You are on page 1of 57

Moodle Gabay sa Asignatura

10
IKATLONG MARKAHAN

FILIPINO 10
Mga Akdang Pampanitikan ng
Africa at Persia (Iran)
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Para sa Mga Mag-aaral

Pagbati sa iyo! Natitiyak ko na madami kang matututuhan mula sa mga aralin na iyong pag-
aaral sa asignaturang ito. Ang gabay na ito ay naglalaman ng mga gawain at mahahalagang
impormasyon na maaaring makatulong sa iyo sa paggamit ng Filipino 10 Moodle Classroom. Nawa
ay maging kawili-wili para sa iyo ang pagsasagot ng mga nilalaman ng Moodle Classroom. Huwag
kang mawalan ng pag-asa kung nahihirapan sa pagsasagot. Buo ang aming tiwala sa iyong
kakayahan na matatapos mo ang mga iniatas na gawain! Mabuhay ka!
- Mga May-akda

2
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Tungkol sa mga May-akda

Kung ikaw ay may katanungan o nais linawin tungkol sa nilalaman ng mga aralin sa Filipino 10 – Mga
Akdang Pampanitikan ng Afrika at Persia (Iran) (Ikatlong Markahan), maaring makipag-ugnayan sa
sumusunod:

3
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Mga Panuntunan sa Paggamit ng Moodle Classroom ng Filipino 10


Narito ang mga alituntunin na dapat mong sundin sa paggamit ng ating Moodle Classroom:

1. Basahing mabuti ang mga aralin at gawaing nakatakda sa bawat modyul. Huwag magmadali upang
lubos na maunawaan ang aralin.

2. Siguraduhing nasagutan ang lahat ng mga gawain na naibigay sa iyo bago lumipat sa iba pang
gawaing nakapaloob sa modyul.

3. Maging magalang sa guro at kapwa mag-aaral sa tuwing magbibigay ng mensahe at komento.

4. Tiyakin na wasto ang paggamit ng gramatika at mga baybay ng salita upang mahasa ang kakayahan
sa asignaturang Filipino.

5. Kung sakaling ikaw ay nahihirapang sagutin ang mga gawain sa bawat modyul, maaari kang
magtanong sa iyong guro. Maaari ka ring magpatulong sa iyong magulang at iba pang kasama sa
bahay.

Kapag sinunod mo ang mga alituntunin na ito, tiyak kong magiging matagumpay ang iyong pag-
aaral! Umaasa kami, na sa pamamagitan ng mga Aralin sa MOODLE CLASSROOM na ito,
makararanas ka nang makahulugang pagkatuto at makakakuha ka nang malalim na kasanayan
na naayon sa mahahalagang kompetensi ng kurso/ asignatura. Kaya mo ito!

4
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Mga Icon sa Moodle Classroom ng Filipino 10


Ang sumusunod ay ang mga icon sa moodle classroom ng Filipino 10:

5
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

6
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Mga Bahagi ng Aralin

Ang sumusunod ay ang mga bahagi ng aralin ng Filipino 10:

PANIMULA (INTRODUCTION)
Ang bahaging ito ay naglalaman ng tatalakaying panitikan at gramatika. Ito ay naglalaman din ng mga
dapat na matutuhan ng mga mag-aaral tungkol sa aralin.

PAGPAPAUNLAD (DEVELOPMENT)
Dito makikita ang iba't ibang mga gawain at pagtalakay na kaugnay ng aralin.

PAGPAPALIHAN (ENGAGEMENT)
Naglalaman ng performance task ng aralin.

PAGLALAPAT (ASSIMILATION)
Malikhaing paglalahat mula sa mga natutuhan. Maaaring isang tanong, gawain o iba pa na susubok sa
natutuhan sa kabuoan ng aralin.

7
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Ikatlong Markahan:
Mga Akdang Pampanitikan ng Afrika at Persia (Iran)

Deskripyon ng Asignatura
Magandang buhay! Sa ikatlong markahan ay Pag-aaralan natin ang mga panitika na
nagmula sa kontinent ng Afrika at bansang Persia (Iran). Gagalugarin natin ang kanilang
panitikan upang higit pang makilala ang kanilang kultuta at bansa. Pag-aaralan natin ang
kanilang anekdota, mitolohiya, tula, epiko, maikling kuwento, sanaysay, at pelikula.

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Africa at Persia.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa
batay sa binasang akdang pampanitikan.

8
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Aralin 1

A. Pamagat
Aralin 1: Anekdota
Panitikan – Akasya o Kalabasa

B. Introduksyon
Magandang buhay! Binabati kita para sa iyong pagtatagumpay sa pagsasakatuparan
na matapos ang Ikalawang Markahan. Ito ay isang tagumpay rin sa aming mga guro.
Sa pagkakataong ito ay nagmula naman sa Aprika ang akdang ating tatalakayin. Sa
pagtalakay sa araling ito, inaasahan na masusuri ang binasang anekdota batay sa paksa,
tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa; at maisusulat ang isang
orihinal na komik strip batay sa isang Anekdota.
Bago tayo magsimula ng ating pagtalakay nais kong sagutan mo ang "Gawain 1.1"
na tungkol sa anekdota upang mabatid kung ano ang iyong mga nalalaman dito.
Gawain 1.1: Kaugnay na Pahayag
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag na mayroong kaugnayan sa ANEKDOTA.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

a.Mayroong iisang paksang tinatalakay


b.Ang bawat pangyayari ay nagbibigay kahulugan at
ideyang nais ipadama
c.Isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang
pangyayari sa buhay ng isang tao
d.Ang bawat pangyayari ay nagbibigay kahulugan at
ideyang nais ipadama
e.Nagtataglay ng sukat at tugma
C. Pagpapaunlad
Talakayan 1.1: Kahulugan, Katangian, Elemento at Uri ng Anekdota
Bago tayo magsimula sa ating pagtalakay ng aralin ay nais ko munang alamin mo kung ano
ang kahulugan, katangian, elemento at uri ng anekdota upang makatulong na masagutan
ang mga gawaing naghihintay sa iyo.
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng talakayan sa ibaba.
Alam mo ba na....
Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa
buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan. Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat

9
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang


pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng
pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
Naririto ang ilang katangian ng anekdota:
a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng
anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais
ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong
ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na
may susunod pang mangyayari.
https://pdfslide.tips/education/filipino-module-grade-10-deped.html
Ang anekdota ay binubuo ng mga sumusunod na elemento:
1. Tauhan
Sa anekdota, kailangan ang pangunahing tauhan ay isang kilalang tao. Siya'y maaaring
bayani o isang pangkaraniwang taong nakagawa ng di-inaasahang gawain na
nagbigay-pangalan sa kaniya.
2. Tagpuan
Simple at kalimitan ay nagaganap lamang sa isang lugar ang tagpuan sa anekdota.
3. Suliranin
Ang pangunahing tauhan ang madalas na magkaroon ng suliranin sa kuwento. Bago
magwakas ang isang akda ay kinakailangang nalutas ang suliranin.
4. Banghay
Ang banghay sa anekdota ay malinaw at maikli. Bukod dito, ang pinakasentro sa
pangyayari ay ang nakaaaliw na bahagi na nakapagbibigay-aliw sa mga mambabasa o
tagapakinig. Sa banghay matatagpuan ang panimula, nilalaman at wakas ng anekdota.
5. Tunggalian
Ang anekdota ay nagtataglay ng tunggalian ng tauhan labas sa kaniyang sarili, sa
kapwa, at paligid. Ito'y nakapaloob sa banghay.
6. Kasukdulan
Ito ay ang kapana-panabik na bahagi sa anekdota. Kadalas ay dito natutukoy ng mga
mambabasa ang magiging wakas. Nakapaloob din sa banghay.
7. Wakas
Dito nailalahad ang solusyon sa problema ng pangunahing tauhan. Katulad ng pabula,

10
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

may aral din sa anekdota na sa wakas lamang mailalantad.


https://quizlet.com/591446526/elemento-ng-anekdota-flash-cards/
Mga Uri ng mga Anekdota
1. Nakakatawa
-Isang anekdota na nagdaragdag ng katatawanan sa paksa.
2. Nakapagpapaalaala
-Ang isang kuwento na nagpapaalala ng mga bagay na pangkalahatang tungkol sa
nakaraan o isang partikular na kaganapan , na ipinahayag sa mga paraan tulad ng
“Naalala ko pa noong ... ” at iba pa.
3. Pilosopikal
-Isang anekdotang ipinapahayag upang pag-isipan ng mas malalim ang mga paksa.
4. Inspirasyonal
-Isang anekdotang isinasalaysay upang magbigay ng inspirasyon o iba pang positibong
damdamin.Ito ay madalas na tungkol sa hindi pagsuko, pagkamit ng mga layunin o
pangarap , ginagawang posible ang imposible , at iba pa.
5. Pagbibigay ng babala
-Mga kuwento na binabalaan ang iba tungkol sa mga panganib o negatibong
kahihinatnan na pumapalibot sa paksa.
https://group2sigma.wordpress.com/2016/05/06/mga-uri-ng-mga-anekdota/
Pagbasa ng Akda
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng anekdota sa ibaba.
Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa
maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan
ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-
aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila.
Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang
mgapangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna
nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralain sa Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama. Isang balitang
paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa
pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.

11
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng
Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako
sa punung-guro.”
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang nagtindig sa
pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.
“Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,”
paliwanag ni Mang Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?”
“Ngunit... ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-
ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?”
“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso
ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang
nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung
taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo
ng isang kalabasa.”
Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy.
Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
At... umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay
tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka
na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”
- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970
Sanggunian: http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/akasya-o-kalabasa.html
Gawain 1.2: Suriin ang akda
Panuto: Pagkatapos basahin ang anekdota ay alamin natin kung ano ang iyong natutuhan
sa pamamagitan ng pagsusuri sa nilalaman ng akdang binasa.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa binasang akda?
a. Iloy, Mang Simon at Punog-guro
b. Iloy, Aling Irene, Mang Simon
c. Iloy, Aling Irene, Mang Simon at Punog-guro
2. Saan patungo sina Mang Simon at anak niyang si Iloy?
a. Pamilihang Bayan
b. Ospital
c. Paaralan

12
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

3. Anong kurso ang nais ni Mang Simon para kay Iloy?


a. Ikalawang Taon sa Haiskul
b. Unang Taon sa Haiskul
c. Ikatlong Taon sa Haiskul
4. Ano ang pangunahing kaisipang hatid ng akda sa mga mambabasa?
a. Mabilis na pag-ani ng tagumpay
b. Matuwa at malibang
c. Kahalagahan ng maayos na pagpapasya
5. Sa iyong palagay, ano ang motibo ng manunulat sa pagsulat ng ganitong uri ng akda?
a. Upang maipabatid na ang pagpapasya ay mahalaga sa bawat tao
b. Upang maipakita kung paano mabilis makamit ang tagumpay
c. Upang madaling mapasaya ang mga mambabasa
Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng talakayan sa ibaba.
D. Pagpapalihan
Talakayan1.1: Komiks Strip

Ang komiks ay isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita at


larawan na siyang nagsasalaysay sa diwa ng kwento.
Sa Pilipinas, sinasabing si Dr. Jose Rizal ang kauna- unahang pilipino na sumulat ng
komiks na pinamagatan niyang “Pagong at Matsing”.

Mga Bahagi ng Komiks :


1. Kahon ng Salaysay
2. Pamagat ng kwento
3. Kuwadro
4. Larawang Guhit ng mga tauhan
5. Lobo ng Usapan

Anyo ng Lobo ng Usapan


1. CAPTION BOX
2. Speech Bubble
3. Scream Bubble
4. Broadcast/ Radio Bubble
5. Whisper Bubble
6. Though Bubble
Mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng Komiks Istrip
1. Alamin ang sariling hilig o istilo.
2. Tukuyin ang pangunahing Tauhan.
3. Tukuyin ang Tagpuan.
4. Tukuyin ang balangkas ng kwento.

13
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

5. Ipokus ang atensyon sa diyalogo at daloy ng kwento.


6. Ayusin at pagandahin ang gawa.

Sanggunian:
https://www.slideshare.net/bryanramos49/pagbuo-ng-komiks-strip

Halimbawa ng Komiks Strip

Pamagat: Tsinelas ni Pepe (Jose Prizal)

Sanggunian: https://www.storyboardthat.com/storyboards/fd340cb5/fil-comic-strip

Pagbasa ng Akda: Anekdota ni Saadi Persia

Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng akdang nasa ibaba.

14
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Mula sa mga Anekdota ni Saadi Persia


ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/mula-sa-mga-anekdota-ni-saadi.html

Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa.

Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto.

Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, na kaniyang nasasakupan ay


matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang
Mongheng Mohametano habang dumadaan siya.

Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya
nghayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.”

Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mahametano! Ang Sultan ng
buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang
paggalang?”

Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng
paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo
sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha
ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Gawain 1.3: Paggawa ng Komiks Strip


Panuto: Gumawa ng isang Komik Strip batay sa binasang anekdota sa itaas na may
pamagat na “Mula sa mga Anekdota ni Saadi Persia” (Iran)ni Idries Shah Isinalin sa Filipino
ni Roderic P. Urgelles. Sundin ang pamantayan na nakalagay sa ibaba.

E. Paglalapat
Gawain 1.4: Ibahagi ang Natutuhan
Naunawaan ko na ____________________________________________________.

15
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Napagtanto ko na ____________________________________________________.
Kailangan ko pang malaman na__________________________________________.

F. Mga Sanggunian
Aklat
Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA
Filipino - Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Learners Packet (LeaP)
Intenet
www.filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/mula-sa-mga-anekdota-ni-saadi.html
www.group2sigma.wordpress.com/2016/05/06/mga-uri-ng-mga-anekdota/
www.pdfslide.tips/education/filipino-module-grade-10-deped.html
www./quizlet.com/591446526/elemento-ng-anekdota-flash-cards/
www.slideshare.net/bryanramos49/pagbuo-ng-komiks-strip
www.storyboardthat.com/storyboards/fd340cb5/fil-comic-strip

Aralin 2
A. Pamagat

16
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Aralin 2: Pagbibigay Katwiran sa sariling Reaksyon


Panitikan – Liongo

B. Introduksyon
Magandang buhay! Kumusta ang iyong pag-aaral? Batid kong sabik ka nang muling
simulan ang pag-aaral ng bagong aralin. Subalit bago ito nais kong bigyang pansin mo muna
ang mga inaasahang matutuhan mo sa modyul na ito. Una, mapangangatuwiranan ang
sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo) at
masusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: - suliranin ng akda - kilos at
gawi ng tauhan -desisyon ng tauhan

Gawain 2.1: Ibigay ang sariling reaksyon


Panuto: Ibigay ang iyong sariling reaksyon tungkol sa paksa. Ilagay ang iyong sagot sa
nakalaang patlang.
1. Dapat ba o hindi dapat ipatupad sa ating bansa ang pagpapataw ng parusang kamatayan
sa mga gumawa ng karumal-dumal na krimen? Pangatwiranan
_________________________________________________________________________

C. Pagpapaunlad
Panuto: Basahin at unawain ang talakayan tungkol sa Pangangatwiran at Debate.
Pangangatwiran
Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapat
isaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na
pangangatwiran gaya ng debate. Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang
kahusayan ay maaaring matamo nino man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling
panahon lamang. Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga katwiran o rason. (- Arogante)
Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang
pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at paniniwalaan ng
nakikinig ang nangangatwiran. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na
katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-
paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang
kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (-
Badayos)
Dahilan ng Pangangatwiran
1. Upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kanya.
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao.
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa
Kasanayang Nalilinang sa Pangangatwiran
1. Wasto at mabilis na pag-iisip Lohikong paghahanay ng mga kaisipan
2. Maayos at mabisang pagsasalita

17
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

3. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran


4. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at pagunawa
sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.
Uri ng Pangangatwiran:
1. Pangangatwirang Pabuod (Inductive Reasoning) - Nagsisimula sa maliit na katotohanan
tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat ang pangangatwirang pabuod. Nahahati ang
pangangatwirang ito sa tatlong bahagi:
a. Pangangatwirang Gumagamit ng Pagtutulad. Inilahad dito ang magkatulad na
katangian, sinusuri ang katangian, at pinalulutang ang katotohanan. Ang nabubuong
paglalahat sa ganitong pangangatwiran ay msasabing pansamantala lamang at maaaring
mapasinungalingan. Maaring maging pareho ang pinaghahambing sa isa lamang katangian
subalit magkaiba naman sa ibang katangian.
Halimbawa:
Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang kolehiyo sa Kabanatuan, sila ay
may kooperatiba at malaki ang napapakinabang. Ang pagmamatuwid na si si Miss dela Cruz
ay mabuting guro sapagkat ang ama't ina niya ay mahusay ring mga guro.
b. Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi.
Nananalunton ito sa paniniwalang may sanhi kung kaya nagaganap ang isang pangyayari.
Halimbawa:
Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat hindi
siya nagbalik-aral.
c. Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay. Napapalooban
ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o magpapatutuo sa tinutukoy na
paksa o kalagayan.
Halimbawa:
Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang sapaang tsinelas
sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa namatay na
natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.
B. Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning) Humahango ng isang pangyayari
sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulang panlahat ang pangangatwirang pasaklaw.
Ang silohismo na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay bumubuo ng isang
pangungunang batayan, isang pangalawang batayan at isang konklusyon. Isang payak na
balangkas ng pangangatwiran ang silohismo.
Halimbawa:
Ang lahat ng hayop ay nilikha ng Diyos. Ang manok ay isang uri ng hayop kung gayon ang
manok ay nilikha ng Diyos.
Sanggunian: https://www.slideshare.net/maryruthagnes/fil1ppt
Debate

18
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Ang debate o pakikipagtalo ay isangpormal na pakikipagtalong may estrukturaat sistemang


sinusundan. Ang pagtatalo ayhindi isang uri ng pag-aaway sapagkat ito’y pagpapaliwanag
lamang ng mga katwiranng bawat panig na maaaring gawaingpasulat o pasalita.
Ayon kay Villafuerte (2000), ang debate o pagdedebate, na tinatawag dingpagtatalo ay
katumbas ng salitang debate sa Ingles. Ito ay isa sa maraming anyo ng argumentasyon. Ang
masining na pagtatanghal nito ay nakasalalay sa apat na mabubuting katangian ng mga
kalahok gayang mga sumusunod:
Ang debate o pagdedebate ay hindi lamang karaniwang pagpapaliwanagan o
pagpaparunggitan o yaong na pakakombensyonal nawalang namamahala o sumusubaybay
sa mga kalahok sa debatehan.
Si Africa (1952) ang nagsabing ang debate ay maituturing na pormal, tuwiran, at may
pinagtatalunang argumentasyon sa isang itinakdang panahon.
Ayon naman kay Arrogante, ang pagtatalo ay isang sining gantihan ng katwiran o makatuwid
ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa.
Mayroon itong dalawang panig: (1) Sumasang-ayon (2) Oposisyon o sumasalungat
Proposisyon
• Ang paksang pinagdedebatihan ay tinatawag na proposisyon.
• Ito’y isangpangungusap na nilalayong patunayan ng panig ng sang-ayon sa pamamagitan
ng mga argumento.
•Nagsasaad ito ng isang bagay namaaaring tutulan at panigan kaya mapagtatalunan.

May isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang
daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate. Pagkatapos ng
debate, may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig ang higitna nakapanghikayat
o mas kapani-paniwala.
Ang mga hurado ay dapat walang kinikilingan sa dalawang panig at kailangang nakaupo nang
magkakalayo sa isa’t-isa at hindi mag usap-usap bago magbigay ng kani-kanilang hatol upang
maiwasang maimpluwensiyahan ang hatol sa isa’t-isa.
Ang debate ay hindi katulad ng mga ordinaryong argumento. Sa pakikipagtalong ito, ang
bawat kalahok ay binibigyan ng pantay na oras o pagkakataon upang makapaglahad ng kani-
kanilang mga patotoo gayundin ng pagpabulaan o rebuttal. May nakatalaga ring timekeeper
sa isang debate upang matiyak na masusunod ng bawat tagapagsalita ang oras na laan
parasa kanila. Karaniwan ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas maaga upang
makapaghanda ang dalawang panig para sa kani-kanilang mga argumento
Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/92979479/Kahulugan-ng-Debatedocx/
Alam mo ba……..
Ang kuwentong mitolohiya ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang
madalas na tinatalakay na mga kuwento ay mga diyos at diyosa at iba pan makapangyarihang
nilalang. Kadalasan ito ay naka-ankla sa kultura, tradisyon, alamat at relihiyon ng isang
rehiyon o bansa. Madalas, ang tinatahak na tema ng mitolohiya ay kababalaghan. Ngunit,
kahit na nababalot ito ng kababalaghan at madalas ang kathang-isip lamang, mayroon pa din

19
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

itong mga nai-aambag sa kasaysayan at pati na rin sa mga modernong pag aaral. Ang
mitolohiya ay parating mayroong mga gintong aral na ipinagkakaloob sa mga nakakarinig o
nakababasa nito. Dagdag na rin ito sa kaalaman kung ano ang tradisyon at kultura ng
nasabing lugar ng mitolohiya dahil isinasalamin nito ang kabuhayan noong ito ay isinusulat.
Sinasabing ang mitolohiya ay nag-umpisa pa bago naitaguyod ng kanya-kanyang mga sekta
ang relihiyon. Buhat dito, ang mga lokal na lumaking nakikinig sa mga mito ng kanilang bayan
ay tiningala ang mitolohiya bilang kanilang relihiyon at ginagamit nilang gabay upang
mabuhay ng matiwasay.
-https://takdangaralin.ph/mitolohiya/

Pagbasa ng akda
Panuto: Basahin at unawain ang tekstong “Liongo”.
Liongo
(Mitolohiya ng Kenya)
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybayingdagat ng Kenya. Siya ang
nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at
mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas. Ngunit
kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo
at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana
Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang napunta sa kanyang


pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang kauna-unahang namuno sa Islam. Ang
pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan tungo
sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono. Nais ni Haring Ahmad
na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip si Liongo ng isang
pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan,
bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga
tao, tumigil sila sa pag-awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong
naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na
kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay
madakip at muli na naman siyang nakatakas. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa
matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan laban sa mga Gala (Wagala). Kaya
naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang
sa kaniyang pamilya. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at
pumatay sa kaniya.

20
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Sanggunian: Mula sa Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015


Gawain 2.2: Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Suriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: - suliranin ng akda -
kilos at gawi ng tauhan -desisyon ng tauhan
1. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang
lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano
mang mga armas.
a. Kilos at Gawi ng Tauhan b. Desisyon ng Tauhan c. Suliranin ng Akda
2. Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya.
Tanging si Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang nakaaalam nito.
a.Suliranin ng Akda b.Kilos at Gawi ng Tauhan c.Desisyon ng Tauhan
3. Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.
a. Kilos at Gawi ng Tauhan b.Suliranin ng Akda c.Desisyon ng Tauhan
4. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan.
Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo siya sa
paligsahan ng pagpana.
a.Kilos at Gawi ng Tauhan
b.Desisyon ng Tauhan
c.Suliranin ng Akda
5. Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sadigmaan
laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na
dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya.
a.Suliranin ng Akda
b.Desisyon ng Tauhan
c.Kilos at Gawi ng Tauhan

D. Pagpapalihan
Sa pagkakataong ito ay nais kong magsuri ka ng isang akda na bibigyan mo ng sariling
reaksyon na parang ikaw ay nakikipagdebate o nakikipagtalo.
Panuto: Basahin ang isang mitolohiya na mula sa bansang Nigeria.
Maaaring Lumipad ang Tao
(Buod)
Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isi nalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan. Nagpanggap


silang ordinaryong tao na nagmula sa Africa na may maiitim na balat. Isang matandang lalaki
na nagngangalang Toby at si Sarah naman na dating may pakpak ay may dalang bata sa
likod. Nanginginig siya kung mabigat ang gawain dahilan upang siya ay sigawan ng
tagabantay.
Nagtatrabaho si Sarah simula umaga hanggang gabi. Ang mayari ng palayan ay tinatawag
nilang panginoon at ang tagabantay nito madalas ay nakasakay sa kabayo na nagpaparusa
sa mga alipin na mabagal kumilos upang maging mabilis sa paggawa.
Habang naghuhukay at nag-aayos ng pilapil si Sarah, ang dalang bata sa likod ay umiyak
nang malakas dahil nagugutom. Hindi niya ito napatigil kung kaya’t kaniyang ibinaba at

21
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

hinayaang umiyak. Nagalit ang tagabantay; hinawakan niya sa balikat si Sarah hanggang sa
mapaluhod ito. Hinampas din ang bata ng latigo.
Hindi makatayo nang tuwid si Sarah dahil sa panghihina samantala patuloy pa rin sa pag-iyak
ang bata. Nagmakaawa siya ngunit muli na naman siyang hinampas ng latigo sa hita at ang
sako niyang damit ay naging basahan.
Ang matandang si Toby na naroon ang tanging handang tumulong sa mag-ina upang
makawala sa malupit na tagabantay. Inutusan ng matanda si Sarah na humayo sa paraang
alam kung paano makakaalis. Pabulong at pabuntunghinga na sinambit ang
makapangyarihang salita na galing sa Africa. Naramdaman ni Sarah ang mahika at misteryo
ng salita. Dahil dito, si Sarah at ang kaniyang anak ay nakalipad at tuluyang nakalaya. Hindi
makapagsalita at makapaniwala ang mga nakakita sa kanila habang lumilipad.
Nang sumunod na araw isang batang lalaki ang nakitang patay na nakahandusay sa
palayan. Nakita siya ng tagabantay at nilatigo. Pinuntahan siya ni Toby at ibinulong sa bata
ang salita ng lumang Africana sa simula ay hindi nito naintindihan. Muling ibinulong sa bata
at nang makuha ang tamang salita ay nagpagulong-gulong ito sa hangin at muling
nakalipad. May iba-iba pang bumagsak dahil sa init. Umiiyak si Toby sa nakikita niyang
bumabagsak at lagi siyang nandiyan upang maghandog ng tulong. Pabulong niyang
sinasambit ang mahiwagang salita at muli silang nakalilipad.
Nag-utos ang tagabantay na bihagin si Toby dahil narinig niyang binanggit nito ang
mahiwagang salita. Isang tagabantay ang nagsabing nakuha na niya ang latigo upang itali si
Toby. Kinuha rin niya ang kaniyang baril upang patayin si Toby.
Natawa lang ang Negrong si Toby na nagsabing “heeee, hee! Hindi niyo kilala kung sino
ako? At muli niyang naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng itim.
Napakalakas na sigawan at hiyawan at ang mga baluktot na likod ay naunat, ang matatanda
at mga batang alipin ay nakalipad na magkakahawakkamay. Kasabay nilang lumilipad si
Toby bilang tagagabay.
Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasasihan ngunit hindi sila
pinaniwalaan. Hindi na nagsalita ang tagabantay sapagkat alam niya ang totoo.
Nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang mga anak ang mga aliping hindi nakalipad. Ang
mga pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan.
At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad hanggang ngayon.
-Ibinuod ni Elizabeth R. Zeta -Mula sa Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Panuto: Sumulat ng sariling reaksyon tungkol sa akdang nabasa. Sundin ang gabay na
tanong at pamantayan sa pagsulat.
Pagsulat ng Sariling Reaksyon
Sumulat ng sariling reaksyon mula sa binasang mitolohiya " Maaring Makalipad ang
Tao". Sundin ang gabay na tanong sa ibaba sa paggawa ng iyong sariling reaksyon. Ilagay
sa ibabang bahagi ang iyong ginawa.
Gabay na tanong
1. Ano ang iyong masasabi sa kalagayan ng mga tao sa palayan?
2. Bakit nagdesisyon ang mga tao sa palayan na ilabas ang kanilang tunay na katauhan?

22
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

3. Kung ikaw ang isa sa mga taong ito, gagawin mo rin ba ang ginawa nila?
Pamantayan sa Pagsulat

E. Paglalapat
Gawain 2.4: Dugtungan ang Pahayag
Panuto: Dugtungan ang pahayag kaugnay ng iyong natutuhan sa aralin.
Dugtungan ang pahayag kaugnay ng iyong natutuhan sa aralin. Ilagay sa ibaba ang iyong
sagot.
Naunawaan ko na __________________________________________________________.
Napagtanto ko na __________________________________________________________.
Kailangan ko pang malaman na _______________________________________________.
F. Sanggunian
Aklat
Filipino - Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Learners Packet (LeaP)
Internet
www.slideshare.net/maryruthagnes/fil1ppt
www.coursehero.com/file/92979479/Kahulugan-ng-Debatedocx/
www.takdangaralin.ph/mitolohiya/

Aralin 3

23
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

A. Pamagat
Aralin 3: Kasiningan at Bisa ng Tula
Panitikan – Hele ng Ina sa kanyang Panganay na anak

B. Introduksyon
Magandang araw sa iyo. Batid kong nasasabik kang pag-aralan ang tula sapagkat ito'y
tunay na masining. Isang bagong tula na mula sa isa sa pinakamalaking kontinente sa mundo
ang ating tatalakayin. Sana ay magustuhan mo ang tulang ito na aantig sa iyong damdamin
at magpapalawak ng iyong imahinasyon.

Sa pagtalakay ng aralin ay inaasahan na masusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa


napakinggan at mabibigyang kahulugan ang ibat ibang simbolismo at matatalinhagang
pahayag sa tula. Ano pang hinihintay mo? Simulan na ang panibagong pagtuklas.

Sa pagkakataong ito nais kong basahin at suriin mo ang tulang nasa ibaba. Pagkatapos ay
sagutan mo ang "Gawain 3.1" na susukat sa iyong kaalaman tungkol sa tula.

Palay
(Tanaga ni Idelfonso Santos)
Palay siyang matino
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’y muling tumayo
Namunga ng ginto.

Gawain 3.1: Katangian, Tama o Mali


Panuto: Basahin at suriin ang tula pagkatapos ay piliin kung tama o mali ang katangian nito.
_____1. Kinakitaan ito ng tugma
_____2. Gumamit ito ng simbolismo
_____3. Kinakitaan ito ng saknong
_____4. Kapansin-pansin ang matatalinhagang salita
_____5. Binubuo ito ng saknong

C. Pagpapaunlad
Panuto: Basahin at unawain ang kahulugan at katangian ng
tula. Kasiningan at Bisa ng Tula
Ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod. Bawat saknong
naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa mga
pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-
pili, may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang pananalita, at simbolismo, at
masining bukod sa pagiging madamdamin, at maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong
lapatan ng himig.
Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isinasaalang-alang ang mga elemento nito. Ito ay
ang mga sumusunod:
1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Hal. Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos
A/li/pa/tong/lu/ma/pag
Sa/lu/pa/-nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing pantig

24
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

2. Tugma-Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat salita.


Hal. Mula sa Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngang umid yaring dila’t puso
Sinta’y umiilag, tuwa, lumalayo
Tugmang Ganap

3. Kariktan-ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at


ang kabuoan nito.
Hal. Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang kaunlaran?
Kariktan-lalabindalawahing pantig,Tugmang Ganap at Tayutay

⮚ Kinakitaan ito ng tugma


⮚ Gumamit ito ng simbolismo
⮚ Kinakitaan ito ng saknong
⮚ Kapansin-pansin ang matatalinhagang salita
⮚ Binubuo ito ng saknong

4. Talinghaga-Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o


ang ipinahihiwatig ng may akda.
Hal. Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinghaga- Nararanasang gutom ng isang mahirap
Samantala, nakadaragdag din sa kagandahan at kabisaan ng katha ang
hindi karaniwang paggamit ng salita.
Ang matatalinhagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad
na kahulugan.

Hal. butas ang bulsa- walang pera


ilaw ng tahanan-ina

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, kaisipan


sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito
ay ordinaryong bagay, pangyayari,tao o hayop na may nakakabit na
natatanging kahulugan.
Hal. gabi-kawalan ng pag-asa
pusang itim-malas
Sanggunian - Mula sa Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral

Pakikinig sa akda
Hele ng Ina sa Kanyang Panganay (A Song of a Mother to Her Firstborn )

25
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

salin sa Ingles ni Jack H. Driberg


isinalin sa Filipino ni MaryGrace
Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay

26
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?


Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.
Samakatuwid, ako’y minahal.
Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.
Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.

27
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

At ako ang ina ng kaniyang panganay.


Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling.
Mula sa-https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/hele-ng-ina-sa-kaniyang-
panganay.html
Gawain 3.2:
Panuto: Suriin ang kasiningan at bisa ng tulang napakinggan at piliin ang titik ng tamang
sagot.
1. Ilang saknong ang bumubuo sa tula?
a.6 b.5 c.4
2. Mayroon bang tugmaan ang tula?
a.Wala b.Di sigurado c.Meron
3. Ano ang hindi talinhaga sa mga sumusunod?
a.Malulunod sa luha ng paggunita
b.Wangis ng mata ng bisirong-toro
c.Maalala ang pagkapit mo
4. Ano ang mga simbolismo na ginamit sa tula maliban sa isa?
a.Lumigaya b.Yapak c.Ilaw
5. Anong kariktan ang makikita sa tula?
a.Malayang taludturan, paggamit ng simbolismo at matalinhagang pahayag
b.Malayang taludturan na gumamit ng mga tayutay
c.May sukat at tugma, gumamit ng simbolismo at talinhaga

D. Pagpapalihan
Gawain 3.3: Bigyang-kahulugan, Simbolismo at Talinhaga
Panuto: Basahin at unawain ang tulang "Ulan". Bigyang-kahulugan ang ibat ibang
simbolismo at matatalinhagang pagkatapos ay piliin nag titik ng tamang. sagot.

Ulan
Ang mga ulap sa langit ay tila naghahabulan, Senyales na
papatak na ang ulan
Parang pag-ibig na hindi mo mapipigilan
Tumampisaw ka kahit alam mong ika’y masasaktan

Dagunot nito’y parang kaysarap sa pandinig,


Bawat patak ay piyesa ng himig
At ika’y sumayaw sa ligaya ng tubig
Nilangoy mo kung saan ang baha ng pag-ibig

Tumila ang ulan at ika’y nabalot ng lungkot, At


ang puso mo’y wari’y nakulong sa laot.
Tumingala ka sa langit at ngiti mo’y nalukot Tapos
na ang laro, ika’y nilagnat ng poot.

Sanggunian: https://www.facebook.com/Spoken-word-110818461100828

1. Ano uri ng pahayag ang “Ang mga ulap sa langit ay tila naghahabulan?

28
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

a. Payak b.Talinhaga c.Tayutay


2. Ano ang kahulugan ng salitang tumampisaw sa ikaapat na taludtod
unang saknong?
a. naligo b.umibig c.lumusong sa tubig
3. Ano ang ibig sabihin ng “ngiting nalukot”?
a.nalungkot b.nagalit c.naiyak
4. Ano ang talinhaga ng tula?
a. Tungkol sa malakas na ulan
b. Tungkol sa bawal na pag-ibig
c. Tungkol sa wagas na pag-ibig
5. Ano ang sinisimbolo ng ulan?
a.Pag-ibig na hindi magmamaliw
b.Pag-ibig na panandalian
c.Pag-ibig na hindi nagbabago

E. Paglalapat

Gawain 3.4: Buoin ang Pahayag


Panuto: Buoin ang mga pahayag batay sa natutuhan mo sa aralin.

Natutunan ko na ang tula ay____________________________________


___________________________________________________________.
Mahalaga talinhaga at simbolismo sa pagsulat ng tula ng tula
dahil___________________________________________________.

F. Sanggunian
Aklat
Filipino - Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Learners Packet (LeaP)
Internet
www.facebook.com/Spoken-word-110818461100828

www.://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/hele-ng-ina-sa-kaniyang-panganay.html

Aralin 4

29
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

A. Pamagat
Aralin 4: Epiko
Panitikan – Sundiata:Epiko ng Sinaunang Mali
B. Introduksyon
Magandang araw sa iyo, ako ay nagagalak na muli kang makaugnay. Huwag kang
mag-alala ang mga inihandang mga babasahin at gawain para sa iyo sa araling ito ay madali
at kayang-kaya mo.
Inaasahan na sa araling ito ay maihahanay mo ang mga salita batay sa kaugnayan ng
mga ito sa isa't isa ,Maiuugnay mo sa kasalukuyang kalagayan ng bayan ang mga
pangyayaring nabanggit sa epiko.
Sa araling ito ay pag-aralan natin ang maikling kuwentong pinamagatang Sundiata.
Nakatitiyak akong maiibigan mo at maraming bagong kaalaman ang iyong matutuhan.

Gawain 4.1 -Suri-Larawan


Panuto:Suriin ang ipinahihiwatig ng mga larawan. Iugnay ito sa pangyayari sa
kasalukuyan.

Sagot:___________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_________________________________.

C. Pagpapaunlad

30
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

PANITIKAN: Sundiata:Epiko ng sinaunang Mali


Ang Imperyong Mali
Ang Imperyong Mali ay kilala rin sa tawag na imperyong Manding ay naging
makapangyarihan sa west Africa noong 1230 hanggang 1600 siglo. Pinamunuan ito ng
mga Aprikanong Itim o Maiitim na mga Aprikano sa loob lamang ng 25 taon. Naging kabisera
ng imperyo ang Niani na siyang naging sentro ng pag-aaral sa nasabing imperyo. Ito ay naging
bantog sa Morocco,Ehipto at iba pang bansang Europeo.
Dito’y umusbong ang isang epiko na kabilang sa maituturig na dakilang kayamanan
ng panitikang pandaigdig. Maihahanay ito sa epiko ng Hindu na Ramayana at Mahabharata
at epikong Griyego na Iliad at Odyssey.
Ang epikong pag-aaralan ay taal na tulang pasalaysay na pinagsalin-salin ang mga
berso ng mga mahuhusay na mananalaysay na sinasaliwan ng instrumenting musical ,
itatampok dito ang mabuting pagbabagong dala ng tagumpay laban sa kasamaan.

Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=26W7RhFYgcM
https://tl.wikipedia.org/wiki/Imperyong_Mali

Buod ng Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali


Salin sa Ingles ni J.D Pickett
Isinalin sa Filipino ni: Mary Grace A. Tabora

Sa kaharian ng Niani, nahinuha na ng isang mahiwang mangangaso na si Maghan


Sundiata (Mari Djata) ay magiging isang magaling na mandirigma. Ngunit pitong gulang na
siya pero hindi pa siya nakakalakad. Sa paglisan ni Haring Maghan Kon Fatta, itinalaga ng
kanyang pinaka unang asawa na si Sassouma Bérété na si Dankaran Touma, kanyang anak
ang magmamana ng trono. Pinalayas nila sa kahariaan si Mari Djata at ang kanyang ina na
si Sogolon Kadjou, at sila ay naghirap. Isang araw, nais mamitas ni Sogolon Kadjou ng dahon
ng baobas kaya nagpunta siya kay Reyna Sassouma Bérété upang humingi ng kaunting
dahon, ngunit sa halip na bigyan siya ay pinahiya pa siya ni Sassouma.
Umuwi siya na puno ng kahihiyan at poot. Pagkauwi ng bahay ay napagbuhusan niya
ng galit ang kanyang anak na si Mari Dyata. Pinangako naman niya na makakatayo na siya
sa araw ding iyon, at di lamang dahon ang dadalhin niya sa ina, kundi buong puno at ugat ng
baobab. Inutusan ni Sundiata na hanapin ang pinakamagaling na panday ng kanyang ama, si
Farakourou, upang gumawa ng isang tungkod na bakal. Noong araw na iyon ay natunghayan
ng mga panday ang himala ng Diyos para kay kanya. Gumapang siya patungo sa
dambuhalang bakal. Sa pamamagitan ng kamay, siya ay lumuhod habang ang isang kamay
naman niya ay inihawak sa bakal. Pilit niyang itinaas ang kanyang mga tuhod mula sa lupa,
ang hawak niyang bakal ay bumaluktot at naging pana. Umawit ng “Himno ng Pana” si Balla
Fasséké habang lubos ang galak na nadama ni Sogolon nang nasaksihan ang unang hakbang
ng kanyang anak. Tinupad na nga ni Maghan Sundiata ang kanyang pangako sa ina, binunot
niya ang buong puno ng baobab at itinanim sa harapan ng kanilang bahay.
Simula ng araw na yun ay lubos na paggalang na ang tinamasa ng kanyang ina. Sa
kanyang pagbibinata, naging isang magaling na mangangaso at lider ng kanyang hukbo si
Maghan Sundiata. Samantalang si Soumaoro Kanté naman, isang salamangkero at haring
mananakop ng Sosso ay unti- unting sinasakop na ang mga lungsod na kalapit ng Mali.
Malakas at makapangyarihan si Soumaoro ngunit siya ay may kahinaan, at sa kagustuhang
makapaghiganti ng pamangkin niyang si Fakoli, sumagpi siya kay Sundiata. Sinabi nila Fakoli
at Nana Triban kanya ang makakapagpabagsak kay Soumaoro, ito ay ang pagdampi ng tari
ng tandang sa balat nito. At dito nabuo ang kanilang planong paggapi kay Soumaoro. Sa

31
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

pagtatagpo ng dalawa, itinutok ni Sundiata ang kanyang pana na may tari ng tandang, pag-
atake, dumaplis ito sa balikat ni Suomaoro. Unti-unting nanghina si Suomaoro at nawalan ng
kapangyarihan. Tumakas siya gamit ang kanyang kabayo at nagtago. Nagtago rin ang iba
lang sofas ng Sosso.
Di kalaunan, napabagsak na rin nila ang lungsod ng Sosso. Mula noon, si Sundiata ay
kinilala ng mga griot na kanilang pinakahari at pinamunuan niya ang buong Emperyo ng Mali.
Sanggunian: https://www.pinoynewbie.com/sundiata-epiko-ng-sinaunang-mali-buod-tauhan
Gawain 4.2-Paghahanay
Panuto: Ihanay sa dalawang pangkat ang mga salitang magkakaugnay.
Salamangkero Mangangaso Panday Mahiwaga
Anting-anting Kawal Manghuhula Kapangyarihan
Mamamana Mananalaysay
Pangkat 1 Pangkat 2
1. 1.
2. 2,
3. 3.
4. 4.
5. 5.

D. Pagpapalihan
Kumusta ang mga naging pagsasagot mo? Alam kong ginawa mo ang iyong
makakaya upang masagutan ang mga naunang gawain nang buong husay! Binabati kita!
Maaari ka nang dumako sa susunod na gawain.
Gawain 4.3

Panuto:Gumawa ng tula na naglalaman ng pasasalamat sa ating mga mga frontliners.


Sundin ang sumusunod na gabay sa pagsulat nito.
Gabay sa pagsulat
1. Ang gagawing tula ay may sukat at tugma.
2. Ito rin ay gumagamit ng tayutay o idyoma.
3. Ang tula ay binubuo ng apat na saknong na may apat na taludtod.
4. Lagyan ng sariling pamagat.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT
KRAYTIRYA PUNTOS
1.) May kaugnayan sa paksa 4 puntos
2.) Masining na paraan ng pagkakasulat 3 puntos
3.) Isinaalang-alang ang sangkap ng Tula 3 puntos
KABUUAN: 10 PUNTOS
E. Paglalapat
Gawain 4.4 Buoin ang Pahayag

32
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Panuto:Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba upang lahatin ang natutuhan sa aralin

1. Mahalaga ang paggawa ng kabayanihan sa bayan at sa kapwa sapagkat


_________________________________________________________________________
___________________________.

F. Mga Sanggunian
Link mula sa Internet:
https://www.youtube.com/watch?v=26W7RhFYgcM
https://tl.wikipedia.org/wiki/Imperyong_Mali
https://www.pinoynewbie.com/sundiata-epiko-ng-sinaunang-mali-buod-tauhan

Aralin 5

A. Pamagat
Aralin: Maikling Kwento

33
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Panitikan – Ang Alaga ni Barbara Kemenye

B. Introduksyon
Kumusta? Naging madali ba sa iyo na masagutan at matapos ang mga naunang
aralin? Nawa ay maging madali rin para sa iyo na maisagawa ang mga gawain dito. Ngayon
pa lamang ay binabati na kita!

Sa araling ito ay inaasahang maiuugnay mo ang suliraning nangingibabaw sa


napakinggangbahagi ng akda sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan at mailalahad mo
ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa sarili ,panlipunan at
pandaigdig.

Kaya halika't simulan mo na ang unang gawain.

Panuto: Suriin at unawain ang isang sanaysay tungkol sa mga alagang hayop at
pagkatapos ay sagutin ang kasunod na mga tanong.
Ang mga Hayop ay Mahalin at Huwag Abusuhin
mula kay Mings

Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga hayop sa buhay nating mga tao. Ang
mga hayop ang nagsisilbing kasama, alaga, libangan, pangunahing pinagkukunan natin ng
pagkain at katulong sa paghahanapbuhay. Tinagurian pa ngang 'man's bestfriend' ang mga
alagang aso sa kadahilanang sila ang hayop na pinakamalapit sa tao at itinuturing rin sila ng
karamihan sa atin bilang isang matalik na kaibigan. Ang mga hayop kagaya ng aso at pusa
ang madalas na ginagawa nating alaga sa bahay. Malaki ang naiaambag nilang tulong sa
buhay nating mga tao, ang aso ang ginagawang bantay sa bahay at ginagamit ng pulis sa
pagtukoy ng bomba sa pamamagitan ng matalas nitong pang amoy. Habang ang pusa naman
ay nakakatulong sa pagpatay ng mga peste sa loob ng bahay. May mga hayop rin na
pinagkukunan natin ng pagkain kagaya ng itlog galing sa manok, karne galing sa baboy, baka,
kambing at maraming pang iba. Karapatan ng mga hayop na mahalin at alagaan. Karapatan
nilang mabuhay, pakainin, linisan, at bigyan ng kaukulang pansin dahil sila ay gawa rin ng
ating Poong Maykapal katulad nating mga tao. Marami sa atin ang itinuturing na bahagi ng
pamilya ang mga ito ngunit sa kasamaang- palad marami din sa atin ang nilalabag ang
kanilang karapatan.
Ang batas na tinatawag na Republic Act No. 8485 na mas kilala bilang Animal Welfare
Act ay nagsusulong na pangalagaan ang kapakanan ng mga hayop. Ang batas na ito ay
naglalayong maparusahan ang mga taong lalabag sa karapatan ng mga hayop. Ang mga
taong nagmamahal sa mga hayop ay maigting na isinusulong at sinusuportahan ang batas na
ito. Sa kabila ng malawak na pangangampanya na pangalagaan ang mga hayop dito sa
Pilipinas, may mga tao pa ring binabalewala ang adbokasiyang ito, mga taong walang awang
tomu"torture" at pumapatay ng mga aso, pusa, ibon, at iba pa upang gawing pulutan o gusto
lamang silang paglaruan. Pinahihirapan, pinagmamalupitan, at inaabuso, halimbawa na
lamang diyan ay ang alagang kalabaw na ginagawang katulong ng magsasaka sa pag-aararo
ng lupa sa bukid na halos buong araw na pinagtatrabaho sa ilalim ng mainit na panahon. Di
porket hindi sila marunong magsalita at magreklamo ay ibig sabihin hindi na sila nasasaktan.
Katulad nating mga tao nakakaramdam din sila ng pagod, hirap at sakit. Pareho lang tayo ng
mundong ginagalawanang gusto lamang nila ay malasakit at respeto nating mga tao maski
nasila ay mga hayop. Bigyan natin sila ng halaga o importansya dahil isipinniyo na lang kung
wala ang mga hayop kung patuloy natin silang aabusuhin, saan na tayo kukuha ng isa sa
pangunahing pinagkukunan natin ng pagkain?Sino na ang tutulong sa magsasaka sa

34
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

pagsasaka ng mga pananim sa bukid? sino na ang tatahol, poprotekta sayo laban sa mga
masasamang loob at ang papatay sa mga peste sa loob ng inyong bahay?
Mga kaibigan, ito lamang ay paalala na huwag nating abusuhin ang karapatan ng
hayop tingnan niyo na lang ang malaking papel na ginagampanan nila sa ating buhay.Tratuhin
natin sila ng wasto at nang may pagmamahal na parang isang pamilya nang sa gayon ay
magkaroon tayo ng maunlad at maayos na pamumuhay.
Sanggunian: PIVOT Learner’s Packet (LeaP)
Gawain 5.2
Panuto: Piliin ang wastong sagot batay sa binasang teksto .
1.Ang mga aso ay pinakamalapit sa tao at itinuturing rin sila ng karamihan sa atin bilang isang
matalik na kaibigan. Kaya sila ay tinaguriang:
a.Man's best friend
b.Best of friends
c.Man's pet

2.Maliban sa aso , isa pang madalas na alaga sa mga tahanan ay ang:


a.Kuneho
b.Kambing
c.pusa

3.Ang batas na kilala bilang Animal Welfare Act na nagsusulong na pangalagaan ang
kapakanan ng mga hayop.
a.Republic Act No. 8385
b.Republic Act No. 8485
c.Republic Act No. 8386

4.Ang mga alagang hayop tulad ng baboy , manok, baka at iba pa ay nagsisilbing
pagkukuhanan ng
a.damit
b.pagkain
c.libangan

5.Pinaaalala ng akda na ang mga hayop ay dapat :


a.huwag abusuhin at igalang ang kanilang karapatan
b.Pagmalupitan dahil wala naman silang ambag sa lipunan
c.Paglaruan kapag nababagot
C. Pagpapaunlad
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento na mula sa East Africa. Pagkatapos
ay sagutin ang mga katanungan .
Ang Alaga
Ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Magdalena Jocson

35
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Hindi pa tanggap ni Kibuka na siya ay isa nang retirado. Gayunman, wala siyang
magagawa kung hindi tanggapin ang kapalaran. Dinalhan siya ng kaniyang apo ng isang
alagang baboy. Noong una ay ayaw niyang alagaan ito ngunit napilitan na rin siya. Pinakain
niya ang baboy hanggang sa lumaki ito. Dahil sa di maawat na paglaki ng baboy, naging
pasakit na rin kay Kibuka ang pag-aalaga nito. Wala na siyang maipakain. Ngunit mabubuti
ang kaniyang mga kapitbahay at binibigyan ng pagkain ang baboy. Isang araw, nang papunta
si Kibuka sa sagradong puno, hindi sinasadyang nabundol sila ng isang motorsiklo. Hindi
naman lubhang nasugatan si Kibuka ngunit nagkamit ito ng sugat sa balikat. Nang
makabangon, agad niyang hinanap ang alaga. Narinig nila ang kakaibang iyak ng baboy na
kalaunan ay binawian rin ng buhay. Dumating ang mga pulis at pinayuhan si Kibuka na
magpagaling muna.
Ngunit inaaalala niya ang baboy. Ayaw niya sanang kainin ito dahil pagtataksil daw
iyon sa alaga. Ngunit naisip niyang ipakatay na lamang ito habang sariwa pa ang laman.
Ipinakain at inihanda niya ang karne ng alaga sa kaniyang mga kapitbahay na nag-alaga at
nagpakain sa baboy noong nabubuhay pa. Dumating ang kaibigang si Musisi at
nakapagkuwentuhan sila ni Kibuka. Napasarap ang pag-uusap nila at kinain rin ni Kibuka ang
pata ng alagang hayop.
- Mula sa https://www.panitikan.com.ph/ang-alaga-buod

Gawain 5.2 .Ilahad mo!

Panuto: Ilahad ang iyong damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa:

SARILI LIPUNAN DAIGDIG

D. Pagpapalihan

36
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Kumusta ang mga naging pagsasagot mo? Alam kong ginawa mo ang iyong
makakaya upang masagutan ang mga naunang gawain nang buong husay! Binabati kita! Sa
bahagi naman na ito aysubukin mong gumawa ng tula tungkol sa kahalagahan ng hayop.
Alamin mo pa ang buong detalye tungkol dito!.
Gawain 5.3
Panuto:Subukin mong gumawa ng tula tungkol sa kahalagahan ng pag-aalaga ng
hayop sa sarili, lipunan at daigdig. Maaari mong sundin ang ilang gabay sa pagsulat
na ito.

Gabay sa Pagsulat

1. Ang gagawing tula ay may sukat at tugma.


2. Ito rin ay naglalaman ng tayutay o idyoma.
3. Ang tula ay binubuo ng apat na saknong na tig-aapat na taludtod.
4. Iakma ang nilalaman sa paksa

PAMANTAYAN SA PAGSULAT

KRAYTIRYA PUNTOS

1.) May kaugnayan sa paksa 4 puntos


2.) Masining na paraan ng pagkakasulat 3 puntos
3.) Isinaalang-alang ang sangkap ng Tula 3 puntos
KABUUAN: 10 PUNTOS

E. Paglalapat
Gawain 5.4:Ibigay ang Natutuhan
Panuto: Kompletuhin ang mga pahayag sa ibaba upang lahatin ang natutuhan mo sa aralin.
Naunawaan ko na ______________________________________
Napagtanto ko na_______________________________________
Kailangan ko pang malaman na ____________________________

F. Mga Sanggunian
Aklat:
PIVOT Learner’s Packet (LeaP)
Link mula sa Internet:
www.panitikan.com.ph/ang-alaga-buod

37
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Aralin 5.2
A. Pamagat
Aralin: Pagpapahayag ng Damdamin at Saloobin
Panitikan: Dalawang Mukha ng Pandemya
B. Introduksyon

Magandang araw! Kumusta ka na? ngayon ay pinagpapatuloy natin ang ating aralin
para sa ikalimang lingo.Natalakay na natin ang maikling kwento at ipagpapatuloy natin ang
talakayan tungkol sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin. .
Sa araling ito, inaasahan na: a) Maipapahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa
kahalagahan ng akda sa 1.sarili 2. Panlipunan at 3. pandaigdig, b) .Mabibigyang kahulugan
ang damdaming nangingibabaw sa akda.

Hindi sapat na ang mag-aaral ay marunong bumasa at nakauunawa sa mga


binabasang akda. Mainam na sa mga binabasang akda ay nagkakaroon tayo ng damdamin
at saloobin at dapat din tayong maging mapanuri. At sa ating pagiging mapanuri makikita natin
ang kahalagahan ng isang akda sa ating sarili, sa ating lipunan, at maging sa daigdig.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Panuto: Basahin at suriin ang mga teksto. Piliin ang
titik ng tamang sagot.

Sarili

Nalaman ni Carla na hindi siya tunay na anak ng kanyang mga magulang. Sumama ang
kanyang loob. Inisip niyang maglayas at mamuhay mag-isa subalit napagtanto niya kung
gaano siya kamahal ng mga kinikilala niyang magulang. Naalala niya kung paano siya
inalagaan ng mga ito lalo na sa tuwing siya ay magkakasakit, kung paano siya ay
pinalaking mabuting bata at kung paanong ang lahat nang pangangailangan niya ay
ibinigay ng mga ito.

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Carla, ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ako aalis ng bahay dahil wala naman akong ibang pupuntahan
B. Lalayas ako at hahanapin ko ang tunay kong mga magulang upang
Makompleto ko ang aking pagkatao
C. Hindi ako maglalayas subalit hahanapin ko ang tunay kong mga magulang
D. Hindi ako aalis ng bahay at pahahalagahan ko ang ginawa ng mga
nag-aruga sa akin.
2. Ano ang mensaheng hatid ng teksto sa iyo bilang kabataan o mambabasa?
A. Huwag maging pasaway sa mga taong nag-alaga sa iyo
B. Hindi paglalayas ang solusyon upang mairaos mo ang iyong sama ng loob
C. Bigyan mo ng pagpapahalaga ang mabubuting gawa ng iyong kapwa
D. Ang pagmamahal ng pamilya ay mas nakahihigit kaysa anumang galit
Panlipunan

Nakakatakot na hindi natin nakikita ang virus na pumatay na ng ilang libong katao sa
ating bansa. Sa kabila ng pag-iingat at paalala ng gobyerno ay marami pa rin ang
mga taong
3. Anong matitigas
mensahe angang
naisulo at hindingsumusunod
iparating sa ipinag-uutos nito na tayo ay
teksto sa atin?
isailalim sa Enhance Community Quarantine (ECQ). Maraming
A. Huwag maging makasarili, alalahanin ang kaligtasan nainis
at kapakanan ng dahil
lahat hindi raw
sila makapaghanapbuhay subalit marami ang natuwa sa paghihigpit na ginawa ng
gobyerno dahil mahalaga sa kanila ang kapakanan at kaligtasan ng nakararami.
38
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

B. Huwag magalit sa ipinag-uutos ng gobyerno


C. Makinig sa ipinag-uutos ng gobyerno
D. Magpasailalim sa Enhance Community Quarantine (ECQ)

4. Ang unang pangungusap sa teksto ay nagpapahiwatig na .


A. Marami nang namatay dahil sa virus
B. Masyadong mapanganib kung ikaw ay madapuan ng nasabing virus
C. Marami ang natatakot sa virus
D. Laganap na ang virus sa buong bansa, sadyang mapanganib ito.

Pandaigdig

Nabahala hindi lamang ang ating bansa maging ang maraming bansa kabilang na
ang Amerika sa paglaganap ng pandemic na Covid-19. Napakalaki ang naging
epekto nito sa buong daigdig. Mapalad tayo na nabigyan tayo ng tulong ng mga Intsik
gayon din ng ibang bansa na nakisimpatya sa ating kalagayan bagama’t sila ay
nakaranas din ng nasabing pandemic.

5. Nagpapahayag ng ang huling pangungusap ng teksto.


A. Pagtutulungan ng iba’t ibang lahi
B. Pagiging mabuti ng mga Intsik
C. Pagiging mapalad nating mga Pilipino
D. Maraming bansa ang nakaranas ng pandemic

C. Pagpapaunlad
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Panuto: Basahin at unawain ang teksto pagkatapos ay
bigyan-kahulugan ang damdaming nangingibabaw sa akda. Piliin lamang ang titik ng
pinakawastong sagot.
Dalawang Mukha ng Pandemya
Buwan ng Marso nang magdeklara ng ECQ (Enhanced
Community Quarantine) ang ating gobyerno sa iba’t ibang lalawigan dahil sa pandemic na
Covid-19, isang virus na pumatay sa hindi lamang daan kundi libong katao sa buong mundo.
Marami ang natakot at nabahala subalit marami rin ang natuwa. May maganda at di
magandang dulot ang Covid-19. Ang di magandang dulot nito ay ang pagkamatay ng
maraming katao at ang malaking gastos ng pamahalaan para sa suportang ibinigay sa lahat
ng mamamayang apektado ng virus. Subalit marami rin naman ang natuwa. Para sa kanila,
nakahinga ang mundo sapagkat kaunting sasakyan lamang ang tumatakbo araw-araw at
maraming pabrika ang nagsara pansamantala. Ang bawat miyembro ng pamilya ay muling
nabuo at nagsama-sama; nagkaroon sila ng panahon para sa isa’t isa. Natutong magtanim
ng mga halaman at gulay ang mga mamamayan at higit sa lahat ay muling lumapit sa Diyos
ang mga tao upang manalangin. Nakita nilang sa ganitong pagkakataon ay Diyos lamang
ang higit na makatutulong sa atin dahil ang nasabing virus ay walang pinipili. Nakatutuwang
nakita natin kung paano ang bawat mamamayan ay nagtulungan katuwang ang suporta ng
ating pamahalaan.

39
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

1. Bilang miyembro ng pamilya, ano ang iyong gagawin kung nasa ECQ ang inyong lugar?
A. mananahimik na lamang sa bahay upang di maapektuhan
B. lalabas ako ng bahay upang kumita para sa aking pamilya
C. mananatili na lamang sa loob ng bahay at gawin ang pwedeng magawa rito
D. mananatili sa loob ng bahay at maghintay na lamang sa grasyang dadating
2. Ang Dalawang Mukha ng Pandemya bilang pamagat ng teksto ay nangangahulugang:
A. dalawa ang uri ng pandemya
B. mabuti at masamang dulot ng pagdating ng pandemya
C. dalawang reaksyon ng mga tao sa pandemya
D. taong bayan at pamahalaan ay nagtulungan

3. Bilang isang indibidwal, ano ang magagawa mo upang makatulong ka sa problema ng


bansa tungkol sa pandemya ?
A. Huwag maging pasaway sa magulang at pamahalaan
B. Manatili na lamang sa bahay
C. Magpokus na lamang sa gawaing bahay
D. Magbigay ng tulong pinansyal
4. Sa mga naging epekto ng pandemya, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam?
A. natutong maghalaman ang mga tao
B. natuto silang muling lumapit sa Diyos
C. natuto silang magtulungan
D. lahat ng nabanggit
5. Paano nakatulong sa buong daigdig ang naging sitwasyon?
A. maraming pamilya ang nabuo
B. lumapit ang mga tao sa Diyos
C. nagtulungan ang mga mamamayan
D. nakahinga ang mundo at nagkaisa ang mga tao
E. Pagpapalihan
Pagsusuri sa akda
Panuto Basahin at unawain ang akda sa ibaba.
Buod ng Ang Alaga
Hindi pa tanggap ni Kibuka na siya ay isa nang retirado. Gayunman, wala siyang magagawa
kung hindi tanggapin ang kapalaran.
Dinalhan siya ng kaniyang apo ng isang alagang baboy. Noong una ay ayaw niya ring
alagaan ito ngunit napilitan na rin siya.

40
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Pinakain niya ang baboy hanggang sa lumaki ito. Dahil sa di maawat na paglaki ng baboy,
naging pasakit na rin kay Kibuka ang pag-aalaga rito.
Wala na siyang maipakain. Ngunit mabubuti ang kaniyang mga kapitbahay at binibigyan ng
pagkain ang baboy.
Isang araw, nang papunta si Kibuka sa sagradong puno, hindi sinasadyang nabundol sila ng
isang motorsiklo. Hindi naman lubhang nasugatan si Kibuka ngunit nagkamit ito ng sugat sa
balikat. Nang makabangon, agad niyang hinanap ang alaga.
Narinig nila ang kakaibang iyak ng baboy na kalaunan ay binawian ring buhay. Dumating
ang mga pulis at pinayuhan si Kibuka na magpagaling muna.
Ngunit inaaalala niya ang baboy. Ayaw niya sanang kainin ito dahil pagtataksil daw iyon sa
alaga.
Ngunit naisip niyang ipakatay na lamang ito habang sariwa pa ang laman. Ipinakain at
inihanda niya ang karne ng alaga sa kaniyang mga kapitbahay na nag-alaga at nagpakain
sa baboy noong nabubuhay pa.
Dumating ang kaibigang si Musisi at nakapagkuwentuhan sila ni Kibuka. Napasarap ang
pag-uusap nila at kinain rin ni Kibuka ang pata ng alagang hayop.
Sanggunian-https://www.panitikan.com.ph/ang-alaga-buod
Gawain 5.3:
Panuto: Sumulat ng isang tala. Balikan ang maikling kuwentong pinag-aralang noong
nakaraang linggo na pinamagatang “Ang Alaga” mula sa East Africa ni Barbara Kimenye na
isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson.
Ano ang Kahalagahan ng paksa batay sa sarili, panlipunan, at daigdig
Rubriks sa Pagmamarka:

May lawak ang pagtalakay------------------------10

Malinaw ang pagpapahayag ng opinyon-------5

Wastong pagagamit ng bantas--------------------5

Kabuuan 20
E. Paglalapat:
Gawain 5.4: Damdaming pinahayag
Panuto:Piliinang titik ng damdaming na namamayani sa sumusunod na pahayag.
A. pagkainis
B. panghihinayang
C. pagkagalak
D. pagkalungkot
E. pag-aalala
1. “ Mahal ko ang aking trabaho, ayoko pa sanang magretiro”.

41
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

2. “Napakabuti mo, aking apo, ang biglang pagbisita mo na may pasalubong pa ay lubha
kong ikinatuwa”.
3. “Napakalakas namang maghilik ng baboy na ito, napuyat tuloy ako”.
4. “Mukhang hindi pa maganda ang lagay ninyo, bukas na lamang
kayo kukunan ng pahayag, magpahinga muna kayo.”
5. “Kailan man ay hindi pumasok sa aking isipan na kakainin ko ang aking alagang hayop.”
F. Sanggunian:
Learners Packet LeaP

www.panitikan.com.ph/ang-alaga-buod

Aralin 6

42
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

A. Pamagat
Aralin: Sanaysay
Panitikan: Nelson Mandela: Bayani ng Africa

B. Introduksyon

Magandang araw! Kumusta ka na? Naging madali ba sa iyo ang natapos na aralin? Marami
ka bang natutuhan sa natapos na aralin? Ngayon ay pinagpapatuloy natin ang ating bagong
aralin para sa ikaanim na linggo.Gusto mo na bang makilala si Nelson Mandela? Tara
simulan na natin!
Sa araling ito, inaasahan na:

a)Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang


akda
b)Naisusulat ang isang talumpati na pang SONA
c) Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa
paghahatid ng mensahe

Bago yan alamin muna natin kung ano ang sanaysay? Sagutan ang Gawain Bilang
1

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang may kaugnayan sa SANAYSAY.

kuro-kuro ideya isyu opinyon saloobin


talumpati tugma tauhan banghay sukat
balita pananaw

C. Pagpapaunlad

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Basahin at unawain ang teksto sa ibaba pagkatapos ay ihambing ang sanaysay sa
iba pang akdang pampanitikan. Lagyan ng (/) kung sa sanaysay lang ito makikita at (x) kung
nasa ibang akdang pampanitikan.
____1. Ito ay madalas na tungkol sa napapanahong isyu sa bansa.
____2.May sukat at tugma.
____3.Binubuo ng mga kabanata
____4.Ito ay maaaring pormal at di-pormal
____5.May Tauhan,tagpuan at banghay.

43
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Talakayan 1.1: Talumpati at Sanaysay


Ngayon naman ay alamin natin kung ano ang sanaysay.Basahin at unawaing
mabuti sanaysay, talumpati, tuwiran at di-tuwirang pahayag.
Ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ngmahahalagang kaisipan tungkol sa
paksang nais nitong talakayin. Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa
mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa na maaaring isulat nang
pabalangkas—isang lohikal o kaya’y kronolohikal at pangkalahatang paglalarawan ng
paksang isusulat.
Ang talumpati ay isang halimbawa ng sanaysay na nagpapahayag ng saloobin, kaisipan
at damdamin sa isang masining na pamamaraan. Ito ay kabuoan ng mga kaisipang nais
ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko. Ang mga kaisipang ito ay maaaring
magmula sa pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid, at mga karanasan.
Nakatutulong sa pagbibigay ng mensahe o impormasyon at pag- unawa ng isang diskurso
ang paggamit ng angkop na tuwiran at di- tuwirang pagpapahayag.
Ang tuwirang pahayag ay mga pahayag na may pinagbabatayan at may ebidensya kaya’t
kapani-paniwala.
Hal: Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa sa mga lalaking
Pilipino.
Samantala ang di-tuwirang pahayag ay mga pahayag na bagaman batay sa sariling
opinyon ay nakahihikayat naman sa tagapakinig o tagabasa.
Hal: Ang pagtaas ng bilihin ay maaaring maging dahilan upang mas maraming tao ang
magutom.

Pagbasa ng Akda
Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng talumpati.
Talumpati ni G. Nelson Mandela na binigkas niya noong Mayo 10, 1994 nang siya ay
pasinayaan bilang pangulo.
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum
(Mga Piling Bahagi Lamang)
Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga Kasama, at mga kaibigan…
Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa kasisilang
na kalayaan gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo...Tayo, ang
mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakan nang ibinalik sa
sangkatauhan ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay
binigyan ng bihirang pribilehiyong mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain. Sa wakas
ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika.Nangako tayong palalayain ang ating

44
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon.


Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan. Itinalaga natin
ang ating sarili sa pagbuo ng kumpleto,makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan.
Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan. Pumasok
tayo sa kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ngmamamayan ng Timog
Africa, itim man oputi, ay maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang
kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad – isang bansang maykapayapaang pansarili
at pambansa.
Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government of National
Unity ay sa panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya
ng mga taong kasalukuyang nakakulong. Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga
bayani ngbansang ito at sa iba pang bahagi ng mundo na nagsakripisyo at isinuko ang
kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya. Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki
sa karangalan at pribelehiyo na ikaw, mamamayan ng Timog Africa ay iginagawad sa atin,
bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyonng lahi, at pamahalaang
naniniwala sa pagkakapantay-pantay ngkasarian.Kailangan nating kumilos nang sama-sama
bilang nagkakaisang mamamayan para sa pambansang pagkakasundo-sundo, para sa
pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng bagong mundo. Maghari nawa ang
kalayaan. Pagpalain ka ng Diyos, Africa! Salamat.
- Mula sa http://www.anc.org.za/show.php?id=3132
D. Pagpapalihan:
Panuto: Ipagpalagay mong ikaw ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas at kailangan mong
sumulat ng iyong talumpating tatalakay sa ilan sa mga kasalukuyang isyung panlipunan tulad
ng pandemya, usaping pangkalusugan, kasalukuyang ekonomiya, edukasyon at iba pa.
Mandela. Gamitin ang mga tuwiran at di tuwirang pahayag. Ang iyong isinulat na talumpati ay
tatayain gamit ang rubrik sa ibaba.
Pamantayan sa Pagsulat ng Talumpati
1 2 3 4
Lohikal ang Magkakaugnay Di gaanong Magulo at di
nilalaman ng ang nilalaman lohikal at magkakaug-
talumpati ng talumpati magkakaug- nay nilalaman
nay ang ng talumpati
nilalaman ng
talumpati
Epektibong May kalinawan Di gaanong Malabo ang
naipaliwanag ang mensahe malinaw ang mensahe ng
ang mensahe ng talumpati mensahe ng talumpati
ng talumpati talumpati
Pinag-isipan ang Pinag-isipan May ilang Halatang hindi
pinaghandaan ang impormasyon pinag-isipan at
g mabuti ang pinaghandaan na hindi pinaghandaan
nilalaman ng ang nilalaman pinaghandaan ang talumpati
talumpati ng talumpati sa talumpati.
Kula gang
paghahanda
sa talumpati
Nakagamit ng 4 na Nakagamit ng 3-2 Nakagamit ng 1 Hindi nakagamit ng
tuwiran at 4 na di- tuwiran at di- tuwiran at di- tuwiran at di-

45
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

tuwirang pahayag tuwirang pahayag tuwirang pahayag tuwirang pahayag.

E. Paglalapat:

Panuto: Basahin at sagutin ang tanong sa ibaba.


1. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Timog Africa, ano ang iyong magiging damdamin sa
talumpati ni Mandela?
___________________________________________________________________
F. Sanggunian:
Learners Packet (LeaP)
Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral
www.anc.org.za/show.php?id=3132

Aralin 7

A. Pamagat

46
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Aralin 7: Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia : Nobela


Panitikan – Paglisan (Buod)

B. Introduksyon
Magandang Araw! Batid ko lubos ninyong natutunan ang natapos nating aralin. Ngayon
naman mas marami pa tayong kaalaman na matutunan at maidaragdag sa ating
kaalaman.Alam kong mas magiging mabunga ang gagawin nating pag-aaral.
Sa pagtalakay sa araling ito, inaasahan na natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng
Africa at Persia batay sa napakinggang dayalogo, Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela
batay sa pananaw/ teoryang pampanitikan na angkop dito , Nagagamit ang iba’t ibang batis
ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Africa at ng Persia.

Bago tayo magsimula nais ko muna n alamin ang mga bagay na sumisimbulo sa
tradisyon ng bansang Africa sa pamamagitan ng pagsagot sa Gawain 1.1

Pakikinig: Nobela: Paglisan (Things Fall Apart)


Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=M-rff56WJcc

Gawain 1.1: Pag-unawa sa Napakinggan


Panuto: Suriin ang mga pahayag. Piliin ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi
wasto.
1.Ang nobela ay akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati sa
kabanata.
2.Ang paniniwala ng tribo nina Okonkwo ay naniniwalang ang pagpapakamatay ay isang
malaking kasalanan.
3.Hindi maitururing sa malaking pagkakasala sa diyosa ng lupa ang pumatay at makapatay
ng kauri sa kanilang paniniwala.
4. Pagsunog sa mga kubo, hayop at ari-arian ay isa sa kanilang paraan upang linisin ang
nagawang kasalanan ni Okonkwo.
5.”Ayaw kong maging mahirap” Ito ang ikinintal ni Okonkwo sa kanyang isipan kaya siya
naging isang matapang at masipag na lider.

C. Pagpapaunlad
Talakayan 1.1 Ano ang Nobela at katangian nito?
Alam mo ba na…
Ang nobela ay isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga pangyayariing
pinagdikit sa pamamagitian ng balangkas.
Bukod rito, ang pangunahing layunin ng isang nobela ay ang paglahad ng hangarin ng bida
at kontra bida ng kuwento. Ito ay ginagawa sa isang malikhaing pagsasalaysay ng
pangyayari.
Ang bawat pangyayari ay may mahalagang papel na ginagampanan sa kabuuan ng nobela.
Mga Katangian ng Nobela:
▪ Madali at maayos ang pagkakasulat ng mga tagpo at kaisipan
▪ Nagsasalarawan sa lahat ng aspeto ng buhay
▪ Malikhain ang paglahad ng pangyayari
▪ Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
▪ Malinis at maayos ang pagka sulat
▪ Kaaya-aya
▪ Maraming magagandang tagpo kung saan higit na nakikilala ang mga tauhan

https://philnews.ph/2020/03/14/nobela-kahulugan-ano-ang-isang-nobela-mga-sagot/

47
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Talakayan 1.2 Mga Teoryang Pampanitikan


Mga Teorya sa Panunuring Pampanitikan
Panitikan
1. Teoryang Klasismo / Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng
estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid
at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

2. Teoryang Humanismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento, atbp.

Mga teoryang pampanitikan– Ang Mga Teorya ng Panitikan May iba’t ibang paliwanag ang
iba’t ibang mga kritiko at makata patungkol sa mga nasabing mga teorya ng panitikan. kayat
kahit anong sabihin ko baka magkamali lang ako ng aking mga magiging kasagutan
patungkol sa mga teorya ng panitikan. Narito ang aking mga pahayag sa mga teorya ng
panitikan na malimit na gamitin sa ating mga akdang pampantikan

1. Klasismo– Ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang manunulat. Mga halimbawa nito ay
ang MARS CITY, FUSE BOX, POSPORO.
2. Humanismo– Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng Humanismo,
pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang ma-ipagkaloob
sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.
Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong nakapag-aaral dahil kinikilala
ang kultura.
Ang humanismo ay nakatuon sa mga tao at ginagamitan ito ng ideya ng mga tao.
3. Imahismo– Naipapahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong
paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya
4. Realismo– Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.
Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging
makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang
sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.
5. Feminismo– ang Feminismoay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang
babae sa isang kuwento o akda.
6. Arkitaypal– Teoryang Arkitaypalv Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta
masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam…
7. Formalismo – ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri;
samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. ang
tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang: nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng
pagkakasulat ng akda..
8. Sosyolohikal– Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang
dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin sy nsgiging salamin sa mga tunay na nangyayari
sa lipunan. Sa kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio Sikat ay masasalamin ang aktwal na
pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.
9. Eksistensyalismo– hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at
binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran
10. Dekonstraksyon– -ito ay teoryang pangpanitikan na pwede mong baguhin ang
katapusan at pwede ka ding mag dagdag nga mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhain
ang mga namatay na sa akda!
11. Romantisismo– ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong ikalawang hati
ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang klasismo sapagkat ang higit

48
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang


romantisismo ng pag-ibig sa kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan,
paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga
bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at paimbabaw na
kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-aangkin ng kapuri-puri at
magagandang katangian, inspirasyon at kagandahan.
12. Marksismo- inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang
akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at
mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang
bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa
teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping
lakas.
13. Historical– ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang ginamit
sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga pagbabago sa paggamit ng
mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura na may kinalaman sa mga pagbabagong
nagaganap sa ating bayan, kasama rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan,
ekonomiya, edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya

https://www.facebook.com/PanitikanSaFilipinoIvViii/posts/mga-teoryang-pampanitikan-at-
mga-uri-nito-ikaapat-na-taonmga-teoryang-pampanitik/284937934985810/

Gawain 1.2: Pagtukoy sa Teorya


Panuto: Tukuyin ang teoryang pampanitikan na masasalamin sa
bawat bilang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
Realismo Eksistensiyalismo Humanismo

1. Mas pinili ni Marga ang magpatuloy sa kanyang pag-aaral sa


kabila ng dinaranas na sitwasyon ngayon.
2. Marami sa mga mag-aaral ang hindi nakapapasok sa klase dahil
sa mahinang koneksyon sa internet.
3. Nakiisa si Jose sa ipinatutupad ng IATF upang malabanan ang
sakunang dulot ng COVID -19. Sapagkat naniniwala siyang sa
kaniyang pagsunod ay makatutulong siya hindi lamang sa
kaniyang sarili kundi sa buong bansa.
4. Pinili na lamang ni Carlo ang modular learning upang
makatulong siya sa kaniyang magulang sa paghahanapbuhay.
Nawalan kasi ng trabaho ang kaniyang ama dahil sa pandemya.
5. Nahihirapan ang mga mag-aaral sa sitwasyon ng pag-aaral
ngayon. Sa modular self-learning walang magpapaliwanag sa
kanila kung paano. Sa Online learning, internet naman ang kanilang suliranin.

D.Pagpapalihan
Kumusta ang iyong pagsagot sa mga gawain? Sa pagkakataong ito ay lagyan mo ng
angkop na paliwanag ang mga tradisyon ng Africa.

Gawain 7.3: Ipaliwanag ang tradisyon

49
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na tradisyon mula sa Africa. Ang mga kasagutan ay
tatayain gamit ang rubric sa ibaba.
1 2 3 4
Naipaliwanag nang Naipaliwanag ang Hindi masyadong Malayo ang
wasto ang mga mga tradsiyon naipaliwanag ang ginawang
tradisyon ng Africa at bagaman hindi mga tradisyon at pagpapaliwanag sa
naibigay ang mga masyadong hindi rin mga tradisyon ng
detalye nito. naipaliwanag ilang naipaliwanag ang Africa.
detalye nito. detalye nito.

TRADISYON PALIWANAG

1. Pagsasalo sa alak na gawa sa palm at


koala nuts sa tuwing may pag-uusapang
mahalagang bagay.
2.Paggamit o pagbigkas ng mga Igbo ng
mga sawikain kapag dumarating ang mga
maniningil ng utang.
3.Pagkunsulta sa Orakulo ng mga Igbo bago
lumusong o magdeklara ng giyera.
4.Pagkakaroon ng kinikilalang relihiyon.
5.Pagsunog sa mga ari-ariang maiiwan ng
nagkasala kapag siya ay naipatapon.

E. Paglalapat
Gawain 7.4: Ibahagi ang Natutuhan
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang tanong at pagkatapos ay ipaliwanag ito. Ilagay
ang sagot sa ibabang bahagi.

1.) Bilang isang mag-aaral, anong mahalagang aral ang iyong natutuhan sa
mitolohiyang tinalakay?

2.) Paano mo ito magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay?

F.Sanggunian
Aklat

Filipino_ikasampung Baitang, Modyul para sa Mag-aaral: Unang Edisyon 2015

50
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Internet

www.facebook.com/PanitikanSaFilipinoIvViii/posts/mga-teoryang-pampanitikan-at-mga-uri-
nito-ikaapat-na-taonmga-teoryang-pampanitik/284937934985810/
www.philnews.ph/2020/03/14/nobela-kahulugan-ano-ang-isang-nobela-mga-sagot/
/www.youtube.com/watch?v=M-rff56WJcc

Aralin 8
A. Pamagat
Aralin: Pagsusuring Pampelikula
Gramatika: Pang-ugnay

51
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

B. Introduksyon

Magandang araw! Kumusta ka na? masaya ako at narrating mo na ang ikawalong lingo ng
ating aralin para sa ikatlong markahan.
Alam ko na marami ka ng natutuhan at nais ko na ito ay lalong madagdagan pa.
Kaya pag-aaralan natin ngayon kung paano sumulat ng isang suring pampelikula.
Sa araling ito, inaasahan na: a) Masusuri ang napanood na excert ng isang
isinapelikulang nobela, b) Mailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata
gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula.

Gawain 8.1: Hula-ooppss!


Hulaan ang tinutukoy ng saknong sa ibaba

Gamit sa teatro at telebisyon Artistiko at produktibong solusyon


Sa komersyo’y mainam na produksyon Sa kalusugan bawas alta presyon Sa mga
bata ay isang atraksyon Karilyo ito noong unang panahon
Ano ito sa ating panahon?
Sagot: _____________________

C. Pagpapaunlad
Talakayan 1.1: Panunuring Pampelikula

• Ang panunuring pampelikula o panunuri ng pelikula (Ingles: movie criticism)


ay ang ebalwasyon ng isang pelikula. Ang mga tao na nagsusulat sa
mga pahayagan at mga magasin ng kanilang mga opinyon hinggil sa mga pelikula,
o tumatalakay na patungkol sa mga pelikula sa kanilang mga
programang pantelebisyon, pang-Internet, o pangradyo ay tinatawag na
mga manunuri ng pelikula. Ilan sa mga kritiko ng pelikula ang nagsusulat ng
mga aklat hinggil sa mga pelikula at sa kasaysayan ng mga pelikula
• Dalawang Mahalagang Hakbang Bago Magsulat ng Rebyo ng Pelikula

1. Tangkilikin at pahalagahan ang pelikula ( film appreciation). Walang


maisusulat na rebyu kung hindi mo napanood ang pelikula. Ang pagsulat ng
rebyu ay isang pasyon at sining ng pagtangkilik ng pelikula.
2. Alamin ang ibat ibang elemento ng pelikula. Katulad ng ibang sining,
mayroong banghay at elemento ang pelikula na kailangang matutunan ng
isang rebyuwer. Dahil dito nagmumula ang lalamanin ng teksto ng sasalating
papel.

Elemento ng Pelikula

52
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

1) Pamagat ng Pelikula – ito ay naghahatid ng pinakamensahe ng pelikula. Ito ang


nagsisilbi ring panghatak ng pelikula.
a) Ito ba ay angkop sa pelikula?
b) Nakakatawag ba ito ng pansin?
c) Mayroon ba itong simbolo o pahiwatig?
2) Tema/Paksa – ito ang pinakapaksa, layunin, o mensahe ng isang pelikula. Ito ang diwa,
kaisipan, at pinakapuso ng isang pelikula.
a) Napapanahon ba ang paksa?
b) Malakas ba ang dating o impact sa manonood kung saan ito ay nakatitimo sa isip?
c) Akma ba ang tema sa panahon kung kalian ito nagawa o akma ito sa lahat ng
panahon?
3) Tauhan at Pagganap – ang mga tauhan ay ang mga taong gumaganap sa iba’t ibang
katauhan o karakter ng isang pelikula, samantalang ang pagganap ay ang mahalagang
bahaging ginampanan sa ikagaganda ng isang pelikula. Binibigyang-lalim at bisa ng
pagsasabuhay sa mga karakter ang mga emosyon, diwa, saloobin, sa dimension ng
pag-arte. Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga
katangin ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida
(antagonista)?
a) Malinaw ba ang karakterisasyon ng tauhan?
b) Makatotohanan ba ang mga ito?
c) Angkop ba ang pagganap ng mga artista sa pelikula?

4) Editing – masasabing maayos ang pagkaka-edit ng pelikula kung angkop ang


pagkakasunod-sunod ng mga eksena o kuha kapag pinagsama-sama na ang mga ito.
Ang editor ang naghahati ng pagkakasunod-sunod ng mga eksena, kuwento, at
kabuuan ng pelikula. Sa isang mahusay na editing, ang mga eksenang kailangan ay
mahalagang tinitimbang nang hindi isinasakripisyo ang kabuuang estetiko.
5) Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang
tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
a) Mahusay ba ang anggulong kinunan?
b) Naipakita ba ng mga camera shots ang mga bagay o kaisipang nais palutangin?
c) Ang lente ba ng kamera ay na-adjust para sumunod sa galaw ng artista?
6) Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng
tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood.
Kabilang dito ang paglalapat ng tunog ng pelikula, pagpapalit-palit ng eksena, special
effects.
a) Akma ba ang musika at nababagay sa tema at eksenang ipinakikita sa pelikula?

53
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

b) Ang ilaw ba at tunog ay akma sa eksena?


c) Akma o makatotohanan ba ang special effects, blasting; pagkawala, pagliit ng
bagay, animasyon, make-up ng mga artista; paggamit ng computer graphics at iba
pa.
7) Direksyon – ito ay tumutukoy sa paraan kung paano inihatid ng director ang mensahe
ng kuwento sa pamamagitan ng lengguwahe ng pelikula. Ang director ang itinuturing na
“kapitan ng barko” na responsable sa pagtatamo ng kaisahan ng bawat tagpo o eksena
sa sistemang audio-visual. Pananagutan ng director na tumugon sa hamon ng sining.
8) Tagpuan o Panahon (setting) – binibigyang-pansin ang lugar na pinagdausan ng
pelikula.
a) Angkop ba ang lugar sa kuwento?
b) Naging matipid ba o magastos sa produksyon?
c) Naging makatotohanan ba ang depiksyon sa panahon?

Sa pagsusuri ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa mga detalyeng


nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang nakita sa pelikula o
mga kahinaan nito. Sa pagpapaliwanag maaring gumamit ng mga pang-ugnay upang
madaling intindihin ng mga mambabasa.

Pang-ugnay– Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang


yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Ang pang-ugnay ay isang bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga salita, sugnay, o


pangungusap. May tatlo itong uri – ang pangatnig, pang-angkop, at pang-ukol.
Pinagdudugtong nito ang mga salita na may kaugnayan.
Pang-angkop
Ito ang pagdudugtong ng mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng ng, na, at -
g para mas maging madulas ang pagkakasambit.
Halimbawa: magandang dalaga; angking talento, magandang gabi, tanyag na artista,
magaling na pintor
Pangatnig
Ito ang nag-uugnay ng salita sa kapuwa salita, parirala sa kapuwa parirala, sugnay sa
kapuwa sugnay, o pangungusap sa kapuwa pangungusap. Ang pitong uri nito ay:

▪ pamukod – gumagamit ng o, ni, maging, at man para sa pagpili, pagtatakwil,


pagbubukod, o pagtatangi
▪ panimbang – gumagamit ng at at saka para sa dalawang salita o kaisipan na
magkasinghalaga

Halimbawa: Ikaw at saka si Ben ay parehong mabait at magalang.


▪ panubali – gumagamit ng kung, kapag, tila, at sana para magsabi ng pag-aalinlangan

Halimbawa: Pupunta ako sa gimik kapag pupunta rin si Kuya Allan.


▪ paninsay – gumagamit ng ngunit, subalit, at samantala para sa mga magkasalungat

54
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Halimbawa: Gusto ko siya ngunit hindi niya ako gusto.


▪ pananhi – gumagamit ng dahil sa, sanhi ng, sapagkat, at palibhasa para
mangatwiran

Halimbawa: Wala siyang reaksyon palibhasa ay hindi siya ang nawalan.


▪ panapos – gumagamit ng sa wakas at sa lahat ng ito para magpahiwatig ng
pagtatapos

Halimbawa: Matapos ang isang awiting, sa wakas ay makakapagpahinga na rin.


▪ panlinaw – gumagamit ng kung gayon, samaktwid, at sa madaling salita para
magpaliwanag ng bahagi o kabuuan

Halimbawa: Hindi ko siya gusto kaya sa madaling salita, hindi kami magkakatuluyan

Gawain 8.2
Panuto: Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang talata. Piliin
ang sagot sa talaan ng pagpipilian at isulat sa sagutang papel.

Pagpipilian: At nang na kahit kung ngunit

1. Sa nobelang isinulat ni Achebe matagumpay na nailahad ang kagiliw-giliw tradisyon ng


mga taga-Africa.

2. Sa simula ay negatibo ang ipinamalas ni Okonkwo, lumitaw naman sa kabuoan ng


nobela, siya ang protagonista.

3. Susuriing mabuti, kapansin-pansin ang isa pang kultura na mababanaag sa mga taga-
Umuofia.

4 – 5. Akala ng mga Kanluranin, ang mga taga-Africa ay likas na tahimik malinaw na


ipinakita ni Achebe ang kabalintunaan nito sa ugaling taglay ng Umuofia na sila ay may
komplikadong wika, punong-puno ng talinghaga
may masining na paraan ng pagpapahayag

D. Pagpapalihan
Gawain 8.3: Pagsususirng Pampelikula

Panuto: Basahin at suriin ang isang excert ng pelikula at subukang suriin ito batay sa format
na ibinigay. Tandaan ang dalawang mahahalagang hakbang bago suriin ang isang pelikula
Sarah, Ang Munting Prisesa
isinulat ni Shaira Mella-Salvador
sa Direksyon ni Romy V. Suzara gamit ang format sa ibaba

SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE DAY.


Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (doll). Hustong nakalabas na ng office ni
Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main entrance. Sarah sees him.
SARAH: Papa! Papa!

55
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Mr. Barrow does not look back. Tuloy-tuloy ito sa paglalakad.


Sarah runs after him.
Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns around to look at her. Show the
surprise and the disappointment on Sarah’s face. Mr. Barrow shakes his head and sadly walks
away.
SEQ. 19-B. INT. MINSIN’S OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss Amelia is depressed
about Sarah’s situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan natin siya Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr. Barrow… walang
kukupkop kay Sarah.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa banko ang eskwelahang ito… baon na
baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na ang utak mo, Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang kunsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni
Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s presence.
Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia sees her.
MISS MINCHIN: Sarah…
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away, clutching
Emily close to her.
Mula sa Aklat Para sa Mag-aaral Filipino 10 pahina 327

Pormat sa Pagsusuring Pampelikula


Pamagat
L. Mga Tauhan
II. Buod ng Pelikula
III. Banghay ng mga Pangyayari
a.Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
f. Mga Ibinunga
IV. Paksa o Tema
V. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
c. Visual Effects
d. Set Design
VI. Kabuuang Mensahe ng Pelikula

Rubriks sa Pagmamarka

Kawastuhan ------------------ 10
Kalinawan ---------------------- 5

56
Filipino 10 – Gabay sa Asignatura

Pagkamalikhain---------------- 5

Kabuuan 20
E.Paglalapat
Panuto: Kompletuhin ang pahayag batay sa natutuhan sa aralin:
Naunawaan ko na _____________________________________________________ .
Napagtanto ko na _____________________________________________________ .
Kailangan ko pang malaman na __________________________________________.

F. Sanggunian:
Learner Packet (LeaP)

Internet
www.philnews.ph/2022/01/10/ano-ang-pang-ugnay-at-mga-halimbawa-nito-sa-
pangungusap/
www.tl.wikipedia.org/wiki/Panunuring_pampelikula

57

You might also like