You are on page 1of 1

SAYAW PINOY

MGA PATAKARAN AT ALITUNTUNIN NG TIMPALAK

1. Mga ‘Sayaw Pang-Nayon’ (Rural Dances) ang gagamiting piyesa para sa


kompetisyong SAYAW PINOY. Narito ang listahan ng mga sayaw na dapat
pagpilian.

i. Pandango sa Ilaw

ii. Tinikling

iii. Binoyogan

iv. Kalatong

v. Sayaw sa Banko

vi. Maglalatik

vii. Oasioas

viii. Binasuan

2. Bawat pangkat na kalahok ay bibigyan lamang ng apat (4) na minuto upang itanghal
ang kanilang sayaw. Magkakaroon ng pagkakaltas ng limang (5) puntos kung
sakaling lalampas sa nakalaang oras.

3. Maaaring gumamit ng nai-rekord na musika o CD. Ang paggamit ng aktwal na saliw


ng tugtugin tulad ng paggamit ng mga instrumento ay higit na ipinagbabawal.

4. Hindi rin maaaring paghaluin ang iba’t ibang tugtugin o ‘medley’.

5. Bawat kalahok ay kinakailangang may apat (4) hanggang walong (8) pares lamang
na binubuo ng mga lalaki, babae o kombinasyon ng dalawang kasarian.

6. Maaaring gumamit ng sadula gayunpaman ang awtentisidad ng sayaw, kasuotan, at


tugtugin ay kinakailangang mapanatili.

7. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na mababawi.

8. Ang batayan sa pagmamarka ay ang sumusunod:


i. Choreography (Difficulty, Artistry, Style & Originality)           -        50%
ii. Execution (Timing & Coordination, Projection & Expression)   -        30%
iii. Overall Impression (Audience Appeal, Costumes, Folk Cultural Elements) -        20%

                                                                                 Total       -      100%

Inihanda ni: APRIL MAE A. YDEL

You might also like