You are on page 1of 3

KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ay maipapakita ang pamamaraan ng pananaliksik na ginamit


para sa pag-aaral na ito. Nilalaman nito ang disenyo ng pananaliksik, lugar ng
pag-aaral, respondyente at ang intrumento at paraan ng pangangalap ng mga
datos. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang mga Persepsyon ng mga
magulang ng mga mag-aaral sa Lanao Al-Islamia Academy Inc. (LAISAI)
patungkol sa Face-to-Face classes sa susunod na taon.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Kuwantitatibo ang ginamit na disenyo upang makakuha ng sapat na


impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng nga numero o statistics sa
pangongolekta ng datos tulad ng sarbey at sa mga magulang sa kanilang
persepsyon patungkol sa Face-to-Face classes sa susunod na taon

LUGAR NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay sinagawa sa east poblasyon, west poblasyon ito ay


napiling lugar sa aming pananaliksik upang madaling isagawa ito sa
kadahilanang karamihan sa mga magulang sa Lanao Al-islamia Academy Inc ay
nakarita sa east poblasyon at west poblasyon baloi lanao del norte

Instrumento Ng Pananaliksik

Gumamit ang pag-aaral na ito ng proseso ng pagsasarbey sa anyong


kwestyoner o talatanungan para makalikom ng mga impormasyon at mga
persepsyon ng mga magulang ng mga mag-aaral sa Lanao Al-Islamia Academy
Inc. (LAISAI) patungkol sa Face-to-Face classes sa susunod na taon. Ang
talatanungan ay nahahati sa dalawang bahagi, ang una ay kung sang-ayon o
hindi sang-ayon ang mga magulang sa patungkol sa face to face sa susunod naa
taon. Ang ikalawa naman ay binubuo ng tatlong katanungan ayon sa
persepsyon ng mga magulang sa face to face sa susunod na taon bata'y sa
iba't ibang aspekto, ang suliranin sa edukasyon, kalusugan, pinansyal at
transportasyon na kahaharapin ng Kagawaran ng Edukasyon, at mga magiging
solusyon sa face to face ng Lanao Al-islamia Academy Inc sa susunod na taon.
batay pa rin sa persepsyon ng mga magulang na respondyente ng pag-aaral na
ito.

Respondyente

Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng sampung (10) mga piling


magulang na naninirahan sa east poblasyon , west poblasyon na
may anak na nag-aaral sa Lanao Al-islamia Academy Inc. Ang mga
respondyente ay pipiliin gamit ang Nonrandom convenience
sampling teknik na sasagot sa mga talatanungan na inihanda ng mga
mananaliksik.

Ipinapakita sa talahanayan 1 ang bilang ng mga respondyenteng magulang na


babae at lalaki na naninirahan sa east poblasyon , west poblasyon na may
anak na nag-aaral sa Lanao Al-islamia Academy Inc . Ang mga respondyenteng
babae ay may bilang na pito (7) na may kabuuang bahagdan na 70% at ang

mga lalaki naman ay tatlo (3) na may kabuuang bahagdan na 30%, sa


kalahatan mayroong sampung (10) mga magulang na naging respondyente sa
pagkalap ng datos sa pag-aaral na ito.

Kagamitang Istadistika

Ang makakalap na datos ang magbibigay ng impormasyon upang malaman


ang mga kasagutan sa talatanungan tungkol sa mga persepsyon ng mga
magulang ng mga mag-aaral sa Lanao Al-Islamia Academy Inc. (LAISAI)
patungkol sa Faceto-Face classes sa susunod na taon .

Frequency Count ang gagamitin ng mananaliksik upang makuha ang resulta sa


persepsyon ng mga magulang ng mga mag-aaral sa Lanao Al-Islamia Academy
Inc. (LAISAI) patungkol sa Face-to-Face classes sa susunod na taon.

You might also like