You are on page 1of 3

Questions: Ginoo at Binibining Paete 2024

Kasiningang Paete 2024

GINOO

1. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makakatagpo ng sinaunang tao sa kasaysayan,


sino ito? At bakit?

2. Ano ang maaaring maging pinakamalaking kontribusyon mo sa komunidad?

3. kung magiging isa ka sa hurado sa pageant na ito, anong mga katangian ang hahanapin
mo sa mga kandidato/kandidata upang siya ang tanghaling Ginoo at Binibining Paete
2024

4. Ang bayan ng Paete ay kilala bilang Carving Capital of the Philippines at Arts Capital ng
lalawigan ng Laguna, sa sarili mong pananaw, paano mapapanatili ng bayan ng Paete
ang ganitong mga pagkilala sa mga susunod na henerasyon at pagbabago ng panahon?

5. Ayon sa ilang pag-aaral, isa sa kada limang kabataang nasa edad 16-24 ang hindi
nakikiisa sa mga gawaing pang-sining at nawawalan ng interes dito, anong programa o
proyekto ang maaari mong pangunahan at isagawa upang maimulat muli ang kapwa mo
kabataan sa kahalagahan ng sining at kultura sa ating buhay?

6. Sa iyong palagay anu ang isang partikular na epekto ng global warming, at paano ito
posibleng makaapekto sa iyo bilang isang tao?

7. Kung bibigyan ka ng pagkakataong dumalo at makiisa sa pagpupulong ng mga


konsehales sa ating Sangguniang Bayan, anong isyung panlipunan na nakatuon sa ating
sining, kultura, lalo't higit sa industriya ng pagtataka at pag-uukit ang nais mong buksan
at talakayin sa konseho at bakit?

8. Ang mga hamon at pagsubok sa buhay ay bahagi ng ating paglalakbay bilang mga
indibidwal. Sa bawat pagsubok na ating hinaharap, binibigyan tayo ng pagkakataon na
magpatibay ng ating loob, magbago, at lumago. Ano ang pinakamahalagang aral na
natutunan mo mula sa mga hamon at pagsubok sa iyong buhay, at paano ito
nakaimpluwensya sa iyong pananaw sa buhay?

9. Maraming nang mga taga-Paete ang nagbigay at patuloy na nagbibigay ng karangalan at


pagkilala hindi lang para sa kanilang sarili kundi para sa ating bayan. Paano mo bibigyan
ng pagpapakahulugan ang pagiging dangal at alagad ng sining at kultura?
10. Mayroong mahigit 92 milyong gumagamit ng social media sa Pilipinas sa kasalukuyan at
sa pagsasaalang-alang ng ulat na ito, ano-ano ang mga natatangi at makabagong
pamamaraan ang maaari mong gawin gamit ang social media sa pagtataguyod ng sining
at kultura ng ating bayan?

11. May tatlong pangunahing tourist destinations sa bayan ng Paete: ang Tatlong Krus,
Matabunca Falls, at ang Lumang Simbahan ng Romano. Kung ikukumpara mo ang iyong
sarili sa mga nabanggit na tourist spot, ano ito at bakit?

12. Ang sining ay nagiging makapangyarihan dahil sa kakayahan nito na magbukas ng


mga pintuan patungo sa emosyon, kaisipan, at karanasan ng tao. Ito ay nagbibigay-
daan sa mga indibidwal na magkaroon ng pagpapahayag ng kanilang mga damdamin
at pananaw sa pamamagitan ng iba't ibang anyo ng sining. Sa anong mga paraan ang
sining ay maaaring gamitin bilang isang instrumento para sa pagbubukas ng
kamalayan at pagbabago sa lipunan?

You might also like