You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ INSTITUTE OF SCIENCE AND


TECHNOLOGY
Nagtahan, Sampaloc Maynila
KOLEHIYO NG EDUKASYON

MGA NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

MALA-MASUSING
BANGHAY-ARALIN
Paksa: Iba’t ibang Uri ng Diskursong Pasalita - Interbyu

Pangkat at Programa:
Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon - Medyor sa Filipino 3

Ipapasa ni:
Bb. Marll Franchesca Contine Mercado
Gurong Nagsasanay

Ipapasa kay:
G. Jayson P. Payte, MAT
Gurong Tagapagsanay

Petsa: Ika-16 ng Pebrero 2023


Republika ng Pilipinas

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ INSTITUTE OF SCIENCE AND


TECHNOLOGY
Nagtahan, Sampaloc Maynila
KOLEHIYO NG EDUKASYON

MGA NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:

❖ Naipapaliwanag ang ibig sabihin ng Iba’t ibang Uri ng Diskursong Pasalita


❖ Nauunawaan ang kahulugan ng Interbyu
❖ Napapahalagahan ang tungkulin ng interbyu sa pakikipagugnayan sa iba.

II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin: Iba’t ibang Uri ng Diskursong Pasalita (Interbyu)

B.Sanggunian:https://prezi.com/8tida7aftfl1/ano-ang-kahulugan-layunin-at-kahalagahan-ng-
interbyu/

https://www.scribd.com/doc/127743455/Ang-Pakikipanayam-o-Interbyu

https://sites.google.com › ftuyac04
Ang Pagpapahayag o Diskurso - Google Sites

C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Gadyet (Selpon, Laptop)

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro
A. Panimulang Gawain
⮚ Panalangin
⮚ Pagbati
⮚ Pagtala ng mga lumiban sa klase
⮚ Pagbibigay ng Alituntunin

B. Panlinang na Gawain
Pagganyak: Hula niyo, Tumpak niyo!
Republika ng Pilipinas

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ INSTITUTE OF SCIENCE AND


TECHNOLOGY
Nagtahan, Sampaloc Maynila
KOLEHIYO NG EDUKASYON

MGA NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

Panuto: May ipapakita sa presentasyon na mga larawan at huhulaan ng klase kung ano ba ang
salita na mabubuo rito at maaring ilagay sa comment section ang sagot para sa partisipasyon ng
lahat ngunit magtatawag ang guro ng isa o dalawa para sa pagpapaliwanag.

C. Paglalahad
a. Ano-ano ba ang nalalaman ng mag-aaral patungkol sa paksa (interbyu)?
b. May karanasan na ba ang mga mag-aaral sa pakikipagpanayam o pag-iinterbyu?
c. Nasubukan nyo na ba ang makipagpanayam?
d. Paano ninyo isinagawa ang pakikipagpanayam?
e. Ano sa tingin ninyo ang kahalagahan ng interbyu?
f. Magbibigay ang guro ng kahulugan at paliwanag sa Uri ng Diskursong Pasalita
(interbyu).

D. Talakayan
Republika ng Pilipinas

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ INSTITUTE OF SCIENCE AND


TECHNOLOGY
Nagtahan, Sampaloc Maynila
KOLEHIYO NG EDUKASYON

MGA NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

Sa pagpapatuloy ng talakayan ang guro ay papalawakin pa ang paksa patungkol sa


(interbyu). Babalikan ulit ang mga representasyon sa larawan mula sa Panlinang na Gawain.
Mula sa bawat larawan ay ilalahad ng guro ang kahulugan nito at ang representasyon nito ukol sa
paksang Interbyu.
Itatanong ng guro na:
a. Ano sa tingin nyo ang representasyon ng nasa larawan?
b. Ipaliwanag kung ano ang representasyon na nasa larawan.

E. Paglalahat
Magtatanong ang guro base sa naunawaan ng klase. Mga katanungan:
 Sa inyong palagay klase bakit natin kailangan pagaralan ang Interbyu?
 Naranasan mo na bang ma interbyu o ikaw ang naginterbyu sa iba? Ibahagi.
 Ano ang kahalagahan ng interbyu sayo bilang isang mag-aaral at parte ng
lipunan?
Kukuha ang guro sa isang volunteer na mag-aaral upang ibahagi ang kanyang karanasan
sa pag-iinterbyu. Magtatawag ang guro ng ilang magaaral na kung saan ipapakita nila kung
paano nagaganap ang interbyu batay sa kanilang natutuhan sa katatapos lang na talakayan at dito
makikita ng bawat isa kung naisasagawa ba ng maayos ang pakikipag panayam

F. Pagtataya

(Indibidwal na Gawain)

A. Panuto: Sagutan ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1.Ano ang interbyu? (2 puntos)

2. Ito ay uri ng pasalitang diskurso sa pagitan ng dalawa o ilang tao.

3. Ito ay uri ng pasalitang diskurso sa harap ng maraming tao.

4. Ano ang layunin ng interbyu?

5. Magbigay ng isang pamantayan sa pagpili ng interbyu at ipaliwanag ito. (5 puntos)

6. Magbigay ng isang halimbawa ng pamantayan sa pagpili ng interbyu.

7. Ito ay paraan ng pagpapahayag na gumagamit ng mga ortografikong simbolo gaya ng mga


letra.
Republika ng Pilipinas

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ INSTITUTE OF SCIENCE AND


TECHNOLOGY
Nagtahan, Sampaloc Maynila
KOLEHIYO NG EDUKASYON

MGA NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

8. Ito ay ang verbal na paraan ng pagpapahayag,

9. Anong pamantayan sa pagpili ng interbyu na kung saan dapat alamin ang kanyang katangian,
kung maaari bang paniwalaan ang kanyang pahayag.

10. Anong pamantayan sa pagpili ng interbyu na kung saan dapat alamin ang kanyang abeylabol
na oras upang hindi maabala ang interbyuwi.

B. Maghanap ng isang kaparehong kaklase at gumawa ng pribadong pasalitang diskurso.


Isulat ang interbyu at mga napag-usapan sa sagutang papel.(10 puntos)

IV. Sintesis:

Para sa ating sintesis, panoorin ang link na ito:

https://youtu.be/a2CzM7qd6Ao

V. Takdang-Aralin
Panuto: Magkakaroon ng pangkatan na mahahati sa limang miyembro (5) na kung saan ang
bawat grupo ay magsasagawa ng duladulaan kung paano ba ginaganap ang interbyu maaring
dalawahan, isahan o maramihang halimbawa ng interbyu Pagkatapos ng dula dulaan ay gagawa
ang mga mag-aaral ng Sanaysay tungkol sa mga natutunan nila sa duladulaan ng bawat grupo.

Pamantayan sa Pagmamarka

Wasto ang impormasyon na ipinakita sa dula 15 puntos


Angkop ang isinadula sa tema ng gawain 10 puntos
Maayos at makapukaw-pansin ang sanaysay 15 puntos

Kabuuang Puntos 40 puntos


Republika ng Pilipinas

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ INSTITUTE OF SCIENCE AND


TECHNOLOGY
Nagtahan, Sampaloc Maynila
KOLEHIYO NG EDUKASYON

MGA NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

Inihanda ni:

MARLL FRANCHESCA CONTINE MERCADO

You might also like