You are on page 1of 3

Panuntunan sa Timpalak ng Satulawit

 Ang lahat ng kalahok ay marapat na lehitimong mag-aaral ng APC sa ilalim ng


programang Senior High School.
 Ang bawat klase ng Grade 11 at Grade 12 ay marapat na makabuo ng isang grupong
mayroong 10-15 na miyembro lamang.
 Bawat pangkat ay kinakailangang mahati sa 3 pangsyon:
a. Mga miyembrong mang-aawit
b. Mga miyembrong mananayaw
c. Mga miyembrong musikero
 Magkakaroon ng sagisag kulay at salita ang bawat pangkat bilang simbolong
magpapakilala sa kanila.
 Makatatanggap ang bawat pangkat ng iisang pyesang patula, tatlong linggo bago ang
patimpalak. Kinakailangan itong lapatan ng tono (paawit) at sasabayan ng galaw at kilos
(pasayaw).
 Ang bawat grupo’y maaaring gumamit ng live music o recorded piece ng orihinal na
kinatha.
 Ang patimpalak ay mahahati sa dalawang bahagi:
o Paunang Pagtatanghal (elimination round) – kabuuhang 26 seksyon ng Senior
High School ang maglalaban-laban.
o Pinal na Pagtatanghal (Final round) – 10 napiling seksyon ng Senior High
School mula sa paunang pagtatanghal ang maglalaban-laban.
 Ang timpalak ay magaganap sa Silid Tanghalan (Auditorium) na itinalaga ng mga
kaguruan.
 Bawat pangkat ay bibigyan lamang ng 3 minuto at hindi lalampas ng 5 minuto. May
katumbas na kabawasang isang puntos ang bawat tatlumpung segundong lumabis o
kumulang sa talagang oras.
 Ang hatol ng hinampalan ay pinal at hindi na maaaring baguhin pa.
Panuntunan sa Timpalak ng Satulawit

PAMANTAYAN KATUMBAS NA PUNTOS


Orihinalidad at Istilo 35%
Kasiningan at kaayusan ng paglalahad ng ideyang iba
sa madalas nang naipamamalas upang maipangibabaw
ang diwa at kaisipang maka-Pilipino.
Kaisahan at Kaangkupan 25%
Kakayahang maipakita ang tunguhin ng pagtatanghal sa
kabila ng pagkakaroon ng paghahati-hati ng mga
pangsyon; At mapanatili ang mensahe ng piyesang
nilapatan ng bagong bihis at istilo.
Tunog at Kilos 20%
Sa bahaging ito ipakikita ang ayos at linaw ng
pagpapahayag ng orihinal na tunog-komposisyong
nailalapat sa himno ng pagkumpas.
15%
Hikayat sa madla

Kasuotan 5%
Marapat na makita ang sagisag kulay at salitang napili
bilang pagkakakilanlan.
KABUUAN: 100%

AKO’Y WIKA
Ni: Kiko Manalo

I
Wikang Filipino ang aking pangalan,
Ipinanganak ko itong kalayaan,
Panuntunan sa Timpalak ng Satulawit

Ako ang ina at siyang dahilan,


Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!

II
Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw
Sa bansang tahanang iyong tinatanaw,
Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,
Nagbibigay-sigla’t buting sumasaklaw!

III
Ako rin ang ama at naging haligi,
Ng mga sundalo at mga bayani,
Sa digmaan noon sa araw at gabi,
Ako ang sandatang nagtaas ng puri!

IV
Pagkat akong wika ang lakas mo’t tuwa
Ako’y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita,
Ligtas ka sa uring luksong masasama!

V
Sinalita ako at gamit ng lahat,
Upang mga taksil ay maisiwalat,
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s’yudad,
Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!

VI
At nakamit mo na ang hangad na laya,
Mula sa dayuhang sakim at masama,
Dilim na sumakop sa bayan at bansa,
Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!

VII
Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,
Panlahat na wika saan man bumagtas,
Ilaw na maalab sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas!

You might also like