Posisyong Papel 2

You might also like

You are on page 1of 5

MGA EPEKTO NG MGA BEAUTY CONTEST: NAKABUBUTI O

HINDI NAKABUBUTI?

Mula kina Addie Beatrice Cuadra at Bianca Pauline Villaret

XII – OLC

Senior High School Department

Assumption – Iloilo

Posisyong Papel

Ipinasa kay Bb. Jelyn Derla


Guro sa Asignaturang Filipino
Ang mga beauty contest ay isang uri ng kumpetisyon na naka-pokus sa panghuhusga o
pagpapasiya sa pisikal na estado ng mga sumasali. Mayroong iba't ibang uri ng beauty contest, ang iba'y
may ibang klaseng mga kategorya pa tulad ng, Question and Answer, kung saan kailangang sagutin ng
mga kalahok ang mga tanong. Mayroon ding iba't ibang klase ng panuntunan depende sa mga nag-
organisa ng kumpetisyon.
Angat ang angking alindog at galing ng pag-iisip ng mga pambatong kandidata ng Pilipinas kung
kaya't iba't ibang Internasyonal na Beauty Contests na ang napanalunan ng ating bansa. Dahil dito,
marami pang mga dilag ang nahihikayat na sumali sa mga beauty contest. Isa na sa pinakatanyag ang
Miss Universe, kung saan huling nasungkit ng ating bansa ang korona noong Disyembre taong 2015. sa
mga nagdaang taon, marami pang mga kumpetisyon sa patagisan ng kagandahan at katalinuhan ang
napanalunan ng mga babaeng Pilipino.
Kaya, naniniwala ang mga manunulat nitong papel na nakabubuti ang pagdaraos ng mga beauty
contests dahil nagdudulot ito ng disiplina sa sarili, paglago ng kaugnayang internasyonal, pagganyak sa
kabataan, at pagbubuti ng karakter dahil sa kompetesyon.
Sa mga kalahok, nadidisiplina sila sa iba't ibang aspeto. Sa paraan ng kanilang pagdala sa sarili,
disiplina sa pagpili ng masustansyang pagkain upang mapanatili ang magandang hubog ng katawan, at
paraan ng pagsasalita at pagsagot sa mga tanong. Dahil sa mga beauty contest ay napapanatili ng ating
bansa ang magandang relasyon sa iba pang mga bansa.

Bago tatalakayin ang posisyon ng mga manunulat, ilalahad muna ang mga argumentong
tumututol sa pinapanigang posisyon.
Nakasasama sa mga Kabataan
Hindi makatotohanang mga ideaya tungkol sa kagandahan. Sabi nga ng iba'y, “beauty is in the
eye of the beholder”. Mayroon tayong magkakaibang mga pananaw sa kung ano ang pamantayan ng
kagandahan. Hindi natitiyak kung sino ang nangingibabaw kung sa halaga ng mukha ibabase ang
panghuhusga.
Nakasasama sa Kalusugan ng mga Kalahok
Dahil kailangan ng disiplina sa pagpili ng kakainin, ang ibang kandidata'y labis na
pinagbabawalan ang kanilang sariling kumain upang mapanatili ang pisikal na katangian at kung
madagdagan man ang timbang ay labis na nalulungkot at bumababa ang tingin sa sarili. Kung kaya’t
nagiging laganap ang mgsa sakit na depresyon at iba’t iban mga eating disorders.
Sobrang Kompiyansa sa Sarili at Pagiging Mababaw
Ang iba'y masyadong mataas ang tingin sa sarili dahil sa nag-uumapaw na kumpiyansa sa sarili.
Hindi ito maganda dahil maaaring magkaroon ng hidwaan at hindi pagkaunawaan sa ibang kandidata.
Magiging subhetibo ang pananaw sa kumpetisyon dahil sarili ang labis na pinapanigan.

Sa posisyon naman ng mga manunulat, mabuti ang epekto ng pagdaraos ng mga beauty contests
hindi lamang sa mga kalahok kundi pati sa nakararami sa lipunan.
Disiplina sa Sarili
Hindi biro ang isang beauty contest at sa katunayan ito ay mahirap panalunan kapag ang tao ay
may kakulangan sa disiplina at determinasyon na makamit ang nais na hugis ng katawan . Ang pag-
eensayo, pag-eehersisyo, at pagsasanay sa pagsasalita nang mabilis at matalino sa harap ng madla pati na
rin sa napiling talentong ibabahagi sa kumpetisyon ang tuturo sa mga kalahok ng kahalagahan ng
disiplina. Sa isang beauty contest, kailangan sa buong kumpetisyon ang paraan ng pagdala niya sa
kanyang sarili, tikas at tindig, mga kilos lalo na ang pustura at maging ang kanyang ngiti. Para makamtan
ang lahat ng mga ito, kailangan sumikap ng mga kalahok at kailangan din nilang making pasensiyoso
dahil hindi agad makikita ang kanilang pinahirapan at ang katangiang iyan ay bahagi na ng pagiging
disiplinado.
Kaugnayang Internasyonal
Ang mga kaugnayang internasyonal ay isang mabuting epekto ng pagdaraos ng mga beauty
contests sapagkat may nabubuong mga pagkakaibigan sa pagitan ng iba’t ibang mga bansa. Ang mga
pagkakaibigang ito ay dulot ng mga kumpetisyong internasyonal kung saan ang mga kalahok ay mula sa
iba’t ibang parte ng mundo. Ang mga kumpetisyon ay nagpapakita ng mabuting relasyon ng mga kalahok
sa isa’t isa kahit na pare-pareho silang naghahangad na manalo. Dahil din sa kaganapang ito, ang mga
taong may iba’t ibang pinagmulan, paniniwala, kultura, at relihiyon, ay nasasama sa isang bulawagan
kung saan nakikilala at napapaalam sa iba ang tungkol sa kanilang natatanging kultura. Sa pamamagitan
nito, nagiging bukas ang isipan ng tao sa mga pagkakaiba ng bawat isa at natututo silang pahalagahan ang
mga iyon.
Paraan ng Pagganyak
Gaya ng isports, ang mga beauty contests ay nagtuturo ng mahahalagang prinsipyo tulad ng
pagtatakda ng mga layunin at ambisyon lalo na sa mga kababaihan. Hinihikayat nito ang mga babae na
magkaroon ng isang pangarap o ambisyon at sumikap na maabot ito. Ang pagsali sa mga beauty contests
ang humahanda sa mga kalahok na magbigay halaga sa sipag at tiyaga sapagkat ang mga ito ang tutulong
sa kanilang maagtagumpay. Maliban sa mga gantimpala at perang mapapalanuhan, maraming mga
pagkakataon ang darating sa mga kalahok pagkatapos nilang sumali at maaaring magkaroon ng
mabubuting trabaho ang mga sumali.
Turismo
Ang mga lugar kung saan nagaganap ang mga beauty contests ay nagiging kilala sapagkat
maraming tagahanga ang mga pangyayaring ito. Sa pamamagitan nito, ang mga sikat na monumento at
atraksyong panturismo, ay mas lalong binibisita. Pati na rin ang mga manonood ng pangyayari sa
telebisyon ay gugustuhing pumunta sa lugar ng kaganapan. Kapag tanyag ang mga kumpetisyon, siyak na
dadaluhin ito ng mga kapamilya at kaibigan ng mga kalahok pati na rin ng masigasig na mga tagahanga at
tagasuporta na siyang magpapalakas ng turismo ng lugar ng pinangyarihan.
Pagbubuti ng Karakter dulot ng Kumpetisyon
Dahil isa tong kumpetisyon, ang mga kalahok ay matiyagang nagsusumikap sa paraang hindi
masama. Ang mga kumpetisyong ito ay nagpapaalala sa mga kalahok na hindi sila palagi ang magwawagi
ngunit may iba pa namang kumpetisyong maaaring salihan. Natuturuan ang mga kalahok na tumanggap
ng mga pagkatalo. Upang manalo sa kumpetisyon, kinikilala ng mga kalahok ang kanilang mga kalaban
at nararapat nila itong respituhin. Manalo man o matalo, nanataling mahinhin at mapagkumbaba ang mga
kalahok dahil alam nilang pinaghandaan at nagsumikap din ang kanilang mga kinalaban.

Sa mga kadahilanang ito, masasabing, talagang nakabubuti ang pagdaraos ng mga beauty contests
dahil nagdudulot ang mga ito ng disiplina sa sarili, paglago ng kaugnayang internasyonal, pagganyak sa
lipunan, at pagbubuti ng karakter dahil sa kumpetisyon.
Tunay na maraming mabubuting epekto ang pagdaraos ng mga beauty contests subalit may mga
hindi mabubuting epekto ang mga ito. Upang mabawasan ang mga hindi mabubuting epekto at higit na
making kapaki-pakinabang ang mga gaganaping beauty contests, dapat palawakin at palalimin ang mga
kumpetisyon. Sa halip na bigyang-pansin ang panlabas na anyo ng bawat kalahok sa kumpetisyon at
isiping dapat ganito ang hitsura ng isang taong maganda dapat ay maging bukas ang isipan ng mga
hurado. Ang bawat isa ay naiba at may kanya-kanyang angking kagandahan. May mga bali-balita rin na
itatanggal na raw ang bahaging question and answer sa mga beauty contests, subalit, hindi ito dapat
gawin. Sa pamamagitan ng question and answer ay higit na nakikilala ng mga tao, lalo na ng mga hurado,
ang mga kalahok at ang kanilang mga paniniwala, kung saan makapagsasabi tayo kung sino sa kanila ang
karapat-dapat na manalo. Upang maging malalim at salong maning makabuluhan ang mga susunod na
kumpetisyon, dapat ay may mga magbebenepisyo sa ginanap na kumpetisyon at nararapat ding buong-
pusong sasali at tutulong ang mga kalahok sa mga proyektong panlipunan na siyang dadagdag sa
kahalagahan ng isang beauty contest.
Outline
Epekto ng mga Beauty Contests (Nakabubuti o Hindi Nakabubuti)

I. Panimula
A. Paunang Impormasyon tungkol sa mga Beauty Contests
B. Kasalukuyang Sitwasyon at Kalagayan ng mga Beauty Contests sa Lipunan
C. Pahayag ng Tesis: Nakabubuti ang pagdaraos ng mga beauty contests dahil nagdudulot ito ng
disiplina sa sarili, paglago ng kaugnayang internasyonal, pagganyak sa kabataan, at pagbubuti ng
karakter dahil sa kompetesyon.
II. Paglalahad ng mga Argumentong Tumututol sa Iyong Tesis (Hindi Nakabubuti)
A. Nakasasama sa mga Kabataan
1. Hindi makatotohanang mga ideaya tungkol sa kagandahan
B. Nakasasama sa Kalusugan ng mga Sumasali
1. Depresyon at eating disorders
C. Sobrang kompiyansa sa sarili at mababaw
1. Pag-aakala na siya ang pinaka-nakaaangat
III. Paglalahad ng Iyong Posisyon (Nakabubuti)
A. Disiplina sa Sarili
B. Kaugnayang Internasyonal
C. Gumaganyak
D. Turismo
E. Pagbubuti ng Karakter dala ng Kompetisyon
IV. Kongklusyon
A. Paglalahad Muli ng Tesis
B. Plan of Action

You might also like