You are on page 1of 5

Buwan ng Wika 2019

Tema: Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Pilipino


Ace: Magandang Araw Rochelle
Rochelle: Magandang Araw din sa iyo Ace
Ace: Ano ba ang magaganap ngayong araw?
Rochelle: Ngayon araw ang simula ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Jervin: Talaga? Kung gayon ano pang hinihintay natin atin ng buksan ang programa sa hapong ito.
Rochelle: Bago iyan. Nais ko munang batiin ang ating kagalang-galang na administrador G. Peter Tan Lim, ang
minamahal nating Punongguro Gng. Angelita L. Relator, sa ating Punong kagarawan ng Hayskul Bb. Rhea Marie C.
Ereño, sa ating mga guro, sa ating minamahal na mga mga magulang, at ating mga panauhin,magandang hapon po sa
inyong lahat!

Tayong lahat ay nagtipon-tipon sa hapong ito para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang,

Rochelle at Ace: "Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Pilipino".

Ace: Atin nang simulan ang palatuntunan sa pagbibigay-pugay sa Maykapal na pangungunahan ni Kirsten Ashley
Allorde mula sa ika-7 na baitang. (Magsitayo po tayong lahat)

Ace: Manatili po tayong nakatayo para sa pag-awit ng Lupang Hinirang na pangungunahan ni Roxanne Arigo mula sa
ika-10 na baitang.

Rochelle: Bago magsimula ang palatuntunan sa araw na ito nais muna naming tawagin ang isa sa mga magagandang
guro sa Filipino upang magbigay ng kaniyang pambungad na pananalita Bb. Mary Jane Menor.

Ace: Maraming salamat po Bb. Menor sa inyong pambungad na pananalita.

Rochelle: Nararapat na tayo'y magkaroon ng kamalayan hinggil sa kahalagahan at gampanin ng wikang Filipino at iba
pang mga katutubong wika dahil sa pamamagitan nito, tayo'y magkakaroon ng pagkakaisa at makabubuo ng isang
bansang nagkakaunawaan.

Ace: Tama ka, Rochelle, Ayon nga sa tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal,
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa,
gaya ng ina na sa atin ay nagpala." Itong katagang ito ay kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika.

Rochelle : Sumasang-ayon ako, Ace, Nagsilbing magandang ehemplo ang ating pambansang bayani sapagkat kahit
marami siyang alam na wikang banyaga, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at bigyang kahalagahan ang ating
wika.
Ace: Oo, maaari tayong umibig at manalig sa wikang banyaga, ngunit kailanman ay hindi dapat natin limutin ang sarili
nating wika. Dahil ang wika ay isa sa mga pamanang pangkultura na maituturing na yaman ng ating bansa. Dahil dito,
tayo'y nagkaroon ng ating pagkakakilanlan na ating maaari pang pagyamanin sa paglipas ng panahon.

Rochelle: Kaya naman bilang pakikiisa sa pagpaparangal sa ating wikang Filipino at mga katutubong wika ng Pilipinas,
naghandog ng isang kaabang-abang na programa ang kagawaran ng Highschool na talaga namang pinaghandaan at
pinagtuonan ng pansin ng bawat kalahok mula iba't ibang baitang.

Ace: Mukha ngang pinaghandaan nila ito ng lubos, kaya pati ako'y nasasabik na ring matunghayan ang mga susunod na
magaganap. Tiyak na mangingibabaw ang hiyawan at palakpakan ng ating mga tagapanood sa susunod na bahagi ng
ating palatuntunan.

Rochelle: Ngunit bago mapuno ang silid na ito ng hiyawan para sa mga Kandidato at kandidatang kanilang
sinusuportahan, alam mo bang hindi lamang iyan ang programa natin ngayong hapon, may kompetisyon din tayo na
dagliang talumpati. Ang mga kalahok sa dagliang talumpati ay magmumula sa antas pito hanggang sampu. Atin
munang tunghayan ang pamantayan sa kompetisyon sa Lakan at Lakambini ng Wika, at ang pamantayan sa Dagliang
talumpati. Kaya naman nais naming tawagin ang aming mahusay at magiliw na guro sa Filipino na si Bb. Lucila Clavo
upang basahin ang mga mekaniks at pamantayan sa mga sumusunod na kompetisyon.
MEKANIKS
1. Bawat antas ay magpapadala ng mga kinatawan para sa kompetisyon.
2. Dalawang linggo ang tatakbuhin ng kompetisyon
2. Magkakaroon ng Pictorial ang mga kalahok at ipopost sa page ng PACO CITIZEN ACADEMY FOUNDATION
4. Ang mga kalahok ay magtatagisan sa iba’t ibang kategorya sa loob ng dalawang linggo.

a. Unipormeng Pampaaralan
b. Pang-Etnikong Kasuotan
c. Pambansang Kasuotan (Filipiniana at Barong Tagalog)
e. Online Votes

Noong Agosto 25, 2019 ganap na alas 11:00 ng gabi pormal ng ipinost ang mga larawan ng sumusunod na kalahok kung
saan ang bawat mag-aaral ay boboto ng kanilang napupusuang maging “Lakan at Lakambini ng madla” ang pagboto ay
hanggang hatinggabi ng Agosto 28, 2019 lamang. Ngayong araw naman ay magaganap ang ilan sa bahagi ng
kompetisyong ito. Una, pagpapakilala ng mga kalahok suot ang uniporme ng paaralan, at ang isa ay ang kanilang
pagpapakitang gilas sa kanilang mga talento. Bukas, Agosto 29, 2019 naman natin matutunghayan ang ikalawa at
huling bahagi ng kompetisyon kung saan haharap muli sa ating lahat ang mga kalahok suot ang kani-kanilang Filipiniana
at Barong Tagalog.Magtatagisan din ng kahusayan ang mga kalahok sa pamamagitan ng pagsagot sa mga itatanong ng
mga hurado sa kanila.Mula sa pinagsama-samang puntos sa unang bahagi at huling bahagi ng kompetisyon hihirangin
ang kauna-unahang Lakan at Lakambini ng Paco Citizen Academy 2019.
Narito ang mga pamantayan sa mga sumusunod na kategorya
A.Unipormeng Pampaaralan at Pagpapakilala
Tiwala sa Sarili…………..…………………………………15%
Malikhaing Pagpapakilala……………………..…….20%
Dating sa Manunuod…………………………..………15%
Presentasyon ng Kasuotan……………………..…..50%
KABUUAN ……………………………………………….…100%

B. Pang-Etnikong Kasuotan
Presentasyon ng etnikong kasuotan…………………50%
Kasuotan…………………………………………………..……..25%
Dating sa manunuod……………………….……………....25%
KABUUAN ……………………………………….............100%

C. Talento
Mensahe……………………..………………………….……… 40%
Dating sa manunuod ………………..……………..……...10%
Pagkakatanghal…………………………………………...…...50%
KABUUAN……………………………………………………….…100%

D. Pambansang Kasuotan (Filipiniana at Barong Tagalog)


Presentasyon………………………………………….…………40%
Prodyeksiyon………………………………………….…………20%
Kasuotan……………………………………………………………25%
Dating sa manunuod………………..……..……..………….15%
KABUUAN……………………………………..……………….100%

E. Q @A
Mensahe/Nilalaman………………………..…………60%
Orihinalidad……………………………………….……….10%
Kaugnayan sa paksa……………………….….………….20%
PagkaMakabayan………………………..………………..20%
KABUUAN……………………………………….............100%

Pamantayan sa Paghahatol:
Hatol ng Hurado ………………………….…………….75%
Online Voting ………………………………..…………..25%
KABUUAN……………………………………….............100%
Mekaniks sa Dagliang Talumpati
1. Ang paksa ng talumpati ay ibibigay ng lupon ng inampalan sa araw ng paligsahan.
2. Ang kalahok ay bibigyan apat na minutong paghahanda.
3. Ang pagtatalumpati ng bawat kalahok ay hindi bababa sa limang minuto.Isang puntos ang ibabawas sa bawat
isang minutong kulang at sobra sa paglalahad.
4. Ang paglalahad ay maaaring sa paraan ng pakikipagusap (conversation) o patalumpati (oratorical) o
maaaring pinagsamang pakikipag-usap at patalumpati.
5. Hindi maaaring gumamit ng sound effects, background o props.
6. Ipinagbabawal sa mga kalahok ang pagsusuot ng uniporme ng paaralan.
7. Ang hatol ng inampalan ay pinal.

Pamantayan:
 Nilalaman 35%
 Kaugnayan sa paksa kabuuan at kaayusan ng diwa kalinawan
Paglalahad 35%
 Tinig pagbigkas akmang gamit ng mga salita
 Tikas o personalidad 30%
Tindig kilos o gawang tuwirang pakikipag-ugnayan
 KABUUAN 100%
Rochelle: Salamat Bb. Clavo,
Rochelle: Kilalanin naman natin ang ating mga nagagandahang hurado na kikilatis sa ating mga kalahok. Para sa ating
unang hurado walang iba kundi ang ating pinakamamahal na punong-guro Ginang Angelita L. Relator, ang
sumunod na hurado naman ay ang mapagmahal at walang kakupas-kupas ang kagandahan na dati ring
naglingkod sa ating paaralan bilang pungguro siya ay walang iba kundi si Ginang Cristina G. Toledo. Ang ating
pangatlong hurado ay walang iba kundi ang ating makisig na guro sa Filipino at Akademikong Pagsulat na si G.
Marvin D. Sumalbag.

Ace: kaya’t huwag na nating patagalin pa, atin nang tunghayan ang inihandang pambungad na bilang ng mga kalahok
ng Lakan at Lakambini ng PCAF 2019!

(Intermisyon at pagpapakilala ng mga kandidata at kandidato)

Rochelle: Maraming salamat, mga kalahok! Napanganga ka ata Ace sa ating mga kandidata, may napupusuan ka na
bang pambato mula sa kanila? Kung sabagay hindi kita masisisi Simula pa lamang ay para bang ang dami nang ng
nangyari. Hindi na ako mapakali sa kung ano pa ang mga susunod na magaganap.

Ace: Tama ka, Rochelle Hindi narin ako makapaghintay ngunit bago yan,tunghayan muna natin ang dagliang talumpati
mula sa antas pito. Atin nang tawagin si Jhanna Vierneza.(Palakpakan po natin siya)

Rochelle: Maraming Salamat Jhanna, tawagin naman natin ang susunod na kalahok walang iba kundi si Marione Chime
Caoile ng antas walo (Palakpakan po natin siya).

Ace: Maraming salamat sa'yo, Chime. Matapos nating tunghayan ang talumpati ng dalawang mahuhusay na mag-aaral,
atin nang ipagpatuloy ang patimpalak sa lakan at lakandiwa!

Rochelle: Muli nating masasaksihan ang ating mga lakan at lakambini suot ang kanilang mga naggagandahang kasuotan
mula sa iba't ibang pangkat etniko sa ating bansa. Narito ang mga kalahok.

Ace: Bigyan po natin ng masigabong palakpakan ang ating mga kalahok suot ang kanilang pang-etnikong kasuotan!

(Pagrampa ng mga kandidata at kandidato)

Rochelle:(Antas7)Ang kimona ay isang damit ng Kababaihan sa Pilipinas sa bahaging Kabisayaan. Isa itong maluwag na
blaws o blusang (pang-itaas na damit) na may katernong palda ng mga Pilipina. Ang patadyóng ay isang uri ng
katutubong sáya o piraso ng damit pang-ibabâ ng babae. Karaniwang parihabâ ito at isinusuot na tila nakabálot ang
pang-ibabâng bahagi ng katawan hanggang kalahati ng binti samantalang ibinubuhol ang pang-itaas na mga dulong
sulok sa baywang. Mula sa tradisyunal nitong gamit bilang balabal sa likod at balikat ng mga Tagalog, ang alampay ay
patuloy na nakikisabay sa makabagong panahon at bumabagay sa pagbabago ng mga kasuotan at panlasa sa pananamit.
Umiinog ang alampay sa kasalukuyang panahon at naging simbolong pangkalinangan at kapahayagan ng
pagkakakilanlang Pilipino na sa bawat pagkakataon ay mailalangkap sa anumang kasuotan. Ginagamit ang kamisa de tsino
bilang kasuotan sa iba’t ibang sayaw sa Filipinas, katulad ng hota, polka, habanera, kumakaret na isang sayaw para sa
panliligaw, at sayaw ed tapew na bangko mula Lingayen na nagpapakita ng kariktan at liksi. Maituturing na isa sa mga
pambansang kasuotan ang kamísa de tsíno– isang pangitaas na kasuotan o kamiseta na walang kuwelyo at may
mahahabàng manggas. Malinaw sa pangalan nitó na isang impluwensiya ito ng mga Tsino sa Filipinas ngunit maaaring
gawa mula sa lokal o inangkat na materyales. Payak ito, may iisang kulay na kadalasan ay putî at walang disenyo. Minsan,
ito ay may nakatahing bulsa sa kaliwang dibdib nito. Ang kamisa de tsino ay kadalasang itineterno sa mala-padyama na
pang-ibabâng kasuotan na may kulay berde o pulá para sa mga impormal na gamit.

Ace: (Antas 8) Ang Baro't Saya ay ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng manipis at binurdahang pang-itaas, at palda o
saya na makulay at kadalasang guhitan. Ito din ay madalas na gawa sa piña, at ito rin ay gumagamit ng iba pang tela. Gamit ang bakya bilang sapin sa
paa, ang mga kababaihang nagsusuot nito ay may hawak ding abaniko upang gawing pantakip sa kanilang mukha o kaya'y sa kanilang dibdib. Ang
pagsusuot nito ay alinsunod sa utos ng mga Espanyol na takpan at damitan ang hubad na katawan ng mga katutubo, lalo na ng mga kababaihan, sa
kanilang pagdaong sa bansa.

Rochelle: (Antas 9) Suot ng ating kandidata ang katutubòng damit ng babaeng Filipina na tinatawag na Balintawak, ito may
tapis at panuelo.Isa itong tradisyonal na kasuotan na may hugis mariposa sa bahaging balikat.Karaniwang sa gitnang bahagi
at hilagang Luzon isinusot ng kasuotang Balintawak. Samantalang magsasaka naman ang kasuotan ng ating kadidato. Ang
kasuotang ito ay karaniwang isinusuot ng mga magsasaka ng Visayas ito ay gawa sa hinabing bulak upang magaan at
maalwang suotin, kadalasan ding nagsusuot ng salakot na gawa sa rattan o buho.
Ace: (Antas 10)

Rochelle: Maraming salamat, mga lakan at lakambini, (maaari na kayong bumalik sa backstage para sa paghahanda sa
susunod na bahagi ng patimpalak.)

Ace : Ating muling saksihan ang isang talumpating inihahandog ng isa sa ating mga mag-aaral na mula sa antas 9. Tawagin
natin si Marc Cresini.

Rochelle: Maraming salamat Marc, para sa isang mahusay na talumpati. Susunod na ating masasaksihan ay ang
pagpapakita ng ating mga kalahok ng kanilang inihandang talento. Huwag na nating patagalin pa at atin nang
simulan.

Ace: Para sa unang talento palakpakan natin ang antas pito.


Ace:

Rochelle: Maraming salamat antas pito, sumunod na talentong ating matutunghayan ay walang iba kundi ang
antas walo.

Ace: Maraming salamat antas walo, ngayon naman ay ang antas siyam.

Ace:

Rochelle: Maraming salamat antas 9, si Ginoong Maruel pala ay hindi lamang mahusay sa akdemiko ganoon
din sa pagsasayaw. Tawagin naman natin ang antas 10.

Ace: Maraming Salamat, napakahusay ng antas 10, makaantig damdamin naman ang kanilang ginawang tula.
Sumunod naman ay ang aking pambato walang iba kundi ang antas 11. Panuorin po natin sila.

Rochelle: Maraming Salamat, aba ay may antas 11 pala ang iyong pambato, siyempre hindi din magpapahuli
ang aking pambato, sabay-sabay po natin silang panuorin antas 12.

Ang tradisyunal na damit naman ng mga babae ay tinatawag na palingay o tapis. Ang mga kababaihan na
soft-speaking ay may kombinasyon ng mga kulay puti, itim at pula. Ang disenyo ng pantaas na damit ay
criss-crossed style ng puti, itim at pula. Ang pang-ibaba naman ay (tapis) ay kombinasyon ng stripes ng
itim, puti at pula. Ang mga kababaihang hard-speaking naman ay nagsusuot ng pang-itaas na mas pansin
ang pula at itim, at saka kaunting puting istayl. Ang kanilang palda o tapis ay tinatawag na bakget at
gating. Ang bahág ay isang uri ng katutubo at sinaunang kasuotan ng iba’t ibang pangkating etniko sa
Filipinas,lalo na sa mga katutubo sa bulubundukin ng Cordillera. Karaniwang lalaki ang nagsusuot ng
bahag, na isa ring uri ng tapis. Ito ay isang pahabâng tela na ibinabalot sa baywang at sa pagitan ng mga
hita. Ang isang dulo ng tela ay nakalaylay sa harap at ang isa naman ay sa likod na tumatakip naman sa
puwit. Kadalasang ang kababaihan naman ang humahabi sa tela at ang disenyo ng habi ay natatangi sa
kanilang pangkat. Karanwang pulá ang pangunahing kulay ng bahag at putî at itim naman ang mga
disenyo nitó.
Ace: Maraming salamat, mga lakan at lakambini. Bigyan po natin sila ng masigabong palakpakan! Hindi lang
pala magaganda't guwapo ang ating mga kalahok, mahuhusay rin pala sila pagdating sa pagpapakita ng
kani-kanilang talento!

Rochelle: Tama ka, Ace. Mukhang mahihirapan ang ating mga tagapang-husga sa pagpili sa kanila. At dahil
nalalapit na ang pagtatapos ng ating patimpalak nang matapos ang ating patimpalak, pinasasalamatan
naming ang lahat ng nakibahagi rito at sumubaybay sa pagpapamalas ng ating mga kalahok.

Ace: Ngunit bago 'yan, atin munang tunghayan ang dagliang talumpati na ibabahagi sa atin ng isang mag-
aaral mula sa baitang 10 na si Ashley Trinidad.

Rochelle: Maraming salamat, Ashley Trinidad sa pagbabahagi mo ng isa na namang makabuluhang talumpati.
Tunay ngang ang ating paaralan ay puno ng mahuhusay na mag-aaral.

Ace: Tama ka, Rochelle, Hindi naman natin iyan dapat ipagkaila. Ngayon, maaari na nating tawagin ang lahat
ng ating mga kalahok upang masulyapang muli ng ating mga hurado at manunuod.

Rochelle: Kabataan ang pag-asa ng bayan. Tayong mag-aaral ay hindi lamang pag-asa ng bayan sa halip tayo
rin ang sasagip sa wikang napaglumaan. Wikang unti-unting nabubura sa diwa ng ilang kabataan. Kaya
naman ngayong Agosto 23, 2019 ganap na alas 3 ng hapon.Sabay-sabay nating yakapin ang diwa ng
pagiging isang tunay na Pilipino sa pagtatapos ng unang yugto ng kompetisyong ito.Bago tuluyang itabing
ang kurtina ng bulwagang ito nais po lamang naming ipaalala na bukas po sa ganap na alas 8:00 ng umaga
ipopost ang mga larawan ng ating mga kandidata at kandidato kung saan maaari ng bomoto ang bawat
isang mag-aaral. Magtatapos ang botohan sa Agosto 28, 2019 alas 11 ng hatinggabi. Nais din po naming
magpasalamat sa lahat ng kabataan, guro at magulang na nasa loob ng silid na ito.

Ace / Rochelle: Hanggang sa susunod na linggo. Maraming salamat po.

You might also like