You are on page 1of 19

MGA

KAALAMANG
BAYAN
Maituturing na pinakamatandang sining ang
tula sa kulturang Pilipino. Tula ang
pinagmulan ng iba pang mga sining tulad ng
awit, sayaw, at dula. Batay sa kasaysayan,
ang mga unang Pilipino ay may likas na
kakayahang magpahayag ng kanilang
kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang
naiayos sa isang maanyong paraan kaya
kinakitaan ng sukat at tugma.Ang
pagkadiwang makata ay likas sa ating mga
ninuno.
Ayon kay Alejandro Abadilla “Bawat
kibot ng kanilang bibig ay may ibig
sabihin at katuturan.” Ito ay
ipinalalagay na pangunahing dahilan
kung bakit nabuo ang iba pang mga
akdang patula tulad ng tulang
panudyo, tugmang de gulong, bugtong
at palaisipan at iba pang kaalamang-
bayan.
KAALAMANG BAYAN
Ito ay umiiral na kwento, panitikan,
paniniwala, ritwal, gawi at tradisyon ng
mga mamamayan sa isang pamayanan
o kalinangang nagpasalinsalin sa iba’t-
ibang lahi at pook dahil ito’y
bukambibig ng taumbayan.
1. Tulang/Awiting Panudyo
Ito ay isang uri ng akdang patula na
kadalasan ang layunin ay manlibak,
manukso o mang-uyam. Ito ay kalimitang
may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin
sa tawag na Pagbibirong Patula.
Halimbawa:
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo.
Pedro Penduko, matakaw sa tuyo.

Si Maria kong Dende


Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi.
2. Tugmang de-Gulong
Ito ay ang mga paalala o babala na kalimitang
makikita sa mga pampublikong mga sasakyan. Sa
pamamagitan nito ay malayang naipararating ang
mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o
paglalakbay ng mga pasahero. Maaari itong nasa
anyong salawikain, kasabihan o maikling tula.
Karamihan ng mga uri ng tugmang ito ay binuo ni
Dr. Paquito Badayos.
Narito ang ilan sa mga halimbawa nito:
a. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay
di makabababa sa
paroroonan.
b. Aanhin pa ang gasoline kung ang jeep ko ay sira na.
c. Ang di magbayad ay walang problema, sa karma pa
lang, bayad ka na.
3. Bugtong
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan. Binibigkas ito ng patula at
kalimitang maiksi lamang. Noon karaniwan
itong nilalaro sa lamay upang magbigay
aliw sa mga namatayan ngunit nang
lumaon ay kinagiliwan na ring laruin kapag
may handaan o pistahan.
Ilan sa mga halimbawa ng bugtong ang
sumusunod:
a. Gumagapang ang ina,
Umuupo na ang anak. (Sagot: kalabasa)
b. Maliit pa si Totoy,
Marunong nang lumangoy (Sagot: isda)
c. Nagtago si Pilo,
Nakalitaw ang ulo. (Sagot: pako)
4. Palaisipan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang
pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong
nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas
oras ng ating mga ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang na
ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at kanilang
ipinamana ito sa kanilang mga inapo.
Ang ganitong uri ng panitikan ay laganap pa rin hanggang sa
kasalukuyang panahon sapagkat ito’y talagang
nakapagpapatalas sa isipan ng mga mag-aaral. Ito ay hindi na
lamang pinag-uusapan at pinag-iisipan sa mga pagtitipon kundi
maging sa usapan sa Internet.
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang
Juan. Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
(Sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang naman ang
isang baboy at hindi umalis.)
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero.
Paano nakuha ang bola nang di man lamang nagalaw
ang sombrero?
(Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.)
Pangkatang-Gawain:
Paano ba makatutulong sa inyo at
sa kapwa mo kabataan ang pag-
aaral ng tula at iba pang mga
akdang patula tulad ng tulang
panudyo, tugmang de-gulong,
bugtong at palaisipan?
Panuto: Sumulat ng paghahambing ng mga katangian ng
akdang patulang tinalakay sa araling ito. Gamitin ang
graphic organizer sa ibaba sa paglalahad ng iyong sagot.

Mga Katangian ng
Akdang Patula

Tulang Panudyo Tulang de Gulong Bugtong Palaisipan


TAKDANG ARALIN
Panuto: Gumawa at magsaliksik
ng tigtatlong awiting/tulang
panudyo, tugmang de gulong,
bugtong at palaisipan. Isulat sa
isang kalahating papel at ipasa
bukas.
MARAMING
SALAMAT!!

You might also like