You are on page 1of 1

Aking kaibigan

Ni Juan Pablo
Sabi nila,
Ang tula ay malaya,
May dulot na ligaya,
Minsan nama'y mapait na litanya

May paghingi ng pasensya,


Meron ding, may galit na kasama,
May bastos pa nga kung minsan,
Depende nalang sa sasabihan.
May tulang sobrang lalim,
Yung tipong mahirap hugutin
Mayroong nakakabitin,
Meron din namang parang aklatin.
May Iba-ibang hugot,
Iba-iba rin ang punto,
Iba-iba din ang teksto,
Depende na lang sa basa ng kritiko.
Ganyan ang laman ng tula,
Mahalaga bawat sa salita,
Nais lang naming gumawa
Upang balagtasan di mawala.
Salamat aking kaibigan,
Di mo nakakalimutan,
Umibig sa balagtasan.
Isa kang tunay na makabayan.

You might also like