You are on page 1of 2

Sabayang Pagbigkas

Mga Panuntunan sa Sabayang Pagbigkas


1. Ang paligsahan ay bukas para sa lahat ng mag-aaral ng Mary Belle Montessori School-
Mayapa. Inc. mula baitang 3-10.
2. Ang bawat pangkat ay bubuuin ng 20-25 mag-aaral. Ang mga opisyales ay magbibigay
ng isang piyesa na gagamitin ng bawat pangkat para sa pagtatanghal ng sabayang
pagbigkas.
3. Ang pagtatanghal ng sabayang pagbigkas ay tatagal lamang ng limang minuto.

Pamantayan sa pagbibigay ng Puntos

 Kaisahan ng Tinig 30%


 Koreograpiya 20%
 Tindig at Ayos 15%
 Pagkabisa sa Piyesa 15%
 Kagamitan at Props 10%
 Hikayat sa Madla 10%
 Kabuuan 100%

Islogan / Poster
Panuntunan para sa Islogan
1. Ang bawat seksyon ay may tig-iisang representatib upang gumawa ng Islogan/Poster.
2. Ang mga kalahok ay kinakailangan magdala ng kani-kanilang kagamitan sa gagawing
Islogan/Poster.
3. Ang lahat ng kalahok ay lilikha ng Islogan/Poster batay sa tema na “Wikang Katutubo:
Tungo sa Isang Bansang Filipino”.
4. Pagkakalooban ang mga kalahok ng 2 oras para sa paggawa ng Islogan/Poster.

Pamantayan sa Paggawa
 Nilalaman at Kaangkupan sa Tema 25%
 Pagkamalikhain 25%
 Orihinalidad 25%
 Kalinawan ng Islogan 25%
 Kabuuan 100%

Pagsulat ng Maikling Kuwento


Panuntunan
1. Ang bawat seksyon ay may tig-iisang representatib upang sumulat ng Maikling
Kuwento.
2. Kinakailangan na magdala ang mga kalahok ng kani-kanilang papel at panulat.
3. Ang Maikling Kuwento na lilikhain ng mga kalahok ay bubuuin ng hindi bababa sa 300
salita at hindi hihigit sa 500 salita.
4. Pagkakalooban ang mga kalahok ng isa’t kalahating oras sa pagsulat ng Maikling
Kuwento.
5. Ibibigay lamang ang paksa ng isusulat sa mismong araw ng kompetisyon.

Pamantayan sa Pagsulat
 Angkop sa Tema 30%
 Organisasyon ng mga Ideya 30%
 Wastong gamit ng mga Bantas at 20%
Kapitalismo
 Wastong baybay at Gamit ng mga 20%
salita
 Kabuuan 100%

Pagtatanghal ng Katutubong Sayaw


Panuntunan:
1. Ang bawat seksyon ay mayroong 10-15 na miyembro.
2. Bubunot ng isang sayaw ang representatib ng bawat seksyon.
3. Ang pagtatanghal ng bawat kalahok ayhindi bababa ng 3 minuto at hindi tataas ng 5
minuto.
4. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng dalubhasang tagapagsanay para sa
patimpalak na ito. Tanging ang tulong ng gurong tagapayo ang maaaring magsilbing
gabay sa mga kalahok.

Pamantayan sa Pagtatanghal ng Katutubong Sayaw


 Masining na pag-indayog 30%
 Pagkapanabay 25%
 Kaaliwan 20%
 Kasuotan 15%
 Props 10%
 Kabuuan 100%

Chapbook
Panuntunan
1.

You might also like