You are on page 1of 4

CHRISTIAN ECCLESIASTICAL SCHOOL

0491 Brgy.. Gaya-Gaya City of San Jose del Monte, Bulacan

1.2 Batayang Teoretikal

Ang “Uses and Grats” ay isang diskarte sa pag-unawa sa kung bakit at


kung paano ang mga tao ay aktibong maghanap ng tukoy na media upang
masiyahan ang mga partikular na pangangailangan. Ito ay kung paano ginagamit
ng mga tao ang media sa kanilang pansariling pangangailan. Ginamit namin ang
teoryang ito upang malaman at matimbang ang pagkakaugnay ng “Uses and
Grats” sa aming pananaliksik. Ang pagbibigay ng impirmasyon ng media sa mga
tao ay higit na naaapektuhan ang mga kinaugaliang gawi sa pang araw-araw na
pangangailangan. Isa na nga dito ang napabalitaang pagtanggal ng asignaturang
pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo at palitan ng Mandarin. Ang mga pagbabagong
ito ay pagbabago rin sa buhay ng tao at kultura ng isang bansa, dahil sa wika
ang pinagtutuunan ng pansin sa edukasyon. Lubos na nababahala sa
impormasyong nilalahad ng media ang mga Pilipino, lalong lalo na ang mga guro
sa kolehiyo na nagtuturo ng Filipino.

Sa aklat ni Bobbit na The Curriculum, tinatalakay niya ang sentral na teorya


ng kurikulum. Nakasulat sa aklat niya na:

“The central theory of curriculum is simple. Human life, however varied, consists
in the performance of specific activities. Education that prepares for life is one
that prepares definitely and adequately for these specific activities. These will
show the abilities, attitudes, habits, appreciations and forms of knowledge that
people (students) need. These will be the objectives of the curriculum. They will
be numerous, definite, and particularized. The curriculum will then be that series
of experiences which children and youth must have by way of obtaining those
objectives (1918:42).”

1.3 Konsweptwal na Balangkas

Hindi ikinatuwa ng ilang kabataan at guro ang desisyon ng Korte

Suprema na tuluyang tanggalin mula sa mga "required" na asignatura sa

kolehiyo ang Filipino at Panitikan, bagay na lubhang makaaapekto raw sa

kultura at kamalayan ng kabataang Pilipino. Kinatigan ng korte ang nauna


CHRISTIAN ECCLESIASTICAL SCHOOL
0491 Brgy.. Gaya-Gaya City of San Jose del Monte, Bulacan

nitong desisyon noong ika-9 ng Oktubre na tanggalin ito matapos daw

bigong makapaghain ng panibagong argumento ang mga petitioners para

mabaliktad ang kanilang pananaw.

INPUT PROSESO AWTPUT

Mga Mag-aaral sa Mga Salik na


CES (Christian Interbyu nakakaapekto sa
Ecclesiastical pagtanggal
School) na kabilang “questionnaire” Asignaturang
sa Baitang 12 Filipino sa Kolehiyo

Makikita sa Figura 1 sa unang kahon ang mga respondanteng kinakailangan


upang masagutan ang mga nasabing katanungan ng mga mananalisik. Kaugnay
nito, ang pangalawang kahon ay ang prosesong gagamitin ng mga mananaliksik
para makakalap ng mga datos o impormasyon sa mga nasabing respondante.

Habang sa panghuling kahon naman, ang mga epekto sa pagtanggal ng


Asignaturang Filipino sa kolehiyo.
CHRISTIAN ECCLESIASTICAL SCHOOL
0491 Brgy.. Gaya-Gaya City of San Jose del Monte, Bulacan

1.4 Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may intensyong matukoy ang


m g a b e n e p i s y o a t kapinsalaan na makukuha kung ang asignaturang
Filipino ay tatanggalin sa kurikulum ng akademya. Upang maging
tiyak, ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang
sumusunod na mga katanungan:

1. Anu-ano ang mga dahilan ng pagtanggal ng asignaturang


Filipino sa kurikulumng akademya?

2. May malaking kaibahan ba ang tradisyunal na pamamaraan sa


makabagong paraan ng pagtuturo?

3. Anu-ano ang mga epekto ng pagtanggal ng asignaturang


Filipino sa kurikulum ngakademya sa pag-uugali at kultura
ng mga mag-aaral sa kolehiyo?

4. May kahalagahan ba ang pagtanggal ng asignaturang


Filipino sa kurikulum ng akademya?

5. Anu-ano ang mga benepisyo at kapinsalaang


maidudulot ng pagtanggal ng asignaturang Filipino sa
akademiya sa mga kabataan at mga guro ?

1.5 Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mananaliksik na napakahalaga ng pag-aaral na ito at


lubusan itong makakatulong sa pagbubukas ng kanilang mga kaisipan sa iba‘t
ibang maaaring maging epektong ng pagtatanggal ng Filipino sa pangkolehiyong
kurikulum.

Sa mga Guro at Mag-aaral – Ang pananaliksik na ito ay magsisilibing gabay ng


sinumang guro at mag-aaral ukol sa kahalagahan ng mahusay na kurikulum
CHRISTIAN ECCLESIASTICAL SCHOOL
0491 Brgy.. Gaya-Gaya City of San Jose del Monte, Bulacan

bilang instrument sa pag-unlad ng wika. Mahalaga ang gagampanan nito bilang


pagmumulat sa bawat guro at mag-aaral na Pilipino na kung ganap na
tatanggapin ang asignaturang Filipino ay tiyak na uunlad ang ating bansa.

Sa Paaralan – Magsisilibing gabay ang pampanahong papel na ito sa maaaring


maging pagbabago o pagpaplano sa pagbuo ng isang kurikulm na umaagapay
sa kasulukuyang panahon. Dapat lamang na maging mahusay ang isang
kurikulum ng programang tumatalakay at tumutugon sa pangangailangan upang
mapanatili ang wikang Filipino at pagpapaunlad pa nito. Ang pagtatakda ng
mahusay na kurikulum ay sumasailalim sa kagalingan ng isang bansa sa pagbuo
ng intelekwalisasyon.

Sa Pamahalaan – lubos na makatutulong ang pag-aaral na ito sa pagbibigay


impormasyon sa Commission on Higher Education (CHED) ito para malaman
kung ang pagtanggal sa asignaturang Filipino ay magiging epektibo at lubusang
makabubuo ng mahusay na pamantayan sa sistema ng pagkatuto ng mga mag-
aaral.

Sa Susunod na mga Mananaliksik – hinggil sa epekto ng pagtanggal ng


asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo, maktutulong ang pag-aaral na ito
para maging basehan ng kanilang gagawing pag-aaral.

1.6 Saklaw at Limitasyon


Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Mga salik na makaapekto sa
pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang
mga piling mag-aaral sa baitang 12 ng Christian Ecclesiastical School (CES) na
may bilang. Ang mga mag-aaral na ito ang siyang binigyang pansin ng mga
mananaliksik sapagkat sila ang makapagbibigay opinyon ukol sa pag-aaral na
gagawin at dahil sila rin ang labis na maaapektuhan pagtungtong nila ng
kolehiyo. Ang pag-aaral na ito ay hindi tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga
respondante o mag-aaral sa buong bansa. Ito ay may kinalaman lamang sa mga
saloobin ng mga mag-aaral sa Christian Ecclesiastical School. Ngunit anuman
ang magiging kalalabasan ng nasabing pag-aaral ay hindi malayo sa mga
saloobin ng mga mag-aaral sa iba't-ibang eskwelahan sa ating bansa.

You might also like