You are on page 1of 3

FILIPINO 7 (IKATLONG MARKAHAN)

BATAYANG KAKAYAHAN
Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan /
bugtong.( F7PB-IIIa-c-14)

I. Layunin:
a. Nabibigyan kahulugan ang mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong at Palaisipan /
Bugtong.
c. Natatalakay nang maayos ang mga kahulugan ng Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong at
Palaisipan o Bugtong.
b. Naihahambing ang mga katangian ng Tula/Awiting Panudyo, Tugmang de-Gulong at
Palaisipan.
d. Naipapakita ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga Tulang
Panudyo, Tugmang de Gulong at Palaisipan o Bugtong.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong at Palaisipan o Bugtong
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. Al.
C. Kagamitan:

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
•Panalangin
•Pagbati
•Pagtala ng lumiban sa klase
•Pagganyak
Magpapakita ng mga larawan na halimbawa ng Tulang Panudyo, Tugmang de
Gulong at Palaisipan / Bugtong

B. Paglinang ng Gawain (Activity)


C. Pagsusuri (Analisis)

1. Ano-ano ang mga terminong nabanggit?


2.Pamilyar ba sainyo ang mga salitang ito?
3.Ano kaya ang tawag sa sa mga terminong ito?

D. Abstraksyon
TULANG/AWITING PANUDYO
Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak,manukso o mang-
uyam. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na Pagbibirong
Patula.
Halimbawa: May dumi sa ulo ikakasal sa linggo
Ay inalis, ikakasal sa lunes.
Ito ay isang paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa
pamamagitan nito ay malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o
paglalakbay ng mga pasahero. Maaaring ito ay nasa anyong salawikain, kasabihan, o maikling
tula.
Halimbawa: “Ang hindi magbayad mula sa pinanggalingan ay hindi
makararating sa kaniyang paroroonan”.
Basta drayber, siguradong sweet lover.
Miss na sexy kung gusto mong libre, sa drayber ka tumabi.
BUGTONG
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito ng patula at kalimitang
maiksi lamang. Noon karaniwan itong nilalaro sa lamay upang magbigay-aliw sa mga namatayan
ngunit nang lumaon ay kinagiliwan na ring laruin kapag may mga handaan o pistahan.
Halimbawa: Kay lapit-lapit na sa maya, dimo pa makita Sagot: Tainga

Palaisipan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng
mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga
ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at
kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo.

E.Paglalapat (Aplikasyon)
Magtawag ng mga mag-aaral na magbahagi na alam nilang Tulang Panudyo, Tugmang de
Gulong at mga Palaisipan o Bugtong.

IV. Ebalwasyon
Sumulat ng paghahambing ng mga katangian ng mga kaalamang-bayang tinalakay
Gamitin ang graphic organizer sa ibaba sa paglalahad ng inyong sagot.

V. Takdang Aralin
Ano ang ibig sabihin ng ponemang suprasegmental?

Inihanda ni:
Gwyneth A. Carabido

You might also like