You are on page 1of 12

BANGHAY - ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 3

PANUNURING PAMPANITIKAN
IKATLONG MARKAHAN UNANG LINGGO
I.

PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN


Paksa

Pagbasa/Pagsusuri sa Akdang
Pampanitikan sa Teoryang Humanismo
Tula
Luha ni Rufino Alejandro
Pagtatalakay sa diwang hatid ng Tula
Pagpapahayag ng matalinong
paghuhusga

Susuriing Genre
:
Halimbawang Akda
:
Kasanayang Pampanitikan :
Kasanayang Pampag-iisip :
Halagang Pangkatauhan

II.

MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)


A. Nakikilala ang mag tauhan batay sa kani-kanilang mga tiyak na
saloobin at damdamin.
B. Mga Layuning Pampagtalakay
B.1.

Pagsusuring Panglingwistika
Nabibigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang salitang
ginamit sa akda.

B.2.

Pagsusuring Pangnilalaman
Natutukoy ang mga bahagi ng tula na naglalahad ng
kagalingan/kahinaan ng tao.

B.3.

Pagsusuring Pampanitikan
Nasusuri ang tula batay sa teoryang humanismo.

C. Naipapahayag ang pansariling panlasa sa kagandahan at kahinaan


ng akda.
D. Nakakasulat ng kapaksa ring tula.

III.

PROSESO NG PAGKATUTO
UNANG ARAW
a. Mga Panimulang Gawain
Mungkahing Gawain : Pakikinig sa awiting ANAK ni Freddie Aguilar
1.

Pagganyak
Pagkukuwento sa PRODIGAL SON

2. Paglalahad
a. Pakikinig ng mga mag-aaral sa itineyp na tula.
b. Pagkuha ng mga dati ng alam o paglalahad ng mga
karanasang may kaugnayan sa paksa. BRAINSTORMING
b. Pagbasa sa tula.

LUHA
Rufino Alejandro
Walang unang pagsisisi, itoy lagging nasa huli.
Daloy aking luha Daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso yaring abang pusong luray sa hilahil,
nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
Nang akoy musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan,
may biling gayari si Amat si Ina bago sumahukay.
Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay.
ang ikawy mabuyo sa gawang masamay dapat mong iwasan.
Nang akoy lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,
ng kapalaluat ang aral ni Amat ni Inay hinamak;
sa maalong dagat ng buhay sa mundoy nag-isang lumayag,
iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan

na itong huli nay nakilalang alak na nanatay.


Ang pinagbatayay dapat magpasasa sa kasalukuyat
isang Bahala na! ang tanging iniukol sa Kinabuksan!
Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi
kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi;
tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahit
iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi!
Daloy, aking luha Dumaloy ka ngayon at iyong hugasan
ang pusong nabagbag sa pakikibaka sa dagat ng buhay;
ianod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan.
nang yaring hirap kot susun-susong sakit ay gumaan-gaan!
b. Unang Pagbasa : Guro
c. Ikalawang Pagbasa : Mga Mag-aaral
a. Pagtukoy sa pangunahing mensahe / kaisipan ng bawat saknong.
Pangkat 1 : Una at Ikalawang saknong
Pangkat 2 : Ikatlo at Ikaapat na saknong
Pangkat 3 : Ikalima at Ikaanim na saknong
b. Pag-uulat ng lider ng bawat pangkat.
c. Pagbasa sa tula ng isang mahusay na mag-aaral.
PAGSUSURI SA AKDA
IKALAWANG ARAW
A. Panimulang Gawain
Pagganyak :
1. Pagpapakita ng isang larawan ng taong malungkot.
2. Pagbubuo ng hinuha mula sa larawan. Iuugnay sa salitang
LUHA.
B. Pangkatang Pagsusuri.

Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglingwistika


1. Pagsusuri sa mga parirala ayon sa pagkakagamit sa akda at
pansariling kahulugan (Pangkalahatang Gawain)

Mga Parirala/Pahayag

Pansaruiling
Kahulugan

1. hugasan ang puso-yaring


pusong luray sa hilahil
2. bagong namukad yaring
kaisipan
3.

Bunso, kaiingat
inyong paglakad
landas ng buhay

sa
sa

4. ang pahat kong isip ay


biglang nagpakpak
5. sa maalong dagat ng
buhay sa mundoy nagiisang lumayag
Pangkat 3 at 4 : Pagsusuring Pangnilalaman
Pagtukoy sa mga nais sabihin ng akda
a. sa bumabasa
b. sa sarili
c. sa isang indibidwal
d. sa kalahatan

Pagkagamit sa
Akda

Gawing makabuluhan
ang buhay
Sa
Bumabasa

Tandaan na ang
buhay ay parang
tanghalan

Mahalin ang sarili


Pahalagahan
buhay.

Sa Sarili
ang

Tao ang gumagawa


ng kanyang
kapalaran.
Sa Isang
Indibidwal

Pakikibaka sa buhay

Ang pagsisisiy laging


nasa huli.
Sa
Kalahatan

Maging matatag sa
mga pagsubok sa
buhay.

Ang tao y di likas na


masama.
Magbago hanggat
may pagkakataon pa.

Pangkat 5 at 6 : Pagsusuring Pampanitikan


1. Pagsusuri sa tula batay sa teoryang humanismo.
2. Pagrerebyu sa karakter/persona (Character Mapping)

Sino ang persona o nagsasalita sa tula?

Ilahad ang mga positibong katangian niya

Magbigay ng mga patunay

C. Pagbabahaginan ng bawat pangkat.


D. Pagbabahagi sa klase (Pangkatang Output).
E. Pagbibigay ng feedback ng iba pang mag-aaral at ang guro.

F. Pagbubuo ng sintesis batay sa :


CHARACTER MAPPING

Di pa huli ang lahat

May tiwala sa sarili

Di nawala
ang pagasa

May
Pananalig
sa Diyos

Awtor
matatag

Marunong tumanggap sa
pagkakamali

Nagsisi siya

IV.

EVALWASYON
7

Nagsikap na
buhayin ang
sarili nang
siyay naulila

PAGPAPAHALAGA SA AKDA
IKATLONG ARAW
Panimulang Gawain
Pagganyak : Pagbibigay ng pansin sa akdang LUHA at sa nais
sabihin nito sa katauhan ng isang tao. Sundin ang tsart.

KATAUHAN / KATANGIAN

PATUNAY SA AKDA

a. Pagmamahal ng mga magulang


sa mga anak / pagbibigay
pangaral sa mga anak.
b. Matutong tumayo sa sariling paa
c. Magsisit magbago

B. Pangkatang Gawain
Pagpapakita ng Pakikisangkot
Pangkat 1 : Paghahanap sa karanasan sa akda na may tiyak na
kaugnayan sa pansariling karanasan.
Pangkat 2 : Pagtukoy / Pagpapatunay sa mga bahaging
nagpapakita ng :
a. kagandahan ng tula
b. kagalingan ng tula
c. kahulugan ng tula

Kagandahan ng Tula

Kagalingan ng Tula

Mga Patunay

Mga Patunay

Kabuluhan ng Tula

Mga Patunay

Pangkat 3 at 4: Pagpapakita ng Paghahambing


Paghahambing ng akda sa katulad na genre (uri ng panitikan) na
natalakay na batay sa : (Venn Diagram)
a. aral
b. mensahe
c. kaisipan

PAGKAKAIBA

PAGKAKATULAD

-Maging mabuting
anak

Aral
Mensahe
Kaisipan

PAGKAKAIBA

Aral

-Ang buhay ay
pakikipagtunggali

Parehong
Tula

-Ang pagsisisiy
laging nasa huli

Mensahe
Kaisipan

Pangkat 5 at 6 : Pagpapakita ng Pagtataya


Paglalahad sa mga paraan kung paano naging makabuluhan ang
buhay. (Semantic Mapping)
MGA PARAAN PARA MAGING MAKABULUHAN ANG BUHAY

C. Pagbabahaginan sa pangkat.
D. Pagbabahagi sa klase ng pangkatang output.
A. Pagkuha/pagbibigay ng feedback ng mga kamag-aral at guro.
F. Pagbubuo ng sintesis ng talakayan.
IV. PAGPAPALAWAK NG KARANASAN

10

PAGLIKHA
IKAAPAT NA ARAW
A. Panimulang Gawain
Mungkahing Istratehiya : Sabayang Pagbasa sa Tula
Pagsusuri sa:

sukat

tugma

matatalinhagang salita

B. Pagtalakay/Pagbibigay ng karagdagang kaalaman o halimbawa ng


mga salik ng tula; mga tulang may sukat na lalabindalawahin,
lalabing-animin, lalabingwaluhin, may tugmang ganap at tugmang
di-ganap at mga tayutay.
Mga Halimbawa :
Mula sa Sa Aking Mga Kababata ni Jose Rizal
Kapagka ang bayay sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Mula sa Akat ng Buhay ni Inigo Ed. Regalado
Pakinggan mo aking Bunso itong sasabihin
Na sa aking katandaay parang huling tagubilin
Sa puso mo ay ingatan at sa diway kandiliin
Balang - araw ay tutubut parang utang na sisingilin.
Mula sa Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal
Paalam na mutyang tinubuang lupang minahal ng araw
Ligayang naglaho at Perlas ng Dagat ng kasilanganan
Nasayang sa iyoy dulot ko ang aking abat lantang buhay
Gaano man kaningning, gaano man kaganda at
kasariwa
11

Idudulot ko rin kung dahil sa iyong ikatitiwasay.


C. Pagpapasulat ng maikling tula batay sa tiyak na pamantayan.
1. tatlong saknong lamang
2. tig-aapat na taludtod bawat saknong
3. ang sukat ay tig-wawalong pantig ang sukat
4. ang tugma ay magkakapareho
D. Pagpapabasa ng ilang pasimula.
E. Pagkuha ng feedback mula sa mga mag-aaral.
F. Pagbibigay-linaw ng guro sa mga napasimulang gawain.
G. Pagpapatukoy sa pagsulat bilang gawaing-bahay.
PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT
IKALIMANG ARAW
A. Panimulang Gawain
1. Pagpaparinig sa awiting ANAK ni Freddie Aguilar. Habang
nakikinig, ipabasa ang isinulat.
B. Pagbibigayin ng guro ng reaksyon ang mga mag-aaral kung ano
ang kanilang nadama habang isinusulat ang tula.
C. Pagpapalitan ng isinulat na tula. (Ipababasa sa kapareha).
D. Pagbibigayin ng ng reaksyon ang bawat pareha. Iparinig sa klase
ang ilang reaksyon.
E. Pagkuha ng feedback sa mga nakinig.

Tungkol sa kawastuhan ng isinulat.

Tungkol sa kagandahan

12

Mungkahi

F. Pagbibigay ng guro feedback sa mga narinig.

Kawastuhan batay sa istandard

Kagandahang aystetik

G. Pagbibigay ng faynal input ng guro tungkol sa aralin.

13

You might also like