You are on page 1of 2

HALIMBAWA NG PANUKALANG PROYEKTO

Panukalang Proyekto (Pamagat) : DULSAWIT 2021


Proponent ng Proyekto : Samahan ng mga Kabataang Nueva Ecijano
skne@yahoo.com.ph
Kategorya ng Proyekto : Patimpalak sa pagsasagawa ng dula, sayaw,
at awit
Petsa : Abril 23, 2021 hanggang Mayo 1, 2021

Rasyonal ng Proyekto
Bago lubusang mawalan ng pagpapahalaga ang mga kabataan sa ilang mga uri
ng sining ay nilalayon ng Samahan ng mga Kabataang Nueva Ecijano na magsagawa ng
patimpalak sa pagsasagawa ng dula, sayaw, at: awit. Layunin ng proyektong ito ang
sumusunod:
1. Napahahalagahan ng mga kabataan ang dula, sayaw, at awit bilang
mahalagang bahagi ng panitikang at sining na Pilipino;
2. Nakapagsasagawa ng sariling dulsawit na itatanghal na nagpapakilala ng
kanilang kuitura;

Deskripsiyon ng Proyekto
Ang DULSAWIT ay isang uri ng pagtatanghal na kinapapalooban ng dula,
sayaw, at awit. Tatlong uri ng sining na pinagsanib upang maging isang uri ng
proyekto, ipinamamalas dito ang mga angking kasanayan ng mga kabataan sa
nabanggit na gawain.
Ang panukalang proyekto ay isasagawa sa ng Hunyo 2016, ganap na 1:00PM
hanggang 4:00PM sa Bulwagan ng Gapan City Hall.
Narito ang mga paraan sa pagtatanghal ng DULSAWIT.
1. Binubuo lamang ng 15 kabataang nasa edad 12 hanggang 21 na kahit ano pa
ang kanilang kasarian ay tinatanggap na lumahok.
2. Ipinauubaya sa mga kalahok ang kanilang gagawin sa paksa, ang tanging
mahalaga ay maipamalas ang pagmamahal sa kulturang kinagisnan.
3. Tanging mga awiting Pilipino lamang ang maaaring gamiting musika. Kapag
gumamit ng awiting Ingles, ang pangkat na kalahok ay hindi na
magpapatuloy sa kompetisyon.
4. Labinlimang minuto lamang ang ilalaang oras sa pagtatanghal. Bawat
minutong kalabisan ay may katumbas na 2 puntos na kabawasan sa
kabuoang puntos.
5. Hindi pinahihintulutang magdala ng anumang kagamitan para sa
pagtatanghal. Ang gagamitin lamang na props ay ang kanilang mga sarili
mismo (human props).
6. Ang anumang desisyon ng mga hurado ay pinal at siyang dapat na sundin.

Kinakailangang Badyet sa Proyekto PHP 45,000.00


Dekorasyon (pagsasaayos ng bulwagan) 1,000.00
Tarpaulin para sa advertisement 1,200.00
Paggawa ng Programa (invitation program, ink ng
1,200.00
printer)
Token para sa limang hurado 10,000.00
Mga Tropeo
Unang Gantimpala (w/cash) 5,750.00
Ikalawang Gantimpala (w/cash) 3,550.00
Ikatlong Gantimpala 2,350.00
Pagkain para sa pangkalahatang darating (200) 15,000.00
Upa sa sound system 3,500.00
Token para sa emcee 1,200.00
Kabuoang Halaga PHP 44,750.00

You might also like