You are on page 1of 6

MUSIC, ARTS, PHYSICAL EDUCATION, HEALTH 4

(MAPEH)
DIAGNOSTIC/ACHIEVEMENT TEST

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

OBJECTIVES No. of Items Item Placement Percentage


MUSIC
1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng mga note at rest. 1 1 2.5
2. Napagsasama-sama ang mga note at rest ayon sa 2 1 2 2.5
time signature 4
3. Natutukoy ang daloy ng melodiya tulad ng inuulit, 1 3 2.5
pataas na pahakbang, pababa na pahakbang, pataas na
palaktaw, at pababa na palaktaw.
4. Natutukoy ang pitch name ng mga guhit at puwang ng 1 4 2.5
G Clef staff.
5. Nakikilala ang pangkat ng mga instrumentong string 1 5 2.5
sa pamamagitan ng pakikinig at pagtingin.
6. Nakikilala ang pangkat ng mga instrumentong 1 6 2.5
hinihipan gaya ng woodwind at brasswind sa
pamamagitan ng pakikinig at pagtingin.
7. Napapangkat ang mga instrumenting percussion ayon 1 7 2.5
sa di-tiyak at tiyak na tono.
8. Natutukoy ang ostinato ng awitin sa pamamagitan ng 1 8 2.5
pakikinig at pagbabasa.
9. Nakikilala ang simbolong p para sa piano at f para sa 1 9 2.5
forte sa isang musical score.
10. Natutukoy ang mga katawagan para sa mabilis at 1 10 2.5
mabagal na tempo.
ARTS
11. Nailalarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan 1 11 2.5
sa Luzon ayon sa uri ng kanilang pananamit, palamuti
sa katawan at kaugalian tulad ng Ifugao, Kalinga,
Gaddang.
12. Nailalarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan 1 12 2.5
sa Visayas ayon sa uri ng kanilang pananamit,
palamuti sa katawan at kaugalian tulad ng Panay-
Bukidnon.
13. Nailalarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan 1 13 2.5
sa Mindanao ayon sa uri ng kanilang pananamit,
palamuti sa katawan at kaugalian tulad ng Maranao,
Yakan at T’boli.
14. Natutukoy ang pagkakaiba ng mga disenyo na may 1 14 2.5
motif mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
15. Natatalakay ang kasuotan at palamuti ng pangkat- 1 15 2.5
etniko sa isang pamayang kultural sa bansa.
16. Napaghahambing ang iba’t ibang pagdiriwang sa mga 1 16 2.5
pamayanang kultural sa bansa.
17. Natutukoy ang mga kulay na matitingkad at 1 17 2.5
malamlam.
18. Nailalarawan ang mga katangian ng tekstura ng mga 1 18 2.5
bagay.
19. Natutukoy ang iba’t ibang ethnic motif designs. 1 19 2.5
20. Nakikilala at natatalakay ang iba’t ibang disenyo ng 1 20 2.5
banig sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
PE
21. Nasusunod ang kahalagahan ng paggawa ng mga 1 21 2.5
gawaing nakabubuti sa kalusugan.
22. Naisasagawa ng may kaukulang pag-iingat ang mga 1 22 2.5
gawaing pisikal.
23. Natutukoy ang mga gawaing pisikal na nagdudulot ng 1 23 2.5
muscular strength at muscular endurance at nasusunod
ang mga gabay sa Physical Activity Pyramid Guide
para sa Batang Pilipino.
24. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng lakas at tatag ng 1 24 2.5
kalamnan.
25. Naipaliliwanang ang kahalagahan ng agility (liksi) 1 25 2.5
bilang sangkap ng Physical Fitness.
26. Nakikilala ang mga larong lumilinang sa kasanayan 1 26 2.5
ng bilis at liksi.
27. Natatalakay ang pinanggalingan ng larong Lawin at 1 27 2.5
Sisiw at ang mga alituntunin at mga kasanayan nito.
28. Naipapakita ang kasiyahan sa pakikilahok at wastong 1 28 2.5
pag-iingat sa pagsasayaw.
29. Natutukoy at naisasagawa ang mga batayang posisyon 1 29 2.5
ng kamay at paa sa pagsasayaw.
30. Naiisa-isa ang mga katawagan sa sayaw. 1 30 2.5
HEALTH
31. Nakapaglalarawan ng mga paraan upang mapanatiling 1 31 2.5
malinis at ligtas ang pagkain.
32. Natutukoy ang mga karaniwang sakit na nakukuha sa 1 32 2.5
maruming pagkain.
33. Nailalarawan ang mga nakakahawang sakit. 1 33 2.5
34. Nailalarawan kung papaano naipapasa o naisasalin 1 34 2.5
ang mga nakahahawang sakit mula sa isang tao sa
ibang tao.
35. Naipakikita ang mga pamamaraan kung papaano 1 35 2.5
mapananatiling malusog ang katawan at pagsugpo sa
karaniwang nakahahawang sakit.
36. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng gamot sa 1 36 2.5
medisina.
37. Nailalarawan ang mga maling paggamit at pag-aabuso 1 37 2.5
sa gamot.
38. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kalamidad, sakuna, 1 38 2.5
at kagipitan o mga hindi inaasahang pangyayari.
39. Nakapagpapakita ng angkop na tugon bago, tuwing at 1 39 2.5
pagkatapos ng isang kalamidad, sakuna, at kagipitan.
40. Naisasalarawan ang maaaring dulot na kapahamakan 1 40 2.5
na bunga ng mapanganib na gawi at kilos tulad ng
paggamit ng paputok, armas, at pag-inom ng alak.
TOTAL 40 100%

MAPEH 4
DIAGNOSTIC/ACHIEVEMENT TEST

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.


1. Ano ang pangalan ng nota sa ibaba?

A. whole note B. quarter note C. eighth note D. half note

2. Alin sa mga sumusunod ang may time signature na 2?


4

A. B. C. D.
3. Ano ang daloy ng sumusunod na melodiya?
A. palaktaw na pababa C. palaktaw na pataas
B. pahakbang na pababa D. pahakbang na pataas

4. Ano ang pitch name ng ikaapat na guhit ng G Clef staff?


A. D B. C C. B D. A
5. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa pangkat ng instrumentong string?
A. flute B drum C. violin D. xylophone
6. Alin sa mga sumusunod ang mga instrumentong hinihipan?
A. violin, viola, cello C. flute, trumpet, saxophone
B. drum, maracas, xylophone D. violin, flute, drum
7. Alin sa mga instrumentong ito ang may di-tiyak na tono?
A. xylophone B. drum C. marimba D. timpani
8. Alin sa mga sumusunod na pattern ang halimbawa ng ostinatong panghimig?
A.
B.
C.
D.
9. Ano ang ibig sabihin ng simbolong p sa isang musical score?
A. presto B. piano C. percussion D. prestissimo
10. Ano ang katawagan para sa mabilis na tempo?
A. piano B. forte C. presto D. largo
11. Paano naiiba ang mga Ifugao sa ibang pangkat na nasa Luzon?
A. makikita ang mga disenyo sa kanilang mga kasuotan at kagamitan tulad ng araw, kidlat, isda
B. makukulay ang pananamit at palamuti sa katawan na nagpapakita ng katayuan sa lipunan
C. gumagamit ng tradisyunal na hakbang sa paghahabi ng tela
D. madalas nilang gamitin ang kulay pula, dilytaw berde at itim
12. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa mga Panay-Bukidnon?
I. Sila ay naninirahan sa mga bulubunduking lugar ng Lambunao, Ilo-ilo.
II. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t’nalak na hinahabi mula sa hibla ng abaka
III. Kilala sila sa madetalyeng paraan ng pagbuburda na tinatawag na panubok.
IV. Gumagamit sila ng dagta ng dahon, ugat at sanga bilang pangkulay.

A. I,II,III,IV B. II,III,IV C. I,III D. IV


13. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa mga T’boli?
A. Sila ay naninirahan sa mga bulubunduking lugar ng Lambunao, Ilo-ilo.
B. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t’nalak na hinahabi mula sa hibla ng abaka
C. Kilala sila sa madetalyeng paraan ng pagbuburda na tinatawag na panubok.
D. Gumagamit sila ng dagta ng dahon, ugat at sanga bilang pangkulay.
14. Alin sa mga sumusunod ang dibuhong araw ng Kalinga?
A. B. C. D.
I
15. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kasuotan at palamuti sa katawan ng mga T’boli?
A. Sila ay nagsusuot ng baro at saya.
B. Sila ay nagsusuot ng shorts at pantalon.
C. Sila ay nagsusuot ng bestida, polo at pantalon.
D. Sila ay nagsusuot ng t’nalak na hinabi mula sa abaka.
16. Ang Pistang Panagbennga ay taunang kapistahan sa Lungsod ng Baguio. Alin sa mga sumusunod ang
naglalarawan dito?
A. Ang mga bahay ay napapalamutian ng mga ani ng mga magsasaka
B. Mayroong magarbong kaayusan ng mga bulaklak
C. Ipinaparada ang mga nakadamit na letson
D. Nagkakaroon ng Santacruzan
17. Alin sa mga sumusunod ang matingkad na kulay?
A. itim B. puti C. pula D. lila
18. Paano ilalarawan ang tekstura ng buhangin?
A. malambot B. magaspang C. mabango D. maitim
19. Ilarawan ang ethnic motif design sa ibaba?
A. inuulit ang tuwid na linya
B. inuulit ang pakurbang linya
C. inuulit ang tuwid at pakurbang linya
D. inuulit ang pahiga at patayong linya

20. Alin sa mga sumusunod ang disenyo ng banig sa Iloilo?


A. banig na yari sa buri C. banig na yari sa Bamban
B. banig na yari sa dahon ng pandan D. banig na yari sa dahon ng pandarus
21. Sino sa mga sumusunod ang gumagawa ng gawaing nakabubuti sa kalusugan?
A. Si Alma ay natutulog maghapon. C. Si Jay ay nanonood ng TV magdamag.
B. Si Susan ay mahilig kumain ng hotdog. D. Si Criz ay naglalakad papuntang paaralan.
22. Alin ang nagsasaad ng kaukulang pag-iingat sa pagsasagawa ng gawaing pisikal?
A. Iwasang sundin ang tagubilin ng guro.
B. Iwasang magtulakan habang gumagawa ng gawaing pisikal.
C. Iwasang maging maingat sa pagsasagawa ng gawaing pisikal.
D. Iwasang sundin ang mga alituntunin sa pagsasagawa ng gawaing pisikal.
23. Alin sa mga sumusunod ang gawaing pisikal na nagdudulot ng muscular strength?
A. pagtakbo B. pagsasayaw C. pagtulak sa isang bagay D. pagdidribol ng bola
24. Alin ang tamang pagpapaliwanag sa pagkakaiba ng lakas at tatag ng kalamnan?
A. Ang lakas ng kalamnan ay ang kakayahan ng kalamnan na makapagpalabas ng puwersa sa isang beses na buhos ng
lakas at ang tatag ng kalamnan ay ang kakayahan ng mga kalamnan na matagalan ang pag-uulit at mahabang paggawa.
B. Ang lakas ng kalamnan ay ang kakayahan ng mga kalamnan na matagalan ang pag-uulit at mahabang paggawa at ang
tatag ng kalamnan ay ang kakayahan ng kalamnan na makapagpalabas ng puwersa sa isang beses na buhos ng lakas.
C. Ang lakas ng kalamnan ay kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng katawan nang mabilisan at naayon sa
pagkilos at ang tatag ng kalamnan ay ang kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat
ng kalamnan
D. Ang tatag ng kalamnan ay kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng katawan nang mabilisan at naayon sa
pagkilos at ang lakas ng kalamnan ay ang kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat
ng kalamnan
25. Alin ang nagpapakita ng kahalagahan ng liksi bilang sangkap ng physical fitness?
A. Upang maging mabagal sa paggalaw. C. Upang madaling malito sa pagkilos.
B. Upang madaling makaiwas sa kalaban sa patintero. D. Upang mabilis mapagod sa paglalaro.
26. Alin sa mga sumusunod na laro ang nakalilinang sa bilis at liksi?
A. syato B. patintero C. tagu-taguan D. talunin ang sapa
27. Alin sa mga sumusunod ang alituntunin ng larong Lawin at Sisiw?
A. Ang mag-aaral ang magbibigay ng hudyat sa pagsisimula ng laro.
B. Bumuo ng anim na pangkat na may bilang na sampu o higit pa.
C. Maglaban-laban ang mga miyembro ng isang pangkat.
D. Kailangang huwag humanay ang bawat pangkat.
28. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng kasiyahan at wastong pag-iingat sa pagsasayaw?
A. Si Rey ay nakaupo habang pinapanood ang mga kaklase na sumasayaw.
B. Si Kim ay nanggugulo sa mga kaklase na nagsasanay ng mga hakbang sa pagsasayaw.
C. Si Nica ay masayang sinusundan ang kanyang guro habang ipinapakita ang hakbang ng sayaw.
D. Si Myla ay ayaw makilahok sa kanyang pangkat na nagsasanay ng mga hakbang sa pagsasayaw.
29. Alin sa mga sumusunod ang unang batayang posisyon ng paa sa pagsasayaw?

A. B. C. D.

30. Alin sa mga sumusunod ang katawagan sa sayaw?


A. toss B. push-up C. touch step D. spike
31. Paano mapapanatiling malinis at ligtas ang pagkain?
A. Hugasan ang mga sangkap at kagamitan sa pagluluto.
B. Huwag lutuing mabuti ang pagkain para masarap.
C. Hayaang walang takip ang lutong ulam
D. Hiwain bago hugasan ang mga gulay.
32. Alin sa mga sumusunod ang sakit na makukuha mula sa maruming pagkain?
A. diarrhea B. diabetes C. epilepsy D. ubo at sipon
33. Alin ang tumutukoy sa cholera?
A. Ito ay makukuha sa mga pagkaing nahaluan ng nakalalasong bagay
B. Ito ay isang diarrhea na may kasamang dugo dahil nasusugat ang intestines
C. Ito ay nakakahawang sakit na maaaring maipasa sa pamamgitan ng kotaminadong dumi ng tao
D. Ito ay dulot ng amoeba na makukuha sa maruming tubig na nagdudulot ng pangmatagalang pagtatae
34. Alin sa mga sumusunod ang mga elemento sa pagkalat ng nakakahawang sakit?
A. susceptible host
B. susceptible host, pathogens
C. susceptible host, pathogens, kapaligiran
D. susceptible host, pathogens, kapaligiran, kalikasan
35. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan?
A. Ugaliin ang magpabakuna.
B. Lumapit sa taong may ubo at sipon.
C. Hintaying lumala ang sakit bago pumunta sa doctor.
D. Huwag nang maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
36. Ano ang gamit ng analgesic?
A. mga gamot na panglunas sa sakit ng ulo, sakit ng ngiipin at kalamnan
B. ginangamit na panlunas sa allergy
C. ginagamit pangontra asim
D. gamot para sa puso
37. Alin ang maling paggamit ng gamot?
A. Bumili ng gamot na inireseta ng isang doktor.
B. Gamitin ang gamot na iniseta para sa iyong kapatid.
C. Uminom ng gamot ayon sa sukat na inireseta ng doktor.
D. Huwag uminom ng gamot ng sobra sa itinakdaw araw ng pag-inom.
38. Ang bagyo ay _____.
A. may dalang malakas na hangin at ulan C. pagguho ng lupa
B. pagyanig ng lupa D. pagsabog at pagbuga ng usok
39. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin habang bumabagyo?
A. Pumunta sa tabing-dagat. C. Maglaro sa tubig-ulan.
B. Manatili sa loob ng bahay. D. Mangisda sa dagat.
40. Ano ang maaaring kapahamakang dulot ng paggamit ng paputok tuwing Pasko?
A. Magiging masaya ang mag-anak. C. Maraming tao ang manonood sa plasa.
B. Maaaring maputulan ng kamay. D. Maraming pagkaing ihahanda.

Prepared by:

SHARON H. MANUEL
Teacher III

You might also like