You are on page 1of 3

COR JESU COLLEGE, INC.

Basic Education Department


Sacred Heart Avenue, Digos City

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2023


““Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad,
at Inklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.””

Pangkalahatang Mekaniks at Paalala:

 Ang paaralan ng Cor Jesu College – Basic Education Department (SHS) ay nakikiisa sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023. Dahil ang pagdiriwang ay isasagawa sa loob
lamang ng isang linggo, ang mga gawaing inihanda ay mga gawaing hindi
nangangailangan ng ibayong pag-eensanyo at preparasyon na makikita sa ibaba.
 Ang kulminasyon ay gaganapin sa ika-31 ng Agosto, 2023 na kabibilangan ng iba’t ibang
patimpalak.
 Ang lider ng bawat klase o tagapayo ay inaasahang makapagpasa ng talaan ng pangalan
ng kaniyang mga kamag-aral o mag-aaral kalakip ang nilahukang patimpalak upang
maging batayan ng mga guro sa Filipino sa pagbibigay ng puntos/marka.
 Ang mga magwawagi ay makatatanggap ng sertipiko ng pagkilala at kaakibat na puntos.
 Ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa selebrasyon ng buwan ng wika ay tutumbasan ng
puntos at ilalakip sa komputasyon ng grado sa performance task ng buong klase sa
asignaturang Filipino. Ang itatalang puntos ay ang pinakamataas na gantampalang
matatamo ng seksyon. Narito ang mga batayan ng pagbibigay-puntos sa pakikilahok ng
seksyon/mag-aaral:
Ranggo/Batayan Puntos

Unang Gantimpala 50 puntos

Pangalawang Gantimpala 45 puntos

Pangatlong Gantimpala 40 puntos

Partisipasyon ng seksyon 35 puntos


Pamantayan at Mekaniks:
DALAWAHANG PAG-AWIT (Duet Singing)

 Bukas ang paligsahan sa mga mag-aaral sa Baitang 11 at 12.


 Bawat pangkat/klase ay magkakaroon ng isang entry para sa patimpalak.
 Dapat ang pipiliing piyesa o kanta ng kalahok ay mga awiting nakasulat lamang sa
anumang wikang katutubo ng Pilipinas (gaya ng Cebuano, Chavacano, Hiligaynon,
atbp.), at nasa loob ng dalawa hanggang apat na minuto lamang ang durasyon.
 Ang guro sa Filipino ng bawat klase ay maglalaan ng oras upang pakinggan ang kalahok
ng klase, magbigay ng hatol, at pumili ng isang representante mula sa kanyang mga
klase. Sa madaling sabi ay magkakaroon ng eliminasyon ang bawat guro.
 Ang mapipili ng guro sa Filipino ang siyang aawit sa araw ng kulminasyon.
 Ang makukuhang marka sa mga hurado ay pinal na at hindi na maaaring mabago.

Pamantayan sa paghatol:
Kalidad ng Boses ……………………………………….. 40%
Kaisahan at dinamiko ng pares ………………………………………. 20%
Tiyempo ………………………………………. 15%
Ekspresyon …………………………………….… 15%
Pagpili ng kanta/Piyesa ………………………………………. 10%
KABUUAN 100%

PISTA SA NAYON

 Bukas ang patimpalak na ito sa mga mag-aaral sa baitang 11 at 12.


 Ang paligsahang ito ay magtatampok sa iba’t ibang pagkain, disenyo, materyal, kaisipan,
at kulturang Pilipino.
 Ang bawat sekyon ay dapat na makaroon ng entry sa paligsahang ito.
 May ilalaang pwesto sa bawat seksyon na ibibigay ng guro sa klase.
 Ang bawat klase ay maghahanda ng mesa (dalawang parisukat na mesa) na kanilang
didisenyohan at dapat na kakitaan ng temang pagka-Pilipino.
 Pinagbabawal ang pagbuo ng kubo o anumang uri ng bahay sa itinalagang pwesto. Ang
disenyo ay hindi dapat na lalagpas sa tatlong talampakan.
 Ang bawat klase ay dapat na magtalaga ng isang lakan at isang lakambini na magsusuot
ng katutubong kasuotan, siyang magpapaliwanag sa kanilang gawa, at sasagot sa tanong
ng mga hurado.
 Ang paligsahang ito ay kapapalooban ng apat na kategoryang gantimpala:
Pinakamahusay na disenyo, Pinakamasarap na Pagkain, Lakan at Lakambini 2023, at
Pista sa Nayon 2023.
 Ang kooperasyon ng bawat klase ay inaasahan sa pamamagitan ng pagpaplano,
paghahanda, at atendans sa araw ng kulminasyon.
 Pagkatapos ng selebrasyon ng Buwan ng Wika, lilinisin ng bawat seksyon ang kanilang
pwesto.
 Ang makukuhang marka sa mga hurado ay pinal na at hindi na maaaring mabago.
Pamantayan sa paghatol:
A. Pinakamahusay na Disenyo
Kaugnayan sa tema …………………………………………………………. 40%
Pagkamalikhain (Aesthetics) ………………………………………………… 35%
Kaayusan/Kaisahan ………………………………………………………… 25%
Kabuuan ………………………………………………. 100%

B. Pinakamasarap na Pagkain
Lasang Pilipino …………………………………………………………. 40%
Texture/Aroma …………………………………………………………. 20%
Appeal/Aesthetics ………………………………………………………… 20%
Baryedad (Variety) …………………………………………………………. 20%
Kabuuan ………………………………………………. 100%

C. Lakan at Lakambini
Kumpiyansa sa sarili (confidence) ……………………………………………… 30%
Paggamit ng wika …………………………………………………………. 30%
Appeal/Aesthetics ………………………………………………………… 20%
Kasuotan …………………………………………………………. 20%
Kabuuan ………………………………………………. 100%

PISTA SA NAYON 2023


Disenyo …………………………………………………………. 30%
Pagkain ………………………………………………………… 30%
Lakan at Lakambini ……………………………………………………..….. 30%
Atendans ng klase ……………………………………………………….... 10%

PAGSUSUOT NG KASUOTANG PILIPINO

 Ang bawat mag-aaral ay hinihikayat na magsuot ng kasuotang Pilipino sa araw ng


kulminasyon (Agosto 31, 2023).
 Ang mag-aaral na magsusuot ng Kasuotang Pilipino ay makatatanggap ng 10 puntos.

You might also like