You are on page 1of 2

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman kung paano nakakalap ng datos, impormasyon,

disenyo ng pag-aaral, mga respondent, instrumenting pananaliksik at tritment ng mga datos na

nakuha mula sa isasagawang survey.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay impormatib dahil layuning ng pag-aaral na ito na

mapabatid sa mag-aaral ang epekto ng kawalan ng interes sa pag-aaral, maimporma ang mga

magulang sa kalagayan ng kanilang mga anak, maparating sa pamahalaan at komunidad ang

pangangailangan ng edukasyon at mga kabataan sa bansa. Impormatib ang disenyo nito upang

ipakita ang mga dahilan, sanhi at epekto ng kawalan ng interes sa pag-aaral.

MGA RESPONDENT

Ang mga napiling respondent sa pananaliksik ay mga mag-aaral mula sa baitang 7-9 at

senior high school na nasa pagitang ng edad 12-18 na may kaalaman sa mga nangyayaring
problema sa edukasyon sa ating bansa ngayon at madalas na naaapektuhan ng pagbabagong

nagaganap sa ating kapaligiran.

INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Para makakalap ng impormasyon sa pag-aaral na ito, kumuha ang mananaliksik sa

internet ng gabay at impormasyon tungkol sa edukasyon, mga pag-aaral kung bakit nawawalan

ng interes ang mga estudyante na mag-aral. Mga kaugnay na literatura at pag-aaral para maging

gabay ng mananaliksik sa ginagawang case study. Gagamit din ng mga kwestiyoner para

makakalap ng datos mula sa mga mag-aaral at maisagawa nag survey. Sa pagsasagawa nito,

malalaman dito kung ano ang mga dahilan kung bakit nawawalan ng interes sa pag-aaral ang

mga kabataan at ano ang maaaring maging epekto nito sa kanila.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik ay batay sa kasagutan ng mga

responde gamit ang mga kwestiyoner. Nakapaloob rito ang mga tanong tulad ng edad, kasarian,

lugar kung saan nakatira, mga posibleng dahilan kung bakit sila nawawalan ng interes sa pag-

aaral at opinyon na maaaring magbigay ng impormasyon sa aming gagawing case study.

You might also like