You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION II CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
SALINUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Ramones St., Salinungan West, San Mateo, Isabela
salinungan.nhs@gmail.com
SCHOOL ID : 300581

SALINUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL


San Mateo, Isabela
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FLIPINO 7
S.Y.2023-2024

Pangalan:__________________________________________ Iskor:______
Antas at Seksyon;__________________________

I. Maramihang pagpipilian
Panuto : Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba . Isulat ang tamang sagot bago ang bilang.

Para sa bilang 1-10. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakadiin sa pangungusap.

1. Kinausap niya ang ama ng dalaga upang hingin ang kamay ng anak.
A. humingi ng permiso C. pakasalan
B. humingi ng basbas D. wala sa nabanggit
2. Sumakay si Labaw Donggon sa isang inagta at naglayag sa malalawak na karagatan patungong
Gadlum.
A. pulang bangka C. dilawbangka
B. itim bangka D. bangka
3. Sa pamamagitan ng pamlang ni Saragnayan ay natalo niya ang noo’y nanghihina at pagod na pagod
nang si Labaw Donggon.
A. anting-anting C. hiwaga
B. ulap D. hangin
4. Binayo niya nang binayo subalit hindi rin niya ito nagapi.
A. durugin C. patayin
B . ubusin D. limasin
5. Hindi nagapi ng magkapatid ang makapangyarihang si Saragnayan dahil sa taglay nitong lakas.
A. Mapatumba C. Matalo
B. Mapahinto D. Manalo
6. Walang kapares ang kagandahan at kabaitan si Daragang Magayon.
A. walang katulad C. Kaaya-aya
B. Maganda D. nag-iisang maganda
7. Maraming manliligaw ang gustong mabihag ang puso ng dalaga.
A. kakilala C. mangingibig
B. kaibigan D. kaaway
8. Pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang kayamanan ang ama ni
Daragang Magayon.
A. hain C. karangyaan
B. handog D. kasaganaan
9. San kanilang nayon bantog ang kagandahan ng pitong dilag.
A. kilala C. hinahangaan
B. alam D. kinaaliwan
10. Humagulgol ng malakas ang kanilang ama dahil sa pagsuway ng kanyang mga anak.
A. seryoso ang mukha C. umiyak ng malakas
B. umiyak D. lumuha

SNHS:Adapt transformational char


for a better avenue of ch
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
SALINUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Ramones St., Salinungan West, San Mateo, Isabela
salinungan.nhs@gmail.com
SCHOOL ID : 300581
Para sa bilang 11-20. Kilalanin kung ang pangungusap ay balbal, kolokyal, lalawiganin, o pormal.
a. Balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pormal
11. Nanay: Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na nagdulot sa akin ng
kaligayahan.
12. Vicky: Uy, si Lola nag eemote na naman!
13. Lito: Hayaan mo nga siya Vicky, Moment nya ito eh!
14. Tita Lyds: O sige, mangan tayon. Magdasal muna ang lahat.
15. Coleen: Wow! Ang daming handa, tsibugan na!
16. Geline: Oh my! Sira na naman my diet here.
17. Lola: O sige kain na ngarud para makarami at mabusog na tayo.
18. Boy: Ipinapakilala ko nga pala ang syota ko sa inyong lahat.
19. Tito: Naku nangangamoy bawang na. Kailan ba nag pag-iisang-dibdib?
20. Lola: Basta mga apo, tandaan ninyong ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isinubo na
kapag napaso ay maaaring iluwa
21. Ang pitong dalaga'y madalas makita sa dalampasigan habang nagtatampisaw o masayang lumalangoy,
naghahabulan, at nagtatawanan. Mahihinuha mula rito na ang mga dalaga ay ...
A. Masayahin C. Palakaibibgan
B. Mapagwalang bahala D. Malaro
22. Araw-araw makikita ang pitong dalaga habang nagsasagawa ng kani-kaniyang gawaing bahay. Mahihinuha
mula rito na ang mga dalaga ay...
A. Palautos C. Malinins
B.Masisipag D.Masayahin
23. Subalit hindi naging madali ang paghingi ng pahintulot sa kanilang ama. "Hindi nyo pa kilala
nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi ako papayag." Mahihinuha
mula rito na ang ama ay ...
A. Magagalitin C. Mapagmalasakit
B. Maininsin D. Mapagbigay
24. "Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama," ang wika ng panganay na si Delay.
Mahihinuha mula rito na si Delay ay ...
A. May sariling desisyon C. Malupit
B. Magagalitin D. Mapagbigay
25 . Tumutukoy ito sa pinagmulan ng mga bagay-bagay
A. Alamat C. Epiko
B. Maikling kwento D. Dula
26. Ama ng panitikang Bisaya_____
A. Eriberto Gumbal C. Eriberto Gunbam
B. Eriberto Gumban D. Eriberto Gumbat
27. Epiko ng pakikipagsapalaran ng tatlong magkakapatid na sina Labaw Donggon, Humadapnon, at
Dumalapdap.
A. Alamat ng bulkan C. sinogo
B. Isla ng pitong makasalanan D. Hinilawod

SNHS:Adapt transformational char


for a better avenue of ch
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
SALINUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Ramones St., Salinungan West, San Mateo, Isabela
salinungan.nhs@gmail.com
SCHOOL ID : 300581
28. Tumutukoy sa uri at paraan ng pamumuhay ng mga tao.
A. Kultura C. Hilig
B. Nakagisnan D. Buhay
29. Tauhan sa epikong Hinilawod na nagkagusto sa iba’t ibang babae na gusto niyang pakasalan.
A. Humadapnon C. Labaw Donggon
B. Dumalapdap D. Saragnayan
30. Matatalo lang ng dalawang magkakapatid si Saragnayan kung _______________
A. Mahuhuli at mapapatay ang itim na baboy- ramo
B. Mahuhuli ang baboy na nakawala
C. Mahuli ang ibong maya
D. Mahuli at mapatay ang isdang pinaka Malaki sa dagat.

Para sa bilang 30-40 . kilalanin kung ito ay pahambing na pasahol o palamang o pahambing na patulad.
A. pahambing na pasahol o palamang B. pahambing na patulad

31. Higit na marikit ang bulaklak ng rosas kaysa sa bulaklak ng kamia

32. Maganda ang tanawin sa Manila Bay.

33. Ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan ay pawang kahanga-hanga.

34. Kasinsipag ni Alvin ang kaniyang kapatid na si Albino sa pag-aaral.

35. Di- gaanong matulin ang bisikleta tulad ng motorsiklo.

36. Hamak na mas masipag ang kapatid ni Pedro kaysa sa kanya.

37. Walang itulak kabigin ang kagandahan ng magkapatid.

38. Magkasing tangkad na ngayon ang magpinsan na Ana at Petra.

39. Mas magaan ang pamumuhay noon ng mga Pilipino kaysa ngayon dahil sa mataas na bilihin.

40. Pawang mababait at masisipag ang mga anak ni Aling Maria .


Para sa bilang 40-45. Punan ng angkop na pahayag o salitang nanghihikayat ang patlang upang makabuo ng mga
pangungusap na nanghihikayat. Piliin ang mga sagot sa ibaba.

A. Ito na B. Sigurado akong C. Tama D. Tunay

41. ___________ na mahalaga ang ating pagkakaisa para magtagumpay ang ating hangarin.
42. ___________ ang hangarin ng pamahalaang maipaabot ang edukasyon maging sa pinakamalayong lugar.
43. ___________ ang edukasyon ay makatutulong sa lahat.
44. ___________ magagamit ng mamamayan ang anumang matututunan para sa pagbuti ng kalagayan ng
kalusugan.
45. ___________ ang simula ng paggaling na nakapipinsalang COVID 19

Para sa bilang 46-55. Tukuyin sa mga sumusunod na mga pangyayari ang nagpapakita ng kababalaghan, at
pangkaraniwang pangyayari. Isulat sa patlang ang K kung kababalaghan, at PK kung pangkaraniwan.
_____46. Ang isang diwatang si Alunsina ay nagpakasal sa mortal na si Paubari.

SNHS:Adapt transformational char


for a better avenue of ch
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
SALINUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Ramones St., Salinungan West, San Mateo, Isabela
salinungan.nhs@gmail.com
SCHOOL ID : 300581
_____47.Nagsilang si Alunsina ng tatlong malulusog na sanggol.

_____48. Nagpatawag ang mag-asawa ng isang babaylan upang magsagawa ng ritwal para sa mga sanggol.
_____49. Ang tatlong sanggol ay biglang naging malalakas at magigiting na binata nang mahipan ng hangin
mula sa hilaga.
_____50. Isang lalaki ang umibig sa dalawang magagandang babae.

_____51. Isang lalaki ang nakipaglaban sa isang mabangis na halimaw at walang kahirap-hirap na natalo niya ito.
_____52. Iniwan muna ng lalaki ang asawa sa kaniyang ina.
_____53. Sumangguni ang binata sa kaniyang matanda nang lola.
_____54. Dalawang malalakas na lalaki ang naglaban sa loob ng pitong taon subalit walang natalo sinuman sa
kanila.
_____55. Ang hininga ng malakas na binata ay nakatago sa isang baboy-ramo.

Para sa bilang 56-60. Tukuyin kung anong uri ito ng Editoryal.


56. Ipinaliliwanag o nililinaw ang isang isyu sa hangaring higit na maunawaan ang balita o pangyayari.
A. Nagpapabatid C. Namumuna
B. Nagpapakahulugan D. Nagpaparangal
57. Binibigyan kahulugan ang mga pangyayari o kasalukuyang kalagayan sang-ayon sa paningin o pananaw ng
pahayagan.
A. Nagpapabatid C. Namumuna
B. Nagpapakahulugan D. Nagpaparangal
58. Hayagang panunuri ngunit di naman pagbatikos tungkol sa mainit na isyu. • Nanghihikayat- mabisang
nanghihikayat sa mambabasa upang sumang-ayon sa isyung pinapanigan o pinaninindigan ng pahayagan
A. Nagpapabatid C. Namumuna
B. Nagpapakahulugan D. Nanlilibang-
59. Nag-uukol ng papuri o karangalan sa isang tao o kapisanang nakagawa ng kahanga-hanga
A. Nagpapabatid C. Namumuna
B. Nagpapakahulugan D. Nagpaparangal.
60. Tumatalakay ito sa anumang panig ng buhay, kaya’t madalas na nakawiwili ang paksa, nakalilibang sa mambabasa
o nakapagbabalik ng masasaya o maging sentimental na alaala
A. Nagpapabatid C. Namumuna
B. Nagpapakahulugan D. Nanlilibang

Inihanda ni: Iwinasto ni: Pinagtibay ni:

MARICEL S. CARIAGA MARICRIS M. GAMBOA DENNIES M. LINTAO, EdD


Guro sa Filipino MT-II P-IV

SNHS:Adapt transformational char


for a better avenue of ch
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II CAGAYAN VALLEY
SCHOOLS DIVISION OF ISABELA
SALINUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Ramones St., Salinungan West, San Mateo, Isabela
salinungan.nhs@gmail.com
SCHOOL ID : 300581

SNHS:Adapt transformational char


for a better avenue of ch

You might also like