You are on page 1of 12

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Layunin ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nais makakuha ng mga datos ukol sa pag-uugali ng

mga mag-aaral ng baitang 11 mula sa kanilang dating paaralan at sa Concordia College.

Ang pagkakaiba ng mga pag-uugali sa dalawang paaralan ay paghahambingin upang

matukoy ang pagkakaiba ng mga ito.

Tiyak na layunin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

1. Matukoy ang pag-uugali ng mga mag-aaral ng Baitang 11 sa kanilang dating

paaralan.

2. Matukoy ang pag-uugali ng mga mag-aaral ng Baitang 11 sa Concordia College.

3. Matukoy ang epekto ng demograpkiong detalye sa pagkakaroon ng kasanayan sa

pag-angkop sa bagong paaralan.

4. Matukoy ang pagkakaiba ng epekto ng mga salik sa pag-uugali ng mga mag-aaral

sa dating paaralan at Concordia College.

5. Matukoy ang pagkakaiba ng pag-uugali ng mga mag-aaral ng Baitang 11 sa

kanilang dating paaralan at sa Concordia College.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay itinuturing na makabuluhan sa mga sumusunod:

Tagapangasiwa ng Paaralan. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa


paghatid ng impormasyon sa mga nangangasiwa ng paaralan ukol sa mga aspetong
kailangang isaayos upang mapabuti at makontrol ng mga guro ang pag-uugali ng mga
mag-aaral.

Mga Guro. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring maging gabay ng mga
guro sa kanilang pamamaraan ng pagkontrol at pagtuturo sa mga mag-aaral nang sa
gayon ay maaari pa nilang mapabuti ang ugali ng mga mag-aaral sa silid-aralan. Maaari
ring makahanap ng mga solusyon ang mga guro sa pagresolba sa mga problemang
haharapin ng paaralan, lalo na sa epekto ng mga negatibong pag-uugali ng mga mag-
aaral.

Mga Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay kaalaman sa mga mag-

aaral ukol sa mga umiiral na uri ng pag-uugali sa kanilang mga kapuwa mag-aaral, at

kung paano nila haharapin ang mga pagkakaibang ito. Matutukoy nila ang pagkakaroon

ng pagkakaiba ng pag-uugali sa ibang paaralan at sa Concordia College at makakagawa

sila ng paraan upang mas mabilis ang kanilang pag-angkop sa pagbabago sa kanilang

paaralan.

Mga Magulang. Magsisilbing gabay ang pananaliksik na ito sa pagpapalawak ng

pag-uunawa ng mga magulang ukol sa epekto ng pag-iiba ng paaralan sa pag-uugali ng

mga mag-aaral sa paaralan. Maaari nilang gabayan at tulungan ang kanilang mga anak

upang makisalamuha ng tama sa ibang mag-aaral sa paaralan at magbigay ng suhestiyon

upang sila ay maging angkop sa panibagong paaralan.


Mga Mananaliksik. Ang pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay makakatulong sa

mga mananaliksik upang mas mapalawak ang kaalaman nila sa pagkakaroon ng

pagkakaiba ng pag-uugali ng mga mag-aaral sa kanilang dating paaralan at sa Concordia

College. Sa pagtukoy ng impormasyon at kaalaman na iyon, makakabuo sila ng

makabuluhang suhestiyon at mga solusyon sa problemang nakaharap sa pananaliksik at

mga natuklasang problema.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na isinagawa ay tumutuon sa pag-aaral ng pagkakaiba ng pag-

uugali ng mga mag-aaral ng Baitang 11 sa kanilang dating paaralan at sa Concordia

College. Ang resulta ng pananaliksik at pag-aaral na ito ay ang magiging daan sa

paghahambing ng pag-uugali sa mga paaralang nabanggit, sa pagtukoy ng epekto ng

demograpikong detalye ng mga mag-aaral sa kanilang pag-angkop nila sa pagbabago sa

paaralan, at sa pagtukoy sa mga salik na nakakapekto sa pagbabago sa pag-uugali. Ang

obserbasyon at pagkalap ng impormasyon batay sa mga resultang nais makuha ay mapag-

aaralan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga partikular na mga katanungang mayroong

kaugnayan sa pananaliksik.

Ang mga katanungang nais sagutan ng pananaliksik na ito ay ang mga

sumusunod:
1. Ano ang pag-uugali ng mga mag-aaral sa kanilang dating paaralan at sa

Concordia College batay sa mga sumusunod na salik?

2.1 Kahandaan sa Pag-aaral

2.2 Kasanayan sa Pag-aaral

2.3 Epektibong Pag-aaral

2. Ano ang pagkakaiba ng pag-uugali ng mga mag-aaral sa kanilang dating paaralan

at sa Concordia College?

Tanggalin ang one at ang two ang gawin one at tapos gawan ng rekomendasyon

para sa three.
3. ITO LINK GAMITIN MO

Saklaw at Limitasyon

Ang pangunahing respondante ng pag-aaral na ito ay ang mga bagong mag-aaral

ng Baitang 11 sa Concordia College ng Panuruang Taon 2018-2019, sapagkat sila ang

kamakailan lamang na mayroong karanasan sa dalawang paaralan: ang kanilang dating


paaralan at ang Concordia College. Ang demograpkiong detalye rin ng mga mag-aaral na

nabanggit ay iba-iba lalo na pagdating sa kasarian at edad na nakakaapekto sa pagbabago

ng pag-uugali ng mga mag-aaral ayon sa paglipat ng pag-aaralan. Ito lamang ay

nangangahulugan na magiging epektibo at malawak ang pagkuha ng datos mula sa mga

respondanteng nabanggit na nagbigay daan sa pagpapalalim ng obserbasyon at pag-aaral

ng mga mananaliksik.

Ang datos ay makakalap sa pamamagitan ng questionnaire na ginawa ng mga

mananaliksik, kung saan ito ay mayroong mga katanungang nilalaman na magbibgay ng

impormasyon sa pagkakaiba ng pag-uugali ng respondante sa kasalukuyang paaralan at sa

nakaraang paaralang kinabilangan. Ang pamamaraan nito ay ang tutulong sa

paghahambing at pagtukoy ng pagkakaiba ng pag-uugali ng mga mag-aaral ng Baitang 11

sa Concordia College at sa dating paaralan.

Depinisyon ng Mga Terminolohiya

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga Kaugnay Na Literatura


Ang bahagi na ito ay naglalaman ng mga banyaga at lokal na literatura at pag-

aaral na nahanap ng mga mananaliksik. Ang mga literatura at pag-aaral na ito ay

nakatulong sa mga mananaliksik upang sila’y makapagbigay ng eksplanasyon at mga

koneksyong lohikal na nagsilbing gabay sa mga sumunod na hakbang at kabanata ng pag-

aaral na ito.

A. Lokal na Literatura at Pag-aaral

Sa isang pamanahong papel na pinamagatang, “Curriculum Comparison: Public

and Private School in Philippines” inilahad ng may-akda na ang parehong uri ng paaralan

ay mayroong isang layunin na gawing maayos at matagumpay na indibidwal ang bawat

mag-aaral. Sa kabila nito, magkaiba pa rin ang kalidad ng disiplina ang ibinibigay sa mga

mag-aaral. Sinasabi na mas maraming paglabag ang ginagawa ng mga mag-aaral mula sa

publikong paaralan kaysa sa pribadong paaralan. Sa publikong paaralan, mas mataas ang

posibilidad na gumawa ng paglabag sa mga alituntunin ang mga mag-aaral, tulad na

lamang ng hindi pagpunta ng mga mag-aaral sa kanilang klase, at mga street fights. Sa

pribadong paaralan, mayroon ding paglabag na ginagawa ang mga mag-aaral, ngunit

gumagawa ng paraan ang paaralan upang kausapin ang mga magulang ng mag-aaral.

(Capri, 2015).

B. Banyaga na Literatura at Pag-aaral

Ayon sa isang pag-aaral na pinamagatang “Culutral Psychological Theory”

(2014), ang isang teoryang pinamagatang Collective Constructionist Theory ay inilahad

na ang mga sitwasyong hinaharap araw-araw ay binuo mula sa realidad ng kultura, kung

kaya’t ang mga pinagdadaanang sitwasyon ng tao ay nagiiba-iba mula sa isang kultura
patungo sa isa. Ang isang sitwasyon ay binibigyang kahulugan ayon sa kultura ng isang

tao kung kaya’t ang kanilang tugon sa hinaharap na sitwasyon ay iba-iba. Ang pagsali o

pagdaan sa sitwasyon ayon sa kultura ay ang nagiging daan sa pagbuo ng mga sikolohikal

na mga katangian at tugon. Halimbawa na lamang, kung ang isang tao ay nasa isang

sitwasyon sa kultura ng mga Hapones, mataas ang posibilidad na ang mga kilos na

gagawin ng tao ay magreresulta sa self-criticism.

Sa isang pag-aaral na pinamagatang, “A Study of the Perceived Effects of School

Culture on Student Behaviors”, binanggit na ang ilan sa positibong bahagi ng kultura sa

isang paaralan na nakakaapekto sa pag-uugali ng mga mag-aaral ay ang mga guro at

tagapangasiwa ng paaralan. Sa pamamagitan ng pagbubuo ng isang paaralan na

nagbibigay ng “sense of belonging” sa mga mag-aaral, itinataas din nito ang “student

access to learning”. Ibig sabihin, mas magkakaroon ng kahandaan ang mga mag-aaral

pagdating sa pag-aaral na nakakaapekto sa kanilang motibasyon at ugali tungo sa

pagkatuto. (Story, 2010).

Kaugnay ng nakaraang pag-aaral, ang isang pag-aaral na may pamagat na “Effects

of Motivation on Student Behavior”, inilahad na ang motibasyon ay may positibong

kaugnayan sa pag-uugali ng isang mag-aaral. Ibig sabihin, ang mga mag-aaral na

mayroong motibasyon sa likod ng kanilang pag-aaral ay may mas mataas na posibilidad

na sila’y magkaroon ng positibong pag-uugali. Bilang karagdagan, nagkakaroon rin ng

nais na makiisa ang mga mag-aaral sa mga gawain sa silid-aralan kung kaya’t sila’y

nagawa ng koneksyon sa kanilang kapwa kamag-aral.


Ayon sa isang artikulong pinamagatang, “Thorndike’s Major Laws”, inilahad na

ang Law of Effect ni Thorndike ay tinalakay ang isang uri ng pag-aaral ay tinatawag na

Instrumental Conditioning. Sa uri na ito, sinasabi na ang ugali ng mag-aaral ay may

mataas na posibilidad na kanilang gawin kung mas kaaya-aya ang kalalabasan ng mga

kilos na kanilang gagawin o mas naaayon ang kalalabasan sa kanilang kagustuhan.

Tinalakay din na ang mga kilos na nakasanayan ng isang grupo ng tao dahil ‘maganda’

ang epekto ng kanilang kilos ay ang magiging nakasanayang pag-uugali ng mga taong ito

(massey.ac.nz).

Balangkas Konseptwal

Balangkas Teoretikal

Nangalap ang mga mananaliksik ng mga teoryang nagsilbing pundasyon at

basehan ng isinagawang pag-aaral upang mas mapatibay pa ito. Ang mga teorya na nakita

ng mga mananaliksik ay ang sumusunod:

Ang Connectionism ni Edward L. Thorndike ay ayon sa isang eksperimentong

kanyang ginawa sa isang hayop na kinailangang makawala mula sa isang kahon. Ang

layunin nito ay ang makuha ang proseso ng pag-aaral ayon sa kanyang depinisyon ng

pag-aaral bilang isang koneksyon ng isang partikular na kilos sa isang partikular na

sitwasyon. Ang eksperimentong nabanggit ay nagbigay daan sa kanya upang malaman na

ang proseso ng pag-aaral ay may aplikasyon sa pag-aaral ng mga tao batay sa mga

asosasyon o kinikilala sa paligid na maaaring mahanap o makilala ng isang tao, gaano

kabilis ito nabubuo ng isang tao, at gaano ito napapatagal ng isang tao.
Mas pinalalim ni Thorndike ang kanyang teorya sa pamamagitan ng pagkakaroon

ng tatlong alituntunin sa pag-aaral. Ang mga alituntuning ito ay nasubukan at ginamit sa

mga praktikal na sitwasyon at nagbibigay ng karagdagang kaalaman sa kung ano ang

salik sa pagkakaroon ng epektibong pag-aaral ang mga tao. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Law of Readiness. Ang readiness o kahandaan ay tumutukoy sa preparasyon ng

isang kilos. Upang mapaliwanag pa ito, isang halimbawa na lamang kung ang

isang tao ay hindi handang mag-aral, ang pag-aaral ay hindi kaagad-agad na

tatatak sa isipan ng tao, maliban na lamang kung ang tao ay hinahanda ang

kanyang sarili upang simulan ang pag-aaral. Kung ang tao ay hindi handa na

mag-aral, ang kanyang kilos na ginagagawa sa pag-aaral ay hindi magiging

epektibo.

2. Law of Exercise. Nilalaman nito ang dalawang bahagi: (a) ang Law of Use; at;

(b) Law of Disuse. Ang mga koneksyong nabubuo ng isang tao ay mas tumitibay

kapag ito ay ginagamit at humihina naman sa tuwing ito ay pinapabayaan lamang

o hindi pinapansin at ginagamit. Ito ay nangangahulugan na ang pagsasanay, o

ang pagulit-ulit ng isang kilos, ay nakakatulong upang mas mapahusay at

mapatibay ang pag-aaral.

3. Law of Effect. Ipinapaliwanag dito na kung ang mga hakbang na ginawa ay

nagreresulta sa satisfaction ng taong gumawa ng kilos, ito ay mas lalo pang

pinag-aaralan ng tao at pinipiling gawin ng tao, habang ang kawalan naman ng

epekto ng isang kilos na magbigay ng satisfaction ay hindi pinapansin o

natatanggal sa isip ng isang tao. Isang halimbawa na lamang ay kung ang

pagtuturo sa isang silid-aralan ay nagbibigay ng kasiyahan sa mga mag-aaral, mas


malaki ang posibilidad na ang paksang itinuturo ay pag-aaralan lalo ng mga mag-

aaral at hindi kakalimutang gawin.

TITLE: Paghahambing sa Pag-uugali ng mga Mag-aaral ng Baitang 11 Mula sa Dating

Paaralan at Concordia College

REFERENCES:

 https://principlesoflearning.wordpress.com/dissertation/chapter-3-literature-review-

2/the-behavioral-perspective/connectionism-edward-l-thorndike-%E2%80%93-1898/

(Thorndike)

 https://labs.psych.ucsb.edu/kim/heejung/chap16proofs_corrections-2.pdf cultural

psychological theory

 https://poseidon01.ssrn.com/delivery.php?ID=121083123021102028088088113068098

08604100306607202809210709809212200012610102010910612202203112204503704

20250191010691220270780980460030860340091140191200130970961070630030510

93103073120096111126028103085001030070074071077089119030025103074084020

112071&EXT=pdf effect of behavior to behavior readiness

 https://www.researchgate.net/publication/279173785_Curriculum_Comparison_Public

_and_Private_Schools_in_Philippines curriculum comparison sa public and private

schools

 https://dc.etsu.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=3621&context=etd a study on the

perceived effects ganun of school climate ganun


 http://www.massey.ac.nz/~wwpapajl/evolution/assign2/MM/law.html law of effect sa

rrl foreign

read these

You might also like