You are on page 1of 10

“Life is about accepting the challenges along the way,

choosing to keep moving forward, and savoring the


journey”, ayon kay Roy T. Bennett, isang tanyag na
manunulat. Gaya ng kasabihang ito, muli nating harapin
ang panibagong yugto ng ating buhay. Sa ating mga
kapita-pitagang punong inampalan, guro, binibini at
ginoo, mga kapwa kalahok , isang mapagpalang araw sa
inyong lahat!
 
Lahat tayo ay may nakatagong talento sa ating
sarili. Ito man ay talento sa pag-awit, pagsayaw o
pagrampa, o maging talento sa pag-iisip.
Maraming bagay ang maaaring ibahagi sa
aspetong kaugnay sa talento.
 
Kung tayo man ang tatanungin, masasabi
nating maraming pangarap ang
naudlot, maraming talento ang di nahasa, at
maraming simula ang hindi natapos. Ngunit
sa kabila nito, natutunan nating tumayo sa
ating sarili at ipagpatuloy ang agos ng buhay.
Alam natin na ang bawat pangyayari ay may
kabayaran dulot ng pagbabago ay kailangan
nating makiangkop at makiayon hinggil sa mga
bagay-bagay na nagaganap sa ating paligid.
Salamat sa impluwensya ng teknolohiya sa
mundo, isa ito sa naging paraan upang malutas
ang pagbabago sa mundo.
Sa tulong nito, mapapamalas ang kakayahan ng isang
tao, ang talento nitong nakakubli dahil naniniwala
tayo na sa kapangyarihan ng teknolohiya,
naipapakita natin sa buong mundo ang talento natin.
Maging ito man ay tungkol sa larangan ng musika,
sining at iba pa. Hindi ito hadlang upang tayo'y
sumuko sa pagbabagong hatid ng mundo.
Bilang mag-aaral, kami’y lubos na nahasa at
nabigyang pagkakataon na ipamalas ang angking
talento sapagkat kami ay nakikilahok sa iba’t ibang
patimpalak sa tulong ng aming mga batikang guro, ito
man ay pandibisyon , panrehiyon, o nasyonal na lebel
gaya nang eksibit sa pagpipinta ,tagisan ng talino,
debate, online singing at dance contest, virtual
pageantry, at iba pa.
Isang napakalaking oportunidad ang pagsali sa mga
nasabing patimpalak . Ito’y isang patunay lamang
na hindi hadlang ang pandemya upang maisulong
ang pagiging handa at pagiging kompetent ng mga
mag-aaral. Hindi lamang nalinang at nahasa ang
aming talento kundi nadagdagan pa ang aming
karunungan sa tulong ng teknolohiya.
Bagama’t idinadaos nang birtwal, ito’y labis na
ikinagagalak at nagsilbing inspirasyon sa lahat maging sa
mga taong nakapalibot na handang sumuporta sa lahat
ng pagkakataon. Sa pamamagitan ng 2021 National
Festival of Talents, ito’y magsisilbing hagdanan upang
maihakbang ang isang pangarap na kayang-kayang
mapalago at makamtan sa pagdating ng panahon.
Ngunit hindi lahat ay may kakayahang
maipakita ito. Hinggil, dahil sa kritisismo? Sa
magiging opinyon ng ibang tao? Sa pag-iisip na
wala kang tiwala sa iyong sarili? Lahat tayo ay
may kahinaan, lahat tayo ay may takot. Lahat
ng yan ay normal.
Gayunpaman, iyong isaisip na hindi sila kailanman
magiging ikaw. Dahil naniniwala tayong mapabata
man o matanda, ang talento ay hindi nakabase sa
edad, kundi sa abilidad. Muli, magandang araw at
maraming salamat.

You might also like