You are on page 1of 2

Pamagat: Magsayaw Tayo ng Tinikling

Level: Baitang 9
Bilang ng mga salita: 255

MAGSAYAW TAYO NG TINIKLING


Mananayaw ang pinsan kong si Ate Mutya. Kasapi siya ng isang grupong nagtatanghal sa mga
teatro at paaralan. Palagi kong pinapanood ang kaniyang mga pagtatanghal.

Noong unang beses ko siyang napanood talagang napahanga akon sa kaniya. Parang
nakikipaglaro si Ate Mutya sa mga kawayan. Umiikot at lumulundag siya,kasabay ng kanyang
kapares, sa dalawang nag-uumpugang kawayan.

Bukod sa kaniyang kapares, mayroon ding dalawang tagahawak ng kawayan sa magkaibang


dulo. Isinasabay nila ang pag-umpog ng kawayan sa ritmo ng musika. Ayon kay Nanay,tinikling
ang tawag sa sinasayaw ni Ate Mutya.

“Bakit po tinawag na tinikling ang sayaw ninyo?” tanong ko kay Ate Mutya nang pauwi na kami.

“Hango ito sa salitang “tinikling” na isang uri ng ibon. Mayroon itong mahabang leeg at paa.
Matulis ang tuka nito,” paliwanag niya.

“Bakit po sa ibong tinikling ipinangalan ang sayaw ninyo?”

“Dahil katulad ng kilos ng tinikling an gaming sayaw. Lumulundag-lundag kasi ang tinikling
kapag naglalakad sa mga sanga ng puno.”

Kaya naman pala. Parang mga sanga ng puno ang mga kawayang hinahakbangan nina Ate.
Pero mayroon pa akong gustong malaman.

“Paano naiiwasang maipit sa mga nag-uumpugang kawayan?’

“Mukha lang mahirap ang tinikling. Pero ang totoo,kailangan mo lang sabayan ang bilang ng
sayaw.

“Isang popular na katutubong sayaw ang tinikling sa Bisaya. Sinasayaw ito ng ating mga
ninuno bilang pagpapasalamat sa kanilang masaganang ani.” Dagdag ni Ate Mutya.

Nakatutuwang malaman ang pinagmulan ng tinikling. Bahagi pala talaga ito ng pamumuhay ng
ating mga ninuno at ng ating kalikasan.

“Ate, puwede mo ba akong turuang magsayaw ng tinikling?”

Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

___1. Ano ang sinayaw ni Ate Mutya nang una siyang mapanood ng batang tagapagsalaysay?
a. Tinikling
b. Carinosa
c. Itik-itik
___2. Sa anong ibon inihahalintulad ang sayaw na tinikling?
a. Sa maya
b. Sa tinikling
c. Sa banog

___3. Ayon kay Ate Mutya,paano maipit ng nag-uumpugang kawayan?


a. Kailangang tumalon nang mabilis na mabilis
b. Kailangang tignang mabuti ang kilos ng kapareha
c. Kailangang sundan ang bilang ng sayaw

___4. Ano ang sinisimbolo ng sayaw na tinikling para sa ating mga ninuno?
a. Paghingi ng ulan
b. Pasasalamat para sa masaganang ani
c. Paghingi ng proteksiyon para sa mga pananim

___5. Ano ang natutuhan ng bata tungkol sa sayaw na tinikling?


a. Ang kasaysayan ng sayaw na ito
b. Kung paano ito sayawin
c. Pareho

Talasalitaan

Hanapin ang kahulugan ng mga salita. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

____6. nagtatanghal a. pinagtatanghalang lugar

____7. teatro b. kilala o tanyag

____8. ritmo c. tawag sa tanyag na mananayaw

____9. popular d. nagpapakita o nagpapalabas ng

presentasyon o eksibisyotulad

ng dula,drama at pelikula

____10. ninuno e. nakuhang produkto o bunga

f. pinagmulan ng isang angkan o lahi

g. pagkakaayos ng mga tiyempo sa

melodiya ng musika

a. Kailangang sundan ang bilang ng sayaw

You might also like