You are on page 1of 31

PAG-AARAL GAMIT ANG TEKNOLOHIYA NGAYONG PANDEMYA

Mga Kasapi ng pangkat:

RAGADIO EMMIE
DELOS SANTOS DANPAUL
PEDERIO JEFFREY
PONCE JERDEL

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay hingil sa Paggamit ng Teknolohiya Ngayong


Pandemya sa mga mag-aaral na kolehiyo. Ang mga kaalaman ng mga mag-aaral ukol
sa epekto at sanhi ng teknolohiya sa mga mag-aaral ay matatalakay dito. Naglalayon
ang pananaliksik na malaman ang epekto ng teknolohiyasa mga kolehiyo ngayong
pandemya lalo sa kanilang pag-aaral,pamumuhay at kalusugan.

Gumamit ng talatanungan o questionnaire sa pangangalap ng mga datos ang mga


mananaliksik upang mapadali ang pagkuha ng mga impormasyon mula sa mga
kalahok. Ang mga kalahok ay mga mag-aaral ng Kolehiyo.

Nais alamin ng mga mananaliksik kung ano ang epekto ng teknolohiya sa mga kolehiyo
upang malamn kung ano ang mga postibo at negatibong dulot ng teknolohiya sa kanila
at pati narin sa kalusugan ng mga kolehiyo. Kapag nalaman naman ang epekto nito
maaring maintinidahn kung ano ang naidudulot ng mga teknolohiya sa mga kolehiyo na
galing sa datos na kanilang sinagutan.

PANIMULA/ SALIGAN

Marami ang lubos na naapektuhan sa ating kasalukuyang kinahaharap na pandemya

hindi lang sa ating bansa ngunit maging sa buong mundo, pati mga paaralan at mga

kompanya ay lubos na naapektuhan lalo na ang mga kabuhayan ng mga indibidwal na

tao. Dahil sa kaganapang ito minabuti ng kataastaasang opisyales na ipasara at

ipagpaliban muna ang pag pasok sa eskwelahan at mga kompanya , pag-labas ng

bahay ng ilang buwan para maiwasan at mabawasan ang mabilis a pagkalat sa sakit na

COVID-19. Dahil sa pag sasara ng mga eskwelahan nag karoon ito ng epekto sa mga
mag-aaral lalo na sa kolehiyo. Kaya’t nag karoon ng pagpupulong ang mga

nakataastaasang miyembro ng CHED para approbahan ang Online Class na sadyang

malaking pagkakaiba sa Face to Face Class.Dahil dito mas Malaki ang magigigng

bahagi ng teknolohiya dito.

Sa bawat henerasyon ng teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa

ating pamumuhay sa pang – araw – araw pati na rin sa pag-aaral ng mga kolehiyo.

Hindi maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa maging produkto ng

makabagong panahon ngayong may pandemya. Napapabilis nito ang komunikasyon sa

mga mahal natin pati na din sa mga guro natin. Ayon kay Espina at Borja (1996), ang

komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha

ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito

kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa

isang lipunan. Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating

bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag

tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag – aaral at pati na

rin sa pag – uugali.

Dahil na rin sa nagaganap na pag-babago sa ating mundo, marami na ang nagbabago.

Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay na

produkto ng teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng

kanilang pakikisalamuha sa kapwa at kung paano nila malalagpasan ang pag-aaral sa

online. Masasabing mas mahaba na ang oras na inilalaan ng mga estudyante sa

ngayon sa teknolohiya dahil sa pandemya at sa magiging bagong paraan ng pag-aaral.

Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro ang
ibang kolehiyo dahil kaya na nilang gamitin ang oras nila sap ag-aaral sa ibang Gawain

gamit ang teknolohiya gaya ng pag-lalaro sa mga online games at iba ang inaatupang.

Ang iba naman ay hindi nakaka pag klase dulot ng mahina signal ng internet o walang

pang-load lalo na sa mga kapos sa buhay.

Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay

nararapat na gawing kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng

kakaibang istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag –

pansin o interes sa kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig at

makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng mga guro.

Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng pag –

aaral na itong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng

dulot ng Teknolohiya sa mga Kolehiyo. Ito ay para maging gabay at daan kung paano

maiwasan at masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng mga estudyante dito.

PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

1. Ano ang epekto ng teknolohiya ngayong may pandemya sa mga Kolehiyo?


2. Paano nakakatulong ang teknolohiya sa pag-aaral ng mga Kolehiyo ngayong may
pandemya?

3. Ano ang mga positibo at negatibong dulot ng teknolohiya ngayong may


pandemya?

4. Ano ang epekto ng teknolohiya sa kalusugan ng mga Kolehiyo?


METODOLOHIYA

Sa Kabanatang ito ay ipinapakita ang disenyo ng pag-aaral, instrumentong gagamitin at


pamamaraan sa pangangalap ng mga datos o impormasyon pati na rin ang bilang ng
mga responde na makikilahok sa pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik ay interbyu sapangkat itoy naangkop sa pamagat namin.
Gusto din naming malaman ang mga epekto ng teknolohiya sa kanila, dahil alam
naming ang mga nararanasan nila bilang estudyante at kolehiyo. Susuriin naming ang
kanilang mga pananaw, damdamn, kaisipan bilang mga Kolehiyo sa maaring maging
ugat sa kanila ang mga Epekto ngTeknolohiya.

Metodo
Ang mga datos na nais naming makuha ay Ano, Bakit, Paano at Oo,Hindi.

Respondent
Ang kalahok sa pananaliksik ay ang mga Kolehiyo na taga Villamr Coayan. Ang mga
respondent ay limitado sa 8 na mag-aaral na maaring sumagot sa bawat tatanungin na
ipapamahagi sa mananaliksik.

Ispesipik na datos na kakailanganin at paano ito makukuha

Edad, Kasarian, Paaralan, Taon,Kurso, Uri ng pagkakakonekta sa Internet, Ilang Oras


ang Ginugugol sa Internet, Kadalasang Ginagamit na Social Media. At kung sinu ang
sumagot ng Oo o Hindi at ang kanilang paliwanag at yung parereho ang epekto sa
kanila ng Teknolohiya.

RESULTA AT DISKUSYON

Ang kabanatang ito ay Diskusyon sa resulta ng aming pakikipag panayam sa mga


respondent namin.

Propayl ng mga Mag-aaral

Ang unang suliranin sa pag-aaral ay ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa


Edad,Kasarian,Paaralan,Kurso/Taon,Uri ng pagkakakonekta sa Internet,Ilang Oras ang
ginugogol sa Internet,Kadalasang teknolohiya na ginagamit at kadalasang ginagamit na
social Media. Makikita sa talahanayan I ang nakalap na datos tungkol sa propayl ng
mga mag-aral ayon sa edad.
EDAD BILANG NG MAG-AARAL %
19 3 37.5%
20 2 25%
21 3 37.5%
Kabuuan 8 100%

Inilahad sa talahanayan I ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad. Ang Edad 19 at
21 ang may pinakamataas na bilang na may 37.5 porsyento, kasunod nito ang edad 20
na may bilang na 25 porsyento.

Talahanayan II
Propayl ng mag-aaral ayon sa kasarian

Kasarian Bilang ng Mag-aaral %


Babae 4 50%
Lalaki 4 50%
Kabuuan 8 100%

Inilahad sa talahanayan II ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian. Ang bilang
ng babae ay apat na may 50 porsyento at lalake na may apat din at 50 porsyento batay
sa ipinakita ay parehas ang lalaki at babae na may tag 50 porsyento kayat pantay ang
bilang ng respondent.

Talahanayan III

Propayl ng mag-aaral ayon sa Paaralan:

Paaralan Bilang ng mag-aaral %


University of Northern 8 100%
Philippines
Kabuuan 8 100%

Ipinakita sa talahanayan III na lahat ng mag-aaral ay nag-aaral sa University of


Northern Philippines.

Talahanayan IV

Propayl ng mag-aaral ayon sa Kurso/Taon

Kurso/Taon Bilang ng Mag-aaral %


BSIT 1 3 37.5%
BSIT 2 2 25%
BSCRIM 3 1 12.5%
BSED 3 1 12.5%
BSBA 1 1 12.5%
Kabuuan 8 100%

Inilahad sa talahanayang IV ang propayl ng mag-aaral ayon sa Kurso/taon. Ang


Kursong/Taon BSIT1 ang nanguna na may tatlong mag-aaral na may 37.5 porsyento
sumunod naman ang BSIT 2 na may dalawang mag-aaral na may 25 porsyento,
sumunod naman ang BSCRIM3, BSBA1, BSED3 na may tag isang mag-aaral at may
tag 12.5 porsyento.

Talahanayang V

Propayl ng mga mag-aaral ayon sa Uri ng pagkakakonekta sa Internet

Pagkakaonekta sa Internet Bilang ng mag-aaral %


DATA 5 62.5%
WIFI 3 37.5
Kabuaan 8 100%

Inilahad sa talahanayang V ang propayl ng mag-aaral ayon sa uri ng pagkakakonekta


nila sa Internet. Ang DATA ang may pinakamalaking bilang na limang mag-aaral ang
gumagamit dito at may 62.5 na porsyento at sumunod naman ang WIFI na may tatlong
mag-aaral ang gumagamit dito at may 37.5 na porsyento. Ayon sa nalikom na datos na
mas marami ang gumagamit ng DATA para maka konekta sa internet.

Talahanayang VI

Propayl ng mga mag-aaral ayon sa Ilang Oras ang ginugugol sa Internet

Oras na Ginugugol sa Bilang ng Mag-aaral %


Internet
1-5 oras 2 25%
5-10 oras 5 62.5%
10-15 oras 1 12.5%
Kabuuan 8 100%

Inilahad sa talahanayang VI ang propayl ng mag-aaral ayon sa Ilang oras ang


ginugugol sa Internet. Ang 5-10 oras ang may pinakamataas na bilang na limang mag-
aaral na may 62.5 porsyento ang ginugugol sa internet, sumunod naman ang 1-5 oras
na may dalawang mag-aaral na may 25 porsyento ang ginugugol sa internet at ang 10-
15 oras ay may isang mag-aaral na may 12.5 porsyento ang ginugugol sa internet.
Ayon sa nalikom na datos mas marami ang mag-aaral na 5-10 oras ang ginugugol nila
sa internet.

Talahanayang VII

Propayl ng mag-aaral ayon sa Kadalasang Ginagamit na Teknolohiya

Teknolohiya na Ginagamit Bilang nang mag-aaral %


Cellphone 8 100%
Laptop 0
Kabuuan 8 100%

Inilahad sa Talahanayang VII ang propayl ng mag-aaral ayon sa Kadalasang Ginagamit


na Teknolohiya. Ang Cellphone ang ginagamit lahat ng mag-aaral kaya itoy amy 100 na
porsyento.

Talahanayang VIII

Propayl ng mag-aaral ayon sa kadalasang Ginagamit na Social Media

Social Media Bilang ng mag-aaral %


Facebook 8 100%
Instagram 0 0
Viber 0 0
Kabuuan 8 100%
Inilahad sa talahanayang VIII ang propayl ng mag-aaral ayon sa kadalasang ginagamit
na social media. Ang Facebook ang ginagamit ng lahat ng mga mag-aaral na Social
Media kaya itoy may 100 porsyento.

Talahanayang IX

TANONG Oo HINDI Bilang ng


Mag-aaral
na sumagot
1.Nakakatulong ba nag Lahat ay sinabing Oo 0 8
teknolohiya sa iyong nakakatulong ang
pag-aaral ngayong may teknolohiya sa
pandemya?Kung Oo sa kanilang pag-aaral
anong paraasn ito dahil nakakatulong
nakakatulong. ito na mapadali ang
kanilang mga gawain
sa pa-aaralan
,nakakakuha sila ng
mga impormasyon sa
pamamagitan ng pag
search,ang
teknolohiya din daw
ang paraan kung
bakit tayoy
nakapagtuloy parin
sa pag-aaral,madali
din daw
makapagpasa ng
requirements.

Inilahad sa talahanayang IX na nakakatulong ang teknolohiya sa mga mag-aaral


ngayong may pandemya na mapadali ang kanilang mga gawain sa pa-
aaralan,nakakakuha sila ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pag-search , ang
teknolohiya din daw ang paraan kung bat nakapagtuloy sa pag-aaral at madali daw
makapagpasa ng requirements para sa pa-aaralan.

Talahanayang X

Tanong Sagot Bilang ng mag-aaral na


sumagot
2. Ano ano ang mga Nakakahanap ng datos at 2
nakukuhang aral sa mga sagot
teknolohiya na nagagamit Nakakahanap ng bagong 5
mo sa pang-araw araw impormasyon o kaalaman
na nagagamit sa
paaralaan at sa hinaharap.
Pagiging maingat sa 1
impormasyong makukuha.

Inilahad sa talahanayang X na ang nakukuhang aral sa teknolohiya na nagagamit araw


araw ay, ang nakakakuha o nakakahanap ng bagong impormasyon o kaalaman na
nagagamit sa paaralan at sa hinaharap ang may limang mag-aaral ang sumagot sa
ganitong paraan sumunod naman ang Nakakahanap daw ng mga datos at mga sagot
na may dalawang mag-aaral ang sumagot sa ganitong paraan at ang pagiging maingat
sa impormasyong nakukuha na may isang mag-aaral ang sumagot sa ganitong paraan.

Talahanayang XI

Tanong Sagot Bilang ng mag-aaral


na sumagot
3.Ano ang mga Hindi masyadong nauunawaan ang 5
negatibong dulot ng discussion dahil sa mahinang signal.
teknolohiya sa iyo Nagiging Adik sa teknolohiya 1
bilang mag-aaral
ngayong may
pandemya tayong Hindi naipapasa ang aktibiti sa tamang 2
nararanasan? oras dahil mahina ang signal

Inahayag sa talahanayang XI Ang mga negatibong dulot ng teknolohiya sa kanila bilang


mag-aaral ngayong may pandemya tayong nararanasan. Ang Hindi masyadong
nauunawaan ang discussion dahil sa mahinang siganal ang may limang mag-aaral ang
sumagot ng ganitong paraan sumunod naman ang Hindi naipapasa ang aktibi sa
tamang oras dahil sa mahinang signal na may dalawang sumagot sa ganitong paraan
at ang Nagiging adik sa teknolohiya ang huli na may isang mag-aaral ang sumagot sa
ganitong paraan.

Talahanayang XII
Tanong Sagot Bilang ng Mag-aaral na
sumagot
4.Ano naman ang mga Maagang gumagawa ng 5
positibong naidudulot ng mga aktibit dahil
teknolohiya sa iyo bilang napapadali ng teknolohiya
mag-aaral ngayong may ang paggawa lalo na kung
pandemya? malakas ang signal.
Malaking bawas sa 1
gastusin ang paggamit ng
teknolohiya sa pag-aaral
dahil hindi mo na
kailangan ng pamasahe na
pumuntang eskwelahan at
mga pambili ng pagkain.
Napapadali ang pag- 2
access ng mga
impormasyon at mga
lekture.

Inilahad sa talahanayang XII Ang mga positibong naidudulot ng teknolohiya sa kanila


bilang mag-aaral nagyong may pandemya. Ang maagang gumagawa ng mga aktibiti
dahil napapadali ng teknolohiya ang paggawa lalo na kung malakas ang signal , ang
may limang mag-aaral ang sumagot sa ganitong paraan. Napapadali ang pag-access
ng mga impormasyon at mga lekture ang sumunod na may dalawang mag-aaral ang
sumagot sa ganitong paraan at ang malaki anga nababawasan sa gastosin sa paggamit
ng teknolohiya sa pag-aaral dahil hindi mo na kailangan ng pamasahe papuntang
eskwelahan at mga pambili ng pagkainang may isang sumagot sa ganitong paraan.

Talahanayang XIII

Tanong Sagot Bilang ng mag-aaral na


sumagot
5.Ano ang mga epekto ng Nalilipasan ng Gutom 8
teknolohiya sa iyong ,sumasakit ang mata at ulo
pamumuhay bilang kulang din sa tulog dahil sa
estudyante nagyong may dami ng requirements.
pandemya?
Inilahad sa Talahanayang XIII Ang mga epekto ng teknolohiya sa kalusugan ng mga
mag-aaral ngaypong may pandemya. Lahat ng mag-aaral ang isinagot ay Nalilipasan
sila ng gutom ,sumasakit ang mata at ulo kulang din sa tulog dahil sa dami ng
requirements.

Talahanayang XIV

Tanong Sagot Bilang ng mag-aaral na


sumagot
6.Ano ang epekto din ng Walang oras na 2
teknolohiya sa iyong makahalubilo ang mga
pamumuhay bilang pamilya
estudyante ngayong may Hindi na nakakatulong sa 6
pandemya? mga gawaing bahay dahil
sa dami ng requirements

Inilahad sa talahanayang XIV ang epekto ng teknolohiya sa pamumuhay nila bilang


estudyante ngayong may pandemya. Ang hindi na nakakatulong sa mga gawaing
bahay dahil sa dami ng requirements ang nanguna na may anim na sumagot sa
ganitong paraan at sumunod naman ang walang oras na makahalubilo ang mga
pamilya na may dalawang mag-aaral ang sumagot sa ganitong paraan.

Talahanayang XV

Tanong Sagot Bilang ng Mag-aaral na


sumagot
7.Ang teknolohiya ba ay Oo, Dahil napapadali 2
sapat na gamit para sa nitong ipasa ang mga
katulad mong kolehiyo gawain ng walang
ngayong may pandemya? komplikadong naayun sa
Kung Oo bakit mo nasabi? oras ng pag-
Kung hindi ano ang pasa.Nagagawa din ang
dahilan nito teknolohiya ang mga
agwain ng maayos lalo
kung video presentation.
Hindi , dahil hindi 6
masyadong naiiintindihan
ang mga discussion ng lalo
na kapag mahina ang
signal.
Inilahad sa talahanayang XV Kung ang teknolohiya ba ay sapat na gamit para sa mga
kolehiyo na ang-aaral ngayong may pandemya. Ang may pinakaraming sagot ay Hindi,
dahil sa hindi masyadong naiintindihan ang discussion lalo na kapag mahin anag signal,
na may sumagot na anim na estudyante sa ganitong paraan. Oo naman sa dalawang
estudyante dahil daw napapadali ng teknolohiya ang pag-pasa sa mga gawain ng
walang komplikadong naayun sa oras ng pag[pasa.

Talahanayang XVI

Tanong Sagot Bilang ng mag-aaral na


sumagot
8.Sa iyong karanasan Oo, dahil naibibigay 1
bilang isang mag-aaral ng naman ng mga guro ang
kolehiyo sapat ba ang mga mga leksyon an dapat
natutunan mong aralin nating matutunan gamit
gamit ang teknolohiya? ang teknolohiya.
Ipaliwanag
Hindi sapat ang 7
teknolohiya sa akin, dahil
hindi ko masyadong
naiintindihan ang mga
aralin dahil hindi
masyadong maayos ang
paliwanag kahit sabihin
nating maayos ang
paliwanag kulang parin
iyong para maintindihan
naming kolehiyo. Lalo na
kung mahina anmg signal

Inilahad sa talahanayang XVI, na sa kanilang karanasan sapat ba ang natutunan nilang


aralin gamit ang teknolohiya . Ang nanguna ay ang Hindi sapat ang teknolohiya dahil
hindi masaydong maayos ang paliwang kahit sabihin na maayos kulang parin ang mga
iyon para maintindihan ng maayos ang mga aralin gamit ang teknolohiya dahil na rin sa
mahinang signal na may pitong mag-aaral ang sumagot sa ganitong paraan. At ang Oo
dahil sa naibibigay naman ng mga guro ang mga leksyon na dapat matutunan gamit
ang teknolohiya na may isang mag-aaral ang sumagot nito.

MGA SAMPOL NA KATIBAYAN


Partisipat 1

Edad:20
Kasarian: Babae
Paaralan: UNP
Kurso/Taon: BSBA1
Uri ng pagkakonekta sa Internet: Data
Oras na ginugogol sa Internet: 5-10
Teknolohiyang Ginagamit: Cellphone
Social Media na Ginagamit: Facebook

Mga Tanong:
1. Nakaktulong ba ang teknolohiya sa iyong pag-aaral ngayong may pandemya?
Kung Oo anong paraan ito nakaktulong?

 Oo, nakaktulong ang teknolohiya sa aking pag-aaral dahil ang teknolohiya


ang tumutulong sa akin bilang estudyante na maka kuha ng impormasyon sa
pamamagitan ng pag search sa google ay napapadali ang pagtingin sa mga
gusto kung tuklasin na impormasyon. Ang teknolohiya din ay nakakatulong
sa akin dahil napapabilis nito ang paggawa ng aking activities sa pag-aaral.

2. Ano-ano ang mga nakukuhang aral sa teknolohiya na nagagamit mo sa pang-


araw araw bilang estudyante?

 Mabisang paraan para makahanap ng mga datos o nais alamin gaya ng


paghanap ng primirya na gustong halukhutin na katutuhanan. Dahil sa pag
iwas face to face class sa pamamagitan ng internet at mga teknolohiya
nakaka-usap parin ating mga Kaibigan, Kaklase , Guro lalo na ang mga Mahal
natin sa buhay.

3. Ano ang mga negatibong dulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag-aaral ngayong
may pandemya tayong nararanasan?

 Ang negatibong dulot sa akin ng teknolohiya sa aking pag-aaral ay ang hindi


masyadong nauunawaan ang discussion ng mga guro kaysa noong face to
face class, nahihirapan tayong mag adjust dahil selfstudy tayo kaya wala
tayong magagwa kundi magbabad sa cellphone kakagawa ng activity
sumasakit ang aking mga mata at nararanasan ko nading magpuyat dahil sa
hina ng signal hindi ko matapos tapos ang mga ginagawa ko.

4. Ano naman ang mga positibong naidudulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag
aaral ngayong may pandemya?

 Mas maagang gumagawa ng mga activity dahil sa teknolohiya napapadali


minsan ang mga Gawain lalo kung malakas ang signal.

5. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong kalusugan bilang estudyante


ngayong may pandemya?

 Nalilipasan ng gutom ,napupuyatan dahil sa mga activity na dpay tapusin ,


pagkalabo ng mga mata dahil sa radiation ng mga gadyets na pwedeng
iasanhi ng sakit sa ulo

6. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong pamumuhay bilang estudyante


ngayong may pandemya?
 Walang sapat na oras para makpaghalubilo sa mga pamilya hindi na
nakakatulong sa mga gawaing bahay dahil sap ag klase at paggawa ng
asignments.

7. Ang teknolohiya ba ay sapat na gamit para sa katulad mong kalohiyo nagyong


may pandemya? Kung Oo bakit mo nasabi? Kung hindi ano ang mga dahilan nito kung
bakit hindi sapat.

 Hindi sapat ang teknolohiya sa akin para sap ag-aaral mas gustuhin ko parin
ang face to face class para ma explain ng mga guro ng magi ang mga klase
para matutunan din antin ito ng maigi at mas lamang ito kaysa online class.

8. Sa iyong karanasan bilang isang mag-aaral ng Kolehiyo sapat ba ang mga


natutunan mong aralin gamit ang teknolohiya? Ipaliwanag

 Hindi sapat ang teknolohiya sa akin, dahil hindi ko masyadong naiintindihan


ang mga discussion maigi lalo na kapag mahina ang signal.

Partisipat 2
Edad:19
Kasarian: Lalaki
Paaralan: UNP
Kurso/Taon: BSIT 1
Uri ng pagkakonekta sa Internet: Data
Oras na ginugogol sa Internet: 1-5
Teknolohiyang Ginagamit: Cellphone
Social Media na Ginagamit: Facebook

Mga Tanong:
1. Nakakatulong ba ang teknolohiya sa iyong pag-aaral ngayong may pandemya?
Kung Oo anong paraan ito nakaktulong?

 Oo, dahil ang teknolohiya ang paraan para tayoy maka pagpatuloy sa pag-
aaral at maayos na maipapakita ng guro ang mga lecture.Napapadali din ang
paggawa ng mga aktibiti.

2. Ano-ano ang mga nakukuhang aral sa teknolohiya na nagagamit mo sa pang-


araw araw bilang estudyante?

 Ang nakukuha kung aral sa teknolohiya ay ang mabilis na pag-hahanap ng


mga sagot sa online para mapadali ang paggawa ng mga activity na hindi
alam ang sagot.

3. Ano ang mga negatibong dulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag-aaral ngayong
may pandemya tayong nararanasan?

 Hindi masyadong naiintindihan ang lecture dahil mahina ang signal

4. Ano naman ang mga positibong naidudulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag
aaral ngayong may pandemya?

 Malaking bawas ang gastosin sapagkat hindi ko na kailangang pumunta sa


eskwelahan ,nakakagawa ng gawaing bahay at nakakagawa ng activity ng
maayos.

5. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong kalusugan bilang estudyante


ngayong may pandemya?
 Naapektuhan nito ang aking kalusugan, nananakit ang aking mga mata dahil
sa maghapong nakababad sa computer sumasakit din ang aking ulo,
nalilipasan din ako ng gutom pag maraming requirements na tatapusin.

6. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong pamumuhay bilang estudyante


ngayong may pandemya?

 Hindi na Nakakatulong sa gawaing bahay, napapadali ang pagkatuto ko sa


mga bagay bagay

7. Ang teknolohiya ba ay sapat na gamit para sa katulad mong kalehiyo ngayong


may pandemya? Kung Oo bakit mo nasabi? Kung hindi ano ang mga dahilan nito kung
bakit hindi sapat.

 Hindi dahil hindi ko masyadong naiintindihan ang mga lektura lalo na kung
mahina ang signal at mahirap din sagutin ang mga activity lalo kung hindi
nagdidiscuss ang ibang guro.

8. Sa iyong karanasan bilang isang mag-aaral ng Kolehiyo sapat ba ang mga


natutunan mong aralin gamit ang teknolohiya? Ipaliwanag

 Hindi sapat dahil hindi masyadong maipapaliwanag ng maganda ang lahat ng


aralin na dapat matutunan namin dahil sa mahinang signal.

Partisipat 3

Edad:21
Kasarian: Babae
Paaralan: UNP
Kurso/Taon: BSCRIM 3
Uri ng pagkakonekta sa Internet: Data
Oras na ginugogol sa Internet: 5-10
Teknolohiyang Ginagamit: Cellphone
Social Media na Ginagamit: Facebook

Mga Tanong:
1. Nakaktulong ba ang teknolohiya sa iyong pag-aaral ngayong may pandemya?
Kung Oo anong paraan ito nakaktulong?
 Oo, Dahil napapabilis nito ang pagpapasa ng mga requirements na kailangan
sa eskwelahan.

2. Ano-ano ang mga nakukuhang aral sa teknolohiya na nagagamit mo sa pang-


araw araw bilang estudyante?

 Nakakakuha ako ng mga bagong impormasyon o kaalaman na pwedeng


magamit sa hinaharap.

3. Ano ang mga negatibong dulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag-aaral ngayong
may pandemya tayong nararanasan?

 Mas nagiging adik sa paggamit ng teknolohiya ,nakakalimutan kumain at


minsan hindi nakakafocus sa pag-aaral

4. Ano naman ang mga positibong naidudulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag
aaral ngayong may pandemya?

 Mas napapabilis ang pag-sagot sa mga katanungan at napapadali ang


paggawa ng mga gawain

5. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong kalusugan bilang estudyante


ngayong may pandemya?

 Mas nagiging sakitin dahil kulang sa tulog at kunti lang nakakain

6. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong pamumuhay bilang estudyante


ngayong may pandemya?

 Hindi na ako nakakapaglinis ng bahay o nakakatulong sa mga gawaing bahay


dahil sa dami ng requirements.

7. Ang teknolohiya ba ay sapat na gamit para sa katulad mong kalohiyo nagyong


may pandemya? Kung Oo bakit mo nasabi? Kung hindi ano ang mga dahilan nito kung
bakit hindi sapat.
 Oo, dahil napapadali nitong ipasa ang dapat ipasa na walang komplikado na
napapasa mo ito na naayun sa oras ng pag pasa

8. Sa iyong karanasan bilang isang mag-aaral ng Kolehiyo sapat ba ang mga


natutunan mong aralin gamit ang teknolohiya? Ipaliwanag

 Hindi natin masasabing sapat ang natutunan natin sap ag-aaral sa kolehiyo
gamit lang ang teknolohiya dahil meron paring mga bagay ang hindi
nabibigay ng teknolohiya na kaalaman sa aming mga estudyante na minsa ay
ang mga kaalaman ng teknolohiya ay hindi naangkop para sa aming kaisipan.

Partisipat 4

Edad:21
Kasarian: Babae
Paaralan: UNP
Kurso/Taon: BSed 3
Uri ng pagkakonekta sa Internet: Data
Oras na ginugogol sa Internet: 1-5
Teknolohiyang Ginagamit: Cellphone
Social Media na Ginagamit: Facebook

Mga Tanong:
1. Nakaktulong ba ang teknolohiya sa iyong pag-aaral ngayong may pandemya?
Kung Oo anong paraan ito nakaktulong?

 Oo, nakaktulong ang teknolohiya sa aking pag-aaral ngayong may pandemya


sa paraang nagagamit ko ito upang ma-access ang aming mga leksyon at
talakayan. Nagagamit ko rin ito sa aking mga proyekto at Gawain tulad ng
pananaliksik.

2. Ano-ano ang mga nakukuhang aral sa teknolohiya na nagagamit mo sa pang-


araw araw bilang estudyante?
 Ang pagiging maingat sa mga impormasyon ,bilang isang estudaynte
kinakailangan nating maging maiingat sabawat ideya at kaisipan na
ibinabahagi natin tiyakin muna kung ito ay tama o mali

3. Ano ang mga negatibong dulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag-aaral ngayong
may pandemya tayong nararanasan?

 Hindi naipapasa ang aktibi sa tamang oras dahil sa mahinang signal

4. Ano naman ang mga positibong naidudulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag
aaral ngayong may pandemya?

 Napapadali ang pag-aaral lalo sa pag-access ng mga impormasyon sa aming


leksyon at talakayan bukod dito nagagamit naming ang teknolohiya upang
ibahagi ang aming hinaing,pananaw at opinion

5. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong kalusugan bilang estudyante


ngayong may pandemya?

 Pananakit ng ulo at mata at nalilipasan ng gutom.

6. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong pamumuhay bilang estudyante


ngayong may pandemya?

 Hindi nakakatulong sa bahay dahil sa mga requirements, hindi ko rin


nagagawang asikasuhin ang aking sarili.

7. Ang teknolohiya ba ay sapat na gamit para sa katulad mong kalehiyo nagyong


may pandemya? Kung Oo bakit mo nasabi? Kung hindi ano ang mga dahilan nito kung
bakit hindi sapat.
 Hindi ko masasabing sapat na gamit ang teknolohiya sap ag-aaral ngayon
dahil hindi masyadong naiintindihan ang mga lecture ng guro natin lalo na
kapag mahina ang mga signal at lalo na kapag nag lolog ang laptop.

8. Sa iyong karanasan bilang isang mag-aaral ng Kolehiyo sapat ba ang mga


natutunan mong aralin gamit ang teknolohiya? Ipaliwanag
 Hindi parin sapat ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral kasi hindi sapat
ang natutunan namin dito lalo na kung hindi kami nakaka jopin sa klase hindi
na naming alam kung ano ang diskasyon nang araw na iyon at hindi rin
naming masasagutan ng tama nag mga activity kung hindi maayos ang
lecture ng guro naming dahil sa mahinang signal.
Partisipat 5

Edad:19
Kasarian: Babae
Paaralan: UNP
Kurso/Taon: BSIT 1
Uri ng pagkakonekta sa Internet: Data
Oras na ginugogol sa Internet: 10-15
Teknolohiyang Ginagamit: Cellphone
Social Media na Ginagamit: Facebook

Mga Tanong:
1. Nakaktulong ba ang teknolohiya sa iyong pag-aaral ngayong may pandemya?
Kung Oo anong paraan ito nakaktulong?

 Oo, nakaktulong ang teknolohiya dahil nakakausap natin ang ating mga
kaklase, mga guro at dito kadalasan tayo gumagawa ng mga Gawain natin
ngayon para ito ay mapadali

2. Ano-ano ang mga nakukuhang aral sa teknolohiya na nagagamit mo sa pang-


araw araw bilang estudyante?

 Nakakakuha ng impormasyon tungkol sa mga bagay bagay na hindi alam ,at


napapadali ang paggawa ng mga activity

3. Ano ang mga negatibong dulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag-aaral ngayong
may pandemya tayong nararanasan?

 Hindi masyadong naiintindihan ang discussion dahil mahina ang signal

4. Ano naman ang mga positibong naidudulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag
aaral ngayong may pandemya?
 Madaling makakuha ng mga impormasyon. Madaling makapag
kominukasyon sa mga guro at mga kaklase

5. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong kalusugan bilang estudyante


ngayong may pandemya?

 Sumasakit ang katawan at nalilipasan ng gutom, sumasakit ang mata at ulo.

6. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong pamumuhay bilang estudyante


ngayong may pandemya?

 Walang oras sa paggawa ng gawaing bahay dahil sa dami ng requirements

7. Ang teknolohiya ba ay sapat na gamit para sa katulad mong kalohiyo nagyong


may pandemya? Kung Oo bakit mo nasabi? Kung hindi ano ang mga dahilan nito kung
bakit hindi sapat.

 Oo dahil sa nagagawa naman natin ang mga Gawain natin ng maayos gamit
ang teknolohiya lalo sa gawaing pang-paaralan

8. Sa iyong karanasan bilang isang mag-aaral ng Kolehiyo sapat ba ang mga


natutunan mong aralin gamit ang teknolohiya? Ipaliwanag

 Sapat dahil naibibigay naman ng mga guro ang ating mga kailangan gamit
ang teknolohiya

Partisipat 6

Edad:21
Kasarian: Lalake
Paaralan: UNP
Kurso/Taon: BSIT 2
Uri ng pagkakonekta sa Internet: WIFI
Oras na ginugogol sa Internet: 1-5
Teknolohiyang Ginagamit: Cellphone
Social Media na Ginagamit: Facebook
Mga Tanong:
1. Nakaktulong ba ang teknolohiya sa iyong pag-aaral ngayong may pandemya?
Kung Oo anong paraan ito nakaktulong?

 Oo, nakaktulong ang teknolohiya sa aking pag-aaral dahil ligtas ito kumpra sa
face to face

2. Ano-ano ang mga nakukuhang aral sa teknolohiya na nagagamit mo sa pang-


araw araw bilang estudyante?

 Mabisang paraan para makakuha ng impormasyon at makagawa ng activity


para sa eskwelahan.

3. Ano ang mga negatibong dulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag-aaral ngayong
may pandemya tayong nararanasan?

 Ang negatibong dulot sa akin ay ang anxiety,hindi nakakapag pasa ng activity


sa tamag oras dahil sa mahinang signal.

4. Ano naman ang mga positibong naidudulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag
aaral ngayong may pandemya?

 Mas maaga akong gumagawa ng aktibiti


5. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong kalusugan bilang estudyante
ngayong may pandemya?

 Sumasakit ang likod ko dahil sa mag-hapong naka upo, sakit sa mata at ulo

6. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong pamumuhay bilang estudyante


ngayong may pandemya?

 Hindi na ako nakakatulong sa mga gawaing bahay dahil sa dami ng activity at


hindi na rin ako nakakalabas masyado dahil kailangang tapusin muna ang
mga aktibiti
7. Ang teknolohiya ba ay sapat na gamit para sa katulad mong kalohiyo nagyong
may pandemya? Kung Oo bakit mo nasabi? Kung hindi ano ang mga dahilan nito kung
bakit hindi sapat.

 Hindi sapat ,kasi bilang mag-aaral kailangan nating matutunan ng tama ang
mga leksyon natin at hindi lamang sa teknolohiya ang pag kaklase dahil hindi
lahat ng lugar ay may malakas na signal.Hindi rin maayos ang discussion lalo
na kapag mahina ang signal ng guro at chopychopy ito.

8. Sa iyong karanasan bilang isang mag-aaral ng Kolehiyo sapat ba ang mga


natutunan mong aralin gamit ang teknolohiya? Ipaliwanag

 Hindi ,dahil mabilis malimutan ang mga lektura dahil sa daming iniisip na
Gawain o requirements sa eskwelahan Hindi rin masyadong naiintindihan
ang mga lesson na ibinibigay ng mga guro lalo na kung walang explanation.

Partisipat 7

Edad:20
Kasarian: Lalake
Paaralan: UNP
Kurso/Taon: BSIT 2
Uri ng pagkakonekta sa Internet: WIFI
Oras na ginugogol sa Internet: 5-10
Teknolohiyang Ginagamit: Cellphone
Social Media na Ginagamit: Facebook

Mga Tanong:
1. Nakaktulong ba ang teknolohiya sa iyong pag-aaral ngayong may pandemya?
Kung Oo anong paraan ito nakaktulong?

 Oo, ngunit hindi gaanong nakakatulong ang internet connection dahil mahina
ang internet naming sapagkat hindi ako nakakasabay sa mga leksyon naming.
Pero nakaktulong parin ito lalo na sa ngayong may pandemya bawal ang face
to face class nakakausad parin tayo sap ag-aaral.

2. Ano-ano ang mga nakukuhang aral sa teknolohiya na nagagamit mo sa pang-


araw araw bilang estudyante?
 Nakakakalap ng impormasyon tungkol sa mga Gawain pang eskwelahan

3. Ano ang mga negatibong dulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag-aaral ngayong
may pandemya tayong nararanasan?

 Hindi masyadong nakakasabay at hindi naiintindihan ang mga s leksyon at


discussion dahil sa mahinang signal

4. Ano naman ang mga positibong naidudulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag
aaral ngayong may pandemya?

 Nakakakuha ng maayos na explenasion o impormasyon lalo na sa google at


nakakapag-pasa ng Gawain ng mabilis
5. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong kalusugan bilang estudyante
ngayong may pandemya?

 Nalilipasan ng gutom ,sakit sa mata at ulo

6. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong pamumuhay bilang estudyante


ngayong may pandemya?

 Walang sapat na oras para sa pagtulong sa bahay, hindi nakakalabas


masyado

7. Ang teknolohiya ba ay sapat na gamit para sa katulad mong kalehiyo ngayong


may pandemya? Kung Oo bakit mo nasabi? Kung hindi ano ang mga dahilan nito kung
bakit hindi sapat.

 Hindi sapat ang teknolohiya sa akin dahil ,hindi ko na naiintindihan ang mga
leksyon lalo nap ag hindi na ako nakakajoin sa aming online class dahil sa
mahinang signal dito sa amin.

8. Sa iyong karanasan bilang isang mag-aaral ng Kolehiyo sapat ba ang mga


natutunan mong aralin gamit ang teknolohiya? Ipaliwanag

 Hindi sapat ang aking natutunan dahil sa mahinang koneksyon ng internet


hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ng aking guro,kaya mas maganda
parin ang face to face class.
Partisipat 8

Edad:19
Kasarian: Lalaki
Paaralan: UNP
Kurso/Taon: BSIT 1
Uri ng pagkakonekta sa Internet: WIFI
Oras na ginugogol sa Internet: 5-10
Teknolohiyang Ginagamit: Cellphone
Social Media na Ginagamit: Facebook

Mga Tanong:
1. Nakaktulong ba ang teknolohiya sa iyong pag-aaral ngayong may pandemya?
Kung Oo anong paraan ito nakaktulong?

 Oo, nakaktulong ang teknolohiya sa aking pag-aaral dahil ang teknolohiya


ang tumutulong sa akin bilang estudyante na mapadali ang mga Gawain sa
paaralan at nagagawa din ng teknolohiya na magbigay nag datos o
impormasyon sa ibatibang katanungan na hindi ko alam.

2. Ano-ano ang mga nakukuhang aral sa teknolohiya na nagagamit mo sa pang-


araw araw bilang estudyante?

 Mabisang paraan para makahanap ng impormasyon tungkol sa mga Gawain


ng eskwelahan

3. Ano ang mga negatibong dulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag-aaral ngayong
may pandemya tayong nararanasan?

 Ang negatibong dulot sa akin ng teknolohiya sa aking pag-aaral ay ang hindi


masyadong nauunawaan ang discussion ng mga guro kaysa noong face to
face class.

4. Ano naman ang mga positibong naidudulot ng teknolohiya sa iyo bilang mag
aaral ngayong may pandemya?

 Mas maagang gumagawa ng mga activity dahil sa teknolohiya napapadali


minsan ang mga Gawain at nakaka kuha ka nang sapat na impormasyon.
5. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong kalusugan bilang estudyante
ngayong may pandemya?

 Nalilipasan ng gutom ,napupuyatan dahil sa mga activity na dapat tapusin,


masakit ang mata at ulo.

6. Ano ang epekto din ng teknolohiya sa iyong pamumuhay bilang estudyante


ngayong may pandemya?

 Walang sapat na oras para maka paglinis sa bahay,makapaglaba at


makasama sa lamesa kumain ang pamilya ko.Lalo na sa pakihalobilo sa mga
pamilya ko.

7. Ang teknolohiya ba ay sapat na gamit para sa katulad mong kalehiyo nagyong


may pandemya? Kung Oo bakit mo nasabi? Kung hindi ano ang mga dahilan nito kung
bakit hindi sapat.

 Hindi sapat ang teknolohiya na gamitin dahil hindi lahat ng kolehiyo ay may
sarisariling cellphone at laptop lalo na ang perang gagamitin pangload .

8. Sa iyong karanasan bilang isang mag-aaral ng Kolehiyo sapat ba ang mga


natutunan mong aralin gamit ang teknolohiya? Ipaliwanag

 Hindi sapat ang teknolohiya para sa mga natutunan ko kasi mahirap


maintindindihan ang leksyon lalo na kapag mahina ang signal at hindi ka pa
araw araw makaka join sa online klass dahil walang load kaya hindi ko
masyadong naiintindihan ang ibatibang aralin naming.

REBYU NG MGA KAUGNAY NA PAG AARAL SA LITERATURA

Teknolohiya

Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng impormasyon


ng mga magaaral sa panahon ngayon sa pamamagitan ng cellphone , laptop , computer , at
projectors. At sa pamamagitan ng pagsearch ay makikita mo na ang hinahanap mong
impormasyon hindi katulad noon na kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang mga
kailangang impormasyon. Sa madaling sabi ang teknolohiya ay nakatutulong sa atin dahil
napapabilis nito ang iba’t ibang gawain ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
'Ang teknolohiya ay gumagana lang batay sa kung ano ang kailangan at kahingian sa
kanila ng tao'.Hindi na maitatanggi pa ang gahum na taglay ng teknolohiya sa pang-
araw-araw na buhay. Sa katunayan, pwede nang gawing 4 ang tatlong pangunahing
pangangailangan ng tao: pagkain; tirahan; kasuotan; at ang huli, teknolohiya. 
Sa panahon ngayon na mas naging katuwang ng bawat indibidwal ang teknolohiya
dahil sa pandemyang naglilimita sa mobilidad ng tao, imperatibong balikan ang
ginawang pagtalakay ni Sherry Turkle sa kanyang artikulong "Flight From Conversation"
na lumabas sa popular na publikasyon sa Estados Unidos: ang The New York Times.
Pagbubukas ito ng pinto para suriin natin ang mga sarili bilang primaryang konsumer ng
teknolohiya. Dahil baka sa makapangyarihang impluwensya na taglay nito, hindi natin
napapansin na hindi na tao ang gumagamit sa teknolohiya kundi ang teknilohiya na
mismo ang gumagamit sa tao.Siguro, hindi mo isang beses naramdaman na parang
wala kang kasalo sa ilang inuman ninyong magkakaibigan dahil sa halip na
makipagpalitan ng mga kwento ng karanasan, pagse-cellphone ang pinagkakaabalahan
nila. Merong nakikipag-chat sa kasintahan o naglalaro ng popular na online games
kagaya ng Mobile Legends. 
Kung nawawalan na ang tao ng panahon para maglimi, makipagkapwa, makilahok sa
sektor ng mas malaking lipunang kinabibilangan nila, mag-aliw — 'yong uri ng pag-aaliw
na labas sa aliwang ikinahon sa smartphones at iba pang digital device — baka totoo
nga ang presumpsyon na ginagamit na tayo ng teknolohiya. 
Sa artikulo ni Turkle, binanggit niya ang daing ng isang negosyante. Wala raw
pumapansin dito. Walang nagkukusang tumawag o mag-text man lang para
kumustahan ito. Masyado raw abala ang mga kasamahan nito sa trabaho sa paggamit
ng mga digital device. Pero sa huli, inamin din ng lalaki na ito talaga ang ayaw
magpaabala dahil lagi nitong nilulustay ang oras sa paggamit ng Blackberry. Ang
ganitong sitwasyon ay manipestasyon ng malubhang sakit na dumadapo sa ilang
kumokunsomo ng teknolohiya. Naisasakripisyo ang pakikipag-kapwa at ang mas
malala, nagagawa nating magsinungaling para makakuha ng simpatya sa iba – na
madalas na ngang ginagawa ng marami sa mundo ng social media. Ang terminong
idinidikit sa mga taong ganito ay "pa-victim."

PAG-AARAL

Ayon sa School Division of City of Meycauayan, marami ang lubos na naapektuhan sa ating
kasalukuyang kinakaharap na pandemya hindi lang sa ating bansa ngunit maging sa buong
mundo tulad ng pampubliko at pangpribadong kumpanya, mga paaralan, kabuhayan pati na rin
ang mga tao sa sanlibutan. Dahil sa kaganapang ito ay minabuti ng ating pamahalaan na
ipasara at ipagpaliban muna ang pagpasok sa opisina at eskwela at huwag lumabas ng ating
bahay upang magkwarantin ng ilang buwan upang makaiwas at mabawasan ang mabilis na
pagkalat ng sakit na COVID-19 sa ating bansa.
Ayon kay Keizen Phil C. Perez, Maari kaya nating matapos ang ating pag-aaral sa gitna ng
ganitong kalagayan? Noong nagsimula ang pandemya, marami sa atin ang natakot, natuliro,
nagtatanong kung paano ito maiiwasan, kinakabahan kung sakaling madapuan, nag-aabang
kung kailan ito matatapos.Hanggat walang lunas ay hindi maaaring magbukas! Sambit ng ating
mahal na pangulo, pero ang hindi nagpatinag ang butihing sekretarya ng edukasyon,
#handatayo! Utos niya sa mga guro kaya naipatupad ang tinatawag na “distance learning
modality” kung saan maaari pa rin ang pag-aaral sa pamamagitan ng modular, digital o online
learning kung saan gumagamit ang kaguruan at mga mag-aaral nga internet.

Sa pagkakataong ito, ang internet connection ang siyang pinakamabisang paraan upang
maihatid ang kasanayan sa iba’t ibang asignatura, makakapanayam natin ngayon ang isa sa
mga mag-aaral,Ang internet o kompyuter ang sandigan ng mga taong nag-aaral sa panahon ng
pandemya. Pinakamabilis na paraan din ito upang maihatid o maibahagi natin ang iba’t ibang
impormasyon ukol sa mga pinag aralan o mga bagay na dapat nating malaman ayon sa kung
anong baitang na tayo ngayon.

Ayon kay Luigi Narvaez, ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa
mgakahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina atproseso upang
tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isanggawain ng tao, ang teknolohiya ay
nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa
mga imbento at gadgetna ginagamit ang kailan lamang natuklasang na proseso at
prinsipyongmaka-agham.
Ang teknolohiya ay tinukoy bilang ang paggamit ng ilang aparato na kung saan ay batay sa
ilang pang-agham na pamamaraan at ilang electronics o elektrikal na pamamaraan, na
ginagamit upang gawing mas madali ang trabaho at makatipid ng maraming oras.

Ayon sa pag-aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel
naginagampanan sa paghubog ng kagandahang-asal ng mga estudyante. Subalit
sapamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo
ngkanilang pag-iisip sa larangan ng kanilang pag-aaral. Nakakalungkot isipin na
masnangingibabaw na ang negatibong epekto ng gadgets sa mga estudyante at tila baga unti-
untinang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina sa sarili.

Ang kabataan at mag-aaral sa panahon ngayon ay may bagong uri ng pamumuhaygamit ang
makabagong gadyets. Ang bagong henerasyon ng estudyante ngayon aygusto ng pagbabago,
Gaya ng pagbabago sa paraan ng pag-aaral nilasa panahon ngayon, mas gusto nila ang madali
at komportable na walang anumanginiisip na problema. Para sa kanila ang pinaka magandang
pagbabago ngayon ay ang makabagong teknolohiya at gadyets. (S. Kumar, S. Raghav, 2007)
Ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa sosyalidad. Sinasabiniya na ang
pakikipag komunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa makabagongparaan upang mapadali
ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay nakakapagpababa dinsa kakayahan ng isang
katauhan upang malinang ang kanyang personal na pakikipagkomunikasyon sa kapwa
.
Ayon kay Jully Lasis, Ang Teknolohiya ay may isang malaking epekto sa mental at pisikal na
kalusugan ng mga taong gumagamit nito. Ang posibilidad na mangyari sa paggamit ng
teknolohiya ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan nating mga tao kung
tayo ay mapapasobra o magiging adik sa paggamit sa mga teknolohiya. Ang paggamit ng
teknolohiya ay nakakaapekto rin sa pisikal na kalusugan ng mga tao na nagiging sanhi ng mga
problema sa paningin (vision problems), pagkawala ng pandinig (hearing loss), at neck strain
.
Ayon kay Mrs. Florida L. Bantog, Ang abilidad ng isang bagay ay nakadepende sa taong
gagamit at kung paano ito gagamitin.” Bawat bagay sa mundong ito ay may positibo at
negatibong naibibibgay sa atin. Maraming mga bagay sa mundo ang akal natin ay puro positibo
ang kayang ibigay. Ngunit maaari nga bang puro positibong bagay ang maibigay ng lahat ng
kagamitan sa ating kapaligiran?
Bagong panahon, isang panahon na kung saan teknolohiya ang naghahari. Isang malaking
biyaya para sa atin na magkaroon ng pagkakataon na damhin ang buhay kasama ang
teknolohiya. Maraming naitutulong ang teknolohiya. Nagbibigay ng tulong ang teknolohiya sa
iba’t- ibang paraan. Mas madali nating nauunawaan ang mga bagay na nakapalibot sa atin,
tumutulong din ito upang maging maayos at mas maging produktibo ang buhay ng bawat tao.
Sakabila ng magagandang dulot nito sa atin mayroon din itong negatibong epekto.

KONGKLUSYON

Inilahad sa pananaliksik na Ang Teknolohiya ay mabisang nakakahanap ng datos at


mga sagot,bagong imporamasyon o kaalaman na pwedeng magamit sa hinaharap.
Nakakatulong din ang teknolohiya sa mga mag-aaral ngayong may pandemya na
mapadali ang kanilang mga gawain sa pa-aaralan,nakakakuha sila ng mga
impormasyon sa pamamagitan ng pag-search , ang teknolohiya din daw ang paraan
kung bat nakapagtuloy sa pag-aaral at madali daw makapagpasa ng requirements para
sa pa-aaralan. Ang negatibong dlulot ng teknolohiya ay Marami rin ang hindi
masyadong nakakunawa sa discussion dahil sa mahinang signal,nararanasan ding
magpuyat dahil sa dami ng requirements.Ang positibo namang naidudulot ng
teknolohiya ay ang maagang nakakagawa ng mga akitibi dahil napapadali ng
teknolohiya ang paggawa lalo na kung malakas ang signal. Pag sakit din ang ulo,mata
at nalilipasan ng gutom ang epekto sa kalusugan ng mga mag-aaral. Nawawalan din ng
oras ang mga mag-aaral sa pakikihalubilo at pag-tulong sa mga gawaing bahay dahil sa
dami ng mga requirements na gagawin nila Hindi sapat ang teknolohiya sa mga mag-
aaral para sa kanilang natutunan dahil sa hindi nila masyadong naiintindihan ang mga
lektura nila at hindi naipapaliwanag ng maganda ng mga guro nila.
Ang teknolohiya ay hindi sapat at madaming epekto sa mga kolehiyo lalo na sa kanilang
pag-aaral at pamumuhay ayon sa nalikom na datos.
REKOMENDASYON / IMPLIKASYON

Ang epekto ng teknolohiya sa mag-aaral nag kolehiyo ay dapat tuunan ng pansin dahil
dapat paring maging maganda ang kalusugan at katawan ng mga mag-aaral.

Para sa mga Guro dapat din diskusyon muna ang gawin bago bigyan ng madaming
gawain dahil hindi naman masasagutan ng mga mag-aaral ng tama kung walang
discussion na nangyayari. Dapat din pagtuunan ng pansin ng mga magulang ang
kanilang anak para hindi malipasan ng gutom ang mga mag-aaral.

REFERENSES

https://www.google.com/url?
sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwi07Nvzvpnx
AhUPfnAKHSsbDHgQFjADegQIChAD&url=https%3A%2F%2Fwww.studocu.com
%2Fen-za%2Fdocument%2Funiversity-of-pretoria%2Fconsumer-behavior
%2Fsummaries%2Fepekto-ng-teknolohiya-sa-mag-aaral
%2F6006895%2Fview&usg=AOvVaw0476ee1jU_MzJKZ70ujFWd

https://www.google.com/url?
sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwi07Nvzvpnx
AhUPfnAKHSsbDHgQFjADegQIChAD&url=https%3A%2F%2Fwww.studocu.com
%2Fen-za%2Fdocument%2Funiversity-of-pretoria%2Fconsumer-behavior
%2Fsummaries%2Fepekto-ng-teknolohiya-sa-mag-aaral
%2F6006895%2Fview&usg=AOvVaw0476ee1jU_MzJKZ70ujFWd

https://www.google.com/search?
client=opera&q=GURO+BILANG+PANGALAWAN+GMAGULANG&sourceid=opera&ie=
UTF-8&oe=UTF-8

https://www.google.com/search?
client=opera&q=TEKNOLOHIYA&sourceid=opera&ie=UTF-8&oe=UTF-8
https://www.google.com/search?
q=PANDEMYA&client=opera&hs=i3p&ei=9YvIYKHEO4PW-QaIobWIAg

https://www.google.com/search?q=pag-
aaral+ngayong+pandemya&client=opera&hs=73p&ei=DozIYKiLLsv7-
QaYqZboAw&oq=pag-
aaral+ngayong+pandemya&gs_lcp=Cgdnd3Mtd2l6EAM6BwgAEEcQsANQgogEWJ65B
GCGvwRoA3ACeACAAbIHiAGyB5IBAzYtMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXqwAQDIAQPA
AQE&sclient=gws-
wiz&ved=0ahUKEwioyvDYwZnxAhXLfd4KHZiUBT0Q4dUDCA0&uact=5

RAGADIO EMMIE
 Nag take charge sa aming research taga edit at taga pasa. Gumawa sa Panimula
,Gumawa ng RRL, Metodolohiya,Gumawa sa Resulta at diskusyon,Konklusyon,
Reference
DELOS SANTOS DAN PAUL
 Siya ang gumawa ng RRL kasama kung gumawa sa panimula,Gumawa ng
RRL,Metodolohiya, ,Gumawa sa Resulta at diskusyon,Konklusyon,Reference

PEDERIO JEFFREY
 Gumawa ng pagpapahayag ng suliranin,Metodolohiya,Nag interbyu, ,Gumawa sa
Resulta at diskusyon,Konklusyon,Reference

PONCE JERDEL
 Nagbibigay ng nalalaman niya at nag interbyu siya,Rekomendasyon/Implikasyon

You might also like