You are on page 1of 5

CABATBAT, BABY LYNN

4 BSE-B FILIPINO

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Baitang 7 Ikatlong Markahan


Learning Outcomes
I. LAYUNIN

Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, 80 bahagdan (80%) ng mga mag-


aaral ay inaasahang:

1. Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa


napakinggang maikling kuwento (F7PN-IIIa-c-13).
2. Natutukoy at naipaliliwanag ang mahahalagang elemento ng
maikling kuwento.
3. Nakasusuri ng maikling kuwento batay sa mahahalagang
elementong taglay nito.
Learning Content
II. PAKSANG ARALIN

a. Paksa: Maikling kuwento at Elementong taglay nito


b. Moral: Pagpapahalaga sa Panitikang Luzon
c. Kasanayang Pampagkatuto: Pag-iisip, pag-unawa, pakikinig,
pagbabasa, panonood at pagsusulat
d. Metodolohiya: 5E’s
Learning Resources

a. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 (Modyul ng Mag-aaral sa


FILIPINO)
b. Kagamitang Pampagtuturo: Powerpoint, Laptop, DLP, kartolina,
krayola, pentel pen, masking tape, timer, printed papers
Learning Procedures
III. PAMAMARAAN (5E’s Approach)

A. Panimulang Gawain (5 minuto)


B. Panlinang na Gawain

“5 E’s Approach”
A. Engage (6 minuto)
“Story Sequence Ladder”

a. Ang guro ay magbibigay ng pitong pirasong papel na kung saan ang


bawat isa ay naglalaman ng iba’t ibang mga pangyayari tungkol sa
isang kuwento.
b. Sa tulong ng story ladder sa pisara, isasaayos ng mga mag-aaral
ang mga pangyayari sa kuwentong ibinigay ng guro ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang detalye. Pagkatapos
ay ididikit ito ng mag-aaral sa pisara ng magkakasunod-sunod upang
makabuo ng maayos na pagkakasalaysay ng isang kuwento.
c. Hahatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral.
d. Ang pangkat na makakakuha ng tamang sagot ay bibigyan ng
sampung puntos.
(Sa pamamagitan ng powerpoint presentation, panonoorin ng mag-aaral
ang buong kuwentong kanilang isinaayos. Bago manood, ang guro ay
magbibigay ng gabay na katanungan sa mga mag-aaral na kailangan
nilang sagutin habang nanonood ng kuwentong Ang Kalupi ni Benjamin
P. Pascual.)
Mga Gabay na Katanunan:
1. Paano nagsimula ang kuwento?
2. Anong pangyayari ang naganap bago nangyari ang suliranin sa
kuwento?
3. Ano ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan?
4. Ano ang kalaban ng pangunahing tauhan?
5. Anong nakamtan ng pangunahing tauhan sa kanyang ipinaglalaban?
6. Paano nalutas ang suliranin sa kuwento?
7. Ano ang kinahihinatnan ng kuwento?
8. Saan naganap ang kuwento?
9. Ano ang pinaka kaluluwa o mensahe ng kuwento?
10. Sino ang mga tauhan sa maikling kuwento?
11. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga katangian ng
pangunahing tauhan sa kuwento?

B. Explore (10 minuto)


“Make it”
a. Pipili ang mga mag-aaral ng isang malikhaing paraan ng
pagtatanghal (sabayang pagbigkas, pagsasadula, pagkukuwento)
upang itanghal sa klase ang kuwentong binasa ng guro na
nagpapakita ng tamang pagkakasunod-sunod na pangyayari sa
kuwento na may pamagat na “Ang Kalupi” ni Benjamin P. Pascual.
b. Hahatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral.

Pamantayan:

Pagbigkas 40%
Lakas (15%)
Tono (15%)
Balarila (10%)

Pagkakasunod-sunod ng kuwento 30%


Paggalaw 20%
Kumpas ng Kamay (10%)
Ekspresyon ng Mukha (10%)
Kahandaan 10%
Kabuuan 100%

C. Explain (15 minuto)


Gamit ang powerpoint presentation, ipapakita ko sa inyo ang ibat ibang
elemento ng maikling kuwento. Inyong iuugnay ito sa mga katanungang
inyong nasagutan kung saan nga ba ito napapabilang.

Sasagutin ang bawat gabay na katanungan na ibinigay:

1. Paano nagsimula ang kuwento?


2. Anong pangyayari ang naganap bago nangyari ang suliranin sa
kuwento?
3. Ano ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan?
4. Ano ang kalaban ng pangunahing tauhan?
5. Anong nakamtan ng pangunahing tauhan sa kanyang ipinaglalaban?
6. Paano nalutas ang suliranin sa kuwento?
7. Ano ang kinahihinatnan ng kuwento?
8. Saan naganap ang kuwento?
9. Ano ang pinaka kaluluwa o mensahe ng kuwento?
10. Sino ang mga tauhan sa maikling kuwento?
12. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga katangian ng
pangunahing tauhan sa kuwento?

D. Elaborate (15 minuto)


“Pagsusuri”
a. Bawat mag-aaral ay susuri ng isang maikling kuwento na may
pamagat na Sandosenang Sapatos ni Luis P. Gatmaitan batay sa
mga mahahalagang elementong taglay ng maikling kuwento.
b. Gumawa ng graphic organizer na nagpapakita ng pagkakaiba at
pagkakapareho ng mga tauhan sa maikling kuwentong sinuri.

E. Evaluate (4 minuto)

Ang guro ay magtatanong sa klase.


Ang mga katanungan ay ang mga sumusunod:
1. Sa ating napag-aralan ngayong araw, bakit nga ba mahalaga ang
maikling kuwento lalo na sa inyo bilang mag-aaral?
2. Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa inyo upang maging
isang mabuting mamamayan?
IV. EBALWASYON (5 minuto)

“Slogan Making”
a. Ang mga mag-aaral ay gagawa ng malikhaing slogan tungkol sa
kanilang natutunan sa binasang maikling kuwento na may pamagat
na “Ang Kalupi” ni Benjamin P. Pascual, o di kaya ay tungkol sa
kahalagahan ng Maikling kuwento at elemento nito.
b. Bibigyan ng limang minuto ang mga mag-aaral sa paglikha ng
kanilang slogan.
c. Ipapasa sa guro pagkatapos.
Narito ang Pamantayan:

Nilalaman
20%

Mensahe
30%

Organisasyon
15%

Pagkamalikhain
15%

Kawastuhan
20%

Kabuuan 100%

V. TAKDANG-ARALIN

Ang mga mag-aaral ay gagawa ng kanilang sariling likhang maikling


kuwento tungkol sa kanilang buhay o di kaya ay sa hango sa kanilang
karanasan. Maging malikhain sa paggawa at inaasahang ang kuwento ay
naglalaman ang mga mahahalagang elemento ng maikling kuwento.
Narito ang Pamantayan:

Pagkakasulat
15%

Orihinalidad
20%

Organisasyon
15%

Pagkamalikhain
30%

Nilalaman
20%

Kabuuan 100%

You might also like