You are on page 1of 2

MUSIC

TEMPO - Ang tempo ay isang elemento ng musika na tumutukoy sa bilis o bagal


ng isang awitin o tugtugin. Ang tempo ng musika ay nasusukat sa pamamagitan ng isang
metronome. Ito ay ginagamit upang malaman ang bilang ng kumpas sa isang minuto.

MGA URI NG TEMPO SA MUSIKA:

PHYSICAL EDUCATION
MALIKHAING PAGSAYAW
Ang malikhaing sayaw ay isang sining na binubuo ng piling magkakasunodna
galaw ng tao ng mayroong pakay. Ang galaw na ito ay masining at may tinutukoy, at ito ay
kinikilala bilang sayaw ng mga mananayaw at mga tagamasid sa loob ng isang partikular
na kultura.

A. Mga salik sa pagbuo ng Malikhaing Sayaw


1. Tema- Tumutukoy sa pangunahing idea ng sayaw. Lahat ng gagamitin mula sa
kasuotan, galaw at props, kailangang magkaugnay sa tema.
2. Musika- Ang iyong pipiliing musika ay may mahalagang parte sa pagbuo ng iyong
sayaw. Siguraduhing ang musika ay angkop sa iyong tema.
3. Ritmo- Ito ay nakakatulong sa paglikha ng mga galaw sa sayaw. Dito maipapamalas ang
angking galling sa pagsayaw sa saliw ng musika.
4. Kuwento- Ang ating katawan ay maaring gamitin upang magpahayag ng isang kuwento.
5. Bilang mananayaw- Planuhin ang bilang ng mga mananayaw para sa pagtatanghal.
6. Formation- Maraming klaseng formation na maaaring pagpilian gaya ng:
 Choral Line
 Column Line
 Serpentine Line
7. Kasuotan- Ito ang unang nakikita ng mga manonood. Sa kasuotan nagkakaroon ng idea
ang mga manonood kung anong klaseng sayaw ang itatanghal.

8. Props/Materyales- Pumili ng props o materiales na kinakailangan at angkop sa sayaw.


Iwasang gumastos nang malaki. Gumamit ng recyclable na materyales.

You might also like