You are on page 1of 1

Erica Lyn G.

DIONSON 12 HUMSS (OCTANS)

Larawang Sanaysay Tungkol sa Sportsfest

Ang mga naganap sa Sportsfest ng First Academy of Skills and Technology Inc noong nakaraang linggo
ika 5 hanggang 9 ng Hunyo. Sa unang araw ay naghanda ng maikling parada ang paaralan upang
salubungin ang pagdaraos ng Sportsfest. Maraming mga estudyante ang nakisali sa parada at
pagkatapos ay nagsimula na ang unang kategorya ng kaganapan. Ito ay isang cheerdance na
kompetisyon na naglalaman ng tatlong grupo na galing sa iba't-ibang strand na meron ang paaralan.
Nagpapakitaan ng kanya-kanyang mga pagalingan ng pagsayaw ang iba't-ibang grupo at pagkatapos ng
sayaw ay tumungo naman sa ibang gawain ng kaganapan.

Nagsimula na ang iba't-ibang kompetisyon sa larangan ng sports merong Basketball, Volleyball,


Badminton, Futsal na ginanap sa Pahanocoy Gym at ito ay nasa labas na ng paaralan. Habang merong
kaganapan sa labas ng paaralan meron ding kaganapan sa loob ng paaralan kung saan matutunghayan
ang iba't-ibang uri ng kompetisyon kagaya ng Chess Tournament, Arm wrestling. Lahat ng mag-aaral ay
nakisali at nanunuod ang kanya-kanyang kategorya ng palaro. Kanya-kanyang ng pagche cheer sa mga
kanilang kaklase na sumali sa ibang mga sports at sa mga kanilang mga sinusuportahan na mga
estudyante. Sa loob ng isang linggo ay ginanap ang ibang kaganapan ay masayang pumupunta ang mga
estudyante sa Pahanocoy Gym.

Sa loob ng isang linggo ang Sportsfest ay masayang makakita ng iba't-ibang talento ng mga estudyante.
Sa larangan ng sports o pagsayaw at pagkanta. Sa bawat araw na nanunuod ng mga manlalaro na
pawisan at nagpapakita ng kanilang talento kasama ang aking mga kaklase at kaibigan. At sa ika-tatlong
araw ng Sportsfest ay masayang manuod ng basketball ng mga kaklase na naglalaro. Nakakatuwa ding
panuorin ang mga babaeng naglalaro na nakikipag agawan ng bola maraming naghihiyawang mga
estudyante sa ganitong palaro.

Nanuod din kami ng aking mga kaklase ng volleyball dahil dalawa sa aming kaibigan ang sumali sa
volleyball. Lumipas ang ilang mga araw na nagdaan sa Sportsfest humantong nasa pinaka huling araw ng
kaganapan na ito. Sa huling araw ng Sportsfest ay naglabanan naman ang tatlong mga strand na meron
ang paaralan ng mass dance. Pagkatapos ng mass dance ay nagpakitaan ng kanya kanyang talento ng
pantimpalak kung saan matutunghayan ang magagaling sa pagsayaw, pagkanta at iba pang nilang
katangi tanging talento na tinatago. Nang matapos ang mga kaganapan na ito ay nag awarding nasa mga
iba't-ibang kompetisyon na meron nung Sportsfest naghihiyawan ang mga estudyante na nasa luob ng
Pahanocoy Gym. Masaya nilang nalaman kung sino sino ang mga nanalo sa mga kompetisyon at
nagkukuha ng mga litrato at hanggang sa masayang nagsi uwian ang mga estudyante.

You might also like