You are on page 1of 3

Learning Plan in Filipino 7 Q3 Week 1 Day 1

Prepared by: Milagros M. Saclauso


Gawain Bilang: 1
Pamagat ng Gawain: Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, Palaisipan/Bugtong
Petsa: ____ ____2018
Layunin:
1. Naihahambing ang mga katangian ng tula/awitng –panudyo ,tugmang de gulong, bugtong
at palaisipan.F7PB-IIIa-c-14
(Indicator): 1.1 Naiklasipika ang pahayag ayon sa awiting panudyo, bugtong at palaisipan.
2. Nasusuri ang nilalaman ng napanood na dokyumentaro kaugnay ng tinalakay na mga
tula/awiting –panudyo,tugmang de gulong at palaisipan. F7PD-IIIa-c-13
(Indicator)2.1. Naitangi- tangi ang mga uri ng karunungang – bayan.

Sanggunian: Supplemental Lesson, Rex Interactive, pp. 4-5


Pagpapahalaga:
I. Batayang Konsepto

Awiting Panudyo/Tugmang de Gulong –


A. Ito ay awiting karaniwang pumapaksa sa
pag-ibig, pamimighati, pangamba,
kaligayahan, paag-asa, kalungkutano
maaaring ginawa upang maging panukso
sa kapwa.
Halimbawa: Chit Chirit Chit
Chit chirit chit, alibangbang,
Salaginto, salagubang
Ang babae sa lansangan,
Kung gumiri’t parang tandang.

BUGTONG –binubuo ng isa o PALAISIPAN- Ito ay mga


KARUNUNGANG BAYAN tanong na kadalasa’y nakakalito
dalawang taludtod na maikli na
sa mga tagapakinig. Sa una akala
may sukat at tugma. Ito’y may mo’y walang sagot o kalukuhan
apat hanggang labindalawang lamang ngunit kung susuriin ay
pantig. nagpapatalas ng isip at
. Halimbawa: nagbibigay ng kasanayang lohikal.
May ulo walang buhok Halimbawa:
May tiyan walang pusod. May isang Prinsesa na sa tore
Sagot: Palaka nakatira, balita sa kaharian,
Tugmang de Gulong- ay
pambihirang ganda.Bawal
mga paalala na maaaring tumingala upang siya ay Makita.
Makita sa mga Ano ang gagawin ng binatang
pampublikong sasakyan sumisinta?
tulad ng dyip, bus, at Sagot”:Iinom ng tubig upang
kunwa’y mapatingala at makita
traysikel. Karaniwan ito ay ang Prinsesa.
nakakatuwa.
Halimbawa:
Ang di magbayad mula sa
kanyang pinanggalingan ay di
makababa sa paroroonan
Kaisipan: Huwag mandaya
at magbigay ng pamasahe
C. pagpapakita ng vidyu na naglalaman ng awiting panudyo, bugtong at palaisipan

II. Learning for Understanding


A. Checking for Understanding
Panuto : Suriin ang mga pahayag sa ibaba at ibigay ang tinutukoy na kaisipan nito.
Pagkatapos sabihin kung ito ay Tugmang de Gulong, bugtong o Palaisipan.
Halimbawa:
Mama, mama, namamangka,
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng mantika
Sagot: Kaisipan: Pagtutukso sa isang bata
Uri: awiting panudyo
1. Hindi tao, hindi hayop
Sa katawan ko’y yumayapos.
Sagot/Kaisipan:________________________
Uri :_________________________________
2. Si Huwan ay may dalawang kamay, binigyan ko siya ng 50 mansanas sa kaliwa
niyang kamay at 50 naman sa kanyang kanang kamay. Ano ang meron si
Huwan?
Sagot/Kaisipan:__________________________
Uri:___________________________________
3. Kata –takang mahibang ang katulad ko sa iyo
Biru-biro ang simula
Ang wakas pala ay ano?
Aayaw-ayaw pa ako
Ngunit iyan ay di totoo.
Sagot/Kaisipan:_____________________________
Uri:______________________________________
4. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot/Kaisipan:_____________________________
Uri:______________________________________
5. Pasaherong masaya, tiyak may pera.
Sagot/Kaisipan:______________________________

B. Processing Questions:
1. Ano ang dahilan kung bakit iilan nalang sa mga kabataan ang nagpapalitan ng
karunungang bayan?
2. Gaano nakaapekto ang tulang panudyo, tugmang de gulong, bugtong at palaisipan
sa mga batang gumagamit nito sa paglalaro?

III.Konklusiyon:
Isulat sa loob ng Frame ang sagot sa hamon sa pagpapanatililing buhay sa mga
karunungang - bayan

You might also like