You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

ISABELA STATE UNIVERSITY


Cauayan Campus
GAWAING PANG BUONG SEMESTRE PARA SA PAKSA
PATHFIT -3

Numer Alituntunin sa Paggawa ng mga aktibidad


o
1. Sa isang pangkat ay may walong miyembro na may pagkakasunod sunod base sa
ibinigay na masterlist
2. Mag usap- usap kung sino ang itatalaga o hihiranging Lider
3. Dapat ay hindi lamang ang Lider ang gagawa ng mga ibinigay na Gawain kundi
may partisipasyon ang lahat gaya ng pag edit, pag aayos at pagkuha ng mga datos
mula sa mga ka grupo at ang pagsusumite ng natapos na bidyo ng gawain o
aktibidad ( huwag i- asa lahat kay Lider hanggat wala syang pahintulot ).
4. Lahat ng gagawing aktibidad ay gawa sa bidyo o naitalang powerpoint converted
sa bidyo o gamit ang anumang klaseng disenyo, istratehiya, plataporma ng pag
gawa sa pag edit.
5. Sa unang parte ng bidyo ay makikita ang Kurso at seksyon at kasunod nito
ay ang Apelyido bago ang pangalan ng mga miyembro ng grupo ng naaayon
sa pagkakasunod sunod( MATEO, CHRISTOPH) ng bisibol o nakikita
6. Huwag ilagay ang pangalan ng walang partisipasyon maliban lamang sa
dahilan at depende sa mga miyembro ng KA- grupo
7. Ibabalik ang bidyo at hindi maitatala sa talaan kung hindi nasunod ang pagkaka
edit ng mga pangalan
8. Sa paggawa o pag edit ng bidyo, ilagay din ang kahit Apelyido lamang habang
ginagawa ang pagganap base sa mukha ng taga ganap para sa madaliang
pagbibigay ng puntos indibidwal.
9. Ang pagsusumite via messenger ay hindi lalagpas bago ang pang wakas na
pagsusulit
10. Ang pagbuo ng bidyo ay walang limitasyon na Oras o minuto pero titiyakin na
maisumite at may sapat na megabits.
11. Mabibigyan ng Mataas na marka o grado ang unang makakapag sumite ng mga
aktibidades
12. At mababang marka naman o grado para sa mga mahuhuli sa pag sumite.
13. Ang paraan ng pagbibigay ng grado ay indibidwal at grupo para sa patas at base
sa ibibigay na pamantayan.
14. Kung handa na ang Grupo, pwede na ninyong simulan.

Numer Titulo ng mga Aktibidades


o
1. TAKE THE LEAD

 Base sa natapos na Aralin sa unang kabanata ( Dance Classification/ Form)


a. Classical Dance
b. Classical Ballet Dance
c. Modern Dance
d. Contemporary Dance
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
Cauayan Campus
GAWAING PANG BUONG SEMESTRE PARA SA PAKSA
PATHFIT -3

e. Popular Dance
f. Folk Dance
g. Ethnic/ Tribal Dance, at ang
h. Ballroom Dance
 mamili lamang ng isa sa mga walong naitala o nabanggit at pag usapan kung
anong gagawing istilo at natatanging pamamaraan ng gagawing bidyo,
pwede itong istorya na may komedya, pwedeng pasalitang may hugot at
istorya, pwedeng pasayaw na may istorya o gamitin ang isip sa pagpasya
para sa paggawa ng natatanging Sining ng naaayon sa mga ibinigay na
alituntunin.
2. FEEL THE BEAT

 Ang sumusunod sa mga Aralin sa ikalawang Yugto o kabanata ay ang


mapapag usapang ( Rhythmic Activities and Interpretation).
 Sa gawaing ito, ay lumikha ng hakbang sayaw na lalapatan ng Tunog na
gagamitan ng patpat .
 Pwede din lapatan ng musika ng naaayon sa kumpas ng patpat sa napiling
musika.
 Lapatan ng mga elemento sa pagsasayaw at koreograpia para sa mas
magandang presentasyon
 Sundin ang alituntunin sa paggawa ng bidyo

3. SHALL WE DANCE

 Sa pangatlong Kabanata ay ating pag aaralan ang mga ibat-ibang hakbang


sa pagsasayaw ng Katutubong Sayaw at ang mga Pangunahing hakbang ng
Paa at Kamay sa pagsasayaw.
 Mababanggit at mapapag aralan dito ang mga sumusunod;
1. Bow or Saludo
2. Do-si-do
3. Abrasete
4. Hapay
5. Hayon- Hayon
6. Kumintang
7. Lateral Arms Position
8. Salok
9. Sarok
10. Change Steps
11. Changing Steps
12. Habanera Steps
13. Hop polka Steps
14. Heel and Toe Polka
15. Contra Ganza
16. Haplik
17. Mazurka
18. Waltz Balance
Republic of the Philippines
ISABELA STATE UNIVERSITY
Cauayan Campus
GAWAING PANG BUONG SEMESTRE PARA SA PAKSA
PATHFIT -3

19. Cross waltz


20. Kuradang
21. Sway Balance with point, waltz, hop, brush
22. At marami pa.
 Mamili ng tig – iisa sa bawat miyembro ng grupo at isagawa ang mga
naturang hakbang at lapatan ito ng musika ng naaayon sa kumpas o bilang
ng naturang hakbang.
 Maaari din kayong gumaya at manood sa Youtube para sa mabilisang
pagsasagawa at pagsasa ayos ng gawaing bidyo.
 Sa paggawa ng naturang hakbang, gumamit ng naaayon na kasuotan at
karagdagang Props o desinyo
 Sundin ang alituntunin sa pag edit ng bidyo.

4. SAVE THE LAST DANCE

 At sa pang huling Kabanata ay matatalakay ang mga ibat ibang klase at


kategorya ng sayaw BALLROOM at Modern Jazz.
 Bumuo ng isang sayaw na nilalapatan ng Modern Jazz at Ballroom
( Remix)
 Kayo ang maglalapat at mamili ng gusto ninyong musika o tugtog ng
gagawing hakbang sayaw.
 Kasali ang kasuotan at props sa pamantayan at pagbibigay ng puntos.
 Sundin ang alituntunin sa paggawa

PAMANTAYAN
1. Nasunod ang Alituntunin sa pag edit 20
2. Nilapatan ng koreo, Istilo, at elemento sa pagsasayaw 30
3. Istilo ng pagsasayaw at nasunod ang naturang 20
hakbang ng sayaw.
4 Ginamitan ng naaayon sa musika at hakbang, props 10
at desinyo ng sayaw
5. Pagsayaw ng may kaakibat na saya at pag indayog 10
ng katawan
6. Malinis na bidyong na edit. 10
Suma Total 100

PAG- PAPANGKAT O GRUPO


 Ang Grupo o pangkatan ay makikita sa ibibigay na listahan o masterlist
 Unang walo sa listahan ang unang Grupo
 Pangalawang walo sa listahan ay ang pangalawang grupo
 Gayundin ang mga sumusunod na grupo.

You might also like