You are on page 1of 1

Ibinahagi ni G.

Richard Apresto, eksperto sa larangan ng radio


broadcasting, ang mga makabagong pamamaraan sa ibat ibang aspeto ng
pamamahayag sa mga estudyante ng Philippine Science High School sa
Eagle Ridge Resort, Davao City, ika-3 Setyembre.
Inihanda ng tagapagsalita ang mga estudyate sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga payo at pagsasagawa ng ibat ibang gawain. Ang haylayt
ng sesyong ito ay ang pagtatanghal ng radio broadcasting na magtatagal ng
tatlong minuto, kung saan ipinangkat sa 13 grupo ang mga kalahok, na
binubuo ng anim na grupo mula sa mga mamamahayag ng Filipino, at
limang grupo mula sa English, isama pa ang tig-isang grupo ng mga
tagapayo ng pahayagan ng Filipino at English.
Nagpamalas ang bawat grupo at nabigyan ng ibat ibang puna sa
kahinaan at kalakasan sa radio broadcasting, mula sa Teknikal na Elemento
hanggang sa Pinakamahusay na iskrip. Sa kabuuan, nagalak si G. Apresto sa
talentong ipinamalas ng mga Isko. Binigyang parangal din ang mga grupong
nagwagi sa ibat ibang larangan, mapa-indibidwal o grupong kategorya.
Your performances are commendable. ani ni G. Apresto sa mga
nagtanghal, na nag-iwan ng marka ng hamon sa bawat iskolar.

You might also like