You are on page 1of 2

MALE QUESTIONS

1. Ano sa tingin mo ang dapat na maging papel ng mga kabataan


sa pagpapaunlad ng ating bansa?

2.Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng kultura at


tradisyon ng Pilipinas sa buong mundo?

3. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapaglingkod sa


komunidad, ano ang una mong gagawin at bakit?

4. Ano ang mensahe mo para sa mga kabataang Pilipino na


nagnanais magtagumpay sa buhay?

5. Ano ang iyong opinyon sa usapin ng gender equality sa ating


lipunan? Paano mo ito susuportahan bilang isang kinatawan ng
mga mag-aaral dito sa ating paaralan?

6. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng


pagpaplano ng edukasyonal na sistema ng bansa, ano ang mga
reporma o inobasyon na nais mong ipatupad upang mapabuti ang
kalidad ng edukasyon sa Pilipinas?

7. Ano ang iyong pananaw sa patuloy na isyu ng child labor sa


Pilipinas at paano mo ito gusting tutukan bilang isang kinatawan
ng isang patimpalak kagaya nito?
FEMALE QUESTIONS

1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapag-ambag sa


pagpapalakas ng turismo sa Pilipinas, ano ang iyong plano upang
maipromote ang ating kultura at mga atraksyon sa buong
mundo?

2. Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang isyu na


kinakaharap ng mga kababaihan ngayon sa Pilipinas?

3. Paano mo ipapakita ang halaga ng pagkakaroon ng


pagpapahalaga sa kapaligiran at kagubatan ng Pilipinas sa gitna
ng mga hamon ng climate change at environmental degradation?

4.Ano ang iyong pananaw sa isyu ng mental health sa bansa at


paano mo ito gustong tutukan bilang isang beauty queen?

5. Sa panahon ng krisis kagaya ng pandemya na naranasan natin,


ano ang papel ng isang beauty queen sa pagtulong ng mga
nangangailangan at pagpapalakas ng moral ng samabayanan?

6. Paano mo maipakikita ang kahalagahan ng pagtangkilik sa


mga lokal na produkto at industriya upang suportahan ang
ekonomiya ng Pilipinas?

7.Bilang isang kabataang Kapampangan, ano ang iyong saloobin


sa mga bagong henerasyon na sumisibol ngayon sa ating
lalawigan na hindi na marunong sa paggamit ng wikang
kinalakihan ng mga tao dto sa ating lugar?

You might also like