kung anong uri ng scholarship sila nabibilang. 2 o
7.1% ang sumagot na respondante na nabibilang sa CHED, 85.7% ang sumagot na
nabibilang sa UNIFAST, samantalang 1 o 3.6% ang sumagot na nabibilang sa iba pang
scholarship samantalang 1 o 3.6% ang sumagot ng walang kinabibilangang
scholarship.

NAKAKATULONG BA ITO

25

20
Hindi
Oo
15

10

0
100% 0%
Ang pigura sa itaas ay tumutukoy sa tanong na kung nakakatulong ba ang kanilang
scholarship na kinabibilangan lahat ng respondante ay sumagot ng Oo.

EPEKTO SA PAG-AARAL

20
18
16
Walang nabago
14 Tinatamad mag-aral
12 Nababawasan ang
10 kanilang bayarin
Sumisipag sa pag-aaral
8
6
4
2
0
28.6% 71.4% 0% 0%

Ang tsart na nasa itaas ay nagrerepresenta tungkol sa ano ang epekto ng pagiging
benepisyaryo ng scholarship sa kanilang pag-aaral. 8 o 28.6% ang sumagot na
sumisipag sa pag-aaral samantalang 20 o 71.4% ang sumagot ng nababawasan ang
kanilang bayarin dahil sa pagkakaroon ng scholarship.

VII. KONKLUSYON

Base sa mga nakuhang datos sa mga respondante nakabuo ng konklusyon ang


mananaliksik tungkol sa lebel ng satispaksyon ng mga mag-aaral na kanilang sa
benepisyaryo ng iba’t ibang uri ng scholarship ay napatunayan na malaki ang
naitutulong nito sa kanila sapagkat natutugunan nito ang pangangailangan ng bawat
mag-aaral. Bukod pa roon mayroon itong positibong epekto sapagkat mas sumisipag
ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral kung kaya tunay na malaking tulong ang
pagkakaroon ng suportang galing sa pamahalaan at iba pang sangay ng gobyerno
pampubliko man o pribado na magkaroon ng mga benepisyaryong estudyante sa
programang scholarship ng sa gayon ay malimitahan ang bilang ng mga kabataan na
hindi nakakapag-aral.
APENDIKS B

January 28, 2021

Jerald D. Saludes

QECI, Kolehiyo ng Edukasyon

Atimonan Quezon

MAHAL NA QUEZONIAN’S

Isang mapagpalang araw!


Ako po ay mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Edukasyon Sekondarya na nagsasagawa ng
isang pananaliksik sa kursong Intro sa Pananaliksik. Ang nasabing pananaliksik ay may
paksang “Lebel ng Satispaksyon ng mga benepisyaryo ng Scholarship sa Bsed
FILIPINO III-A sa Kolehiyo ng Qeci Akademikong Taon 2020-2021”

Kaugnay nito ako ay humihingi na makapag-sarbey sa mag-aaral ng Bsed-Filipino III-A.


Ang oras ng aking pagsasarbey ay itatapat sa oras ng mga bakanteng oras.

Kalakip po ng sulat na ito ay ang talatanungan sa nasabing pag-aaral. Umaasa po ako


sa inyong pagpayag para sa ikatatagumpay ng aking pananaliksik. Asahan na aking
iingatan ang lahat ng impormasyon na ipagkakatiwala mo sa akin.

Maraming salamat sa iyong kooperasyon

Lubos na Gumagalang:

SALUDES,JERALD D.

Mananaliksik

Binigyang pansin ni:

MITZIE, CANAYA

Propesor sa Pananaliksik

TALATANUNGAN

1. Ano ang Demograpikong katauhan ng mag-aaral base sa kanilang

______Edad

______Kasarian
2. Ikaw ba ay may scholarship?

_______Oo

_______ Hindi

3. Kung nabibilang, anong scholarship ito?

_____ 4P's

_____CHED

_____ UNIFAST

__________________At iba pang scholarship

4. Nakakatulong ba ang iyong scholarship sa iyong pag-aaral?

______Oo

______Hindi

5. Ano ang epekto nito sa iyong pag-aaral?

_________ Mas sumisipag sa pag-aaral

_________Nababawasan ang mga gastusin sa pag-aaral

________Tinatamad mag-aaral

________ Walang nababago sa aking pag-aaral


TALASANGGUNIAN

National Statistics Office (2011) ,sipi mula sa Isang Pag-aaral tungkol sa mga Batang
maagang nagtratrabaho dahil sa kahirapan kinuha sa https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.coursehero.com/file/47524933/CHAPTER-1-
NG-
PANANALIKSIKdocx/&ved=2ahUKEwjc5O2e4b3uAhWjwosBHY_6DmsQFjACegQIDhA
H&usg=AOvVaw31yZk6xelK5J9wMBXD9nIO&cshid=1611807827378

Marife Lou L. Bacate (n.d) sipi mula sa Tagalog News: Programa sa libreng kolehiyo,
UniFAST ipinalaam sa publiko ng CHED sa Infocaravan kinuha sa
https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1007704.amp&ved=2ahUK
Ewi_n9-B-
L3uAhXoFqYKHQqvBrsQFjABegQIDxAB&usg=AOvVaw0SPHnGTfQy22BDaQJF6myG
&ampcf=1

Fizbien, et.al (2009) sipi mula sa Epekto Ng Pagkakaroon Ng Scholarship Program Sa


Mgamag-aaral Ng BS PSYCHOLOGY sa Laguna State Polytechnic University Sta.Cruz
Main Campus kinuha sa https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.academia.edu/26924017/EPEKTO_NG_PAG
KAKAROON_NG_SCHOLARSHIP_PROGRAM_SA_MGA_MAG_AARAL_NG_BS_PS
YCHOLOGY_SA_LAGUNA_STATE_POLYTECHNIC_UNIVERSITY&ved=2ahUKEwjyt
oGF-
73uAhWUNaYKHY1wCb4QFjABegQIBRAB&usg=AOvVaw3QRa0yqFemwvz6c9o_VUE
K

IpiphaniaeFernandezItalio (2017) sipi mula sa Filipino Tesis kinuha mula sa


https://www.google.com/url?
sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.scribd.com/document/359811452/Filipino-
Tesis&ved=2ahUKEwisyreUrb7uAhUOBZQKHdYSB6UQFjAAegQIARAB&usg=AOvVa
w1bsQQGdgmqCGXXf-WLDTL1&cshid=1611828432596

You might also like