You are on page 1of 21

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 9
Tula mula sa Timog-Silangang Asya

Unang Markahan
Ikalimang Linggo
Modyul 5

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag at
nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano
2. Naiuugnay ang sariling damdamin at naisusulat ang ilang taludtod
tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong
Asya
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng
modyul.

2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa


inyong kuwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito
dahil madali mong matatandaan ang mga araling pinag-aaralan.

3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.

4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa


iyong mga kasagutan.

5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang


malaman ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging
batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay
para lalong maunawaan ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay
magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay at
pakikipagtalastasan gawain.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Panimulang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng
mga bagong kaalaman , kasanayan at konseptong kailangang
malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga
dating kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo
nang may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na
natutuhan mo ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsubok – dito masusukat ang iyong lawak ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-
aaral sa kanyang pinag-aaralang modyul.
ARALIN Pag-unawa sa
1 Magkakasingkahulugang Pahayag
Inaasahan

1. Naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa isang


taludturan
2. Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang binasa

Unang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang pinakawastong
kasagutan. (Mapanuring Pag-iisip)
1. Isa itong uri ng panitikan na kadalasang may taludtod, saknong, sukat, at
tugma.
A. Alamat C. Tula
B. Nobela D. Dula

2. “Kulturang gagalang sa mga bata’t matanda.


kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan”
Aling salita sa taludturan ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Matanda C. Rerespeto
B. May kapansanan D. Kultura

3. Alin ang kasingkahulugan ng pariralang may salungguhit? “Kulturang may


lambing ng pagsuyo at tangis ng pamamaalam.”
A. Biglaang paghihiwalay
B. Matinding kalungkutan
C. Labis na pag-iyak
D. Malungkot na pag-alis

4. “Sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang nakararanas ng hirap dahil sa


nagaganap na pandemya sa buong mundo. Sa kabila nito, maraming Pilipino pa
rin ang mas pinipiling tumulong at magbigay ng suporta sa kapwa Pilipino.”
Anong kulturang Pilipino ang ipinamamalas sa nabasang pangungusap?
A. Pagiging matatag
B. Bayanihan
C. Maka-Diyos
D. Makabayan

5. Bilang isang kabataang Asyano, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa


iyong kultura?
A. Pagtangkilik sa sariling produkto
B. Pagpapanatili ng kaugalian at paniniwala
C. Paggalang sa mga tradisyon at pananampalataya
D. Lahat ng nabanggit

1
Balik-tanaw

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya.


Bilang isang mamamayan ng nasabing rehiyon, marapat lamang na batid mo ang
iba’t ibang mahahalaga at natatanging kultura na mayroon dito at sa mga bansa sa
Timog-Silangang Asya. (Mapanuring Pag-iisip, Pagtutulungan)

Gamit ang grapikong pantulong sa ibaba, magsaliksik at punan ng


natatanging kultura ang bawat bansa.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2
Maikling Pagpapakilala sa Aralin
Mayaman ang panitikan ng ating bansa lalo na kung ang ating pag-uusapan
ay ang mga tula. Basahin at unawain mo ang isang halimbawa ng tulang
naglalaman ng mga magkakasingkahulugang pahayag:
(https://lrmds.deped.gov.ph/grade/9) (Mapanuring Pag-iisip, Pakikipagtalastasan)

Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan,


at Buhay ng Kinabukasan
ni Patrocinio V. Villafuerte

NOON, ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton,


isang pagtahak sa matuwid na landas upang marating ang paroroonan
gaano man ito kalapit, gaano man ito kalayo
gaano man ito kakitid, gaano man ito kalawak
kaunti man o marami ang mga paang humahakbang
mabagal man o mabilis, pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
ang bawat paghakbang ay may patutunguhan.
ang bawat paghakbang ay may mararating.
ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan.
hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan
paghakbang na pinuhunanan ng pawis, dugo at luha
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok,
pangamba at panganib
mula pa sa panahon ng kawalang-malay
hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at kasarinlan
at hanggang sa kontemporaryong panahon ng makinasyon
sumibol ang kayraming kulturang sinangkutsa sa ating diwa’t kamalayan
kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,
may haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo
at tangis ng pamamaalam.
ito ang ating tinalunton, ito ang bunga ng ating paghakbang:
ang kulturang ipinamana sa atin ng nakaraan.

NGAYON, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,


binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa
nagbabanyos sa ating damdamin
nag-aakyat sa ating kaluluwa
sinubok ng maraming taon
inalay sa mga bagong sibol ng panahon
anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian
ang kultura’y pinayayabong
nang may halong sigla at tuwa,
nang may kasalong pagsubok at paghamon

3
kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na kilos
kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon
kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang-bayan
kulturang pinaaawit ng pasyon at pagsasabuhay ng Poon
kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon:
pampamilya, pang-eskuwela, pampolitika, panrehiyon at pambansa
na dinilig ng maraming pagpapaalala, paggabay at patnubay
at pinayaman ng makukulay na karanasan
kulturang inihain at tinanggap, sinunod at isinakatuparan
ito ang regalo ng kultura
regalo ng kasalukuyan.

BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan


at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapasanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla. kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulung-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri
ng lahing marangal.

Naibigan mo ba ang binasa mong tula? Tunay na kakikitaan natin ito ng


iba’t ibang kultura sa bawat panahon ng ating kasaysayan. Ngunit maliban dito,
mapapansin mo rin na ang tula ay naglalaman ng iba’t ibang
magkakasingkahulugang pahayag. Basahin mo ang maikling pagtalakay tungkol
dito.

Ang mga magkakasingkahulugang pahayag ay tumutukoy sa mga


pahayag o taludtod na may parehas na kahulugan. Gumagamit ng
magkakasingkahulugan na pahayag sa isang talata o saknong upang lalong
mapaigiting ang kahulugan o tinutukoy nito. Sa ganitong paraan, mas
nabibigyan ng pokus ang kahulugan na nais ipabatid ng may-akda.

Ang pagpapahayag ng sariling pananaw ay isang kasanayan na


mahalagang matutuhan upang magkaroon ng mabisa at maliwanag na
komunikasyon. Sa pagpapahayag ng sariling pananaw, kinakailangan ng
mayamang impormasyon at malalim na pag-unawa sa isang paksa bago
makapagpahayag ng wasto at matalinong pananaw.

4
Gawain
Gawain 1:
Panuto: Piliin sa taludturan ang magkakasingkahulugang pahayag at ipaliwanag
kung paano ginamit sa akda. (Mapanuring Pag-iisip)
1. “Hindi na mabilang ang paghakbang na naganap sa ating kasaysayan,
ang paghakbang na pinuhunan ng pawis, dugo, at luha,
paghakbang na kinamulatan ng maraming pagsubok.”
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. “Diwang marangal ang ipinupunla, kariringgan ng maraming wika,


magkakapantay sa kalayaan at karapatan,
magsama-sama, magkapit-bisig, magtulung-tulungan.”
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. “Kulturang gagalang sa mga bata’t matanda,


kulturang rerespeto sa mga babae’t may kapansanan,
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran.”
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. “Kulturang may ritmo ng pag-awit, may kislot ng pagsayaw,


May haplos ng pag-aalay, may lambing ng panunuyo.”
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. “Kulturang inihain at tinanggap,


Sinunod at isinakatuparan.”
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 2:
Panuto: Isa-isahin ang mga panahon na binanggit sa binasang tula at tukuyin ang
mga katangian/kulturang Pilipino ang namayani sa bawat panahon.
Pagkatapos, ipahayag ang iyong pananaw kung paano nakaapekto sa
pamumuhay ng mga Pilipino ang mga kulturang ito. (Mapanuring Pag-
iisip)

Kulturang Pilipino

Noon

Ngayon

Hinaharap

5
Pananaw:_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Tandaan

1. Ang paggamit ng mga pahayag na magkakasingkahulugan ay nakatutulong


upang lalong maging masining at mapalalim ang isang tula.
2. Ang pagpapahayag ng sariling pananaw ay isang kasanayan na lubhang
mahalaga para sa isang mag-aaral. Ang mabisang pagpapahayag ng
pananaw ay nagbubunga mula sa malalim na pag-unawa sa mga naririnig o
nababasang impormasyon.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Bumuo ng isang acrostic gamit ang salitang Kultura. Tiyaking


nakapaloob ang kultura, paniniwala, at tradisyon bilang
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. (Pakikipagtalastasan,
Pagtutulungan)

K
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

U
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

L ___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

T
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

U ___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

R
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

A ___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

6
Pangwakas na Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. (Mapanuring Pag-iisip)

1. Tulang nagpapahayag ng pagpapahalaga o maaaring pagkamuhi ng makata o


may-akda sa isang kalagayan, pook, o pangyayari.
A. Tulang nagsasalaysay C. Tulang patnigan
B. Tulang pandamdamin D. Tulang naglalarawan

2. “At ako’y umalis, tinunton ang landas,


Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak.”
Ano ang kasingkahulugan ng pariralang may salungguhit?
A. Natuwa C. Nalungkot
B. Nagalit D. Natakot

3. “Anumang kulay, anumang lahi, anumang edad, anumang kasarian,


ang kultura’y pinayayabong,
nang may halong sigla at tuwa.”
Aling dalawang kaisipan ang magkasingkahulugan?
A. Kulay at edad?
B. Edad at kasarian
C. Lahi at kulay
D. Kasarian at lahi

4. Ang mga pahayag na magkakasingkahulugan ay ginagamit upang mapasining at


mapalalim ang kahulugan ng isang tula. Alin sa mga pahayag ang gumagamit
nito?
A. “Mula pa sa panahon ng kawalang-malay,
hanggang sa panahon ng walang humpay na pananakop,
digmaan at kasarinlan.”
B. “Ngayon, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,
binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa.”
C. “Ang bawat paghakbang ay may patutunguhan,
ang bawat paghakbang ay may mararating.”
D. “Ang kulturang pagyayamanin ng ating lahi
ng lahing magiting, ng lahing kapuri-puri.”

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa


kulturang tinataglay bilang isang Asyano?
A. Pagtangkilik sa sariling produkto
B. Pagpapanatili ng kaugalian at paniniwala
C. Paggalang sa mga tradisyon at pananampalataya
D. Pagsuporta sa kaisipang kanluranin

7
Papel sa Replektibong Pagkatuto

Panuto: Sa binasang tula ano naging bisa sa iyo ayon sa hinihingi sa ibaba at
bigyan ng maikling pagpapaliwanag. (Pagbuo ng Katauhan)

8
ARALIN Pagpapahayag ng Damdamin o
2 Emosyon sa Tula

Inaasahan

1. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa


napakinggang tula
2. Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa
pagiging mamamayan ng rehiyong Asya (Pilipino/Manileño)

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang
sagot. (Mapanuring Pag-iisip)
1. Isa itong uri ng panitikan na kadalasang may taludtod, saknong, sukat, at
tugma.
A. Alamat C. Tula
B. Nobela D. Dula

2. “Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas


Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Anong damdamin ang namamayani sa binasang saknong?
A. Kagalakan C. Galit
B. Kalungkutan D. Panghihinayang

3. “At ako’y lumakad, halos lakad takbo,


Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao…”
Tukuyin ang damdamin na madarama sa saknong.
A. Pag-aalinlangan
B. Kalungkutan
C. Paghihinagpis
D. Pananabik

4. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang uri ng paraan ng pagpapahayag ng emosyon


o damdamin maliban sa isa.
A. Mga Pangungusap na Padamdam
B. Malulungkot na Sambitla
C. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin
D. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Hindi Tuwirang Damdamin

9
5. Bilang isang kabataang Asyano, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa
iyong kultura?
A. Pagtangkilik sa sariling produkto
B. Pagpapanatili ng kaugalian at paniniwala
C. Paggalang sa mga tradisyon at pananampalataya
D. Lahat ng nabanggit

Balik-tanaw
Higit na mabisa ang pagpapahatid ng damdamin ng isang tula lalo
kung ito ay mahusay na nabigkas. Buksan mo at panoorin ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=_S05ZcMkSTY upang mapanood ang
isang halimbawa ng tulang binibigkas. (Mapanuring Pag-iisip,
Pakikipagtalastasan)

Larawan sa Alapaap
ni Benilda Santos

Matuto sana tayo sa ibon.


Sa paglipad, laging bukas ang mga pakpak at
ang tuka nakaturo sa hinaharap.
Tinitiis ang hilam ng hangin.
Hinihigop pati lamig ng papawirin.
Umiiwas sa ‘di inaasahang sanga.
Pumapakabila sa bakod nang habol-hininga.
At sakali mang ang ipinukol na bato’y ‘di mailagan,
ang pagtalima sa pagkabali ng leeg,
pakpak, o tadyang ay banayad at mahinahon.
Tulad ng paghuni nito sa mga dapithapong
makapal ang madilim na ulap at bendisyong
mahiwaga ang bumababang ambon.

Mula sa tula, subukin mong sagutin ang mga sumusunod na Gawain.

Damdaming Nadama Damdaming Namayani sa Tula

Kongklusyon

Pagkakatulad Pagkakaiba

10
Maikling Pagpapakilala sa Aralin

Tiyak akong naiugnay mo ang iyong damdamin mula sa napakinggan mong


tula kanina. Alam mo bang may iba’t ibang paraan upang maipahayag ang ating
damdamin o emosyon batay sa ating nababasa, naririnig at nakikita? Nais kong
basahin mo at unawain ang sumusunod na paliwanag. (Mapanuring Pag-iisip)

Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin


1. Mga Pangungusap na Padamdam – Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag
ng matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!)
Halimbawa:
 Nakupo, hindi ko maaatim na patayin ang inosenteng sanggol na ito!
 Ang sakit malamang ang sariling anak ang pumaslang sa ama!

2. Maiikling Sambitla – Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
 Aray! Nasugatan ako ng patalim.
 Wow! Ang bango ng ulam natin ngayon.

3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng


Isang Tao – Ito’y mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng
matinding damdamin, ngunit ito ay nagpapakita ng tiyak na damdamin o
emosyon.
Halimbawa:
Kasiyahan: Napakasayang isipin na may isang bata na namang isinilang sa mundo.
Pagtataka: Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng isang magulang ang
isang walang kamalay-malay na sanggol.Pagkalungkot: Masakit isiping ang mag ama
ay ang nagharap sa isang pagtutunggali.
Pagkagalit: Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
Pasang-ayon: Tama ang naging desisyon ng pastol na hindi patayin ang bata.
Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapag-isip ang pastol
4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan – Ito ay
mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang salita sa halip na tuwirang
paraan.
Halimbawa:
 Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang
mga anak. (Ibig sabihin ng kumukulo ang dugo ay galit na galit.)

Tatlong Uri ng Taludturan

May iba’t ibang uri tayo ng taludturan sa pagsulat ng tula. Bawat isa ay
may katangian na kaiba sa iba.

1. Tradisyunal -kapag ang taludtod ng tula ay may sukat at


tugma. Ito ang karaniwang uri ng taludturan sa mga
tula.
2. Blangko Berso -ito naman ay taludtod na may sukat ngunit
walang tugma.
3. Malayang Taludturan -gaya ng tawag dito, ito ay malaya dahil ang mga
taludtod ng tulang ito ay walang sukat at wala ring
tugma

11
Narito ang isang halimbawa ng taludturan na punong-puno ng damdamin.
Matutukoy mo kaya kung anong uri ngtaludturan ito? Basahin mo at unawain
mong mabuti. (https://lrmds.deped.gov.ph/grade/9)

ANG PAGBABALIK
ni Jose Corazon de Jesus

Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,


Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!

Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas


Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag…
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,


At ang buwan nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,


Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”

Nang kinabukasang magawak ang dilim,


Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.

At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,


Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak…
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!

12
At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao…
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”

At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan,


Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”

Gawain

Gawain 1
Panuto: Batay sa nabasang tula, iugnay ang iyong naramdaman at ipaliwanag
kung paano naantig ng tula ang iyong damdamin. (Mapanuring Pag-
iisip, Pakikipagtulungan, Pakikipagtalastasan)

Kaugnayan sa Damdamin:
1. _____________________________
_____________________________
_____________________________
2. _____________________________
_____________________________
_____________________________
3. _____________________________
_____________________________
_____________________________
4. _____________________________
_____________________________
_____________________________

Gawain 2
Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na taludturan. Tukuyin mo kung
anong uri ng taludturan ang mga saknong.

Sitwasyon Uri ng Taludturan


1. Di mo man sabihin, aking nababatid,
Ikaw’y naglalakbay sa Bagong Daigdig;
Paraisong dati’s hinanap, inibig,
Alaala na lang na di magbabalik.
(saknong mula sa “Pamana ng Lahi,” ni
Patrocinio V. Villafuerte)

13
2. Sa bawat panahon,
Sa bawat kasaysayan,
Sa bawat henerasyon,
May palawakan ng isip
May palitan ng paniniwala
May tagisan ng matwid
Maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot
ng galit
Sila-sila’y nagtatagpo, kayu-kayo’y
nagpapangkat.
(saknong mula sa “Wikang Pilipino sa
Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa, ni
Patrocinio V. Villafuerte)
3. Huwag kang iibig nang dahil sa pilak,
Pilak ay may pakpak, daling lumilipad,
‘pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap
(saknong mula sa “Sa Pamilihan ng Puso” ni Jose
Corazon de Jesus)

Tandaan

1. Upang maging mabisa ang pag-uugnay ng damdamin ng mambabasa sa


damdamin ng isang tula, gumagamit ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
ng damdamin o emosyon gaya ng mga pangungusap na padamdam,
maiikling sambitla, mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o
emosyon ng isang tao, at mga pangungusap na nagpapahiwatig sa hindi
tuwirang paraan.
2. May iba’t ibang uri ng tula batay sa uri ng taludturan na ginamit dito. Ito
ang tradisyunal na tula, blangko berso, at malayang taludturan.

Pag-alam sa Natutuhan (Mapanuring Pag-iisip, Pagkamalikhain, Pakikipagtalastasan)

Sa bahaging ito ay mailalapat mo ang iyong natutuhan mula sa mga


naunang pagtalakay. Ang aktibidad na iyong gagawin ay pagsulat ng isang
malayang taludturan na punong-puno ng damdamin — “spoken word poetry.” Ito
ay isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad ng tula sa madla sa
pamamagitan ng pagsasalaysay o narration sa Wikang Ingles. Kumpara sa isang
normal na tula, higit itong malikhain at mapaghamong gawin at nakaaaliw rin itong
pakinggan.

Sa pagkakataong ito, narito naman ang gawain na kinakailangan


mong maisagawa upang matagumpay na malampasan ang aralin na ito.
Basahing mabuti ang sitwasyon sa ibaba:
Ikaw ay naatasang magtanghal ng “spoken poetry” sa harap
ng kapwa mo kabataan upang hikayatin na tangkilikin at mahalin
ang pagiging Pilipino. Dahil dito, ikaw ay inaasahang makabuo ng
sariling likhang “spoken poetry” na ginagamitan ng iba’t ibang
paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin.
14
Narito naman ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng “spoken poetry:”

1. Binubuo ng 4 na saknong.
2. Bawat saknong ay maaaring binubuo ng 4 hanggang 6 na taludtod.
3. Malayang taludtod (walang sukat).
4. May tugmaan.
5. Ang paksa ng tula ay maaring tungkol sa sumusunod:
a. Kabataang Pilipino sa Isip at sa Gawa
b. Kulturang Pilipino Salamin ang Kabataang Pilipino
c. Diwang Pilipino, Husay ng Kabataang Pilipino

Huling Pagsubok

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at bilugan ang titik ng
pinakatamang sagot. (Mapanuring Pag-iisip)

1. Isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad ng tula sa madla sa
pamamagitan ng pagsasalaysay
A. Blangko Berso C. Tulang Nagsasalaysay
B. Spoken Poetry D. Haiku

2. “Nakalulungkot isipin na ang mundo ay biglang nagbago dahil sa naranasang


pandemya.” Anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa pangungusap?
A. Mga Pangungusap na Padamdam
B. Maiikling na Sambitla
C. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin
D. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Hindi Tuwirang Damdamin

3. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga Pangungusap na Nagsasaad ng


Hindi Tuwirang Damdamin maliban sa isa.
A. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naiisip ko ang pambabastos niya sa akin.
B. Halos pumutok ang ulo niya nang mabalitaang niloko siya ng kasintahan
niya.
C. Hindi dapat kinikitil ang buhay ng isang sanggol.
D. Nagkibit-balikat lamang siya sa hiling ng kaniyang kaibigan.

4. Alin sa mga saknong ang nagpapahayag ng damdamin ng matinding


kalungkutan?
A. “At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao…

B. “Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,


Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,

15
C. “At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan,
Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;

D. “Ngayon, sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago,


binhing nakatanim ang maraming kulturang
nag-uumapaw sa ating diwa.”

5. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang


tinataglay bilang isang Asyano?
A. Pagtangkilik sa sariling produkto
B. Pagpapanatili ng kaugalian at paniniwala
C. Paggalang sa mga tradisyon at pananampalataya
D. Pagsuporta sa kaisipang kanluranin

Papel sa Replektibong Pagkatuto (Pagbuo ng Katauhan)

Panuto: Batay sa natapos mong gawain, bumuo ng mga pangako na iyong


gagawin upang mapanatili at maipagmalaki ang iyong pagiging
Pilipino.

16
Sanggunian

https://lrmds.deped.gov.ph/grade/9
https://epikongpersiyanoblog.wordpress.com/paraan-ng-pagpapahayag-ng-
emosyon-o-damdamin/
https://www.scribd.com/document/432985871/Ang-Spoken-Word-Poetry
https://www.youtube.com/watch?v=_S05ZcMkSTY

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Ronnel C. Adani


Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Museta delos Reyes Dantes, PSDS
Tagaguhit: Ronel C. Adani
Tagalapat: Julieta DG. Madera, HT VI
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

17
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1
Unang Pagsubok Pangwakas na Pagsusulit

1. C 1. D
2. C 2. C
3. B 3. C
4. B 4. C
5. D 5. D

Gawain 1: Paglinang ng Talasalitaan

1. Ang mga pahayag na magkakasingkahulugan ay pawis, dugo, luha, at


pagsubok. Ginamit ito upang higit na paigtingin ang damdamin ng
taludturan sa tula.
2. Ang mga pahayag na magkakasingkahulugan magsama-sama,
magkakapit-bisig, at magtutulung-tulungan. Ginamit ang mga salitang ito
upang ipabatid na ang tindi ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
3. Ang mga pahayag na magkasingkahulugan ay rerespeto at gagalang.
Ipinapakita nito na may lugar sa kulturang Pilipino ang paggalang sa lahat
ng uri at antas ng tao.
4. Ang buong taludtod ay magkasingkahulugan. Ginamit ito upang ipakita
ang pagiging masining ng wika at akda.
5. Ang taludtod ay magkasingkahulugan at ginamit ito upang idiin ang
kahulugan ng pagsunod at pagtanggap sa kultura.

Gawain 2:
May tatlong panahon na binanggit sa tula. Ang una ay Noon na nagsasabing ang
kulturang Pilipino ay tungkol sa pagtitiyaga, pagsisikap, paglaban, pagtindig sa
karapatan, at pakikibaka. Ang ikalawang panahon ay Ngayon, na nagtataglay ng
kulturang pagtanggap, pagpapayabong, pagsunod, pagpapatuloy, at pagpapayaman
(sa kultura). Ang ang huling panahon ay Bukas, na nagsasabing ang kultura ng
Pilipino ay gumagalang, rumerespeto, pagbabayanihan, pagkakapatiparan, at
pagiging marangal.

18
Susi sa Pagwawasto

Aralin 2
Unang Pagsubok Pangwakas na Pagsusulit

1. C 1. B

2. B 2. C

3. D 3. C

4. B 4. C

5. D 5. D

Gawain 1 Gawain 2

1. Kalungkutan 1. Tradisyunal

2. Pagnanabik 2. Malayang Taludturan

3. Paghihinagpis 3. Blangko Berso

4. Pagluluksa

(ang paliwanag ay batay sa


damdamin ng mag-aaral)

19

You might also like